Chapter 04: Baby Bump
#HHFM Chapter 04:
Baby Bump
* * *
"What about your love life? Do you have a boyfriend?"
Kusang napalayo ang mukha ko sa tapat ng laptop screen nang mabasa iyon. I could hear Natalie's laugh inside my head. Pati nga ang boses ng late night show host, naririnig ko. Hindi ko maibaba ang mga mata ko para ipagpatuloy ang pagbabasa. I shouldn't have read this. Cali shouldn't have sent this to me. Hindi pa nga ito nire-release dahil bukas pa ieere ang interview.
I scrolled down to read her answer. Tumaas ang kilay ko nang mabasa ang sagot niya, "Wala pa."
The article ended by leaving the readers with something to gossip about. Of course, inintriga lang nila lalo dahil "Wala pa" ang sagot. May word na pa, meaning na wala ngayon pero magkakaroon.
Hindi na ako magugulat kung nasa TV bukas ang pagmumukha ni Ryo. Sino pa ba'ng ibang ili-link kay Talie kundi siya?
Mabenta si Talie sa audience dahil fit sa eurocentric standards ang mukha niya. Hindi ako sure if half-British siya or what, because I really didn't care about her during our college days. Whenever Ryo was asked about his connection with Talie, he would always say that there's nothing going on between them and that was enough to keep me at peace.
Kaya hindi ko makuha kung bakit ngayong break na kami e saka pa ako nagkainteres kay Talie. Kasalanan talaga ni Cali kung bakit pati ako, nagiging tsismosa na. I was never interested in showbiz.
I sighed and stretched a bit. I've read that it's better for pregnant women to remain physically active.
Bahala na. I went back to my desk and did a quick Google search of her name on my laptop. Turns out, she's half-Spanish. Matunog naman na talaga ang pangalan niya noon pa dahil maganda talaga ang rehistro niya sa camera—isa sa mga dahilan kung bakit ayaw siyang palitan ng school bilang courtside reporter dati. I kept digging into the articles to know more about her, and my lips twisted when I saw Ryo's name beside hers in gossip headlines.
I checked her Instagram account, carefully scrolling through her profile; I didn't want to accidentally like any of her photos. Sandamakmak na brands na rin ang ini-sponsor-an siya. Surprisingly, there's no photo of her with Ryo, and a part of me felt relieved for some reason.
But, one of her latest photos bothered me. May hawak-hawak siyang cake, at hindi ko alam kung ano ang sine-celebrate niya pero nababahala ako sa caption niyang: Thank you, R.
Sino iyong R? Si Ryo? I checked the date and it was posted eight days ago. Hindi rin ako sigurado kung si Ryo ba iyon dahil wala naman akong alam sa pinaggagagawa n'on sa buhay. Like the usual, wala kaming pakialamanan. Si Raianne pa rin ang katabi ko sa hapag at hindi siya. Binibisita lang niya ako sa kuwarto kada uuwi siya galing sa gym. Tsine-check niya lang yata kung buhay pa ako o ano, tapos wala na ulit. I don't even get to see him at dinner sometimes.
I shut down my laptop. I didn't like the idea that I was stalking Talie. Naiinis lang ako. At bakit ko naman iinisin pa lalo ang sarili ko kung puwede ko namang itigil?
Tinawag na ako dahil kakain na raw sa ibaba. Lately, naging magugutumin na yata ako. I also noticed that I have been gaining some weight. Nga lang, kahit nagugutom yata ako ngayon e parang ayaw kong bumaba dahil narinig ko ang boses ni Ryo kanina kaya alam kong nakauwi na siya. I don't want to see him. Tama bang gamitin kong excuse na naiirita ako sa mukha niya para puwedeng hindi ako sa ibaba kumain?
I had to remind myself na nakikipisan lang ako. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng nakikitira sa ibang bahay. Kahit na alam kong hindi isusumbat ng pamilya niya sa akin na pitong buwan nila akong kukupkupin, hindi mawawala ang pakiramdam na may utang na loob ako sa kanila. Saka ang hirap din na hindi ko magawa ang gusto ko dahil nahihiya ako sa kanila.
Sa huli ay bumaba rin ako kahit na alam kong makikita ko si Ryo. Nakahihiya kasi na paghihintayin ko pa sila. At alam ko ring bubungangaan ako ni Ryo kung sakali mang ganoon ang mangyari. Maririndi lang ako.
But when I got there, I noticed that Ryo was already sitting on the chair beside where I would usually sit, at si Raianne ay nasa kabilang side niya. I looked around and noticed that his parents were not there yet, so I took the opportunity to talk to him without holding back.
"Bakit ka diyan nakaupo?" tanong ko, still not sitting because I don't want him beside me. Dati, ang lagi niyang minamaktol sa nanay niya e ayaw niyang ako ang katabi niya, kaya nga sila nagpalit ni Raianne. Tapos ngayon, diyan siya uupo? Ano, nang-iinis lang?
"Bawal ba?" tanong niya pabalik. Narinig kong sinaway siya ni Raianne pero wala yatang uubra sa katigasan ng ulo niya bukod sa nanay niya.
"Akala ko ba, ayaw mo 'kong katabi?"
Iritable siyang napakamot sa batok niya.
Napaayos ako ng tayo nang dumating si Tita. Kumunot ang noo nito nang mapansing hindi pa ako umuupo. She motioned for me to sit but I didn't. Naiinis ako kay Ryo. Tapos naalala ko pa ang cake ni Talie.
Siya ba ang bumili n'on? Nagkita sila? Kinain nila nang magkasama?
"Just sit, Frankie," Ryo said, shaking his head. He even pulled the chair out for me.
"Is there a problem?" Tita asked. Napalingon ako sa kaniya at umiling. Ryo cupped his forehead, then he pinched the bridge of his nose.
"Si Frankie, nag-iinarte," aniya. Imbes na sumunod ako sa gusto niyang mangyari dahil nakahihiya kay Tita, parang lalo yatang nag-init ang ulo ko roon. Sa iritasyon ay padarag kong itinulak papasok ang upuan kaya napalingon siya sa akin.
"Ano na naman ba 'yon?" he asked, at siya pa talaga ang may ganang ma-frustrate? I get that he's probably tired dahil wala siguro siyang ginawa kanina kundi magpa-ikot-ikot sa court, pero hindi naman iyon excuse para buwisitin niya ako.
"Ayaw ko ngang katabi ka," I told him. Simple lang naman ang kailangan niyang gawin, switch seats with Raianne. He wouldn't even break a sweat from doing that. Noong siya itong nagrereklamong ayaw niya akong katabi, nagawa naman niya, a? Bakit hindi niya gawin ulit ngayon?
"Masamang hindi pinagbibigyan ang buntis, Ryo," Tita said. Inilalagay na ng kasambahay nila ang pagkain sa mesa pero hindi pa rin kami natatapos ni Ryo sa simpleng usapan ng seating arrangement. Kahit na gusto ko siyang sabihan na bakit dito pa siya kumakain kung madalas naman siyang wala ay hindi ko magawa dahil bahay niya ito. I've rarely seen him at dinner for the past week tapos ngayong narito siya, paiinitin lang niya ang ulo ko.
"I want to sit here," he said firmly. Tumayo na nga si Raianne at sinabihang palit na sila pero hindi pa rin siya natitinag.
"Ayaw nga kitang katabi. Saka hindi naman diyan ang puwesto mo, a?" hindi ko napigilang sabihin. Maliit na bagay pero napalaki namin dahil ang hirap niyang kausap.
Napakamot siya sa kilay niya. He sighed heavily before letting his head loll on the side. Frustration was all over his face. "Ang dami mong problema e," tamad niyang sabi. He reached for the chair again and pulled it back. "Umupo ka na lang."
Cali already warned me about being emotional during my pregnancy. I had to clench my fist and control myself dahil baka kapag hindi ko napigilan e lumipad talaga ito sa mukha niya. I blinked rapidly because I felt my tears starting to build up. Mabilis na nga akong maiyak kapag naiinis, paano pa kaya ngayong buntis ako?
"I don't want to see you while eating," I said through gritted teeth. He scoffed. I glanced at the people around us and nobody wanted to interfere. Buti nga't wala pa si Tito, dahil kung narito na siya, magmumukhang kami pa ni Ryo ang nagpapa-delay ng hapunan.
"E 'di, 'wag kang sumabay," pagalit niyang sabi.
"Ryo!" saway sa kaniya ni Tita.
I took a deep breath. Ibinalik ko ulit ang upuan sa pagkakaayos n'on sa may mesa at iniwan sila roon, not minding if it was disrespectful or what. Ryo was rude to me!
Pagkarating ko sa kuwarto ay isinara ko kaagad ang pinto at ini-lock. I found myself sitting on the floor, hugging my knees. Hindi ko alam kung naiiyak ba ako sa gutom o naiiyak ako sa inis kay Ryo, o parehas kaya grabe ang hagulgol ko.
I know that he doesn't like me because I feel the same, but that was completely unnecessary. Saka hindi ba niya natatandaan ang sinabi ng doktor na huwag niya akong i-stress-in? Bakit kabaliktaran ang ginagawa niya?
I forced myself to stop crying because it made me feel tired. Pumuwesto na lang ulit ako sa desk at binuksan ang laptop. Crying made me feel worse. Lalo lang yatang lumala ang gutom ko, and all I had was my water bottle.
"Ang sama-sama ng ugali ng tatay mo," sabi ko sa anak ko habang nagtitiis sa tubig at nagsi-scroll sa YouTube para manood na lang ng kung ano-ano para ma-distract. Ryo was so mean. How could he say that to me? Alam kong childish siya, but that was too much. Or maybe I'm just dramatic.
I grumbled when I saw Ryo's face on the screen. Hanggang dito ba naman, may advertisement niya? I don't want to see his face!
Wala namang rumerehistro sa isip ko habang nanonood. Alam kong hindi ko dapat inuuna ang pride ko lalo na't buntis ako, pero hindi ko magawang bumaba para kumain dahil baka nagsisimula na sila. Ngayon ko lang na-process ang kahihiyang ginawa namin ni Ryo sa ibaba. I hope Tita isn't mad at me for ditching the dinner.
I snapped out of my daydream when I heard something. It sounded like someone was kicking the door or forcing it to open. I paused the cooking video that was playing on my laptop, thinking of ways to make Ryo bleed before I get the door. Napapikit ako nang mariin nang makita ang biktima ng ini-imagine kong murder pagkabukas ko ng pinto.
"Halika na, kumain na tayo," maamo niyang sinabi na parang napakabait niya, pero ang totoo ay napakasahol ng ugali niya. Ang galing talaga niyang um-acting. Iyong sa energy drink ad nga, mukhang sarap na sarap siya e ayaw niya naman n'on.
I kept my eyes shut. "Kumain ka mag-isa mo. Saka hindi pa ba sila nagsisimula? Ano'ng ginagawa mo rito?"
I heard him scoff. "Mommy threw me out of the dining room."
Napamulat ako. May hawak-hawak siyang tray na may lamang pagkain. Wala na ang mayabang niyang pagmumukha at hindi na siya makatingin sa akin nang deretso. Gusto kong matawa. Napagalitan naman pala kaya narito.
"Kumain ka sa kuwarto mo," I told him. He sighed, looking so irritated.
"Come on, Frankie. You're pregnant. Don't skip meals." Tuluyan akong natawa. Siya pa ang may ganang magsabi n'on e siya nga ang dahilan kung bakit nagtitis ako sa gutom ngayon at nanonood na lang ng videos ng pagkain! Ang gulo rin niya e!
"Maybe if you weren't so annoying earlier, we wouldn't have this conversation now," I said and flashed him a fake smile. Ginantihan niya rin ako ng pekeng ngiti kaya napasimangot ako. Hindi ko mabasa kung gusto niya ba talagang mag-sorry o ano e.
"Oo na nga, mali nga ako," he said but I still wasn't convinced. Problemadong-problemado na ang mukha niya.
I raised a brow at him, urging him to say the word, at alam niya na rin iyon dahil ganito rin kami kapag nag-aaway kami noon, but he shook his head, so I shrugged. I was about to slam the door shut, but he blocked it with his foot. He had to regain his balance dahil baka matapon ang hawak niya.
He groaned. "Frankie naman e."
I made a face. "What?" Ang dali-dali ng sasabihin niya, hindi niya pa masabi?
He stood properly. "Sorry," he whispered.
He lifted his gaze at me when I didn't move or say a word.
"Sorry, sabi ko," he repeated, a little louder and clearer this time.
"I heard you," I replied.
His nose scrunched. Umiwas ako ng tingin bago niya pa ako gamitan ng pagpapaamo niya. "Kain na tayo."
Pinapasok ko na siya hindi dahil sa tinatanggap ko ang sorry niya kundi dahil nakatatakam ang amoy ng kare-kare. Itinabi ko ang laptop para maipuwesto niya sa desk ko ang tray. Kinuha niya ang upuan sa tapat ng wall closet at hinila para makaupo sa puwesto niya.
Neither of us tried to start a conversation. Hindi na ako nag-react nang sandukan niya ako ng ulam. He looked like he was trying to say something pero kada pag-aangatan ko siya ng kilay ay umiiling lang siya.
I stood up after we finished eating. I heard him clear his throat while he was cleaning up kaya napalingon ako sa kaniya.
"Do you need new clothes?" mahina niyang tanong.
Napatingin ako sa sarili ko sa harap ng tokador. My weight gain isn't that drastic, but my small baby bump is starting to get a bit more noticeable, especially now that I'm wearing a stretchy tank top. Sinukat ko naman ang mga skirt at slacks ko kanina at kasya pa naman. Most of the blouses that I have are loose-fitting kaya hindi naman ako magkakaproblema pa sa damit.
"Hindi pa naman," I answered, my eyes still glued on my baby bump. I gently poked it with my fingers. Now that it's starting to show, parang mas ramdam ko tuloy na buntis na talaga ako.
I looked at Ryo. He was refilling my tumbler. Ibinalik ko ang tingin sa sarili. I contemplated on whether to ask him if he wanted to touch the baby bump.
Awkward ba iyon?
Napailing na lang ako sa naisip. Wala nang mas o-awkward pa sa nakatira kami sa iisang bahay pero hindi naman na kami.
"Ryo," tawag ko sa kaniya. He stopped cleaning up my desk and turned to look at me.
"Ano?"
"Do you wanna touch it?" Iniwas ko kaagad ang tingin at pumaling sa repleksiyon sa salamin. Wala akong narinig na tugon sa kaniya kaya akala ko, ayaw niya. Ngunit ilang saglit lang ay nasa likuran ko na siya.
"Okay lang?" paalam niya. I nodded and grabbed his hand. I felt him flinch a little but I didn't say anything.
I put his hand on the baby bump. Parang nanigas yata ang kamay niya at hindi niya maigalaw. I looked at our reflection and I saw him gulp. I waited for him to be comfortable before letting go of his hand.
"N-Naramdaman mo na bang gumalaw?" he asked, whispering. I shook my head.
"Baka next month?" he asked again and I nodded. Napanguso siya roon. Pinigilan kong mapangiti. Mukha siyang batang excited sa kung ano.
"Sa tingin mo, babae o lalaki?" tanong niya ulit. I shrugged. Wala naman akong pakialam dahil hindi ko rin talaga alam kung ano'ng gusto ko. All I want is for our baby to be healthy. Saka sana, kahit paano ay may makuhang feature mula sa akin at huwag sana puro kay Ryo.
"Ano kaya'ng magiging pangalan?" Ang dami niyang tanong. I'm just on my third month of pregnancy kaya hindi ko rin alam ang isasagot sa kaniya. Hindi ko na lang pinupuna dahil ang gaan din sa pakiramdam na ganito lang kami, tahimik lang.
"I wonder who's inside. Is it Raiko or Lyra?" tanong niya at bahagyang natawa, pero parang na-estatwa ako. His chuckles faded and his hand stopped caressing my baby bump when he realized what he just said. Agad niyang binawi ang kamay at bumalik sa inaayos niya.
My tongue poked the inside of my cheek. I wiped the sweat on my forehead with the back of my palm.
Now, that's awkward. I couldn't blame him because he looked too happy. I dated him for four years so I know how he would look when he's happy and excited. For a moment, he might have forgotten that we already split up . . . and Raiko and Lyra were a part of our past. Kasama iyon sa plano namin noon. Those were supposed to be the names of our babies if we didn't break up and if we had our plans progress.
Tumikhim siya. "Sorry. Baka ibang pangalan ang gusto mo."
Hindi na ako umimik.
Honestly, I still want those names. We agreed with those names when we were still together. Nga lang, hindi mapigilang kahit paano ay may dalang kirot kapag iniisip ko. In a few months, magkakaroon kami ng Raiko o Lyra na nasa plano namin. Pero ang plano naming kasal at bahay? Wala.
Dapat ba akong matuwa na kahit isa lang sa mga plano namin ay natupad?
After he finished cleaning up, sinabihan niya lang akong katukin siya kapag may kailangan ako mamaya, tapos ay tahimik nang umalis.
I lightly slapped my cheeks twice. Ano naman kung hindi matupad ang lahat ng plinano namin? At least both of us are okay with our lives now.
Ryo was my first in almost everything. I even believed that it was all too good to be true because he was out of my league. Isa pa, ang hirap lumandi sa hindi ko ka-social class. Pumasok ako sa kolehiyo nang single at gr-um-aduate nang may boyfriend. Cali even told me before that Ryo spent five years in college para sabay kaming gr-um-aduate. Hindi ako naniwala noon dahil ang inisip ko lang na dahilan ay gusto niya pang maglaro.
I would be lying if I would say na hindi ako nanghihinayang kahit paano. Apat na taon din iyon. Ang dami kong in-invest na feelings. When I decided that we should split up, I didn't think twice. Kahit na may panghihinayang, hindi naman ako ang tipo ng magdadalawang-isip makipaghiwalay dahil lang sa tagal ng relasyon. If I want it to end and if it already hurts too much, wala akong pakialam kung gaano katagal, tatapusin ko talaga.
After cleaning up my room for a bit to distract myself, I took a quick warm shower to relieve my stress. On regular days, nagsasalpukan talaga kami ni Ryo. Pero kapag nasasaling talaga namin ang pinagsamahan namin sa loob ng apat na taon, parehas kaming natatahimik.
I wonder if it still affects him the way it affects me. Masyado lang talaga akong busy para i-process ang feelings ko, at hindi ko ide-deny na may parte sa akin na sinasadya iyon. I just don't want to wallow in regret.
I tucked myself in bed and forced myself to sleep. I didn't want to think about our past . . . and all of our failed plans.
My rumbling stomach woke me up in the middle of the night. I reached for my phone to check the time at napansing pasado alas-dose pa lang. Out of nowhere, sumusumpong na naman ang gutom ko.
I wore my slippers. I wonder if Ryo is still awake. Sigurado akong pagod siya dahil maghapon siya sa court, kaya may chance na tulog na tulog siya ngayon. But I don't want to snoop in their kitchen.
I wore a sweater before heading out of my room. I used my phone's flashlight while walking on the hallway. His room is at the end of the hall. Magkatapat ang kuwarto ng magkapatid at sa tabi ng kay Raianne ang kuwarto nina Tita.
I knocked softly. Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero naka-lock mula sa loob. Pagkabitiw ko roon e bigla na lang iyong bumukas.
Naabutan ko siyang nasa tainga ang kaniyang phone. Bahagya siyang natigilan at iniwas agad ang tingin.
"Call me some other time," I heard him say before ending the call. Pakiramdam ko, pinipilit niyang hindi ipakita sa akin ang phone niya pero nahagip naman ng mata ko ang nasa screen. Siguro nga't hindi ko nabasa ang pangalan, but I'm sure I saw the initials 'NA' on the contact photo. May kutob na rin ako kung sino iyon, but should I bring that up? No. Why should we talk about Natalie? Why should I care? He has his own life, and I have mine.
"Nagugutom ka?" mahina niyang tanong. Maybe the reason why we're not arguing right now is because of what happened in my room. Kung papipiliin yata ako, mas gusto ko iyong kulang na lang e magpa-baranggay kami sa kaaaway kaysa ganitong ang awkward.
I nodded. Isinara niya ang pinto ng kuwarto niya. He grabbed the hood of my sweater and put it on me. Pagkatapos ay nakadantay na ang kamay niya sa ulo ko hanggang makarating kami sa baba.
I sat down and watched him open the fridge. "You're craving for something?" he asked, shooting me a glance.
"Hindi," sagot ko. Gutom lang talaga ako. Para ngang hindi na ako nabubusog kahit na ang dami ng kinakain ko.
He nodded. Nang maglabas siya ng hinog na hinog na mangga ay parang naglaway na agad ako. I averted my gaze and checked my phone when I felt it buzz.
Nathaniel Torres:
I sent you the pending agendas. Pasok ka sa Monday?
Magre-reply pa lang ako nang hinain ni Ryo sa harap ko ang prutas. He got two spoons at inilagay niya sa tapat ko ang isa. He sat across from me, and I saw him check his phone, too.
Franceska Castañares:
Thank you. I'll be there on Monday.
Nathaniel Torres:
Why are you still awake?
Are you working this late? Bukas mo na gawin 'yan.
"Kain na," narinig kong sabi ni Ryo. Hindi na ako nakapag-reply dahil sumunod ako sa utos niya.
We were silently eating mangoes, at panay ang ilaw ng phone ko gawa ng chats ni Nate. Nahuli ko siyang tiningnan nang masama ang phone ko. Nadi-distract yata siya sa liwanag kaya itinaob ko iyon. But when I did that, I saw him roll his eyes.
His phone suddenly rang. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin doon. I don't even know why he glanced at me first instead of his phone, e hindi naman ako ang nag-ring. Kinunutan ko siya ng noo.
He clicked his tongue before putting his phone on silent. Itinaob niya rin iyon gaya ng ginawa ko. I pursed my lips. Nakaiinis naman. Iniisip niya bang interesado ako roon sa tawag gawa ng reaksiyon ko kanina?
"Nakasimangot na naman," narinig kong sabi niya. Obviously, para sa akin iyon. "'Pag 'yang anak natin, lumabas nang nakasimangot, nako, kasalanan mo 'yan," umiiling niyang sabi. Tiningnan ko siya nang masama pero nang-aasar lang siyang ngumisi. Kasalanan naman niya kung bakit ako nakasimangot!
After eating, I waited for him to finish cleaning up kahit na sabi niya, umakyat na ako. His phone kept on vibrating on the countertop kaya hindi ko mapigilang hindi ma-curious. I had to clasp my hands together dahil baka hindi ko mapigilang kunin ang phone niya at tingnan.
"Tara na," aniya pagkatapos. He got his phone, and I saw his brows furrow while looking at the screen. My lips twisted when I saw him turn his phone off.
Mauuna akong pumasok sa kuwarto dahil mas malapit sa hagdan ang akin. He also stopped walking when I stopped in front of my room.
Ano ba'ng sasabihin ko? It's not like we're good friends after we broke up. Thank you? Thank you sa mangga?
Instead of saying anything, tumalikod na lang ako. Pinihit ko ang doorknob at narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.
"Frankie."
"What?" tanong ko, at nilingon siya.
He didn't speak. He kept on chewing on his lower lip as his gaze went down to the floor.
"Ano . . . " he trailed.
"Ano?" I asked. Tumaas ang kilay ko dahil nang ibalik niya sa akin ang tingin niya ay mukha na naman siyang naiinis! E wala naman akong ginagawa!
"Kainis naman 'to e," I heard him mumble as he scratched the back of his head. Lalo lang kumunot ang noo ko.
"Ano ba 'yon? May sasabihin ka ba?" I asked, starting to get annoyed. May kailangan ba siya?
"Good night," he said so quickly as if he didn't want me to hear that.
"'Yon lang. Good night, Frankie," nagmamadali ulit niyang sabi. Umawang ang labi ko nang makita siyang takbuhin ang daan pabalik sa kuwarto niya at agad na pumasok sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top