Chapter 4

Chapter 4

I decided to visit him more. When I'm bored at the mansion and always find everyone's busy, i always sneak out at lumalabas agad.
Nag tataka narin ang ibang kasambahay dahil malimit ang iba akong makita at inaakala nilang taong kwarto lang ako.

"Gusto mong maligo sa dagat, Ma'am Gabriela? Hindi po masyadong mainit ngayon at masayang maligo."

I nodded. "Mag bibihis lang ako."

Kumuha ako ng roba pagkatapos suotin ang one piece swimsuit ko. Tumingin ako sa salamin para tignan ang aking sarili. Sinipat ko ang aking katawan na tingin ko'y medyo namamayat.

I'm not on diet but stressful mindset can change my appearance a lot. Simula nung nagka problema sa amin ni Clyde ay nawawalan na ako ng ganang kumain.

Huminga ako ng malalim at sinuot ang aking roba. Hinayaan kolang na sumayad ang aking maalong buhok sa likod.

"Maganda at masarap talagang maligo dito!"

Tumango ako bilang pang sang ayon kay Ate Ysay.

Pinirme ko ang sarli ko sa sunlounger at ibinaba ang shades upang mas maayos na makita ang dagat.

Tanging tunog lang ng Alon ang naririnig ko na parang nasa dulong dulo na ako ng mundo. Peaceful at nakaka enjoy.

"Hindi pa po ba kayo maliligo?"

Umiling ako. "Mainit pa...."

"Naku! Sa bagay ay dapat iniingatan mo ang kutis mo, Ma'am! Marami ka bang manliligaw sa maynila?"

"Tama lang.."

Naramdaman ko ang pag highik niya sa aking tabi. Napainom ako sa aking juice at muling nanahimik.

"Mag bebente na ako, Ma'am sa makalawa! pero parang wala namang balak ako ligawan ni Raul!"

With furrowed eyebrows, i looked at her. Medyo nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng pag nguso.

I can't believe she's twenty years old na. Mukhang hindi dahil parang mas mature ako dito.

Umupo ako at tinignan siya. "Raul? Who's that? Your boyfriend?"

"Boypren ba tawag doon? Ni hindi pa nga ako nililigawan pero grabe mag pakilig! guster naman!"

Muling napakunot ang nuo ko.

Guster? What was that?

"Raul is one of my bodyguard right?" Nanliliit na mata kong tanong sa kanya.

Sa totoo lang ay hindi ko sure kung Isa ba sa bodyguard ko iyon pero may narinig akong Raul ang pangalan sa isa sa mga sumunod sa akin dito.

She laughed cutely and it makes my brows more furrowed. Medyo kinulot kulot nya pa ang tali sa aking roba at mamula mula ang mukha.

"Kaso Ma'am.. pinapunta siya ni Señora Helena sa maynila kaya di na kami nagkikita o nag titix.."

Tumango ako. That's sad. Medyo tumagal pa ang usapan namin ni Ate Ysay nang bigla siyang tawagin ni Manang Rosa. Madali siyang umalis kaya ako nalang ang naiwan.

Bumabad ako sa dagat nuong medyo kumulimlim na ang langit.

"Hmm.."

Dinamdam ko ang tubig alat na dumadampi sa akin. I floated and relaxed myself a bit leaving all my negativity problems behind.

Ilang oras pa ay napag pasyahan kong bumangon. Pinunasan ko ang aking katawan at sinuot ang denim shorts at cardigan ko. Mabilis ang bawat galaw ko paalis habang sinusulyapan ang mansyon kung lalabas ba si Ate Ysay duon.

Pinasadahan ko ang aking buhok at tahimik na naglakad sa dalampasigan. Napadaan ang aking tingin sa isang bangka na pumapalapot malapit sa lupain ng mga Casciano. Mukhang mga mangingisda iyon.

"Mukhang maraming nahuli! Buti nalang at tumulong si Sir! mukhang naakit ang mga isda!"

Nagsitawanan ang mga kalalakihan sa malayo. Lumapit ako lalo at medyo napahinto nang matanto kung sino ang dinapuan ng mga mata ko.

A familiar figure makes me excite more. Mabilis ang aking pag galaw at lumapit sa bangka.

"Good Afternoon!" Ngiting ngiting bati ko.

Sumulyap sa akin ang iilang mangingisdang matanda duon. Ngumiti ako sa kanila at ganun rin sila sa akin.

Parang kilala nila ako.

"Mauuna na kami, Si-"

"What are you doing here?" Iritadong sambit ni Aeson.

Pinanuod ko munang umalis ang matatandang mangingisda bago ako mag salita. I smiled sweetly at him but he choose to ignore it.

"I was just walking by pero nakita ko kayo kaya babati lang sana ako.."

Tumalikod siya at may inayos. He's wearing a blue cargo shorts and black tshirt. Napangiti ako dahil mukhang hard working siya sa lahat ng bagay.

"Nangingisda ka pala.."

"Hmm." Aeson said.

"Marami ba kayong nahuli sa mga ganitong araw? Maganda ang panahon at mukhang malusog ang dagat."

Hindi niya muli akong pinansin. Tumikhim ako at humarap sa kanya. He looked at me and i saw irritation both in his eyes. Pumasada ang kanyang tingin sa aking suot at huminto muli sa aking mukha.

Medyo napayuko ako dahil sa kahihiyan.

Ano bang ginagawa niya?

"You are supposed to attend school and stop roaming around the island." He coldly said.

"P-pero hindi pa ako enroll! Kakalipat ko lang dito dahil tiga maynila ako. Ikaw? Saan kaba nakatira? Laki kaba sa Isla Casceres?"

Medyo malapit na siya papasok sa mansyon kaya di ko alam kung susunod ba ako o ano.

I just want to talk! but his being difficult! I thought this would be easy.

"Hey! I'm talking to you! Hindi maganda tignan kung di mo ako kakausapin! God you're so difficult." I Stuttered.

Medyo naiinis na ako at ilang araw ko na siyang gustong kausapin pero ano? He always snobbing me at duon ako naiinis!

Napapadyak ako at matalim siyang tinignan.

Lumingon siya sa akin. My heart is beating wildly when our eyes met. His jaw moved and his both eyes are warning to me.

He sighed violently. "What do you want?"

Umatras ako.

"Huh?"

"Go home. I don't want to play, kid."

Napaawang ang labi ko. Padabog siyang umakyat sa hagdanan. Mariin akong pumikit at pinilit na ikalma ang puso ko.

"I hate you! and for you information I don't want to play with you so don't call me a kid!" Sigaw ko.

Marahas kong pinasadahan ang mahaba kong buhok. Tumingin ako sa mansyon at medyo napatawa.

I supposed to be mad and angry pero bakit sa pagiging galit niya ako na aattract? He's hot when he's angry and i like that.

I smirked. "Hindi kita titigilan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top