33


Ilang linggo na ang nakalipas at wala pa ring balita tungkol kay Grace. Walang nakakaalam kung nasaan sya, ni anino nya walang nakakita. Pinagdasal ko na sana nasa mabuting kalagayan sya, n asana hindi sya nahuli ni Dexter o kung sino man sa mga goons ni Collin.


Unti-unting napaliwanag sa akin ang mga nangyari. Habang lahat ay abala sa away ni Grace at Vivienne, sinunggaban ni Collin ang guard na pinakamalapit sa kanya at nakuha nya ang baril nito. Binaril niya si Judge at Grace bago itinapat ang sandata sa sarili. Napigilan na naman siya ni Jaxx bago pa man nya ito mapaputok. Subalit dahil sa agawan nila, nabaril nya ang guard at tinamaan ito sa dibdib. Dinala tio sa ospital ngunit kalaunan ay hindi rin sya nabuhay.


Nadurog ang buto sa braso ni Judge Babaral at kinailangan syang operahan. Si Grace na nga ang pinakamaswerte sa kanila kasi tagusan man ang tama ng bala sa may itaas na parte ng dibdib nya, wala itong tinamaan na vital organs. Kaya nya nasabi na ang natamo nya ay isa lamang na "flesh wound".


Naikulong na si Collin sa high security prison at hindi siya binigyan ng piyansa. Hindi pa rin natatagpuan si Rose at dahil dito, nag nervous breakdown si Vivienne. Pinag walang bisa na ang mga akusasyon laban kina Pancho at Damien. Kapalit nito ay impormasyon at lahat ng mga nalalaman nila tungkol sa sindikato na sinabi ni Grace. May mga leads lang sila pero walang ebidensya na malakas para may maaresto na tao. Kung kaya naman bukas pa rin ang modeling agency nila Collin, datapwat humina ito ng todo. Maraming nagsi-alisan na mga modelo dahil sa skandalo.


"Ano na naman iniisip mo?" tanong ni Chino. May dala siyang iced latte para sakin. Hiniling niya na magkita kaming dalawa dahil may gusto siyang itanong tungkol kay Grace. Sabado naman kaya nasa village kami. Palubog na ang araw at si Justin nasa bahay nanonood ng cartoons kaya pumayag ako na magkita kami sa playground.


"Naisip ko lang kung gaano ka gulo yung mga nakaraang linggo. At dahil doon, nakalimutan natin ang kaarawan ni Jaxx."


"Ikaw lang nakalimot," panunya niya at umupo sya sa swing na katabi ko. "Nag-celebrate pa rin kami."


"Bakit hindi ako imbitado?" nagkunwari akong nasaktan. Pero sa totoo, medyo nasaktan talaga ako, subalit wala naman ako sa lugar para magalit. 


Gusto ko kasi sana makapag-celebrate ng birthday nya. Gusto ko sana na meron kaming konting selebrasyon, kahit kaming tatlo lang ni Justin para espesyal. Kaso nga lang ang daming nangyayari noong mga panahon na iyon at hindi naman kami magkaibigan pa, kaya naintindihan ko kung bakit hindi niya ako inimbitahan sa pagsasalu-salo nila.


"Wag ka nang malungkot. Nagtrabaho lang naman kami. Kahit na noong umalis na sya para dumalo sa isang party ng mga amigas ng Mamá nya, kami pa rin kausap niya," tukso nya. "At wag kang mag-alala, wala siyang kasamang ibang babae, wala siyang inuwi. Umuwi siya sa amin ni Uno. Tigilan mo na yang kakaselos mo."


"Sinong nagseselos? Not me."


"Tss. Binisto ka na ng mga mata at tenga mo," pambara nya at uminom na lang ng kape nya. Hindi ko na maitago ang mapupula kong tenga kaya tinanggap ko na lang sinabi nya.


"Ano ba yung gusto mong tanungin sana?"


"Atin-atin lang, alam mo ba kung nasaan si Grace? Yung totoo."


"Chino, promise, hindi." Tiningnan ko sya sa mata para makita nyang seryoso ako at hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Ang alam ko lang ay umalis siya at ayaw nyang mahanap.


"Pero alam mong tumakas siya, diba?"


"Tinulungan ko sya. Binigyan ko sya ng pera at damit."


"Bakit?" nanlaki mga mata niya at kumunot ang noo.


"Bakit hindi?"


"Una, kasi ginawa nyang impyerno buhay mo. Pangalawa, baka alam nya kung nasaan si Rose. Isa pa, hindi mo ba naisip nab aka bigla na naman siyang susulpot sa buhay n'yo ni Jaxx at manggulo na naman?"


"Alam mo, hindi ko naisip iyon. Pero tingin ko hindi na siya babalik kailan man, lalo na at alam niyang pinaghahanap siya ng mga tauhan ni Collin, at baka nga pati mga magulang ni Vivienne. Ang tungkol kay Rose naman, alam naman natin na ang may hawak sa kanya ay mga tauhan pa rin ni Collin kaya sigurado akong hindi nila sasabihin kay Grace kung nasaan si Rose," mahaba kong paliwanag.


"E 'yung una kong rason?"


"Pinatawad ko na sya, A. And she doesn't want to be found kaya hindi ko na rin inispa kung saan at paano sya hanapin. Iyon na lang pasasalamat ko sa ginawa nyang pag-amin, pagtayo sa witness stand, at sa pag expose kay Collin."


Totoong pinatawad ko na siya. Hidni ko alam kailan pero nagawa ko at nasa tamang pag-iisip ako sa mga panahong iyon. Bago pa man siya lumabas ng ospital, napatawad ko na siya.


"Pero hindi naman 'to talaga tungkol kay Grace lang, ano?" kinilatis ko siya ng tingin. Wala naman pakialam masyado si Chino kay Grace at naiintindihan ko na hindi pa rin niya ito napatawad sa lahat ng nagawa nito. Kaya naman kahinahinala kung bakit niya ito hahanapin.


Hindi sya agad sumagot at patuloy lang gumalaw sa swing na kinauupuan nya. Suot nya pa ang kanyang polo barong at naka slacks pa. Kahit Sabado nagtrabaho pa rin sya. Palubog na ang araw at kita sa salamin nya ang repleksyon nito kaya hindi ko makita ang emosyon sa mga mata niya. Kung sabagay, halos hindi naman nagpapakita si Chino ng kahit na anong feelings. Kaya maslalong naging kahinahinala ang pagpunta nya rito.


"May kambal pala tong si Damien, ano? Hindi ko man lang alam." Hindi nya deretsahang sinagot tanong ko pero dahil dito, alam kong tama ang hinala ko.


"Sino ang hinahanap mo, Chino?"


"Isang kaibigan na tingin ko naging biktima rin nila. Nawala siyang bigla, ilang taon na ang nakalipas," sagot nyang wala ng emosyon. Tumingin sya sa malayo habang nilalaro ang kanyang coffee cup. Alam kong hindi pa sya tapos sa paghahanap sa kaibigan nya at hindi sya mapalagay hangga't hindi nya nalaman ang katotohanan. Dapat mas maraming abogado katulan niya ang tumulong sa mga biktima ng karahasan.


"Bakit ayaw mong mag-specialize sa ganitong mga kaso?"


"Kasi baka magkaroon ako ng feelings," payak niyang sagot.


"Oo nga pala. At nakakasira iyon sa pagkatao mo." Inirapan ko sya. Ngumisi lang ito at sumimsim ulit sa kape nya.


Minsan naisip kong nagkukunwari lang to si Chino na walang pakialam pero sa totoo lang ay sangkot na ang damdamin niya. Kaya ayaw niya ng mga emosyonal na kaso at kaya din siguro takot ito magkaroon ng seryosong girlfriend kasi magiging emotionally vulnerable siya. At alam kong sa kanilang apat, siya ang pinakamatino, si Seb ang pinakamalala.


"Kamusta na kayo ni lover boy?" bigla niyang binago ang topic.


"Ganoon pa rin," maikli kong sagot.


"Ang laging magkasamang maghapunan at nagpapatulog ng bata magkasama ay hindi kabilang sa "ganoon pa rin." Ang totoo nga, kabaliktaran ito ng dati nyong drama," sagot naman nya. Napangiti akong parang tanga nang maisip ko ang mga sinabi ni Chino at kinilig din ako.


Madalas na nga kaming magkasama ni Jaxx at sa bawat pagkakataon, nabubulabog ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Kadalasan naman dinner at coffee lang. Lagi nya na rin akong tinutulungan na patulugin anak namin kasi hinahanap din naman siya nito. Sa tuwing nangyayari iyon, hinahayaan nyang sumiksik si Justin sa kanya at yakapin nito ang kanyang braso. Ako naman ay pupwesto sa kabilang tabi ni Justin. Ibang iba ito sa dati at minsan nararamdaman kong parang buo na ang pamilya namin. Aamin na sana ako kay Chino nang may malamig na boses na nagsalita sa likuran namin.


"Chino, bro, what's up?" nag Valle boy's handshake sila bago nya ako hinarap at hinalikan sa pisngi. "Hey, love. I just got invited to your house for dinner. I hope you don't mind."


Biglang napalingon si Chino sa akin at tumaas ng isang sentimetro ang kanang kilay nya, kasama ng pagngisi nya. "Mauna na ako. Kinamusta ko lang sya kaya ako nagdala ng kape para makapag-usap kami. Pero ngayon na nandito ka na, uwi na ako. Matagal ko nang hindi nakikita si Albert at wala akong naririnig tungkol sa kanya. Kailangan kong siguraduhin na wala sya talagang ginawang katarantaduhan na ikadadawit ko na naman."


Hindi pa rin ako nakakapaglakad ng maayos dahil sa botas na suot-suot ko pero sabi ni Dad, konti na lang matatanggal na ito at babalik na ako sa usual na lakad. Hinawakan ko braso ni Jaxx para hindi ako madapa at magkaroon ng panibagoong pinsala. Pagkarating namin sa bahay, dinamba naman agad ni Justin ang kanyang ama at napaatras ito sa lakas ng pagbangga ni Justin.


"Easy, chacal! You're so strong I could have fallen over!" yayakapin niya na sana ang anak namin nag ibgla itong tumili at umiwas, nagpapahabol. Kamuntikan na syang bumangga sa akin. "Watch out! You're going to injure your mom."


"Sorry, mommy. Are you okay?" lumapit ang bata sa akin na nagmamakaawa. Who could get angry at those soulful eyes?


"I'm okay, anak. Dahan-dahan lang sa sunod, okay?" ginulo ko buhok nya at nauna nang maglakad kasi nagsisiksikan kami sa may pintuan. "How was your day, love?" tanong ko kay Justin ngunit si Jaxx ang sumagot.


"Are you asking me?" gulat niyang tanong. Uminit agad tenga ang mukha ko nang matauhan ako sa nagawa ko. Dati kasi 'love' ang tawagan namin ni Jaxx. Siya ang unang tumawag sa akin nito at hindi ako sanay sa terms of endearment kaya sinabihan ko sya na paalalahanan kong tawagin ko rin sya ng 'love'. Naalala ko na nag-iba ang mukha nya nang sinabi ko iyo. Paliwanag nya na hindi dapat pinipilit o pinapaalala ang bagay na yon. Dapat kusang loob.


Nang maghiwalay kami, naririndi akong marinig ang tawagan na iyan ngunit nag-iba ang lahat nang pinanganak ko si Justin. Saka ko lang naintindihan kung bakit sabi niya dapat kusa ko syang tatawaging 'love.' Doon ko naramdaman ang pagmamahal na labis para sa isang maliit na tao, kaya minsan, tinatawag ko syang 'mahal' o 'love'.


"Is Papá your love, too?" pabirong tanong ni Justin habang pabaling baling ang tingin sa amin ng ama nya. Anak ng tipaklong! Maslalo akong namula at wala na akong nagawa kundi takpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay habang pinagtatawanan ako ng lalaking mahal ko at ng anak niyang pilyo.


"What's so funny?" tanong ni Mom nang makita nya kami. "At bakit ang pula mo, Sky?"


"Ah, kelangan ko lang pumunta sa kwarto. Excuse me," dali dali akong naglakad kahit na paika-ika.


Noong gabing iyon, nagsiksikan kami sa kama ni Justin. Nakahilata ang anak namin sa gitna ng kama habang mga magulang nya ay nakataglid ang higa para lamang hindi mahulog sa kama. Nakayapos si Justin sa ama nya, habang ako naman ay yakap yakap sya. Ramdam ko ang init ng dibdib ni Jaxx sa likod ng kamay ko, pati na rin ang tibok ng puso nya. Patulog na sana ako nang simulan nyang paglaruan ang buhok ko. Binuksan ko mga mata ko at nakitang nakangiti na sya ng malambing sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti rin.


"What do you want for your birthday?" mahina nyag tanong para hindi magising ang natutulog na bata sa gitna namin.


"Just peace and safety for everyone."


"Di ko alam kasali ka pala sa Miss Universe," tukso niya. Marahan ko syang tinulak gamit ang likod ng kamay ko.


"No, really. Do you have anything in mind? You're turning thirty-one and graduating again."


"Seryoso ako, Jaxx. Gusto ko lang matapos na tong kaguluhan na to forever para hindi na ako mag-iisip na baka makidnap na naman ako. O di kaya si Justin."


"But it's already over, Cara. He's behind bars for the rest of his life and I didn't even lift a finger. He did all of that himself – shoot a judge, shoot a witness, kill a person. That was on top of the charges you filed against him." Patuloy nyang hinaplos ang buhok ko at nanginig ako sa kuryenteng naramdaman ko.


"Nilalamig ka ba?" tanong nya. Agad nyang hinagod ang braso ko gamit ang kabilang kamay nya. Hindi ko naman alam na nilalamig ako hanggang sa naramdaman ko ang init ng palad nya. Napapikit ako at nagsitayuan mga buhok ko sa braso. Patuloy nya akong hinaplos hanggang sa pakiramdam ko natunaw na lang ko.


"Mmmm, don't stop, ang sarap ng kamay mo," napaungol ako at natigilan siya.


Oh. My. Ano naman ang nasabi ko??


Agad kong binuksan ang mga mata ko at nakitang nagpipigil na siyang tumawa.


"Ganoon ba?" sagot nyang malamyos. Agad uminit mukha ako, kumabog ang dibdib.


"I didn't mean it that way!" sa hiya ko, napalakas ang pagtulak ko sa kanya kaya nahulog sya sa kama. Naalog ang ulo ni Justin at nagising sya.


"Oh no! Okay ka lang?" napaupo ako sa kama at sinilip sya sa sahig.


"Papá?" antok na tanong ni Justin.


"I'm alright, chacal, go back to sleep," mahina nyang sagot habang dahan dahan syang tumayo. Niyakap at hinele ko agad si Justin para matulog ulit. Napatwa na lang ng mahina ni Jaxx at umiling habang inaayos damit nya.


"I'm sorry" bulong ko. Naglakad sya papalapit sa akin at lalong bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang makita kong sandaling bumaba ang tingin nya sa mga labi ko. Umabot ng 143 beats per minute ang heart rate ko habang nakahiga.


Handa na ba ako ulit para sa ganito? Marunong pa ba akong humlaik? Yikes! Hindi ako nakapagsipilyo, baka ma turn-off sya sa hininga ko?


Mas lumapit sya hanggang sa malunod ako sa kanyang signature na amoy. Napapikit ako habang hinihintay ang halik nya. Maya-maya lang, naramdaman ko na ang malambot nyang labi sa noo ko.


Yun na 'yon? Lintik!


"Goodnight, love. You owe me."


You owe me mukha mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top