30
"Okay, Cara, deep breaths. Kaya mo ito. Kaya natin 'to. We've come this far, konting push na lang girl," udyok sa akin ni Val habang nakauyo ako sa inidoro at sinusuka na ang bituka ko. Sobrang kabado ko na mag testify sa harapan ng mga kaibigan at pamilya ko, lalo na sa harapan ni Jaxx. At Lalong lalo pa na naroon si Collin at ang maldita niyang abogada.
Sa kabuoan ng litigation namin, sa ilang beses kaming nagkita sa korte, lagi lang syang nakangisi sa akin at tila bang hinuhubaran ako sa mga tingin niya. At hindi nya rin pinalampas na kutyain si Jaxx. Noong nag salita sya, malapit na syang sugurin ni Jaxx dahil sa mga parinig nyang bastos at puro kasinungalingan. Halos lahat ng sinabi nya ay kabaliktaran sa mga nangyari. Gumagawa sya ng kwento na ako ang nanlandi sa kanya at biktima lang sya ng droga kaya nya nagawa iyon. Dinamay pa niya si Jaxx, sabing isa syang kabit noon kami ay naging magkasintahan noon college kami at kahit kabit lang din daw sya ni Grace, ginugulo nya masyado ang buhay ng modelo kaya raw gusto rin maghinganti ni Grace laban sa kanya.
Bago pa man may mangyari, kinaladkad na ni Ace at Chino si Jaxx papalabas ng korte kundi baka sya ang magkaroon ng parusa at pagbawalan syang dumalo sa susunod na mga hearing.
Magaling gumawa ng kwento tong si Collin at si Atty. Yara kaya nangangamba ako na baka pati ang kwento ko pagbabalibaliktarin nila para lumabas na ako nga may kasalanan ng lahat.
"Val, hindi ko yata kaya. It's different when it was just you, me, and Johann," daing ko habang humihinga ng malalim.
"Kaya mo 'to, Cara! We've practiced this a hundred times. They are going to do everything to discredit you. Papaiyakin ka nila, papahiyain ka. Gagawin ka nilang sinungalin, lalo na yung mukhang praying mantis nyang abodagang pangit at walang taste manamit. Wag kang papadala, okay? Okay?"
Tumango na lang ako. Kailangan ko tong gawin. I will not back down. I splashed cold water on my face and stared at my reflection in the mirror.
I can do this. I have to do this. After this, tapos na. Collin will be dealt with and I won't have to see him ever again. Ever!
Naghihintay sa labas ng banyo si Chino at Seb, may pinaguusapan silang bagay na natutulakan at saka nagtawanan sila. Tamang-tama, kailangan ko ng konting magpapasaya sa akin kahit konti.
"Anong pinag-uusapan nyo?" tanong ko.
"Ah wala naman. Ang nakaraan lang nito ni Chino na bumabalik para kagatin pwet nya, literally!" tukso ni Seb.
"Tanginang 'to, shut up!" tinulak syang malakas ni Chino at pinaningkitan ng mata. "Kalasanan mo lahat ng iyon. Kung hindi lang ako nagpadala sa mga kagaguhan mong kung sino-sino pinapa-date mo sakin dati."
"Pero pinatulan mo naman!"
"After the third time she cornered me, I couldn't say 'no' anymore. But I tried!" pagtatanggol ni Chino sa sarili nya.
"Pero pinatulan mo pa rin, tinigasan ka pa rin!" walang preno ang bibig ni Seb.
"Seb, shut the fuck up! Ano ba? Nakakahiya ka. At ayoko nang balikan pa yung nakaraan, okay? It haunts me to this day. Lalo na sa mga araw na to!" Nandidiring nanginig si Chino.
"Ano ba kasi 'to?"
"Hindi ano, kundi sino!" masayang pahayag ni Seb.
"Miguel, isa. Wawasakin ko talaga yang bibig mo," babala ni attorney sa kanya at tinaasan sya ng kamao.
"Oh my god, si Atty. Yara ba to, Chingks? May nangyari sa inyo?" malakas na tanong ni Val habang nakatakip ang isang kamay sa bibig. Hindi marunong magsinungaling si Chino sa ganitong mga bagay. Pareho kaming agad-agad namumula ang tenga at pisngi.
"Nampucha naman Val, konting galang," inis nyang sagot habang sinakop ng isang kamay nya ng mukha nya at pinadausdos nya ito pababa. "Isang beses lang yun, okay? Isang beses noong college na nagoyo ako nitong Seb i-date siya."
"Pero di ko naman sinabing anuhin mo sya. Date lang sabi ko," pagdepensa namin ni Seb.
"Wala naman akong balak talaga sana. Hello, ako pa? Pero maganda pa sya noon, hindi kamukha ngayon na retokada na. And she was aggressive and wala, ayun. Nangyari nga. Ako pa nga ang nagsisi kinabukasan e."
"Oo, nga. Ano kaya nakain nya, 'no? Maganda naman sya noon college," sumangayon ang pilyo naming kaibigan. "Aggressive naman kasi tipo mo kasi torpe ka."
"Of course not. Pihikan lang ako, hindi tulad mong makati pa sa higad."
"Pero ang sabihin mo nagsisi ka kasi nangangagat siya at nakagat nya makinis mong pwet!" humalakhak si Seb pagkatapos ipagbunyi ang sikreto nila at nagsimula nang pumalayo kay Chino. Hindi ko lubos maisip kung paano umabot ang mukha nya sa pwetan ni Chino at ayaw ko nang malaman pa. Nakakaloka, kailangan ko mabura ang imahe sa isipan ko!
"Tang ina ka talaga Seb, kahit kalian!" pinulupot ni Chino ang isang braso nya sa leeg niya at kinaladkad na itong papalayo sa amin. Di ko alam kung san nya ito dadalhin pero kahit papaano, gumaan ang loob kong nakitang inaalaska pa rin ni Seb ang konserbatibong singkit naming kaibigan.
Pagbalik ko sa courtroom, naginhawaan ako nang makita kong may naglagay ng harang sa harapan ng stand. Hindi ko na kita ang audience at lalo na ang mga tao sa mesa ng defendants. Mas naging panatag ang loob ko na hindi ko makikita ang pagmumukha ni Collin o di kaya ni Jaxx.
Hindi gaanong kalakihan ang kwarto. May magkatabing dalawang lamesa na gawa sa mahogany sa gitna kung saan nakapwesto ang prosecution at ang defense. It was a few meters away from the witness's and judge's stands. Magkatabi ang witness box at ang pwesto ng judge. Pareho itong gawa sa dark, solid, hardwood.
Kinuwento ko ang mga pangyayari noong gabing iyon habang si Johann naman ay nagtatanong ng mga na-practice namin. Memoryado ko lahat ng nangyari noong gabi at ilang beses ako pinaalalahanan ni Johann at ng mga kaibigan ko na dapat hindi ako mawalang ng lakas ng loob kapag ang defense lawyer na ang mag tatanong at mag cross-examine sa akin. Iyon pa naman ang isa sa mga kinatatakutan ko. Maldita ang defense attorney ni Collin at hindi ko wari maisip bakit nya pinagtatanggol ang isang sexual predator na katulad ni Collin.
"What time did you leave the hospital that night, Dr. Claraval?" panimula ng defense attorney na si Atty. Yara.
"Around 12:15 AM."
Patuloy niyang tinanong ang mga nangyari, including mga maliliit na detalye, paulit-ulit at paiba-ibang paraan lang. She was trying to get me to slip or make a mistake. When she asked to repeat how Collin came to me, alam ko nang she would ask me to re-live every second of the torture.
"Objection asked and answered," kalmadong sabat ni Johann kahit na nagbabaga na ang inis mga mata niya.
"Sustained."
"When you were fighting your abductors, nakita mo ba mga mukha nila?"
"No."
"Ngunit sinasabi mong tinamaan mo ang isa sa mukha. Pano mo tatamaan ang isang tao sa mukha kung hindi mo ito kita?"
"Hindi ko naman pinlano na sipain sa mukha. Ang target ko ang ulo nya. Sinipa ko sya sa ulo na, sa panahong iyon ay nakaharap siya sa akin."
"Pano mo naman masasabing nakaharap ang mukha nya sa iyo kung hindi mo nga ito nakita?"
"In the normal human anatomy, kapag ang katawan ng tao ay nakaharap sa isang direksyon, kadalasan doon din nakaharap ang mukha nya. Hindi pa ako nakakita ng tao na ang mukha ay nasalikuran ng ulo nya nakapwesto."
"Hindi kaya tabi lang ng mukha nya ang tinamaan mo?"
"Hindi ko naman po sinabing harapan ng mukha niya ang tinamaan ko."
"Then you can't be too sure you hit his face when you did not see it," giit ni Atty. Yara.
"Objection! Argumentative and, really, anong relevance nito?" Johann interjected. Inangat ni Atty. Yara mga kamay niya as if to surrender.
"Ayon sa testimonya mo, tinali ng client ko ang dalawa mong kamay kaya hindi mo siya nalabanan. Base rin sa sinabi mo, naligtas mo sarili mo sa mga abductors mo dahil mataas ang ranggo mo sa martial arts at hasang-hasa ka. Ang tanong, bakit nagawa mong iligtas ang sarili mo sa dalawang lalaki pero hindi mo kayang labanan ang isa? Sa parehong situwasyon nakagapos naman mga kamay mo.
"Magkaiba ang sitwasyon–"
"Hindi naman, sa tingin ko. Perehong hindi mo nagamit mga kamay mo pero kinaya mong umeskapo sa dalawang lalaki. Dalawang matipuno, malalaki ang bisig, at malakas na mga lalaki. Sa maikling sabi, kaya mong labanan ang dawala pero hindi ang isa? Hindi ba kaduda-duda iyon?"
"Objection."
"Baka dahil gusto mo iyong nagiisang lalaki na iyon kaya hindi mo ginamit ang totoong lakas mo? Ginusto mo ang situwasyon na iyon."
"Objection!"
I gasped and stared at her. "Unbelievable!"
"Oh, you better believe it," bulong nya at ngumisi.
Sinubukan niya pang magtanong ulit ng kung anu-anong bagay na lahat naman binara ni Johann with an objection. Kitang-kita na an inis sa mga mata nilang dalawa habanga ko naman naluluha na sa witness stand. May kakaibang kaba akong naramdaman. Sumikip na naman ang dibdib ko at sinimulan ko kaagad ang huminga ng malalim.
"Your Honor, I cannot cross-examine the witness kung sa bawat tanong ko nag-oobject 'tong Atty. Valverde na 'to!"
"Then you should ask better questions! Nasagot naman na lahat ng mga tanong mo at halatang nagtatanong ka lang para mambastos at mag-inis!" sabat ni Johann. Nagsagutan pa sila but the judge would have nothing of it.
"Order! Order in the court!" sigaw ng judge. "Ten-minute recess. Kayong dalawa, follow me," she sternly pointed to Johann and Atty. Yara.
Sinalubong ako ni mommy pagkababa ko sa witness stand. Agad niya akong niyakap ang hinalikan sa pisngi. Bumalik na kami sa lugar nila sa likod ng prosecutor's table kung saan kami ni Johann nakatalaga.
Hindi na maipinta ang mga mukha ni Daddy at Jaxx. May binubulong si Val kay Jaxx pero mukhang hindi sya nakikinig dahil naka-focus sya sa pagtitig kay Collin na nginisihan lang sya at nginaratan. Nagtiim lalo ang panga niya. Sugurin niya na sana pero hinarang sya ni dad noong tumayo na siya.
Nang makita nyang nakababa na ako, tumakbo siya papuntang harapan at nilamon ang katawan ko sa mahigpit na yakap. Hindi sya nagsalita pero ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso nya. His woody spicy scent enveloped me at mabilis akong kumalma kahit na kagagaling ko lang sa witness stand at magkwento ng mga nangyari.
"You were so brave, Sky," ani ni Dad at niyakap nya ako nang pinakawalan ako ni Jaxx.
"Gusto ko nang umuwi, Dad."
"Konti na lang, anak. We have one more witness and then all of this will be over," he reassured me.
"One more witness? Sino? Hindi natin ito napagusapan."
"Wag kang magalala, Sky. Alam ni Johann ang ginagawa nya at tingin ko, ang testimoniya nya ang huling kailangan natin nang masiguro na mananalo tayo."
"Sino siya?"
Nagsipasok na ulit si Judge Babaral kasunod sina Johann at Atty. Yara. Nang nakaupo na ang lahat, kinalampag ulit ng huwes ang kanyang malyete at tinawag papuntang harap ang huling witness.
"Atty. Valverde, your witness."
Bumukas ang pintuan sa may kanang bahagi ng silid kung saan din ako nanggaling. Lumabas ang isang dilag na nakataas ang noo at direcho ang tingin. Napasinghap ako at napailing sa nakita ko. Hindi ito totoo.
"What the hell is she doing here?" sigaw ni Collin sa abogada.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top