29
Kinabukasan nang makita kong wala na si Jaxx sa kinahihigaan nya, lumubog ang puso ko. Alam kong hindi ko dapat inasahan na nandiyan pa rin sya pagkagising ko. Tingin ko rin naman siya rin ayaw ipagpilitan ang sarili nya. Baka tingin nya sumosobra na sya kapag nagising ako na nandirito pa sya. Pero baka naman hindi sya umalis kapag inaya ko sya? Kahit ano pa man ang rason, masaya na ako sa ginagawa nya para sa amin mag-ina. Sapat na iyon.
Dahil siguro sa nasanay na ako na lagi nya akong sinusundo, nalungkot ako nang hindi ko sya makita sa callroom namin pagkatapos ng rounds. Hindi rin siya nagtext na male-late sya o kung anuman. Baka busy lang sya?
Hay naku, Cara, hindi lang ikaw ang inaatupag nun. May kumpanya pa siya. Stop hoping, madiin kong paalala sa sarili habang naglalakad papuntang parking.
Tapos na ang mga araw kong naka-semento ang paa at nakasaklay. Pinlitan naman ng special na walking boot na sa laki, mukhang nakabalot ng salbabida ang paa ko. Ang masmalala ay mukha akong pirata na paika-ika maglakad. Nagdadabog din ako kasi di ko pa makikita si Justin. Nilabas sya ng mga magulang ko at bukas ko pa sya makikita pagkauwi ko sa Valle.
Inalok ako ng mga juniors ko na ihatid sa condo nang mapansin ni Mr. Sean Cupido na wala pa si Jaxx mag aalas-siete na. Sabi ko magtataxi na lang ako kasi hindi ako nag-drive kanina kasi nga naman eto ako, umaasa. Pinilit ako ni Joseph, ang isa ko pang junior na kasama ni Sean, na ihatid kapalit ng pagkakataon na sila ang magtatanggal ng thyroid na may cancer. Pumayag na rin ako kasi nakakatamad mag hintay ng taxi.
"Sorry, I'm late." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Jaxx na papalapit. Naka business attire pa sya pero tinanggal nya na ang kurbata at bukas na ang dalawang butones sa itaas ng polo.
"Hi!" excited kong sagot, na kahit ako nabigla sa excitement ko.
"Had a little chat with the boys."
"I actually didn't expect to see you," pagsisinungalin ko, para hindi ako mukhang sabik na sabik at kunwaring kalma lang. Ayaw kong malaman nya na buong araw kong hinihintay na makasama sya at ngayon kinikilig na ako na makita pa lang sya.
"Yeah, well, I.." napakamot na naman syang kilay nya.
"Yes! I do! Pakakasalan ka nyan! See you tomorrow ma'am! Pakabait kayo!" napalingon kami dalawa sa sasakyan na dumaan at nakita naming tumatawa si Sean habang si Joseph naman ang nagmaneho sa kotse at tuluyan na nila akong iniwan. Mga traydor!
"Sunday duty ka, Sean! I mean it!" sigaw ko.
"Did that guy just get out of high school?" tanong niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse.
"Ganoon ata talaga mga accelerated, isip bata."
"Excuse me?" tumaas ang makapal nyang mga kilay hanggnang anit.
"Except you. You're alright," ngumisi ako. Accelerated din nga pala to si Jaxx noong elementary siya. Isang taon lang ang tanda nya sa akin pero dalawang taon syang unang natapos dahil sa doon. Noong high school dapat ma-accelerate din sya kaso hindi tinuloy dahil sa masama ang conduct niya. Nagsimula na kasi siyang mag rebelde noong mga panahong iyon.
"Sure," umirap sya pero ngumiti din pagkatapos. "What's a Sunday duty anyway? Why do you keep on threatening them with it?"
"It's a punishment kungsaan iiwan ka sa ER mag-isa buong araw. Ikaw gagawa ng lahat kasi ang interns pinapaakyat namin sa room nila," paliwanag ko.
"That's not so bad. I mean you guys are at the ER all the time. Pano yun naging parusa?"
"Tina-timing kasi yun sa Sunday na off-duty ka sana. Yung kakagaling mo ng duty na bente-kwatrong oras ng Sabado, tapos sa Sunday dapat sana pahinga ka na, iiwan kang mag-isa sa ER ng panibagong bente kwatrong oras. Ibig sabihin noon, ang buong weekend mo nagduduty ka. Parusa yun kasi Sunday ka na nga lang sana makakauwi sa inyo, hindi pa pwede. AT pinagtatrabaho ka pang mag-isa."
"That's harsh," kumunot noo nya at hindi sumang-ayon sa pamamalakad namin.
"That's life," nagkibit ako ng balikat at ngumisi.
"Anyway, dinner and coffee?" aya siya.
"There's coffee now?" ako naman ngayon ang tumaas ang kilay. Ano naman kaya ang binabalak nitong lalaking ito?
"To get you to stay a little longer," nagkibit balikat sya at kinuha ang mga dala kong gamit.
"Jaxx, anong ginagaw mo?" nagalangan kong tanong. Yung puso ko, di ko na alam anong gagawin ko dito. Gusto na yatang magpa-adopt sa kanya at mamalagi sa kanya!
"I'm helping you with your things," payak niyang sagot.
"Jaxx."
"Cara, don't think too much about it. I just like spending time with you. Like we used to. Unless you're uncomfortable with it?"
"No, I'm... I'm alright." Takot lang ako kasi itong puso ko parang tanga. Gusto nang magpagapos sa loob ng dibdib mo.
Pagkatapos ng magaan na hapunan, gumawa sya ng kape at inabutan nya ako ng mainit na mainit na tasa ng kape na walang asukal o creamer. Medyo nalungkot ako ksi mukhang nakalimutang nya na ang gusto kong kape ay may konting asukal, gatas, at maraming maraming yelo.
Nakapwesto na ako sa harapan ng TV. Nakapatong na ang operado kong paa sa sofa at hawak ko ang remote sa kaliwang kamay ko.
"Can I have ice and some milk, please?"
"Try it plain first. Maybe you'll like it. Just let it cool down a bit," sagot nya pagkatapos ay sumipsip sya sa kape nya.
"Di ba napapaso dila mo? Kulang na lang kumukulo pa ang tubig e."
Tumawa sya ng malakas at para itong musika sa mga tenga ko. "It's not that hot! OA nito."
Nang lumamig na ang kape, sumipsip ako ng konti at napatango. "It's good! But I prefer not to wait for my coffee. Kanina ko pa sya gustong higupin lahat."
Uminon ako ulit ng konti pagkatapos kong iihipan ang kape. "Wait is this Yirgacheffe beans?"
Napangiti sya ng malawak. "That's why I wanted you to taste it first before spoiling it with milk, sugar, and ice. Otherwise, you wouldn't figure it out."
"San mo nabili? The shop in Tagaytay –"
"I know. Nagsara na yung coffeshop na pinupuntahan natin doon. Pero nakilala ko na yung may ari and he told me where to get them. You used to like them so I thought I'd surprise you."
Anak ng. Bakit nya to ginagawa sa akin? Kung kaswalan lang 'to sa kanya kasi gusto niyang maging magkaibigan kami ulit, iba and interpretasyon ng hangal kong puso!
"Thanks. You didn't have to, but I appreciate it," yun lang nasabi ko kasi yung ibang iniisip ko hindi nya pwedeng malaman. Kuntento syang ngumisi at saka lang tiningnan kung ano ang pinapanood ko.
Natawa sya ng malakas habang ako naman, gusto ko nang lamunin ng lupa. Pinapanood ko yung "Starting Over Again" at timing na timing doon sa bed scene kung saan ang sisisigaw si Ginny na parang kinakatay na baboy noong nasa bahay sila ni Mr. Villanueva. Agaran kong pinatay ang TV.
"Hey, it's alright if you want to watch that. Hindi lang kapanipaniwala na.... may ganoon sumigaw kung...when they're coming," aniya. Natatawa sya pero umiiling sya. At dahil reyna ako ng sablay, sinubukan ko syang barahin sa pamamagitan ng isang nakakahiyang tanong.
"Ibig sabihin walang ganyan sa mga na experience mo?"
"Thank god, no," diretsahan nyang sagot. Hinipan nya ang kanyang kape saka humigop ng konti, bago niya ibinaling ang kanyang kulay-abo nyang mga mata sa akin. "Ikaw?"
Kamuntikan ko nang nang mailuwa ang kape sa bibig ko at tuloy nasamid ako at napaubo ng sunud-sunod.
"I'll take that as a 'no'?"
"Jaxx, stop it."
"It's a simple yes or no question. Sinagot naman kita, ah," he teased. Pumikit na lang ako, humingang malalim at nanalangin na naway bumalik sa normal kong kulang ang mga pisngi ko, dahil lalong nakakaiya na simpula ko na si Elmo.
"Cara, nagbibiro lang ako. Ayoko rin naman malaman sagot mo sa tanong na yun," he chuckled. Tiningnan nya pa rin ako at ngayon, nangingibabao na ang kanyang pagiging seryoso. "Pero may gusto sana akong malaman. It's something I need to know, and it can only come from you."
Sabi ko na nga ba. Ito ang rason bakit niya ginagawa lahat ng ito, para sabihin ko sa kanya ang nangyari. Ginagawa nya lang akong kumportable sa kanya, na magtiwala sa kanya. Ginamit nya lang ang aking mga emosyon laban sa sarili ko kasi alam nyang may epekto pa rin sya sa akin!
Ngunit kahit gusto ko syang dambahin sya at gusto kong magalit sa kanya, pagod na akong pagtaguan pa sya at lumayo sa kanya. Pagod na akong magkunwari na masaya akong mag-isa kasi hindi naman ako masaya e. Gusto ko syang makapiling at sinasabotahe ko ang mga pagkakaton ko kung hidni ko pa aminin sa sarili ko ang nararamdaman ko para kay Jaxx. Ayoko na ng 'what if' sa buhay ko. Sigurado akong may idea sya kung ano ang nangyari at hindi pa rin sya lumayo. Isa lang ang nagbabagang tanong ko na sa mga panahong iyon at ang sagot ay napakaritikal sa buhay ko dahil ito ang makakapagsabi sa akin kung kung mapagkakatiwalaan ko ba sya o hindi.
"Pinanood mo ba?" tanong ko. Tiningnan ko sya direcho sa mga mga mata nya. Kailangan kong malaman ang totoo.
"No."
"Bakit? Pinadala din iyon sayo, di ba?"
"You asked me not to and I told you I wouldn't," he sighed, eyes begging me. "Cara. Please."
Before I could stop, the tears started falling and I unconsciously tucked my knees under my chin.
Kaya ko to. Kaya ko to. I told myself. Naramdaman kong may daliri dumampi sa pinsngi ko, pinunasan ang mga luha ko. Pagkadilat ko, nakaupo na sya sa coffee table sa harapan ko.
"Binabawi ko sinabi ko. Hindi mo kailangan sagutin kung hindi ka handa. It's selfish of me to ask," malumanay ang boses nya at kita ang lungkot at pagsisisi sa mga mata nya.
"Iniisip ko pa lang na tinitingnan ka nya ng bastos gusto ko nang dukitin mga mata nya. Kaya naman noong nawala ka, isipin mo na lang kung anong giyera ang sisimulan ko para lang mahanap ka. Handan ako, Cara, napigilan lang ako ng magpinsan na Gochino."
"Hindi mo lang alam kung anong gulo at pangwawasak ang nagawa ko noong nalaman kong kasama mo si Grace at narining ko yung boses mo na parang hirap na hirap magsalita. Alam ko malaki ang posibilidad na kapag kasama ka niya, mapupunta ka kay Collin. Kaya mukhang bago ang condo ko kasi halos nawasak ko lahat ng gamit noong gabing iyon. I had to renovate it kundi wala akong titirahan.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Collin, at marahan akong pinapatay ng kunsenya ko na kailangan mo iyon pagdaanan dahil sa akin. Dahil sa akin, Cara, ako ang may dahilan.
"I wanted to know because I could not sleep at night knowing he did something to you because of me. I was the reason. If it weren't for me, you would have been safe! And it's an asshole thing to do, and I'm trying to convince myself na maramang biro lang yung sinabi nya, na walang nangyari sa inyo. Pero sa nakikita ko, with the way you're behaving alam kong totoo ang sinabi nya. I'm sorry, Cara, I'm so sorry. Please, forgive me. I can't forgive myself knowing it was because of me..
"Seeing you like this..." he shook his head. "How you didn't want to be touched by anyone, even by your dad, how you avoided Ace, and even Seb...how you behaved. Everything points to what I fear the most." Maingat nyang inabot ang kamay ko. Nang hindi ko ito binawi, diniin nya ang palad ko sa kanyang labi at pumikit. Nakita kong may namuong luha sa kanyang mga mata at nakatitig na lang syang blanko sa sofa.
"I am so sorry, Scarlet," he whispered against my palm. I was shocked to hear him apologize for something that was not even his fault. Wala syang kasalanan, wala akong kasalanan. We were both victims of two pychopaths. Lahat ito dahil sa kasakiman ng dalawang tao na gustong mapasakanila ang lahat ng gusto nila, even if it meant trapping them and forcing them.
"I am so sorry. If only I realized Grace was working with that bastard – "
"Then what, papayag ka na lang na magpa-blackmail? You'll just go ahead and settle with her?" inis ko ng tanong. Hindi ko man lang naisip na sisihin sya sa mga pangyayari at wala akong balak gawin iyon. Whatever issue nilang dalawa ni Grace, labas naman kami dapat ni Collin dun.
"If I said yes, then you wouldn't have to go through what you did."
"What makes you so sure? Hindi mo naman alam kung ano binabalak nung lalaking iyon o kung anong kasamaan ang iniisip nya. Nangako sya sa mga kaibigan niya na takutin lang ako but bigla na lang nagbago isip niya. Sa pagkakaalam ng lahat, wala sa plano ang ginawa nya. Kaya hindi mo pwedeng sabihin sakin na kapag ginawa mo iyon, hindi na mangyayari sa akin ang kamalasang ito with 100% guarantee."
"I could have stopped it. Maybe if I agreed she wouldn't have gone ballistic and go back to Collin."
" 'Could have' is not good enough a reassurance, Jaxx." Binawi ko kamay ko at umiwas ng tinging. "Kung ganoon pagrarason mo, then I could have stopped it, too. I could have just dropped the complaint, or I could have just not walked out that night. Lahat naman kasi pwedeng gawin so it 'could have' been stopped."
"Hindi nya naipilit sarili nya sa akin, kung yan ang iniisip mo. Hindi sya umabot doon dahil sa isang himala, dumating si Pancho at naligtas nya ako. At si Grace? Nagwala sya nang makita akong ganoon. Agad nya akong pinagtakpan at binihisan. Pero dapat lang ginawa nya iyon. Isa din naman sya sa mga dahilan kung bakit ako nakidnap e. Napagtanto ko na siya yung bumunggo sa akin habang naglalakad ako pauwi kaya nadapa ako at tuluyan nang may humila sa akin.
"Pero nakatakas pa ako sa kanila. Nanlaban ako at nakatakbo pa pero di rin ako nakalayo dahil nabundol ako ng motorsiklo noong tumalon ako sa barrier. And that's how I got my ankle injury. At dahil doon, hindi na ako makatakbo. Nagkamalay na lng ako ulit na nasa kung kaninong kama na ako at nakagapos." Tuluy-tuloy kong pagkukuwento.
"Nilabanan ko sila, Jaxx. I did. I tried so hard to get away, kahit na nabundol na ako at lahat. But with one broken foot, and both arms pinned down, wala naman akong magagawa masyado, diba? May kinagat pa nga ako e."
"Ugh, sana hindi ako magka-hepa o HIV," daing ko nang maalala kong dumugo ang kamay ng kinagat ko. Kailangan pala magpatingin ako.
Dahan-dahan syang tumabi sa akin sa sofa. hinawi ang buhok ko sa mukha at inipit sa likod ng tenga ko. Naramdaman ko ang kanyan pagaagam-agam at bumigay na rin ako dahil gusto kong maramdaman ang yakap nya. Gusto kong maramdaman na ligtas ako. Na kahit ano man ang nangyari, tanggap nya pa rin ako.
Nang maramdaman ko ang kamay nya sa kabila kong balikan, hindi ko na napigilan na dumausdos sa dibdib nya at hayaan syang ikulong ako sa mga bisig nya. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak at ilabas ang lahat ng saman ng loob na kinimkim ko. Iyon ang unang beses na hindi ko itinakwil ang kamay ng lalaking gustong tumulong sa akin, ang unag pagkakataon na tinanggap ko ang haplos niya.
Ito ang unang beses na naikwento ko ang nangyari kahit na bahagya lang. Hindi ko pa ito tanggap sa sarili ko at nalilito pa ako kung paano ko ito haharapin. Alam kong nangyari sya, ramdam ko ang trauma, naoperahan pa ako because of physical injuries, pero ayoko i-acknowledge na nangyari sya.
But tonight, I'm taking the first step to healing.
"I need to talk to Johann."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top