Chapter 89

Mia Jasmin's POV.

Dumaan ang Ilang buwan, at paulit ulit na ganun.. Halos kulang sa tulog si Luke at ako nalang ang nagsisilbing taga alaga sakanya, Minsan lang kami kung umuwi dahil Full ang Schedule of Operations niya.

I know how tired he is, alam ko rin kung gaano niya tinitiis ang gutom sa Loob nang Operating room dahil sa sunod sunod na Operasyon.

Samantalang ako, Nag aassist lang sakanya kung minsan lalo na pag sa loob nang 24 hours ay Isang oras ang pahinga niya at ang operasyon ay inaabot nang walo o di kaya ay sampo.

Bukas ay Monthsary namin, December na rin sana ay bago mag pasko mag settle down na ang lahat madalas kasi sa mga Operasyon na nagaganap ay Mga Puso.

Nag iisa lang siyang CS namin bukod kay Dr.Romeo ngunit wala naman siya, Napabuntong hininga ako nang makitang seryosong pumasok sa staff room.

Isa rin to, sa dami kong iniisip dumagdag pa ang nga sinasabi niyang walang kwenta kada Busy si Luke ay sinasamahan niya ako at kinukuha sa bawat Operasyon na ginagawa niya bagay na kinaiinis ko.

Lahat nang sakanya ay nakakainis, nakakapikon at nakakabwisit. Nang nakaraang monthsary namin Nagstay si Luke sa Loob nang Operating room.

Habang ako nag hihintay sakanya pero naiintindihan ko naman, Ang pinakabusy na araw niya lang naman ay ang Friday, lumalagpas sa Sampo o mahigit pa ang mga pasyente na may sakit sa Puso.

Hindi ko inaasahan na ganito kabusy ang GRS hospital, nakakasanayan ko na rin at kung minsan ay sa isang araw 4-5 hours lang ang tulog ko habang si luke ay sinasadya kong hindi gisingin kaagad pag nakakaidlip kahit na kailangan pa siya.

Sa Training ay hindi ko na rin nagawang pumunta at nauunawaan niya naman yon, nag Improve rin ako sakanya i mean sa Performance ko.

"Don't worry, Kung busy si Luke masasamahan naman kita." aniya pa bigla ni Zai.

"Hindi ko kailangan nang ibang kasama, kung ikaw rin naman doc." dismayado kong sabi.

"Ang harsh mo rin noh? Hindi mo iniisip yung nararamdaman nang iba sa mga nilalabas nang Bibig mo." seryoso niyang sabi na para bang nasasaktan.

Napatitig ako sakanya. "Gusto kita Mia, Inaamin ko yon at hindi ko itatanggi." tinitigan ko lang siya.

Binalot ako nang Konsensya nang bigla nalang tumulo ang luha sa mata niya. "Nag titiis akong nasa malayo habang Inaantay mo siya, pero nag aantay rin ako." napalunok ako.

"Do i look Dumb now? Do i look stupid for liking you? You're heartless." napamaang ako nang sabihin niya yon at nagpunas nang luha tapos Umalis na.

'What was that?'

Nagugulat ako sa mga sinasabi niya, na para bang ang tagal niya na akong gusto pero 3 months palang naman kaming magkakilala. "Dr.Mia, May next operation pa si Dr.L kailangan niya daw kayo sa Operasyon na yon." aniya ni Nurse Jill.

"Yes Nurse." aniya ko tapos dumeretso sa locker para magbihis nang pang Scrub..

Ngunit sa kasamaang palad habang kumukuha nang gamit ko ay pumasok si Zai, Seryoso niya lang akong tinignan kaya naman nag iwas tingin na ako at Kumuha nalang nang gamit.

Naghanda na ako at dumeretso sa Operating Room, sakto namang pagkatapos ko maghugas ay lumapit saakin si Luke. "You look so very tired, May Operations ka pa ba?" tanong ko sakanya.

Bumuntong hininga siya at saka tumango. "I'm super busy baby, sorry. Hindi na kita nasasabayan kumain kahit Umagahan, Tanghalian at gabihan." nalulungkot niyang sabi.

"Naiintindihan ko, What about this labas tayo bukas after your operations?" tanong ko habang nakangiti.

"Sure baby, Monthsary natin." aniya niya at ngumiti.

"Sige na, Gawin na natin to para makapagpahinga ka after." aniya ko.

"After Another two operations." natatawang sabi niya.

"Kamusta naman pala ang pagiging First assistant mo kay Zai?" tanong ni luke.

"Okay naman, nagagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko." sagot ko.

"What about him?"

"Seryoso lang siya parati, kung ano ano pa ang sinasabi." ngiwi kong sabi.

"Mm." tugon niya.

Nang matapos ang ay nakangusong nag paalam si luke kaya naman ngumiti ako tapos ay lumingon sa kabila't kanan nang walang tao ay Lumapit ako sakanya tapos ay Humalik sa Pisngi niya.

"Bye baby." napangiti siya sa ginawa ko.

"Take care Arasseo? I'll see you later. Magbobook ako nang Restaurant for tomorrow." sambit ni Luke kaya nakangiti akong tumango sakanya.

"I love you." sambit pa niya.

"I love you too." aniya ko.

"Ang sweet sweet naman!" nalingon ko kaagad si Dr.Althea at Nurse Chi.

"May date bukas ah, sana ol!" pagpaparinig ni Nurse Chi.

"Then take Dr.Althea on a date." aniya ko nanlaki ang mata niya at sinenyasan na tumahimik ako.

"Oo nga Nurse Chi, kain tayo Fried Chiken!" masayang aya ni Dr.Althea dahilan para mapatango kaagad si Nurse Chi kaya naman ngumisi ako.

Akmang aalis na nang bigla ay dumating si Dr.Zai. "I need you on my operation, hindi available si Dr.Shane and Dr.Yasmine." napalunok ako.

"Let her eat lunch first.." aniya ni Luke.

"It's an urgent operation, Luke." aniya ni Zai.

"I'll scrub in then." aniya ko pa.

"Mm, i'll go on my next operation. Baby, Fix yourself." nakagat ko ang ibabang labi nang lakasan niya ang pagtawag saakin na ikinatili ni Dr.Althea while Zai is Looking Straight.

Nang nasa loob na kami nang Operation room ni Dr.Zai ay seryoso niya akong tinitignan dahilan para mapaiwas tingin ako sakanya. "I'll start the Operation." aniya ni Dr.Zai.

Habang nasa Loob nang Operating room ay hindi ako sing ingay tulad nalang pag kasama si Luke, naiilang ako sa mga tingin ni Dr.Zai. "Dr.Mia, check on this patient." tumango ako bilang sagot.

"Answer me." angil niya.

"Yes doc." sagot ko pa.

"She's not permitted to eat right away,  She need to pass gas—"

"I vividly remember that Fact, doctor Zai." maayos kong sabi dahilan para matigilan siya.

"Sumabay ka nang maglunch saakin mamay—"

"Will you just focus on the operation doc? Nababadtrip ako." mariing sabi ko pa tapos Kinuha ang Kelly at saka ko maayos at dahan dahan na Naclip ang Tube or one of the Ways.

Lumipas ang Oras at natapos ko na ang Operation kasama siya, Inabot kami nang 2 Hours hindi tulad nang kay luke 1 hour and 30 minutes lang.

"Give her Opioids for Constipation." utos ni Dr.Zai kaya naman hinarap ko siya tapos ay Bahagyang yumuko upang magbigay galang pa rin.

"I'll do that doctor." aniya ko.

Nang makapag alis nang mga gowns ay Naghugas ako nang kamay ngunit habang naghuhugas agad kong nahigit ang paghinga ko nang bigla ay Hawakan ni Dr.Zai ang kamay ko at halos mapaupo ako sa Sink nang itulak niya ako doon.

"Doctor." naninita ngunit gulat kong sambit.

"Give me a chance." napalunok ako nang magsimula kong makita ang malulungkot niyang mata.

"Doc, stop doing this please.." nakikiusap kong sabi at napayuko.

"Why would i? Kung hindi ka sinukuan ni luke noon i can do that, i can wait for you. I already did wait for you Mia." nangunot ang noo ko.

"I don't know what you're talking about, Dr.Zai." mariing sabi ko.

"But Luke knows, what i'm talking about." mariing aniya pa niya.

"And i don't, that matters to me the most. Let go of me Dr.Zai, ayokong iba ang isipin ni luke andaming pwedeng makakita sa ginagawa mo." naiinis kong sabi ngunit inaayos na ang pananalita.

Ayoko rin namang makasakit nang tao, lalo na't kay luke na mismo nanggaling na hindi niya gustong saktan ang pinsan. "So what? Hindi naman ako tulad ni luke na takot makita nang iba. Bakit? May pinoprotektahan pa ba siyang ibang puso? Puso ni Dr.Shane?" agad akong natigilan sa sinabi niya.

"Pwede ba? Huwag mong siraan si luke saakin." mariing sabi ko sakanya tapos Binawi na ang mga Siko ko sakanya tapos ay Bahagya siyang tinulak.

Ngunit agad kong napatingin sa nakatingin saamin sa malayo, Agad akong kinabahan nang makita ang mga mata niyang nasasaktan, nagseselos ngunit hindi na nagawang lumapit.

"L-luke." sambit ko tapos maglalakad na sana papalapit sakanya nang agad akong Pigilan ni Dr.Zai agad kong naikuyom ang mga kamao nang hawakan nito ang Bewang ko at Halikan ako sa Labi.

Agad ko siyang Naitulak tapos masamang tinignan, Ngunit mas inisip ko ang nararamdaman ni luke!

"W-why are you doing this.." hindi makapaniwala kong sabi tapos ay pinunasan ang labi ko tapos sa sobrang galit na nararamdaman ay agad ko siyang Sinapak.

Ngunit hindi pa sapat yon para tumigil siya. "Hindi ka na nahiya." mariing sabi ko tapos agad na Hinanap si luke dahil bigla nalang siyang nawala sa kinatatayuan niya kanina.

"Doc, Nakita mo ba si Luke?" tanong ko kay Doctor Monter.

"Nasa O.R 3 siya ah." shit! Agad akong bumalik sa Nilisan kong lugar kanina ngunit nagsisimula na ang Operasyon.

Mariin akong pumikit tapos ay agad na tinawagan ang nurse doon na libre, nang sagutin nito ay nakahinga ako nang maluwag. "Yes Doc?"

"Can i talk to Luke for a minute?"

"Doctor L, Gusto daw po kayong makausap ni Dr.Mia."

"Put her on a loud speaker."

"Doc, Naririnig ka na po."

"Luke, Let's talk after your operation."

"Wala naman tayong pag uusapan, Mia." kinabahan ako nang maging ang pagtugon niya ay parang walang gana, malamig..

"I'll wait you tomorrow.."

"Okay."

"End the call."

Hindi na ako nakapagsalita at basta nalang nanlumo, nasasaktan ako na ganun siya saakin ngunit alam king mas nasaktan siya nakita lalo na't mali talaga yun.

Hindi ko man ginusto, sana una palang tinulak ko na siya papalayo saakin. "He's not gonna choose you if you're going to hurt him Mia. Pero handa akong tanggapin ka kahit pa magkamali ka nang maraming beses." sinamaan ko nang tingin si Dr.Zai.

"Enough Zai, You'll never be him." mariing aniya ko.

"Pero ako ang nakakasama mo sa hapag kainan." kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"Tulad nang itinuran ko sayo, hindi ko gustong makasama ka sa hapagkainan." mariing sabi ko sakanya tapos ay Nilagpasan na siya.

Naghintay ako nang naghintay sakanya, sinabi ko rin na tawagan ako pag nandoon siya sa Emergency room ngunit lumipas na ang ilang oras at walang tumatawag saakin.

Nasa Operations pa siguro siya, yumuko muna ako sa Table sa Staff room para mag hintay. Ngunit nang tumunog ang cellphone ko ay agad akong naalerto at sinagot to.

"Luke, nasaan ka?"

"Luke what? Hindi ba kayo magkasama nang Nobyo mo at hahanapin mo siya saakin?"

"Tch, Masked man.. Akala ko naman, Anong kailangan mo?"

"Pumunta ka na rito ngayon, I'll train you."

"Wrong timing ka talaga, Hinihintay ko si Luke."

"Parati mong sinasabi yan, hindi na matapos tapos. Tumungo ka na ngayon rito bago pa Nobyo mo ang Da—"

"Ano ba yan Masked Man, Nakakainis. Oo na i'll be there pero i just need to talk to him."

"He's not going to Come, Magpahalik ka ba naman sa isa pang Garcia."

"As if ginusto ko yon, masyado ka na ah! Spy!"

"Really? Sa sobrang lakas ko kahit ata saang lupalop ka malalaman at malalaman ko ginagawa mo."

"Nyeh nyeh, naiistress na nga ako. Nag aalala tapos ikaw pinepressure pa ren ako."

"Just get in here, Baka hindi ka nanaman nagwoworkout."

"Yeah, Busy sa Hospital e."

"Be here at five minutes or else."

"Ne, seonsaeng."

Pinatay ko na ang tawag tapos naiinis na Nagbihis nang pang Training tapos ay Lumabas na nang Staff room mukhang hindi talaga ako sisiputin nang lalakeng yon.

Nang makarating ay agad akong naupo sa Sofa tapos nakangusong nagsuot nang gloves habang si Masked Man naman ay prenteng hinahagis hagis ang Espada at sinasalo.

"He's with Dr.Shane." agad akong natigilan sa pagbukas nang espada at tinignan si Masked Man.

"You're joking." sagot ko at tumawa pa.

"I told you, alam ko ang lahat nag bawat galaw niyo. Kaya isipin mo mang nagsisinungaling ako hindi kita pipigilan." kusang kumuyom ang mga kamao ko dahil seryosong seryoso siya.

"Seryoso nga Masked man?" aniya ko, tinitigan lang ako nito kaya naman agad akong nanlumo at nakaramdam nang selos.

"Ilabas mo yung galit mo sa Fencing." aniya pa niya, ngunit sadyang nalungkot ako dahil sa narinig napayuko ako at nakagat ko ang ibabang labi.

Mariin akong pumikit hanggang sa mabuhay ang galit ko sa Puso, Really luke? Just what the fuck are you trying to do?

"Where are they?" sambit ko.

"You'll know after training." kaya naman agad akong tumayo at basta nalang Binwelo sakanya ang Espada ko pakiramdam ko ay lumulutang ako idagdag na natin ang galit na nararamdamdaman.

Kahit pa sobrang Bilis ko ay mabilis niya rin akong nadedepensahan at hindi niya ako nagagawang saktan kaya naman nang awatin niya ako ay saka lang ako tumigil.

"Bakit sakin ka nagagalit?" nginiwian ko siya.

"Sabi mo Ilabas ko galit ko sa Fencing." dismayadong sabi.

"Sa Fencing nga pero saakin mo Binunton." natawa nalang ako tapos napailing at saka Naupo.

"Hindi ko tuloy alam kung kalaban ka ba o ano, Pakiramdam ko ay hindi ka kalaban." narinig ko ang tawa niya.

"Maybe, Who knows." aniya pa nito.

"Nasaan si Luke?" tanong ko.

"Sa kwarto niyo." nanlaki ang mata ko sa sagot niya, agad na napatayo.

"Anong meron?" tanong ko.

"Find out.." nakagat ko ang ibabang labi bagkus magmadali ay napaupo ako sa Pagkalumo.

"I hate this feeling, Masked man." mariing sabi ko at kusa kong naikuyom ang mga kamao at pumikit.

"Take Care of this, A-ayokong makapanakit Physically. I guess Dr.Shane is always better than me, Ako ano ba ako? Nagpahalik pa ang kingina." galit kong sabi.

"Are you mad? Or in pain?" tinignan ko si Masked Man.

"To be honest, I don't know. Ayokong isipin ang mga posibleng nangyayari, pinanghahawakan ko ang salitang kilala ko si luke." nakagat ko ang ibabang labi ngunit iba..

"Ano ba siya sa tingin mo? santo? Hindi natutukso?" tanong niya.

"Kung saakin nga ay nagagawa niyang magpigil sa iba pa kaya?"

"Who knows Mia.. Sinong nakakaalam kung ano ang nararamdaman nang Nobyo mo matapos kayong makita nang isa pang Garcia.. Lalake ako." nakagat ko ang ibabang labi sa mga naririnig.

"May silbe ka rin pala, akala ko panay masid ka lang saakin. Ikaw rin pala makakapagsabi kung nasaan si Luke." tumawa ako kahit nasasaktan.

"Still Tomorrow is a special day for the both of us, I want to stay here." aniya ko sakanya.

"Kaya kung aalis ka na, you can go ahead." aniya ko sakanya.

"You look wasted." tinignan ko si Masked man.

"Still pretty." natawa siya.

"What a damsel." aniya pa nito.

"Second by second i'm starting to Overthink, then it just breaks my heart not knowing everything they are doing." aniya ko kay Masked Man.

"I'm scared hahahaha, I'm scared to know it, i'm scared to find out what they are really doing." napatitig ako kay Masked man at Unti unti nang binalot nang sakit at kirot.

√√√

“Please tell me it was just a lie, baby tell me..”

@/n: Kahit ako kinakabahan sa magiging reactions niyo pero i'm hoping na sana lahat ay binasa niyo nang mabuti 😀 pag isipan niyo ang tanong na BAKIT NGA BA TINAWAG NA FIRS BORN SANDOVAL SI MIA KUNG ANDYAN NAMAN SI ELIJAH SANDOVAL?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top