Chapter 87

Mia Jasmin's POV.


"Still not Improving!" napairap ako sa sinabi nitong si Mr.M, ako nalang magpapangalan sakanya. Masked man in short. Dalawang linggo na kasi ang nakalipas..

"Hindi na nga ako hinihingal!" nagrereklamo kong sabi sakanya.

"That's not what i'm talking about Young lady, Do your Footwork!" ibinaba ko ang Espada tapos nilampasan siya at saka ako kumuha nang tubig sa Ref.

"It's not yet water break, Bakit ba napakapasaway mo." inirapan ko siya tapos sinamaan nang tingin.

"Bear it, Ginusto mo kong turuan diba? Nobyo ko nga hindi ko sinusnod ikaw pa kaya." naiinis kong singhal sakanya ngumiwi siya sa sinabi ko.

"I'm not your boyfriend, So foll—"

"Aish just stop talking will you, Tara na!" bulyaw ko pa tapos inabot ko ang Espada at saka pumwesto, ayusin ko daw ang footwork ko ano to Badminton? Tch.

Ngunit nakakailan pa lang ay tinatamad na ako dahilan para makita ko ang mga mata nang nagtuturo saakin na Masama ang tingin. "Naiirita kasi ako sa Mask mo, Pero okay na rin yan baka mukha kang monster sa loob." pang iinis ko sakanya pero narinig ko ang pagtawa niya.

"Baka iwan mo ang Nobyo mo pag nakita mo ang pagmumukhang ito." napairap ako.

"Asa ka, Kahit sobrang gwapo pa ang iharap mo saakin, kahit malaki pa ang katawan non hindi ko ipagpapalit si Luke duh." maarte kong sabi.

"Hindi ka ba talaga gaganahan sa Training? Kung ganun ito ang isipin mo. Isipin mong ako si Dr.Shane at Hinalikan ko ang Nobyo mo." natigilan ako at napalunok.

"Or for better Ginusto nang Nobyo mo ang hali—"

"Dwaessseo!" naiinis kong sabi, nang tumawa siya ay agad akong Bumwelo at saka ko siya siniko sa Tyan nang Mahuli niya ang leeg ko tapos Mabilis kong sinipa ang Kamay niya dahilan para mabitawan niya ang Espada at nagkaroon ako nang pagkakataon na itutok ang tulis nang hawak ko sa Leeg niya.

(Dwaessseo means enough)

"Stop talking nonsense, arasseo?" pikon kong sabi, narinig ko ang mahinang mga tawa niya.

"Arasseo." lumayo ako tapos inis na isinara ang Espada at Inilagay sa gilid ni hindi ko nga maiuwi tong espadang to hindi niya daw ibabalik hanggat hindi ako natututo sa maayos.

"That trick just work, See you don't lack of skills. Kung hindi ka gagalitin hindi lumalabas yang kakayahan mo Mia." napairap ako tapos Nagpunas nang towel sa Mukha.

"Ewan ko sayo, Nakakapikon ang kingina." asik ko.

"Nag woworkout ka araw araw?" tanong niya saakin.

"Mm." sagot ko.

"Ngayon, Itigil na muna natin ang sa espada. Anong gagawin mo pag wala kang armas, doctor ka alam mo na iniingatan ang kamay niyo." huminga ako nang malalim.

"Try me." mahinang hamon ko, lumapit naman siya saakin ang kamay niya ay nakahanda, iaamba nalang pero hindi niya inasahan ang ginawa ko naupo ako at Malakas na Pinadulas ang Paa dahilan para matumba siya ngunit nagpakitang gilas.

Nag tumbling siya upang makatayo muli. "I guess this is one of my strength." ngiwing sagot ko, Malakas akong manipa Bata palang ako.

Kaya kahit pa malakas si kent ay hindi niya pa rin ako nasasapawan, may kanya kanya kaming lakas ngunit pagdating sa kamay ay lugi na lugi ako. Pakaiingatan ba naman.

"I guess i should be just like before para sumunod ka." angil nito.

"Hindi ko rin maintindihan ang ugali mo, minsan ay nagagawa mo kong saktan ngunit madalas ay panay ka depensa. Ang sakit kaya nang sa may harap nang noodle house!" reklamo ko pa.

"Hmm, Mahina." nang sabihin niya yon ay ngumiwi ako.

"Pahawakin mo ko nang pana kahit pa nasa Taas ako nang 30th floor nang building tignan natin kung saan ka tatamaan." ngumisi siya.

"Yung nobyo mo saan ba malakas?" tanong niya.

"Bowling, hindi ko naman sasabihin kung saan siya malakas baka gamitin mo pa." iritableng sagot ko.

"Bowling? Kung ganun ay maganda kung kakalabanin niya ako." ngumiwi nalang ako.

"Palalakasin ko na muna ang kamay ko. Tumahimik ka na diyan." masungit kong asal tapos ay Naupo ako sa isang upuan tapos kumuha nang saktong bigat na Dumbbell.

Nilingon ko naman yung si Mr.M na pumasok nang CR kaya naman pinagpatuloy ko ang ginagawa baka natatae yon o naiihi.

Habang hawak ang Dumbbell ay tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko yon nang makitang si Luke. "Anong oras balik mo?"

"Maya maya po."

"Who are you with?"

"I'm alone right now."

"Mm okay, Punta lang ako sa Gym baby.."

"Ingat ka."

"I love you."

"Huwag kang mawawala mamaya, Thursday night."

"Yes papi."

"Ya.. I told you no—"

"Oo na, biro lang ito naman."

"I love you."

"Mm i love you too."

"Ibaba mo na baby."

"Ang alen?" natatawang tanong ko.

"Yung call.." natawa rin siya sa kabilang linya.

"Jalga.."

Inend call ko na dahil pabukas na yung pinto nang Cr baka isipin niya hindi ako mag tetraining eh, napakamean pa naman nitong masked man na to.

"I'll be off early." paalam ko.

"Just don't forget your training, ayoko yung bukas hinihingal ka nanaman." naiirita niyang sabi saakin.

"Ne, seonsaeng." sabi ko Yes teacher.

"I want to see your Improvements. Don't disappoint me." aniya nito kaya naman lumunok ako he sounded so serious.

***

Ngayon ay nasa bahay ako ngunit nasa Gym pa rin si Luke kaya naman gagawin ko muna ang Misyon ko, kumuha ako nang Kape at saka naglakad papalapit kay Dr.Zai.

"Mas matanda ka kay Luke hindi ba?" tanong ko sakanya, Nilingon niya naman ako.

"Mm, Halos 5 months lang naman." sambit pa niya saakin.

"Bakit hindi mo sinamahan si Luke mag Gym?" aniya ko.

"Tinatamad ako, Marami ring babae don kaya ayoko." agad ko siyang sinamaan nang tingin, he's lying.

"Mmm saan ka lumaki?" tanong ko.

"Sa CR." nanlaki ang mata ko tapos ay sininghalan siya, iba ang tinutukoy niya e.

"Saan nga?" tanong ko.

"May lahi kaming Canadian as you can see naman." asik niya, so sa Canada pero si luke alam ko sa Philippines siya lumaki eh.

"Close na close talaga kayo ni Luke noh? Para na kayong magkapatid." aniya ko, wala ba tong balak magkwento?

"Oo, Syempre. Wala siyang kapatid, wala rin akong kapatid. Kaya kaming dalawa nalang ang magkapatid, madalas ako sakanila noon lalo na pag summer pero nahinto yon nang Highschool siya." kwento niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Sumama siya sainyo sa Korea hindi ba? Doon rin siya mag first year college." at doon ay bigla akong natigilan naalala ko nakakaintindi nang Korean si Zai at si luke parang maalam siya sa Korean Language.

"P-papaano ka natuto mag korean?" tanong ko.

"That's private." kung si luke maiintindihan ko pa pero ito?

"Ano nga?" sambit ko.

"Korean ang lolo namin." sagot niya, ah oo nga noh yung lolo niya nagkokorean at nakakaintindi rin.

"Bumait ka bigla? May kailangan ka?" tanong niya napalunok ako.

"Nacurious lang ako, matagal na kaming magkakilala ni luke pero wala akong gaano nalalaman sa buhay na meron siya." sambit ko.

"Weh? Tinalo ka pa ni Dr.Shane kung ganun." agad na sumama ang mukha ko sa sinabi niya.

"Sabagay, madalas ba naman silang magkasama noon. Roommate pa, hindi malabong hindi sila nagkaroon nang relasy—"

"Dwaessseo." salubong ang kilay kong sabi.

"Pwede rin naman maging tayo.." sinamaan ko siya nang tingin pero seryoso ang tingin niya saakin kaya naman napalunok ako.

"In your dreams." sagot ko.

"Baka nga kahit sa panaginip hindi mo ko piliin." napalunok ako sa sinabi niya ngunit inirapan ko siya.

"Talaga, Buti alam mo." aniya ko pa.

"Everyone is getting ready, you should be ready too. Para pagkauwi nang pinsan ko, mawala man lang ang pagod niya." seryoso pa rin siya dahilan para mapalunok ako.

"I'll go ahead, i'll see you later." aniya pa niya tapos Iniwan na ako, sinundan ko naman siya nang tingin habang nagtataka.

'What's with him?'

"Hey baby." gulat akong napalingon kay Luke ngunit nagtama ang ilong namin dahil bahagya siyang nakayuko.

"L-luke." sambit ko.

"Mm, Nakapagshower ka na?" gulat kong tanong, tumango naman siya bilang sagot.

"May shower room rin sa Gym na yan ah." aniya ko pa sakanya.

"Yup, ayoko namang mag amoy pawisan noh." tipid akong ngumiti.

Sinabayan niya naman akong maglakad papunta sa Kwarto nang makapasok ay Naupo muna ako sa kama. "Luke.." tawag ko sakanya.

Nilingon niya naman ako. "Mm?" tugon niya at bahagyang ngumiti.

"W-wala ba talaga kayong naging relasyon ni Doc Shane?" nag aalangan kong tanong, nangunot naman ang noo niya tapos naglakad at naupo sa tabi ko.

"Where did you get that Idea?" tanong niya.

"I just wonder.. You were both in the same room for years, and while with me it's just a month tapo—"

"It's because I like you for the long time, i mean I love you. Did you hear something? Para mabuo yan sa isipan mo mm?" malambing na sabi ni Luke saakin.

"Mas kilala ka kasi niya. Kesa saakin." mahinang sabi ko at napayuko.

"Mas kilala niya ako? Eh ikaw nga nakakaalam na red velvet ang favorite flavor ko." nakangiting aniya pa ni luke pero hindi nagbago ang nararamdaman ko.

"Baby.. Are you jealous?" mahinang tanong niya ngunit malambing, nag angat ako nang tingin at tinignan siya.

Napatingin ako sa labi niya..

'What's with me? Hindi naman to big deal saakin noon..'

"Baby—"

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at inilapit sa Labi ko, nang maglapat ang labi namin ay kusang pumikit ang mata ko lalo na nang tumugon siya sa halik ko.

Dumaan ang nakakabinging katahimikan na tanging mga labi nalang namin ang nag uusap, tahimik ngunit pakiramdam ko ay nabibingi ako sa sariling tibok nang puso.

Napapadalas ang paghalik ko sakanya, kasalanan ba to? Huhu mommy..

Nang dahan dahan siyang Humiwalay ay dahan dahan akong nagmulat at agad na ngumuso, tapos ay hindi pa ako nag paawat at Muli kong pinaglapat ang labi namin dahilan para mapasinghap siya.

'What the hell.. Bakit ako ganito? Bakit pakiramdam ko ay naguguilty ako? Was it because i'm lying?'

Mabilis akong natigilan at humiwalay nang kakaiba ang maramdaman ko sa buong katawan. "I-i'm sorry.." mahinang sabi ko at nakagat ang ibabang labi.

"Mm.." nahihiya kong nilingon si luke na nakatingin saakin, seryoso at hindi nang aasar napalunok ako.

Pakiramdam ko ay sinisikil ako nang mga titig niya, bigla ay nakaramdam ako nang kakaibang takot sakanya. At takot para sa sarili kong nararamdaman dahil sa halik na yon.

Sa pagkataranta ay bigla akong tumayo. "Mag aayos lang ako." mabilis kong sagot.

Bago pa man makaalis ay nahawakan niya na ang kamay ko kaya naman gulat ko siyang tinitigan pero tumayo siya at inilapit ako sakanya isinandal niya ang ulo ko sa tapat nang dibdib niya dahilan para pumikit ako.

Ngunit narinig ko lamang ang napakalakas na tibok nang puso niya, iniyakap pa niya ang mga kamay ko sa Bewang niya tapos ay Niyakap rin ako. Nakagat ko ang ibabang labi at napangiti sa ginawa niya.

"I told you, If we're serious over everything it's no longer fun baby.." maayos ngunit mahinang aniya niya.

"So don't make me worry about what you think, and what you feel.." mabagal niya iyong sinabi at naiintindihan ko yon.

"I'm scared.. No matter how i tried, i might fail being your man." nakagat ko ang ibabang labi dahil ramdam ko ang takot sa Boses niya.

"So don't look for my Omissions to other man. Tell me and i'll comply.." napalunok ako tapos tiningala siya seryoso ang mukha niya kahit na ang mga mata niya.

'Pagkukulang? Hindi naman siya nagkulang ah..'



√√√

“Parating nakaamba ang kamay kong saluhin ka kahit malabong mahulog ka saakin mia..”

@/n: Hanggang dito na muna ang Chapter na to, I'm taking a break para mapaghandaan ang dapat kong paghandaan para sainyo 💓 Hindi ko alam kung Matatanggap niyo yung mga mangyayari but i hope, i'm hoping hehehehehehe..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top