Chapter 82
Mia Jasmin's POV.
Agad akong naalimpungatan nang maramdaman ang mainit na palad sa likuran ko na nakadikit mismo sa balat ko, napalunok ako at agad na namula nang malaman na Kamay ni luke ang nasa likuran ko.
'Tulog na tulog pa rin amp..'
Talagang umabot sa loob nang damit ko ang kamay niya ah hindi naman parang ano parang nakayakap siya doon pero tumaas ata yung damit ko sa likuran kingina.
Tila hindi nagbago ang pwesto namin kaya naman dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya para makatayo ako ngunit agarang humigpit ang mga yon at mas inilapit ako sakanya.
Napalunok naman ako tapos tiningala ang mukha niya at tinitigan. Bahagya naman akong umangat para matapatan ang mukha niya pero ang hirap kaya naman bumangon nalang ako. "Mm.." nagrereklamong tugon ni Luke.
"Babalik ako." aniya ko pa sakanya tapos tinapik tapik siya, mukhang naintindihan niya at hindi niya na ako pinahirapan.
Nang makabangon ay inabot ko ang twalya tapos ang bagong pamalit na damit tumalon pa ako nang limang beses bago lumabas. Nang makalabas na ay dumeretso na kaagad ako sa banyo mukhang may kasama naman kami rito pero mga tulog.
At dahil nga naligo ako, inabot ako nang 15 minutes bago matapos pinunasan ko na rin ang buhok ko at bahagya nang pinatuyo sa loob nang Banyo. Nang matapos ay tinignan ko ang mukha ko.
Ugh puffy face, ang sarap kasi matulog. Pagkalabas napagkalabas ko ay agad akong nagulat dahil nandito rin si Dr.Zai nang lingunin niya ako ay agad akong napatakip nang mata.
"That's Inappropriate here.." sambit ko at saka iniiwas ang tingin sakanya, he's topless.
"Ah? I don't follow rules." sagot niya kaya naman napairap ako at nilagpasan na siya upang hindi makita.
"Bahala ka diyan." aniya ko pa tapos naglakad na pero natigilan ako nang pigilan ako ni Dr.Zai hawak niya ang pulsuhan ko pero hindi ako lumilingon.
"Hindi ka ba sanay makakita nang abs?" napamaang ako.
"Let go of me." mariing sabi ko at saka Binabawi ang kamay ko pero ayaw niya.
"Isa." sinimulan ko nang magbilang.
"Dalawa." banta ko pa.
"Let go of me Dr.Zai!" inis na bulyaw ko pero pagkabukas nang pinto ni luke ay agad akong hinila ni Dr.Zai at hinapit sa Bewang dahilan para Itulak ko siya kaagad pero malakas ang mga braso niya.
"Dr.Zai, Enough please." mariing sabi ko alam kong nakikita na kami ni Luke ngayon, i can sense it.
"What the hell are you doing Zai?" nang marinig ang tinig ni luke ay mariin akong napapikit.
"Nwadwo." banta ko. It means Let go.
"Ooh Arasseo." sagot ni Dr.Zai tapos ay binitiwan ako agad naman na hinawakan ni luke ang Kamay ko at inilagay sa bandang likuran niya.
"Sido Haebwa, Zai.." nagbabantang sabi ni Luke sakanya.
(Sido Haebwa means Try Me)
"Chill Bro, i'm just teasing your Girl." aniya pa ni Zai at tumawa kaya naman napairap ako.
"Be thankful i'm a doctor, Dr.Zai. I can't punch you hard in face." mariing sabi ko tapos Inis na Iniwan sila at saka ako pumasok sa Loob nang Kwarto.
'Kingina, anong trip nang isang yon?'
'pakiramdam ko tuloy iba ang iisipin ni luke saakin at saamin..'
"Baby.." napalunok ako nang malabing niya akong tawagin, nilingon ko naman siya kaagad.
"Is he bothering you?" tanong ni luke, mukhang nakapagsepilyo na siya at hilamos.
"Pinagtitripan ako nang Pinsan mo, at hindi nakakatuwa." mahinang sabi ko pa.
"I hate it too, Imagine? Dumikit yung katawan mo sa hubo niyang pantaas." ngiwing sabi ni luke kaya naman nilingon ko siya at nginusuan.
"Ayoko sa ganun na lalake, Nakakaturn off." aniya ko pa at saka ngumiwi.
"Si Daddy, at kent pag topless sila sanay na ako pero pag ibang tao it's awkward." kwento ko ngumiti si luke at tumango nalang.
"I'll go and wash then, I'll see you later wag kang lalabas ah." napangiti ako at tatango na sana nang kusa siyang lumapit at hinawakan ang likod nang ulo ko at hinalikan ako sa labi dampi lang.
Kada hinahalikan niya ako nang biglaan ay nabibigla rin talaga ako. Kaya naman nang ngumiti siya at tumango tapos lumabas na ay doon lang ako bumalik sa wisyo.
Agad akong napahawak sa mga pisngi at mariing pumikit, mahaba haba ang pahinga namin ngayon bawing bawi naman ang pagod namin sa trabaho mula nang magsimula ang Tuesday.
Agad akong napatingin sa Cellphone ko nang tumunog ito, nang malaman na si kent ang tumatawag saakin ay agad ko itong sinagot. "Mm?" Panimula ko.
"Noona, Eodiya?"
"Wae?"
(Noona means Ate, and Eodiya means where are you? Oki? Wae means why hihi)
"Did you received your new mission? I already done mine.."
"Seriously kent? Tatawag ka saakin for that? Aish unbelievable.."
"Noona, ano pa nga bang inaasahan mo? Kung sasabihin kong namiss kita sasabihin mong ang Korni ko at pag sinabi kong kamusta ka sasabihin mo Ayos lang masyadong Lame yung Conversation."
"Oo na, Wala pa akong narerecieve. Kung meron man hindi ko na sasabihin sayo sana man lang madali lang sobrang busy rin sa hospital e.."
"Poor you noona, buti pa ako Chill lang.."
"Nang nasa age mo ko ipapaalala ko sayo, Sobrang Basic nang Missions."
"I know noona, Alam mo ba yung Recent mission ko eh Sundan at kumuha nang impormasyon sa kalaban like sobrang basic."
"Sige na, I'll go ahead."
"Noona mamaya na, Kamusta kayo ni Hyung?"
"Okay naman po kami, At sabay ren kaming nagtatrabaho. Ikaw hindi ka pa pwedeng mag Jowa."
"Tsk as if mag gigirlfriend ako noona, Sa ngayon mga sakit at distractions lang ang mga babae."
"Weh? Nasaktan ka lang kase ka—"
"Don't mention her, noona. She's not my type anymore.."
"Talaga ba?"
"um, sana nga hindi nalang noona. Pakiramdam ko ay sinira ko ang samahan na meron ang pamilya natin."
"Crush lang naman diba?"
"Maybe Noona, Hahahahaah crush pero i feel so brokenhearted.. Akala ko yung iyak mo noon ay dahil masakit lang pero araw araw palang masakit."
"Mm.. Sinabihan naman kasi kita una palang na Mali, maling mali na gustuhin mo siya."
"I know noona, I wish it's not yet too late.."
"This thing will only be fix pag wala na yung nararamdaman mo para sakanya at kung handa na siyang bumalik saatin."
"It's so hard noona, alam kong nang mga panahon na ito ay ipit na ipit ka.."
"Kung iisipin natin akala natin matagal na pero kailan lang pala."
"Osya sige na noona, Hindi naman ako si Mom o si dad para bilinan ka pa.. Matanda ka na baka nga may wrinkles ka n—"
"Mas baby face pa nga ako sayo, kupal kang bata ka."
"Basta noona, wag kayong mawawala ni Hyung sa Anniversary ni Mom and dad."
"Yes, Dongsaeng."
"Josimhaeyo, Jalgayo noona."
"Mm, Jalgayo. Aral mabuti ha."
"Yes noona."
Ibinaba ko na ang Cellphone para patayin ang call tapos huminga nang malalim napakabilis nang ten minutes sa tawag na yon.
(Josimhaeyo means Take Care, and Jalgayo means Goodbye. Enjoy reading!)
Ganito talaga kami mag Usap ni kent, About Mission, mission, mission yung mission na yon ay natural na sa pamilya namin nang lumaki ako ay mas naunawaan ko ang pamilya na meron ako.
Hindi madali at hindi na kayang tanggalin pa ang nakasanayan, bukod sa Heirs kami ay may iba pa kaming dapat gawin bukod sa magtrabaho at mabuhay.
Ngunit hindi ko pa rin maunawaan kung bakit tinawag akong First Born Sandoval, hindi pa nasasabi saakin ni dad dahil hindi rin naman namin naalala kada magkasama na.
Nang may magbukas nang pinto ay napalingon ako kaagad ngunit agad na namula ang mukha ko nang makita kong walang damit pang taas si luke at tumutulo pa ang buhok niya sa pagkabasa nito.
'Oh dang, so lit..'
"Ah, Did that turn you off?" napalunok ako hindi alam ang isasagot. Mas naging toned ang abs niya at mas naging visible ang muscles nang katawan niya lalo na sa dibdib.
"Baby.." malambing na tawag niya dahilan para tignan ko siya sa mukha at agad na umiling ngunit agad na namula ang mukha ko nang marealize ang naging sagot!
Ngumiti si luke dahilan para manlaki ang mata ko. "I-i mean hindi ibig sabihin non gusto kong nakaganyan ka— a-ah a-ano—"
"I see." sa naging sagot niya ay kusang nag init ang mga pisngi ko at napalunok, shit luke stop making my heart flutter..
"Look at me." napalunok ako tapos nakagat ang ibabang labi at saka ko siya nilingon muli, nang aasar ang mga mata niya at nakakaloko ang mga ngiti niya sa labi.
"Stop teasing me luke." sita ko sakanya.
"Are you teased? Hindi ako ganito mang asar.." napairap ako nang nang aakit niyang sabihin yon, I'm freaking 22 years old that doesn't mean i'm innocent aish..
"Then stop what you're doing." nakanguso ngunit masungit kong sabi, naka jogging pants pa rin siya at ang twalya ay isinabit sa balikat wala pa rin damit.
"A-anong gagawin mo?" gulat na tanong ko nang lumapit siya saakin dahil medyo pahaba ang upuan sa tapat nang salamin kung saan ako nag aayos ay napagilid ako.
"Hmm you look tense baby." nakangisi niyang sabi at nang makalapit siya as in sobrang lapit ay naiiwas ko ang mukha ko nang lumapit siya tapos ay pumikit.
'Ito nanaman yung natural na amoy niya ngayon, umaalingasaw sa buong kwarto..'
Ang bango.. Nang marinig ang tawa niya ay naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko dahilan para tumaas ang balahibo ko. "Kinuha ko lamang ang damit kong nahulog rito." aniya niya at saka nang maramdaman na lumayo siya ay napairap ako.
Ngunit nakahinga nang maluwag na yun lamang ang ginawa niya pinakita pa niya ang damit saakin. "Wear it already scumbag." inis na sabi ko.
"Mm maybe later, mukhang gusto mo pang maki—"
"Shut up Garcia." sambit ko napa woah naman siya saakin.
"Kay Zai okay lang, pero saaki—"
"That's not what i mean!" singhal ko pa inis ko siyang tinignan at pilit kong hindi ibinababa ang tingin papunta sa katawan niyang ubod nang aish!
"Mm.." patango tango pa niyang tugon tapos ay iniiwas na ang tingin saakin at Pinunasan muna nang twalya ang buhok bago nagsuot nang Maluwag na T-shirt ngunit Cotton.
'Galit na ba siya ngayon?'
Napalunok ako at agad na nakonsensya, madalas nga pala ss lalake ay nakatopless tulad nalang ni kent at daddy hindi kaya? Hindi kaya ang OA ko?
Nilingon ko siyang muli pero nakasandal na siya sa Headboard at nagbabasa nang libro habang nakakunot ang noo at napalabi naman ako kaagad tapos ay bumuntong hininga.
Kaya naman tumayo na ako tapos ay dumeretso sa Kama ko, Hindi niya man lang ako sinulyapan separated beds kasi ang meron kami diba nang hindi niya ako pansinin ay tumayo ako at naupo sa kama niya hindi niya pa rin ako nililingon.
Kaya naman dahan dahan akong umusod sa tabi niya tapos ay sumandal rin sa Headboard upang silipin ang binabasa niya. Mas umusod pa ako papalapit sakanya nang hindi niya pa rin ako pansinin.
"Mm what are you doing?" tanong niya at nilingon ako kaya naman napalunok ako.
"Nakikibasa." pagdadahilan ko.
Nang hindi niya ako tugunin at nagbasa nalang ay umayos ako nang upo. "Mian.." mabilis na sabi ko, Nagsosorry.
"Mm what for?" tanong niya saakin tapos tinignan ako at muling ibinaling ang mata sa binabasa.
"I don't know either.. I just feel sorry about making you think like that." sagot ko.
"You don't know but you gave me a reason, baby.." mahinang sabi niya at hindi ako tinignan.
"You can wear anything you want, You can be topless but not naked." naninita kong sabi, Nang sabihin ko yon ay doon na siya natawa.
"Why would i be naked in front of you baby?" nang aasar niyang tanong at sinara na ang libro tapos tinignan nalang ako.
Napalunok ako sa tanong niya. "I-i don't know." sagot ko.
"I'm curious.." nakangiting tanong niya saakin, napalunok naman ako at saka nangangapa nang maisasagot.
"You love to tease me, aren't you?" sumbat ko na nang wala na talagang masagot, nakita ko ang paglabi niya at saka Tumikhim pa tapos naupo rin nang tuwid.
"You love to be teased baby.." mahinang sabi niya, tinignan ko ang mata niya.. Ngunit hindi ako gumalaw nang hawakan niya ang Braso ko upang mailapit sakanya at hindi na ako makaatras.
"W-what are you doing again?" tanong ko.
"I'm about to tease this beautiful lips of yours... Mia.." nang sobrang lapit niya na ang pumikit ako at inawang na ang bibig pero halos mag init ang mga pisngi ko nang mahina siyang tumawa at naramdaman ko ang pag dampi niya sa pisngi ko.
'This jerk is really teasing me, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo pag ako ang nang asar sayo simula nang gawin ko ang pag ayos sa Coat niya ay derederetso na siya sa oang aasar tsk'
"Really Luke?" sambit ko tapos tinulak siya at saka ko siya pinaningkitan nang mata.
"My baby gone mad.." nakangising aniya niya pero agad siyang napalunok nang ngumisi ako.
"What would you do if i tease you, baby.." biglang nagbago ag ekspresyon niya at tila inalisan nang dugo ag mukha niya sa pamumutla.
"You got to be kidding m— oh.." nagulat siya nang Bumangon ako at Saka ko ipinatong ang dalawang palad sa Balikat niya kaya naman habang nakatuhod sa kama ay nakayuko ako upang malapitan ang mukha niya.
"Should i win this bet? Or should i make you beg?" nang sabihin ko to ay bigla akong namaos na para bang pati ako naapektuhan sa ginagawa.
Kasalanan to nang mga nababasa ko sa wattpad e, naadapt ko na ang mga ugali nang girls doon hindi maarii..
Ang itsura ni luke ah hindi nagbago, mukhang gulat at kabado pa rin dahil sa ginawa ko Imagine imagine eto palang!
√√√
“The Fact that both of you are dancing, it already hurts me.."
@/n: Habang tumatagal mas tumitindi Hihi, Kaya niyo yan ah! Walang susuko kakaisip! Na publish ko na rin pala ang Book ni Len hihi STOLEN HEART po yung title 💓
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top