Chapter 60
Third Person's POV
"May Isang Van na punong puno nang sakay at isang Kotse na anim ang sakay.." panimula si Doctor Lucille.
"Tatlong bata at Mga nasa 20 years old na magkakaklase, ang isa sakanila ay tumarak yung salamin nang.. Nang bintana." nangunot ang noo ni Luke
"Bintana?" nagtatakang sabi ni Luke.
"Ye.. Yun yung pagkakasabi nang Paramedic na tumawag, at yun daw ang una nilang dadalhin rito pati na ang mga bata." lumunok si Luke at saka nilingon ang New Team.
"May isa ba sainyo ang nakapagtreat na nang batang naaksidente?" tanong ni luke nang walang sumagot ay napangiwi ito.
"Pinagmamalaki niyo ang mga seniority niyo pero may mga hindi ka pala kayo nasubukang gamutin. Kayo ang bahala sa mga adults na pasyente." inis na sabi ni luke at Umalis na doon napamaang naman si Doctor Aaron, bars at si Dr.Marky.
"What a jerk." aniya pa ni Dr.Marky.
"Kung wala na kayong sasabihin maari na kayong maghanda." pairap na sabi ni Doc lucille tapos sinamaan nang tingin ang ilan sa mga doon at saka pumunta na sa First Bed.
Ilang minuto lang ay dumating na ang pasyenteng may saksak agad na nilapitan ito ni Mia at saka Inilagay sa Hybrid room. "Vital Signs?!" mabilis na tanong niya at doon niya napagtanto n ang salamin na to ay ang kalahati nang salamin at matigas kung kaya't napahinga ito nang malalim.
"He's 23 years old, Rp 25, Hr 50, bp 80/120.." nagulat si mia at agad na nag angat nang tingin.
"Nurse Chi, bigyan mo siya nang Warm saline, please paayos rin nang Monitor." utos ni mia at hindi ginalaw ang salamin.
"Maghanda rin kayo nang dugo, bilis!" aniya pa ni Mia, habang si Luke naman ay Busy sa isang batang pasyente.
"Ilang minuto na siyang walang malay?" tanong Ni luke at Chineck ito.
"More than 20 minutes na doc, Wala siyang kahit anong malalalim na sugat pero nabanggit saakin nang kapatid niya na malakas na tumama ang ulo niya sa Sasakyan." nakagat ni Luke ang labi at itinaas ang damit nito.
Kinuha niya ang maliit na flashlight at saka Iminulat ang mata nang pasyente ngunit agad niyang nagulat at tinignan si Dr.Romeo itong bata kasi na to ang may pinakacritical sakanila. Nang icheck niya ang Left eye ay huminga siya nang malalim.
"D-doc.. His pupils are fully dilated." mahinang sabi ni luke, agad naman siyang seryosong tinignan ni Dr.Romeo.
"What? ,are you sure?" tanong ni Dr.Romeo at chineck tapos parehas silang nagkatinginan.
"Nasaan ang guardian niya?" tanong ni Dr.Romeo sa paramedic na nagdala sa bata.
"Papunta na po ang Parents nila, yung kapatid niya po ay ginagamot sa bed 4." napatango si Dr.Romeo tapos tinignan si Luke.
"He needs CT-Scan Doc." aniya pa ni Dr.Romeo tumango naman si Luke at bahagya pang tinitigan ang bata, when pupils are fully dilated it means it could be Brain Dead.
Bumuntong hininga si Luke tapos inutusan na ang ibang nurse para sa Ct-scan. Matapos nilang icheck ang ibang pasyente ay panay ang reklamo nang mga doctor na bago.
"I can't believe this little hospital can have a lot of patients!" inis na bulyaw ni Dr.Aaron tapos Inasikaso ang isang nasa twenties.
"Doc! Doc my face!" reklamo ng isang babae at lumalapit sakanya nagulat si Dr.Aaron at agad na napalunok dahil may mga bubog ang mukha nito.
"Miss, maupo ka lang po sa Bed mo." aniya pa nito.
"Paki alis na pooo." huminga nang malalim si Dr.Aaron nang hinawakan siya nang ibang pasyente.
Habang si Dr.Aira naman ay napairap nang Halos hila hilain siya nang mga May mild injury. "Doctorrr!"
"Oh my gosh!"
"More Tap Gauze!"
"Bring me a lot of Warm saline!".
"Elastic Bandage pleaseee!"
Matapos ni Mia gamutin ang may salamin sa Tyan ay Inoperahan na ito ni Dr.Yasmine lumapit naman si Mia kung nasaan sila luke at Dr.Romeo.
"Ilang taon na ang batang ito?" tanong niya dahilan para lingunin siya nila Luke at Dr.Romeo.
"12 years old.." sagot ni Luke.
"Anong case niya?" tanong pa ni Mia, napalunok si Luke.
"SAH (Subarachnoid Hemorrhage)" sagot ni luke.
"W-what?.." mahinang sabi ni Mia.
Mia Jasmin's POV.
"This Can't be.. Is he Brain dead?" tanong ko sakanila tapos Nilapitan ang bata at kinuha ang Flashlight ni luke at Iminulat ko ang mata nang isang 12 years old na batang lalake.
Napalunok ako nang makita ang Pupils niyang dilated nakagat ko ang ibabang labi tapos napaawang ang bibig at saka ako natulala. "Let's try other way to see." aniya ko pa.
"No Brain reflex.." mariing sabi ko at hindi makapaniwalang tinignan si Dr.Romeo at Luke, nakayuko rin sila at tila nalulungkot.
"Nasaan ang Guardian niya?" tanong ko sakanila.
"Anong nangyari sa anak ko? Malala ba ang lagay niya?" kusa kaming napalingon nang Pumasok ang isang Babaeng nasa 40+ na at saka nilapitan ang anak niya.
"Is he hurt badly doc?" napayuko si Dr.Romeo.
"The paramedic told me he is.." hindi nila alam kung papaano sasabihin.
"Ma'am.. I wanted to do everything i can, but for now its helpless." aniya ni Dr.Romeo, kusang tumulo ang luha nang nanay nito kaya naman napaiwas tingin ako dahil napukaw namin ang atensyon nang lahat.
"Baka may pag asa pa Doc? Baka kailangan niyo pa siyang Icheck? Please doc.." napayuko ako nang marinig ang nanay na Umiiyak habang nag mamakaawa.
"Doc, sabihin mong may pag asa pa ang anak ko? He's too young.." kusang napaangat ang tingin ko sa kisame nang hawakan nito ang kamay ko upang mag makaawa pero tumulo lang ang luha ko.
"Ma'am all we can do is to Wait, and wait for miracle to Happen.." nakagat ko ang labi nang magbasag ang boses ko, nang mapaluhod ang nanay niya ay agad ko itong inalalayan.
"Masyado pang bata ang anak ko doc.. Pangarap pa niyang maging Pulis.." napamaang ako tapos napalunok..
"Ma'am titignan nalang po natin kung papaano siya magreresponse sa mga test at gamot na ibibigay namin sakanya.." tinulungan ni Dr.Romeo ang nanay nang pasyente at inabot naman ni luke ang kamay ko para alalayan tumayo.
Nang magtama ang mata namin ay Maluha luha rin ang mata nito, maya maya ay biglang dumating ang isang babaeng may Bandage ang Kaliwang kamay at Braso.
"Ma, bakit ka po umiiyak? Ayos naman siya diba?" napatingin ako sakanya at nakarandam nang awa.
"Ma, bakit hindi ka sumasagot?" tanong nang nakakatandang kapatid nito.
Pero walang ginawa ang nanay nito kundi humagulgol lang nang humagulgol nang tignan ko ang ibang mga tao ay mga nagpipigil rin sila nang luha at ang iba ay maluha luha nalulungkot.
***
Nasa ICU na ang Brain Dead patient namin at umaasa kaming sana may milagrong mangyari, napahilot ako sa sindito tapos nilapitan ang isang Lalake. "Nurse Jill, pakidala nalang siya sa CXR room." aniya ko sakanya.
(CXR means Chest X-ray)
Tahimik akong naglakad papalabas nang emergency room dahil 4 A.M na rin kasi nang makalabas na nang ER ay napalingon ako sa Gilid dahil nakita kong nakatulala si Luke sa patient namin na may SAH yung 12 years old.
Kaya naman naglakad ako papalapit sakanya. "Gwaenchanha?" mahinang tanong ko, sinulyapan niya naman ako.
"It's really Helpless.." mahinang sabi niya tapos bumuntong hininga.
"No Cornea Reflex, his Electroencephalogram test shows no brain activity at all." nang sabihin niya yon ay ako ang napabuntong hininga.
"So it's really Hopeless?" mahinang tanong ko.
"Mm.." napalunok ako at naupo sa Bench sa harap nang ICU.
Naupo naman sa tabi ko si Luke. "Masyado pa siyang bata, kaya naman maaring isa yon sa dahilan." mahinang sabi ni luke.
"First time kong maka encounter nang batang Brain dead.." bulong ko pa.
"Hindi ko matanggap na wala akong magawa." dagdag ko pa.
"Sabi nang lahat pag Inooperahan sa ospital na to nabubuhay doc, ikaw ang pinakamagaling na surgeon doc baka pag inoperahan mo ang anak ko mabuhay pa siya.." kusa akong napalingon nang marinig yon.
"Ma'am Naisin ko man pero mas lalala lang ang lagay niya.." kusa akong napayuko nang marinig si Dr.Romeo hirap na hirap na nag eexplain sa parent.
"Let's go?" aniya ni luke kaya naman tumango ako tapos sinabayan siyang maglakad pero sa gitna nang paglalakad namin ay nakita ko si Dr.Aaron kasama si Dr.Bars.
"What?" tanong ni Luke sa mga ito.
"Kaya mo ba kami pinatawag oara ipakita kung gaano kahirap sa Ospital na to?" napalunok ako nang seryosong seryoso si Dr.Aaron sa sinabi kay Luke.
"No, Tinawag ko kayo dahil kakailanganin kayo nang mga pasyente Doc." sagot ni Luke kaya naman nang mapansin kong tignan ako ni Dr.Bars ay tipid ko siyang nginitian.
Kingina makaaya akala mo napakagwapo, napakahangin pa tsk manigas ka dahil binasted ka lang naman. "Really Luke? O baka naman dahil gusto mong magpakitang gilas?" nilingon ko ang reaksyon ni Luke.
"Pakitang gilas? Kusang nangyari yon sayo dahil nabilib ka saakin Dr.Bars." nakangising sagot ni luke kaya naman napalunok ako.
"See, Hindi ka na nagbago Lu—"
"You can call him Dr.L, Dr.Bars." singit ko, napamaang ito sa sinabi ko.
"Hindi ko alam kung dapat mo bang itama ang Senior mo." ngumiti ako sa sinabi niya.
"Hindi porket senior kita doc, hindi ka na pwedeng magkamali." maayos na sabi ko.
"Alam kong anak ka nang sikat Dr.Mia, pero labas ang personalan sa loob nang ospital kaya bakit hindi ka gumalang?" tinignan ko si Dr.Aaron.
"Wala naman ho akong nakikitang pambabastos Dr.Aaron." nakangiting sabi ko pa.
"Kung nakita niyo man po siyang magaling at nabilib kayo, why don't you just compliment him Doctor?" napamaang ito sa sinabi ko.
"Magapahinga na po muna kami, dahil mamaya may mga pasyente pang darating. Marami po kaming pasyente na ginamot kanina hindi Iisa o dalawa lang." nakangiting sumbat ko pa tapos bahagyang yumuko at saka Hinila na si Luke papaalis doon.
"Pinag iinitan ka ata nang mga yon?" tanong ko kay Luke, Ngumiwi lang siya tapos hindi na ako sinagot.
"Ya." tawag ko pa sakanya.
"I don't want to talk about it, I'm tired." sagot ni luke kaya naman naglakad nalang kami hanggang sa makapasok sa Loob nang staff room.
"I hate that new doctor." pagkapasok ay nandito ang ibang kasama halatang pagod na pagod.
"Bakit?" natatawang tanong ko at naupo sa tabi nila.
"Makareklamo na pagod akala mo Lumagpas sa lima yung pasyenteng ginamot." nadidismayang sabi ni Dr.Kiro kaya naman natawa ako.
"Sa City Hospital kase sila yung Operasyon lang ang ginagawa." sagot ko pa.
"Ay naku ako naiinis ako doon sa Aira, napakayabang gosh akala mo magaling." napatingin ako kay Dr.Lucille tapos natawa sa Reaksyon niya.
"May pasabi sabi pa silang Irurule nila ang ospital eh E.R nga para silang mga nawawalang bata." dagdag pa ni Dr.Lucille ngunit nang biglang bumukas ang Pinto nang staff room ay nakita ko ang masamang tingin ni Dr.Aira.
"So you're good at Stabbing people?" napalunok si Dr.Lucille kaya naman tinignan ko si Dr.Aira.
"What do you mean Stabbing?" sumbat ni Dr.Lucille, mas matanda kasi si Dr.Lucille dahil classmate at batchmate niya si Luke.
"You, telling bad things behind our backs." sagot ni Dr.Aira at pumasok sa loob.
"You mean me Hating you?" nagpigil tawa ang mga kasama sa sagot ni Dr.Lucille.
"Sasabihin ko to sa mga seniors ko." naiinis na sabi ni Dr.Aira.
"Go, tell them that Dr.Lucille is Hating me. Kanina ko pa alam na nandiyan ka can't you see nakikita ang shadows diyan sa Door?" natatawang sabi ni Dr.Lucille kaya naman natawa na ako.
"Sorry.." mahinang sabi ko pa at napatakip nang Mukha.
"Hindi ako makapaniwalang ganto ang ugali nang mga doctors sa Hospital na to!" galit na sabi niya at saka Umalis na nang makaalis sila ay natawa kaming lahat bukod kay luke na nakayuko na sa Mesa.
"Makasumbong akala mo naman below the belt ang sinabi ko." natatawang sabi ni Dr.Lucille kaya naman sumandal ako sa Swivel chair.
"Nadagdagan ang pasyente natin dahil sinabi na Ang konti daw nang pasyente tsk." singit ni Dr.Monter.
"Oo rin noh, nakakaloka." dagdag pa ni Nurse Jill.
"Pero Doc Mia, Senior mo ba siya sa City Hospital?" tanong saakin ni Doctor Monter.
"Oo, They rule everything." sagot ko nadidismaya.
"Hanggang ngayon nga parang balak rin nilang Irule ang hospital na to, kaya dito sila mag iistay." sagot ko pa.
"For long? Permanently?" sa tanong na yon ay nag kibit balikat nalang ako.
"Let's rest for a while, tatawag naman ang Nurse station saatin." aniya ko pa sakanila tapos niyuko ko nalang ang mesa upang makapagpahinga.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top