Chapter 5

Mia Jasmin's POV.


"Nawala ata pagkalasing mo?" tanong ko sakanya.

"Sinong hindi, Sakit nang ulo ko buti nga tumakbo na yung mga yon." sagot niya then bigla niya akong tinignan.

"Hooo w-wait why are you wearing my shirt? And why are you here?" tanong niya napairap ako.

"duh kanina pa noh ako nga nagtapon lahat nang alak na iniinom mo" nakangiwi kong reklamo sakanya.

"By the way nanaginip ako, Kiniss daw kita hahaha kinginang yan sayang panaginip lang." kwento niya pa at natatawa kung ganun akala niya panaginip ang ginawa niyang iyon?

Yeah right better be like that para hindi na ako mahiya sakanya.. "Sa bahay ka na manuluyan." sambit ko sakanya.

"I can't leave the house right now, Gusto mo ba ihatid na kita sainyo?" tanong niya Umiling ako.

"Stay na ako rito, bukas na baka lasing ka pa." sambit ko sakanya.

"Di ah..." parang bigla ay bumalik siya into happy man samantalang sa kwento ni manang talagang may problema siyang pinagdadaanan.

"Teka come with me dadalhin kita sa Guest room." nakangiting sabi niya kaya naman nang maglakad kami ay napansin ko na sa tabing kwarto nya lang rin ako dinala.

"Wait.." Sambit niya.

"wag muna pala, Ipapaayos ko muna kay yaya." sambit niya.

"Don ka muna sa Kwarto ko, maliligo lang ako ayoko magstay ka mag isa sa Sala." sambit niya pa.

"Baliw ka na talaga noh, Kanina nang nakita kita Bangag ka kung ano ano pa sinasabi mo." namula ang mukha niya.

"M-mia kung ano man yung nasabi ko please don't mind it kase hindi ko talaga maalala." natawa ako.

"Oki." sagot ko.

•••

"mabuti naman at kakain ka na hijo." kita ko naman na Pilit ang ngiti ni Luke.

"Kayo lang po pala ang susundin niya hija." natawa ako.

"Dapat lang po manang, Dahil kung hindi tsk." nang tignan ko si Luke ay awtomatiko akong napatingin sa labi niya kaya naman namula ako at saka nag iwas tingin nakatingin kasi siya saakin.

Matapos kumain ay tumambay muna kami sa Pool Area, there's a space between us pero hindi kami ganun kalayo. "Mia, sure kang okay lang sa parents mo na nandito ka?" tanong niya saakin.

"of course, Sila pa nga nagsabi na mag stay ako rito." sambit ko.

"Mia, Hindi ka naman na 11 years old sa tingin mo ba kahit konti may pag asa ako sayo?" natigilan ako sa tanong niya He sounded so serious.

"Wala, Don't expect on me." mariing sabi ko, una sa lahat ayokong makampante siya dahil sa alam niyang may pag asa siya.

"That was harsh, I've been liking you since i was a kid yet you're not having a little crush on me." natawa ako sa tingin ba niya susugod ako rito sa Bahay nila kung hindi ako nag aalala?

"Bakit kaya ang mga lalaki pag sinabi sakanilang ayaw sakanila nang babae hindi na nila liligawan.. Diba nga kaya nililigawan ang isang babae to make it fall in love?" napalingon saakin si Luke nang lumapit siya ay agad akong napausad.

"Luh takot na takot." nawala ang ngiti ko sa labi at Namula ang mukha ko.

"Luke ano ba, hindi ako natutuwa sa Jokes mo.." sambit ko at saka Umayos nang upo, natigilan siya at nawala ang ngiti.

"S-sorry." sambit niya.

Luke's POV.

tumikhim ako nang maihatid siya sa kwarto niya pero sinaraduhan niya nalang ako basta basta, Bumuntong hininga ako at saka Yumuko sandali at saka dumeretso sa terrace.

"Hijo, may bisita ka sa ibaba." nangunot ang noo ko.

"Sino manang?" tanong ko.

"Isang magandang dalaga, hindi ko alam ang ngalan niya." tumango ako at saka Tumayo para Bumaba.

Nang makababa ay nakita ko si Katrina Lastimosa, tila ang kalungkutan ko ay nawala at napalitan ito nang pagkasalubong nang kilay.

"What Brought you here?" umalis na si manang nang magsimula akong magsalita tumayo siya at agad na Lumapit saakin hindi ko nabantayan ang sunod na galaw niya kaya naman nakayakap na siya saakin.

"Nabalitaan ko ang nangyari, okay ka lang ba?" inalis ko siya sa pagkakayakap niya saakin tapos Tipid na ngumiti.

"Maupo ka." naupo siya at naupo naman ako sa Isang single sofa.

"What brought you here? It's already late Katrina." sambit ko seryoso..

"Ayaw mo ba akong makita? Fiance mo ako Luke ano at hindi ka natutuwa." natawa ako sa sinabi niya.

"Fiance? I don't accept you as my fiance. katrina hindi ikaw ang papakasalan ko naiintindihan mo ba?" mariing sabi ko, alam kong pakana nanaman to nang magaling kong Lolo! Nakakabwisit!

"Bakit hindi Luke? Magkaibigan naman tayo noon bakit hindi? Do you like someone else?" derederetso niyang sabi.

"Yes, I do." mariing sagot ko at tumayo na pero Pagkatayo ko ay mabilis kong naramdaman ang paghawak ni katrina sa kamay ko at Hinila niya ako dahilan para—

"Katrina ano ba!" sambit ko at itinulak siya nang tignan niya ang taas ay natigilan ako at napatingin doon it was Mia with her eyes shock.

"M-mia.." sambit ko.

"Oh is she the girl you like?" mahinang smabit ni Katrina.

"Get lost." mariing sambit ko at mabilis na Pumunta doon sa Hagdan.

"Mia!" tawag ko nang mabilis siyang umalis doon kaya naman nang makarating sa itaas ay saktong sakto na papasok palang siya kaya naman pinigilan ko siya.

"M-mia, Iba yung iniisip mo okay?" sambit ko bigla.

"It's fine.." sagot niya at hindi ko nagustuhan ang sagot niya mas gusto kong nagagalit siya saakin kesa ganito.

"Mia."

"Luke, okay nga lang diba? Wala ka namang dapat Iexplain okay na?" hinarap niya ako nang sabihin niya yon at napapansin kong hindi okay yon.

"Sorry." agad ko siyang Hinila at niyakap, Halata namang nagulat siya dahil naiwang nakababa ang kamay niya pero kelan niya pa ba ako niyakap?

"Aw what an awful love story." bahagyang humiwalay si Mia saakin tapos Hinarap si Katrina.

"Sorry sa nakita mo, Magpapahinga na ako." aniya ni Mia at bahagyang Yumuko.

"Wait wait, masyado kang bata para maging girlfriend ni Luke. You know what you better back off kasi i'm the fiance." tumukhim si Mia at tumango.

"I'm not a Girlfriend, and you're right masyado pa akong bata. Sorry kung sa tingin mo inaagaw ko ang fian—"

"Stop it Mia." mariing sambit ko.

"Aw kawawa ka naman Mia. Ang bata mo pa para sakanya baka nga hindi ka marunong humalik." ngumiti si Mia.

"Marunong naman akong rumespeto kaya sana wag mong sagarin yung pasensya ko. Kung sa tingin mo lalamangan nang paghalik halik na sinasabi mo ang pagmamahal. Hayaan mo Pag lumaki ako hahalikan ko mismo sa harap mo yang Fiance mo." namula ang mga tenga ko.

"Ah eto pa not to hurt your heart miss, Kanina lang naman nang lasing yang fiance mo hinalikan ako kaya goodluck." narinig ko ang tunog nang pag ngisi ni mia at ang tunog nang—

"What the fuck?" mahinang bulong ko Hinalikan ko siya kanina?! Kung ganun hindi yon panaginip!?

"Luke! How coul—"

"Get lost." mariing sabi ko.

"Makaalis ka na sa pamamahay na to Katrina, bago pa ako magalit nang tuluyan sayo." ngumisi ito at saka Naglakad na pababa napabuntong hininga ako.

Oras na siguro para umalis sa bahay na to.. Hahanap ako nang Condominium mas makabubuti yon naiirita ako sa Pamilya ko.

KINAUMAGAHAN..

Kanina lang ibinalita saakin ni manang na suspended na ang klase kaya naman wala kaming magawa ni Mia kundi tumahimik hindi niya rin ako pinapansin at di niya man lang ako tinitignan sa mata.

"Hindi pa ba tayo aalis?" at ayon sa wakas kinausap niya na rin ako.

"Tara na, Kinausap mo na ako e." dala dala ko ang travel bag ay pumunta na kami sa may sasakyan ko, nang mapagbuksan siya ay muli na siyang tumahimik.

"Galit ka saakin?" tanong ko sakanya.

"Tinatamad lang ako magsalita." sambit niya pa.

"Luh, may ganu—"

"Kung wala mang ganon saakin meron, Tumahimik ka nalang luke." seryoso niyang sabi kaya Naman tumango ako at saka Nagdrive na.

Nang makarating sa bahay nila miyu ay may mga Pulis rito na may kasamang sundalo. "Saktong sakto, come here Pumirma kayo for Quarantine pass.." nangunot ang noo ko.

"Quarantine, what's happening?" tanong ko and then sign after signing inabutan nila ako nang ID.

"Starting on wednesday sir, there will be no works, everything in the city will be locked down because of the Virus called Corona Virus." nakita ko ang pagkagulat ni mia.

"It's getting worst and spread Rapidly.." sambit ni Tita miyu.

"May Infected na ho ba dito sa City?" tanong ni Mia.

"There are 2 Positive already, came from Hong kong.." napabuntong hininga kami sa naging sagot.

"Mabilis na kumakalat ang Virus na ito, Nandyan na rin po ang mga dapat niyong gawin." Ibinulsa ko ang ID tapos tinanguan sila.

"Mauuna na ho kami." sambit nila.

"Okay, Grocery store tayo. Magbihis na kayo." nang sabihin yon ni Tito Vince ay bumuntong hininga ako at saka bahagyang yumuko at nauna na sa Taas.

Nang makapunta sa itaas ay muli ko nanamang hinawakan ang sariling labi nang naalala ang Inakala kong panaginip na tunay pala aish Patay ako nito kay tito vinceeeeee.

Tumikhim ako she's sixteen and i'm Aishh napakahirap nito I remembered everything. Nang makapagbihis ay huminga ako nang malalim bago nagbukas nang pinto pero pagkatingin ko sa Gilid ay agad na iniwas ni Mia ang tingin tapos naunang naglakad kaya naman sinubukan ko siyang sabayan.

"Kailangan ba talaga ganyan yung suot mo?" tanong ko sakanya.

"What's wrong with what i wear." nakangiwi niyang sagot kaya ngumiwi ako at mabilis na Hinubad amg Hoodie na suot ko nang makababa ay agad ko iyong itinali sa Waist niya.

"A-ano ba." sita niya saakin.

"Tsk just let that be there, Naiirita ako sa nakikita." sagot ko.

"Edi wag mo tignan." sagot niya pa apakasungit.

"Gusto mo bang pinagtitinginan ka nang mga manyak?" ngumiwi siya sa sinabi ko at Lumapit na sa daddy niya tapos nagsuot nang mask.

Naglakad ako papunta doon at kumuha rin nang mask kaya naman ibinulsa ko ang Wallet.



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top