Chapter 45

Mia Jasmin's POV


Kasama ko si gray ngayon, at hanggang ngayon sandalan ko pa rin siya. "Hindi ko pa rin maisip na ang Babaeng katabi kong napakatapang, iyakin para sa isang lalake." ngumuso ako sa pang aasar niya.

"Ayoko talagang gawin to gray." mahinang sabi ko.

"Just follow my lead, hindi naman ako considered Ex boyfriend mo pag hindi talaga to nag work kaya don't worry." nakangiting sabi pa niya.

"Psh, Patay ako kay mommy nito pag nalaman niyang ginagamit kita at nagpapagamit ka naman." aniya ko pa sakanya.

"Alteast nasubukan kong maging boyfriend mo." natatawang aniya pa niya kaya naman kinuha ko ang kamay niya.

"Ikaw yung naging bestfriend ko, kaya ayokong mawala ka." aniya ko pa sakanya.

"Kaya nga hindi ako Considered Ex mo, wag ka na matakot. Diba balak niya magsimula kayo ulit? Pero ayaw mo kasi kasal siya." ngumuso ako.

"Oo na, May pasyente pa ako. Tuesday na bukas kaya i'll be busy. I'll text or call you nalang My Not so true boyfriend." natawa siya nang sabihin ko yon kaya naman natawa rin ako.

"Sige na, galingan mo sa work mo, My not so true Girlfriend." napangiti ako at tinapik siya sa balikat pero lumapit siya saakin at saka idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko kaya naman pinaningkitan ko siya nang mata.

"Ganyan magpaalam ang dalawang magkarelasyon, Buti nga hindi sa labi tsk ayokong humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa sampal mo." natawa ako sa sinabi niya kaya naman kinawayan ko na siya pero Hinawakan niya ako sa kamay.

"Ihahatid kita don sa Tapat nang ospital niyo." natawa ako kaya naman hinayaan na siya, Hindi naman siguro masama kung makikinig ako sa mga sasabihin niya.

Nang makarating sa tapat ay kinawayan ko siya nakangiti naman siyang kumaway pabalik kaya naman pumasok na ako sa Loob, dumeretso ako sa Emergency room syempre.

"Doctor Mia, Dumating na yung results." lumapit naman ako sa Nurse station tapos tinignan ang Laptop doon at pinindot ang results. "I knew it." aniya ko pa.

"Sasabihin ko lang sa Family nang pasyente." aniya ko kay doctor Althea tapos Pumunta ako sa kung saang bed sila naroroon.

Nang makapunta ay tinignan nila ako kaagad. "Lumabas na po yung Results niya, At tama po ang sinabi ko.." panimula ko sakanila.

"Based on the test results your gallstones are like Strawberry sized, pag tumagal pa po ito at hindi naoperahan maari po tayong umabot sa Failure nang ibang Organs niyo." napahawak sila sa Sintido.

"Does that mean, Aalisin niyo ang Gallbladder ko?" napayuko ako at tumango bilang sagot.

"Mas mabubuhay ba ako nang matagal diyan?" nang tanungin niya yon ay Tango ang isinagot ko.

"Ikaw ang gusto kong mag opera saakin kung ganun." aniya nang pasyente kaya naman nagulat ako.

"Hindi po pwede Ma'am, May senior doctor po ako at siya po ang gagawa nang operasyon." aniya ko pa.

"Ganun ba.. M-magaling ka namang doctor bakit hindi nalang ikaw?" umiling ako.

"Naisin ko man po ay kasama lang po ako sa Operasyon ngunit hindi po ako yung mismong surgeon." tumango ito.

"Maari ko bang makilala ang tinutukoy mo Doc?" nakangiti akong tumango tapos lumabas nang bed na yon at saka ko hinanap si Doctor Yasmine nang makita ay kinawayan ko siya.

Napamaang ito saakin.. Konting buwan nalang hindi na ako Intern rito, Resident na rin at ilang years pa licensed na ako.

Kaya naman nang nagkausap na sila ay Umalis na muna ako doon bumuntong hininga ako tapos naupo muna ngunit agad akong kinailangan nang pasyente kaya naman umaksyon ako kaagad.

Hindi ko naman nakikita si Luke kaya hindi ko na rin siya Hinanap.. Sa loob nang apat na oras ay walang hinto akong nagtrabaho sa Loob nang emergency room.

Kaya naman nang matapos ay Binalak kong magkape dahil nakakaramdam na ako nang antok, pumunta ako sa may vending machine at naglabas nang pera. Tapos naghulog na ako at saka nagpindot.

"Excuse me." lumakas ang tibok nang puso ko nang marinig ang boses ni luke pero sobrang lamig non dahilan para kilabutan ako kaya naman gumilid ako dahil nakaharang pala ako sa isang Vending Machine.

Nang matapos na ang coffee ko na may creamer ay naiilang kong kinuha yon tapos aalis na sana nang bigla ay hawakan ako ni Luke sa Pulsuan para pigilan agad kong inalis ang kamay niya doon dahil mararamdaman niya ang pulso ko.

"W-why?" pinilit ko mang hindi mautal ay nangyayari nalang, Seryoso ang tingin niya saakin tapos may itinuro sa sahig kaya naman napatingin ako don.

"Is this yours?" tanong niya, napamaang ako tapos tinignan siya.

"Nope, Hindi ako nagpapanyo." sagot ko tapos mabilis ko na siyang tinalikuran bumalik na ako sa Loob nang E.R at dumeretso sa nurse station..

"You look tired doctor Mia." nginitian ko lang sila.

"Hindi lang naman ako Doc monter, kaya ayos lang." nakangitng aniya ko pa ngumiti rin ito tapos may tinitignan na.

Habang naglalakad ay nasilip ko si Doctor Yasmine at Luke na magkausap kaya naman iniiwas ko nalamang ang tingin tapos pumunta na sa Pasyente namin na may Gallstones.

"Mamayang Gabi niyo daw ako Ooperahan, sa tingin mo ba magiging okay ako?" tanong saakin nito kaya nginitian ko siya.

"Magaling naman pong Doctor si doctor yasmine, wala ho kayong dapat ipag alala dahil licensed na po siya, ako po ay hindi pa." sinigurado ko siya sa magiging operasyon niya para mamaya.

"Sige Doc, salamat.. Tandaan mo na ang pagiging doctor ay hindi lamang nababase sa Lisensya ang galing." parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Salamat po, Sige po at magreready na rin ako para sa Operasyon niyo." nakangiting sabi ko pa tapos bahagyang yumuko, sunod kong pinuntahan ay ang ICU o Intensive Care Unit kung tawagin hindi kasi Solo solong kwarto ang ICU rito.

Sobrang pagtataka ko nang makita si Doctor Yasmine na may hawak na Syringe tapos maliit na bote kung kaya't nagtataka kong tinitigan ang Boteng iyon upang malaman kung ano pero inilagay niya ito sa lagayan nang mga Potassium.

Kinabahan ako, Anong gagawin niya sa Potassium? Bakit isasaksak niya ito sa Boyfriend niya? Nag eexperiment ba siya? Agad akong pumasok sa Loob ay nakita ko kung papaano niya mabilis na itinago ang syringe na nasa kamay niya.

"Okay lang ba siya?" tanong ko at tinignan ang boyfriend niya, nag mamaang maangan dahil hindi ko pa naman alam ang gagawin siya sa Potassium na yon at bakit niya itutusok sa Boyfriend niya.

"Y-yes.." sagot niya.

"Doctor Yasmine, Mag handa ka po sa Operation na gagawin natin." nakangiti ko pang sabi hindi pinapansin ang hawak niya kaya naman tumango siya.

"I'll go now." paalam niya at nagmamadaling umalis nang makaalis siya ay agad akong lumapit sa lagayan nang Potassium at saka ko tinignan ang Bote at tama nga ang hinala ko.

Mataas na Dosage ang isasaksak niya sa Boyfriend niya? Bakit low potassium ba ang Boyfriend niya? Bumuntong hininga ako I need to know kumuha ako nang pang kuha nag dugo tapos ay chineck ko ang machine na nasa tuktok nang Boyfriend niyang si Zyon.

Nang makakuha ay naglakad na ako papalabas at dala dala ang blood test samples ay idinaan ko ito sa Laboratory. "Call me if the result is out." maayos na sabi ko tapos agad kong hinanap si Doctor Romeo para magtanong.

Pero wala siya, Baka nasa Operation room kaya naman iisa lang ang mapagkakatiwalaan ko at si luke ito. Kaya naman siya ang hinanap ko tapos agad ko siyang nakita na kinakausap ang pasyente kaya lumapit ako sakanya.

"Doctor L." tawag ko, sinulyapan niya naman ako at hindi na nagsalita.

"Meet me in the Doctors Room." mahinang sabi ko tapos naglakad na papaalis don, ngunit hindi ko na matagalan ang results kaya naman bumalik ako nang Laboratory.

"Pwede niyo po bang unahin na?" tanong ko pa.

"Urgent po kasi." tumango sila at pinapasok pa ako sa Loob, 15 minutes ay Potassium talaga ang pinacheck ko nang makuha ay Lumabas na ako tapos nagpasalamat sakanila at dumeretso sa Doctors room.

Nang makapasok ay Binasa ko ang Results, Medyo mataas na ang Potassium niya bakit pa dadagdagan ni Doctor Yasmine? What's with her.

Agad kong hinanap ang Libro na may posibleng mapag alaman ko kaya naman nang makita ay sinimulan ko itong binuklat ngunit nahirapan akong hanapin dahil ang page nang makapal na libro na to ay 700 pages at ang table of contents ay napakarami hind ko rin makita.

Nang bumukas ang Pinto ay nakita ko kaagad si Luke kaya naman tumayo ako. "May itatanong lang sana ako Doc." maayos na sabi ko.

"Nasa Operation room pa kasi si Doctor Romeo, at ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa bagay na ito." nangunot ang noo niya kaya naman huminga ako nang malalim.

"You're pregnant?" agad na nanlaki ang mata ko sa seryosong tanong niya dahilan para mapaawang ang bibig ko.

"Pregnant what?! I'm a Virgin you scumba—" agad akong natigilan sa sinabi at namula ang mukha pakiramdam ko lahat nang dugo sa katawan ko ay umakyat sa mukha ko.

"I-i'm sorry.." kinagat ko ang labi tapos nahihiyang tumingin sa sahig.

"What is it?" tanong niya, hindi ko alam kung nagulat pa siya sa biglang sinabi ko na hindi naman dapat!

"A-ah t-t— teka nga.." huminga muna ako nang malalim at inaalis ang hiya sa katawan ko.

"Matanong ko lang, Anong mangyayari sa isang tao pag Sobrang taas nang Potassium niya as in mataas?" nagsalubong pa ang kilay niya tapos naupo kaya naman hinarap ko siya.

"Kidney failure, pwede ring tumigil ang Heartbeat. Pero madalas after kidney failure ikinamamatay na rin nila dahil titigil ang puso nila." nang marinig ko ang sagot niya ay hindi ako makapaniwala.

'Pinapatay ba niya ang Boyfriend niya? Anong dahilan?'

"S-sure ka diyan?" pinigilan kong wag mautal pero nabagabag ako nang sobra.

"Yes, I'm a Cardiologist. Too much potassium can kill you."  nang isagot niya yon ay Napasandal ako sa mesa did i just save a persons life? Hindi pa naman ako sure kay Doctor Yasmine.

Pero kung hindi ako pumasok kanina itutusok na sana niya sa Mismong dinadaanan nang IV drops eh. "Bakit mo natanong? Are you trying to kill someone?" bumuntong hininga ako tapos Umiling.

"W-wala, Hindi ako mamamatay tao. M-mauuna na ako. Salamat doc." tumayo ako nang tuwid tapos bahagyang yumuko sa harap niya at saka Umalis na.

Nang makalabas ay Napahilot ako sa Sintido, sana man lang.. Aish hindi ako mapakali babantayan ko nalang ang Boyfriend niya, kung ganun man ang sagot nais kong malaman kung bakit.

'Sa anong dahilan niya naman kaya nais lumala ang lagay nang lalakeng gusto niya? Dahil ba may gusto siya kay luke.'

Nakagat ko ang labi. "Doc Mia, Kumain na daw po kayo, dahil maya maya may operasyon kayong magtatagal nang mahigit dalawang oras." tango lamang ang naisagot ko tapos pumunta ako sa Vending Machine sana nang Cup Noodles pero may Pumigil saakin sa paraang kinalabit ako.

"I bought you a dinner." nang marinig ang boses ni gray ay ngumiti ako pinilit maging okay sa harap niya.

"Thank you, sabayan mo na ako kumain." nakangiting aniya ko pa, sinabayan niya naman ako maglakad papunta sa Doctors Room nang makarating ay naupo kaming dalawa.

"Wow, Steak." ngumiti siya at inayos na ang food sa harapan ko.

"Salamat Gray ah, Kailangan ko talaga to dahil derederetso ang trabaho lalo na't mamayang 12 A.M tuesday na." ngumiti siya saakin.

"Kung ganun kumain ka nang mabuti." tumango ako at ngumiti tapos nagsimula nag kumain.

"Parang may bumabagabag sayo ah."

"Wala gray, Yung operasyon lang." nakangiting sabi ko pa.

"Osige, Kumain ka na." aniya niya tapos ay Kumain na rin siya, Nang may pumasok ay nilingon ito ni Gray.

"Sabayan niyo na kami." nakangiting aya ni Gray sa kapapasok na si Nurse Chi, doctor althea at doctor Monter.

"Osige sakto, Bumili kami." nakangiting sabi ni Doctor Monter at naupo sa tabi ni Gray naupo naman sa tabi ko si Doctor Althea.

"Kayo ba?" bulong ni Doctor Althea, bumuntong hininga ako.

"Mamaya na natin pag usapan Doc." nakangiting sabi ko sakanya.

"Osige, Kumain ka na." kumain naman na kami pero habang kumakain ay biglang pumasok si Luke na Cup noodles lang ang dala, bigla ay para akong nakaramdam nang awa sakanya dahil hindi ko pa siya nakitang ngumiti ngayon.

"Doctor L! Join us." napalunok ako nang lumapit siya dahil ang available seat ay sa Tabi ko nang maupo siya ay para akong nakuryente nang magtama ang siko namin kaya naamn tumingin ako kay Gray.

Nang makita ko ang assurance nang ngiti niya ay pinilit kong maging okay sa harap niya tapos kumain nalang ako at dahil doon ako ang naunang natapos. "Tapos na ako, I'll be ready for my Operation." nakangiting paalam ko tapos tumayo na.

"Gray, if you want to stay here. Stay here, pero kung aalis ka na Leave me a message." aniya ko nang tignan ko ang mga kasamang doctor ay mapamaang sila saakin.

"Aalis na rin ako, I'll text you. Goodluck." hindi ko inaasahan na Hahalikan niya ako sa Pisngi sa harap nang mga katrabaho at saka Nag paalam na rin sakanila.

"Yung kiss ko lawyer Gray?" napatingin ako kay Nurse chi nang sabihin niya yon dahilan para matawa si gray.

"Later babe, Wag mo naman akong ibunyag rito." pagbibiro pa niya na ikinatawa nila. Naging palabiro na rin si gray lalo na pag kinailangan kaya naman nang nag paalam siya ay sinabayan ko na siya.

"How was that?" nakangiting tanong ni gray kaya naman mahina ko siyang hinampas.

"Gago ka talaga.. Parang pinagseselos mo lang siya." mahinang sabi ko tumawa naman si Gray.

"Edi ayos." sagot niya.

"Sige na, Bye. I'll see you tomorrow." paalam niya kaya nginitian ko siya.


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top