Chapter 40

@/n: last time Luke with nurse jill and nurse jessa, ngayon naman Mia wih Nurse jill and nurse jessa mung sakali man pong limot niyo na si nurse jill po yung mas bata at si nurse jessa po yung mas medyo matanda keep safe 💓


Mia Jasmin's POV.

2 weeks past..

The day my life became miserable inside this hospital, parati akong pinahihiya ni Doctor Yasmine infront of Patients, Co-doctors.

Wala pa akong ginagawa, sinasabi niya nang wala akong alam at siya na ang gagawa. I'm starting to hate her being around, Im being watch while treating a patient mas matanda siya saakin and i respect her for that.

24 years old na siya turning 25 while me 21 years old going to 22 years old palang, pagod na pagod akong naupo sa Bench sa harap nang Vending machine at pumikit.

"You don't look okay." nagmulat ako tapos ngumuso nalang sa harapan ni Doctor Kiro..

"I don't understand what did i do wrong today Doc." walang gana kong sagot.

"Maybe She's threatened." naupo sa tabi ko si Doc kiro at inabutan ako nang tubig na nasa Bote pa.

"About what doc? Ginagawa ko naman yung best ko to work this hard pero siya lang yung hinayaan kong ganituhin ako." mahinang sabi ko tapos ininom ang tubig na inaabot niya.

"That's the reason why she's feels threatened." aniya ni Doctor Kiro.

"She's my senior afterall.. She's the one who should guide me." mahinang sabi ko pa.

"Wala rin akong magawa, dati palang kasi ganyan na talaga siya." aniya pa ni Doctor Kiro.

"Let's go. Baka kailangan na tayo nang mga pasyente." aniya pa ni Doctor kiro kaya naman tumayo na ako at sumunod sakanya naglalakad palang papasok ay nakita ko na ang tingin ni Doctor Yasmine saakin hanggang ngayon ay Unconscious pa rin ang boyfriend niya.

"Doctor Mia, Pakicheck naman yung Patient natin sa Bed 13." nakangiting sabi ni Nurse Roma.

"Ako nalang Nurse Roma, baka magkamali pa siya." napamaang ako.

"Siya na daw Nurse Roma, baka makasama lang ang isang Intern na tulad ko." sarkastika kong sabi, nang pumunta doon si Doctor Yasmine ay agad na ngumiti si Nurse Roma.

"You shouldn't always let it slide, Doctor Mia. You have a lot to learn you should move on your own." ngumiti ako.

"I just let her Nurse Roma, Baka in that way gumaling yung Trauma niya." aniya ko pa at saka tumikhim, Hinahayaan niya ako sa Mga emergency patient at hindi ako pinapahawak nang kung ano ano.

"Doctor L, Can you help me with this?" napatingin ako sa Gawi nila, Lumapit naman si Doctor L sakanya kaya naman lumapit ako at mabilis na Hinawakan ang kamay ni Doctor Yasmine.

"Ako na Doctor Yasmine, Kayang kaya to nang mga Intern na tulad ko." nginitian ko pa siya nang pagkatamis tamis tapos nilingon ko si Luke.

"Tch You Noin." napamaang siya sa sinabi ko tapos tinawanan niya ako.

"Ang cute mo, Goodluck." nakangiting sabi niya kaya naman nag init ang pisngi ko at sandaling natulala sa mga ngiti siya agad akong umayos nang marinig ko ang singhal ni Doctor Yasmine nang umalis si luke.

"Masyado kang pacute, gawain ba nang doctor yan?" nilingon ko si Doctor Yasmine.

"Masyado kang Lame mag excuse Doctor Yasmine, magpapatulong ka sa ganitong bagay? Pati magsalpak nang catheter." nakangiting sabi ko tapos Ginawa ang nga sinabi ko nang magawa ay nakangiti ko ring inabot yon sakanya.

"Call me when you need help Doctor." nginitian ko siya habang sinasabi yon tapos saka ko inalis ang ngiti ko at seryoso siyang tinitigan at tinalikuran.

"Naiirita ka na rin ba sakanya Doctor Mia?" nginusuan ko si Doctor Althea tapos mahinang tumango tango.

"She's mean." mahinang sabi ko at saka bumuntong hininga nalang.

"Hays, Magraramen tayo mamaya. Iiwan natin yan!" mahinang sabi ni Doctor althea kaya naman natawa ako.

"Malabo yang sinasabi mo, sasama at sasama yan." mahinang sabi ko pa.

Muli ay tumunganga ako sa Nurse Station sa Loob nang Emergency Room. "Sa Loob nang isang minuto tatlong langaw na ang nakita ko sa Labas nang Emergency Room." mahinang sabi ko kay doctor althea dahilan para matawa siya saakin.

"Bored na bored ka." tumango ako, Inaantay kasi namin ang Lunch break.

"Psst.." nakanguso kong nilingon yon ay nakita ko si luke na halatang katatapos lang mag rounds sa pasyente.

"Oh?" tanong ko.

"Tara, Ramen." agad akong napangiti.

"Tara, Halika na Doc althea." aniya ko pa at hinila na si Doctor althea pero agad akong pinigilan ni Luke.

"Kasama Co-Doctors and Nurses natin." aniya niya kaya bumalik kami ni Doctor althea sa pagkakasandal sa Nurse Station at hinintay ang mga kasama.

Nang makasama sila lahat ang maiiwan ay si Nurse Roma, Doctor Romeo, Doctor Monter at Nurse Jessa. Kaya naman naglakad na kami ni Doctor Althea.

"Si Doctor Lucille hindi sasama?" tanong ko bigla.

"Yup, She's having the Guest of the month." sagot ni Nurse Jill at tumabi rin Saamin.

Ang kasama namin ngayon ay si Nuse Jill, Nurse Chi, doctor Kiro, doctor Yasmine at Luke and me and doctor althea. "Are you going to treat me?" muntik na akong mapalingon nang ilapit ni luke ang mukha dahil nasa likod ko siya pag lumingon ako Boom! Kiss!

"Should i?" tanong ko pa sakanya.

"Yes you will, Tara. I'm excited first time mo kong ililibre after five years." napangiwi nalang ako tapos nag kibit balikat.

"So matagal na kayong magkaibigan?" tanong ni Doctor Yasmine.

"Yes."

"No." napatingin ako kay luke nang mag No siya, kaya naman inirapan ko siya at saka nang makalabas namg hospital ay ramdam ko kaagad ang napakalamig na simoy nang hangin kailan ba iinit sa lugar na to.

Naglakad kami papunta sa Ramen house nang makarating ay agad naming pinili ang table na maraming available seats, Naupo naman sa tabi ko si Doctor Althea at Luke habang kaharap ko ni luke si Doctor Yasmine kaharap ko si Nurse Jill at katabi niya si Doctor Kiro.

"Sa wakas nakaupo rin." nakangiting sabi ni Doctor Kiro tapos Nag stretch pa, tumingin ako sa Menu ngayon.

"I want to try something else." mahinang sabi ko kay Doctor Althea.

"What do you want to try?" nakangiting tanong niya in a Mahina way.

"Seafood Ramen Doctor althea, with Lobster tail kasi eh." mahinang sabi ko sakanya.

"Sige, ganun rin ako hihi." mahinang bulong niya kaya ngumiti ako tapos nag apir kami.

"What about m—"

"Ay!" gulat na sabi ko at agad na napatakip sa bibig dahil ang ingay ko bigla kasing bumulong si Luke sa kabilang tenga ko kaya naman napamaang ako.

"Aigoo, Do you want to fix my heart after an heart attack." inis na sabi ko sakanya pero mahina siyang tumawa kaya naman nang asar nanaman si nurse jill saamin.

"So ano ngang Order niyo?" tanong ni Doctor Kiro.

"I'm on Pork Ramen today." nakangiting saad niya.

"Doon ako sa Beef, yung favorite ni Doctor L." aniya ni Nurse Jill.

"I'm on Beef ramen na rin." tinignan ko naman si Doctor Yasmine na ang ganda ganda nang ngiti.

"We're on Seafood Ramen." sagot ko pa.

"Woah that's new." aniya ni Doctor Kiro kaya ngumiti ako.

"Seafood na rin ako." nang sabihin yon ni Luke ay nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Doctor Yasmine.

"Idol mo talaga ako noh." asar ko pa kay Luke.

"Medyo? Ata?" hinampas ko siya sa balikat tapos nang makaorder ay nag antay muna kami.

"Doctor L, bagay talaga kayong dalawa." turo pa ni nurse jill kaya naman tinignan ko si luke sa mukha.

"Ito? Babagay saken?" turo ko pa sa Pisngi niya habang ang Hintuturo ko ay nakatusok sa mismong malambot niyang pisngi.

"Ih ang sweet!" natawa ako.

"Asa siya." nakangiwi kong sabi, napamaang naman sila.

"Hindi sila bagay, He's too much for her." bigla ay napatingin ako kay doctor Yasmine.

"Pardon?" sarkastika kong sabi tapos naasar na ngumiti.

"I said he's too much for you.." napamaang ako, naramdaman ko naman ang paghawak ni Doctor althea sa may braso ko.

"Too much for me, Mm.." patango tango ko pang sabi, lakas makainsulto nitong gurang na doctor na to e.

"Uhm.." napatingin ako kay Luke.

"Hindi naman ikaw ang makapagsasabi na higit na sobrang sobra ako para sakanya dahil hindi mo naman siya kilala." maayos na sabi ni luke kaya naman tumikhim ako.

"Nevermind yun ang tingin niya edi yun na." aniya ko tapos lumunok at saka tumingin nalang sa labas nang Noodle or Ramen house.

"Uy.." nginitian ko si Doctor Althea.

"Okay lang, I'm not enough." sagot ko tapos tinignan si Doctor Yasmine.

"Siya rin naman." sarkastika kong sagot dahilan para magulat sila.

"What?" gulat na tanong niya.

"Di mo rinig Doctor Yasmine?" tanong ko.

"Ah sorry.. Akala ko PTSD lang meron ka, Mahina rin pala pandinig mo." sarkastika kong sabi tapos kunyare ay nalungkot.

"What did you say?!" galit na sabi ni Doctor Yasmine.

"Uulitin ko pa ba?" tanong ko sakanya.

"How dare you! Inter—"

"Doctor Mia, that's how you should call me. Doctor Yasmine." maayos na sabi ko.

"Why do you car—"

"Fine Doctor PTSD." sarkastika kong sabi tapos tumayo na.

"Busog pa pala ako, I'm going first." maayos na sabi ko.

"Doctor Mia." sambit ni Doctor Kiro.

"Mia." asik naman ni Luke.

"I'll be fine, Enjoy eating." nakangiting sabi ko tapos tinapik si Doctor Althea.

"I'll see you later, doctor." aniya ko tapos naglakad na ako papalis doon.

Nang makalabas nang Noodle house ay dumeretso ako sa kung saan may bato tapos malungkot akong naupo don. That thing she said only reminds me of the things i've done to hurt luke before.

When Bon.. Bon kissed me before what i remember is luke's pain.. Hindi naman talaga ako sapat para sakanya, pero hindi ko kayang pigilan ang galit ko na hindi ko nailabas kanina.

'F*ck you and your soul..'

Yumuko akong sandali at ikinuyom ang mga kamao, I should've punch you. Pero i'm a doctor, i can't do that..

Nang nasa hospital na ay napagdesisyonan kong pumunta sa Doctors room at saka ako naupo sa Swivel chair at saka yumuko sa mesa.

Papikit na sana ako nang bigla akong may narinig na ipinatong sa ibabaw nang table kung saan ako nakayuko kaya naman umayos ako at nagulat ako nang makita si Luke.

"I know you're hungry, tara kain." aniya ni Luke tapos Naupo sa harap ko at saka niya nilagay ang lagayan nang ramen sa harapan ko at nang maamoy ko yun ay kumalam ang tyan ko.

"I know you're mad.. Pero bilib ako kung papaano mo nagawang pigilan ang sarili mo." tinignan ko si luke tapos tipid na nginitian tinikman ko naman ang sabaw at ang sarap nang init niya sa tyan.

"Am i still your friend?" sa hindi inaasahan ay bigla kong naitanong yon dahilan para matigilan siya.

"Mm.." tugon niya at tumango saakin kaya naman ngumiti ako.

"Thank you." mahinang sabi ko.

"For what?"

"Thank you for being my friend.." tinignan niya ako tapos nginitian.

"I missed your real smile, Mia." nawala ang ngiti ko tapos tinitigan siya.

"Simula nang makabalik ka rito at nagkita tayo ulit, Hindi mo ko nginitian nang tunay.." napalunok ako sa sinabi niya in short alam niyang peyk ang mga ngiti ko sakanya?

"Natutuwa akong nakita ko ulit yung ngiti mong yan." nang sabihin niya yon ay bigla akong nalungkot.

Kasi sinabi niya yon as a Friend, as my friend not like before that i'm the one he likes.. Sabi niya ako ang mapapangasawa niya why did he marry someone?

"I miss you." nakagat ko ang labi tapos tipid na ngumiti at saka ko dinamihan ang Noodles sa Bibig upang hindi makapagsalita nang tignan niya ako ay ngumiti ako.

"I'm really hungry.." punong puno ang bibig ay sinabi ko yon sakanya.

"Kumain ka nang mabuti." aniya pa niya kaya naman ginawa ko yon.

"Alam mo ba nang unang makita kita hindi ko inaasahang mamumukaan kita kaagad.. Pero nakilala kita kaagad kasi yung puso ko nagwala mas nauna ka pang nakilala." kwento niya kaya ngumiti ako.

"I'm your first love you idiot." sagot ko.

"You will always be." nakangiting sagot niya dahilan para mag init ang mukha ko.

"Bakit parang maanghang yung lobster?" sabi ko pa at tinapik tapik ang pisngi ko.

"Hindi naman ah." sagot ni Luke at tinikpan pa ang Lobster meat.

"Oo hindi." natawa ako sa sagot niya.

"Oxymoron ba yan, Contrasting words amp.. Oo na hindi." tumawa si luke sa sinabi ko.

"Parang ganun na nga." napatitig ako sakanya nang napakaganda nang ngiti niya pero tinignan ko ang mga kamay niya at daliri bakit wala naman siyang suot na sing sing?

Kunsabagay bawal pala ang any jewerly pag nasa hospital kung sakaling may emergency Operations kaya di niya siguro sinusuot.



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top