Chapter 31

Luke's POV.

pag kaalis na pag kaalis ko sa Cafeteria ay naramdaman ko ang matinding sakit at matinding kalungkutan napayuko ako, sinasabi nang Isip at puso ko na Balikan siya at magpaalam pero mas mahihirapan lang ako.

'n-naniniwala ako na kung kami talaga, darating ang tamang oras para saamin at sa oras na yun hindi na kami masasaktan nang sobra'

"Doc L!" nginitian ko kaagad sila Loki.

"Sup, bakit hindi niyo ata kasabay si Mia ngayon?" tanong ko ba, nagtataka at doon ay napanguso si Brianna.

"Iniiwasan niya kaming lahat eh, Hindi rin niya kami kinakausap isang linggo na." napakunok ako sa Sagot ni zane na halatang nag aalala.

"ah ganun ba.." mahinang sagot ko.

"Kasabay ko siya kumain kanina, Nandoon pa siya sa Cafeteria." nakangiting sabi ko.

"Hindi niya rin naman kami kakausapin Doc L, Baka may problema lang siya. O di kaya namimiss niya si Jaejae." napangiti ako ulit tapos tumango.

"Siguro nga, sige na mauuna na rin ako." tinapik ko sila tapos Nginitian ko si Brianna saka naglakad na papaalis.

Habang naglalakad ay napatingin ako nang may pumigil saakin. "G-gray." tinitigan niya lang ako.

"Anong problema Doc L?" tanong niya.

"Mas mabuting kausapin mo nalang si Mia, dahil pakiramdam ko ikaw ang kakausapin niya." nakangiting sabi ko tapos tinapik na siya at nagmamadaling umalis doon.

Nag makarating sa tapat nang sasakyan ko ay sumakay ako kaagad at sandaling napahinga nang malalim. I deserve to be called coward.

Sumandal ako sa kinauupuan at mariing pumikit. I hate this feeling, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kaya nangyari ang lahat nang yun.

Kung hindi ko sana sila sinundan baka hindi nangyari yon, sana hindi ko nalang nakita. Sinindi ko ang makina at pinaandar na ang sasakyan papunta sa Condo ko.

Nang makarating sa Parking lot ay nakita ko si Bon na may hawak hawak sa Kwelyo na halatang sinuntok niya, bumaba ako nang sasakyan at nilapitan sila. "What's happening?" tanong ko, tinignan ko naman ang mukha ni Bon na may sugat.

"Itong gago na to, siya yung naglabas nang litrato niyo. Tignan mo ang cellphone niya." kinuha ko yon at Binuksan then nakita ko.

"Ugh! Pakawalan mo ko!" sigaw nang lalakeng yon.

"Wala kang karapatan na siraan siya naiintindihan mo?! Isa pang may gawin kang masama sisirain ko ang buong buhay mo!" napatango ako tapos Inilagay sa Bulsa ni bon ang cellphone nang lalakeng yon.

Halata naman na Iniingatan ni Bon si Mia nang hindi niya nalalaman, tama nga ako na anng camp palang may gusto na si Bon kay Mia.

"A-are you leaving already?" gulat na tanong ni Bon.

"I won't meddle, Baka ikaw ang masapak ko." mahinang sabi ko tapos tinitigan ang mukha nang lalake, pag tapos na si Bon sayo ako naman.

"p-pero involve ka rin d—"

"Last warning bon, Hindi ako sasali dahil baka ikaw ang masapak ko." mahinang aniya ko at saka naglakad na papaalis doon dumeretso ako sa elevator papunta sa Floor ko.

Mia Jasmin's POV

napatulala akong kumakain sa Mesa ko, yung kaninang ambilis ko kumain ay biglang bumagal dahil nawalan ako nang gana. "Hi." napatingin ako sa naupo sa harapan ko kaya naman kumain nakang ako.

"Hindi mo talaga kami papansinin?" tanong ni zane kaya naman tumayo na ako.

"I'll see you on next subject." aniya ko tapos Kinuha na ang Bag ko at naglakad na papaalis sa harapan nila.

"What's wrong with her?"

"Is she gone mad?"

Pumikit ako nang mariin upang deadmahin ang mga nagbubulungan sa paligid ko.

"Attitude rin noh, porket anak nang may ari nang school." tumigil ako tapos Nilingon ang babaeng nagsalita.

"Kasali ka sa Cheer leading squad hindi ba?" seryosong tanong ko na ikinatakot niya, tapos napalunok.

"O-oo." sagot niya.

"Wag kayong mag make out sa Cr sa Gym. Wag mo rin sabihin na attitude ako, wag kang makialam kung gusto mong umayos ang buhay mo sa loob nang school na to." maayos na sabi ko na ikinabulungan nang iba tapos naglakad na ako papaalis don.

***


Uwian na ay mag isa akong naglakad papalabas nang school pero may umakbay saakin kaya naman nilingon ko ito. "G-gray.." sambit ko sa pangalan niya.

"Come to my place today. Partner kita sa Reporting bukas." napamaang ako.

"Gawin nalang natin bukas yon." mahinang sabi ko.

"Ngayon na, Tara." wala akong nagawa nang hatakin niya ako at isakay sa sasakyan na naghahatid sakanya parati.

Kaya naman pinagkrus ko ang braso at saka naupo nalang at kinuha ang Cellphone ko. Niring ko si Daddy dahil alam kong busy sa Cafe si Mommy.

"Daddy."

"Oh anak, Papauwi ka na ba? Wala ka na daw sa school sabi ni kent."

"Not yet daddy, may Reporting at kapartner ko si Gray. Sa bahay nalang daw nila gawin."

"Ah ganun ba, osige. Mag iingat ka, galingan mo."

"Thanks dad, Bye bye."

"Mm sure, Bye."

Nang patayin ni daddy ang call ay pumikit ako at sumandal sa kinauupuan. "May problema ka?" nilingon ko si Gray tapos umiling.

"Kagagawan ni Bon? Hindi siya pumasok kanina." nagkibit balikat ako sa tanong at sinabi niya, hindi na siya nagsalita nang hindi ako sumagot.

Nang makarating sakanila ay Bumeso ako sa parents niya at kay Primain. "Mom, gagawa kami report." paalam ni Gray at basta basta nalang akong hinila papunta sa taas.

"Saan naman tayo gagawa?" walang gana kong tanong.

"Sa kwarto ko, Nandoon lahat nang gamit ko eh." sagot niya nang makarating sa kwarto niya ay Ibinaba niya ang bag sa Carpet tapos Naupo naman ako sa Couch.

"Pwede naman sa sala niyo nalang." mahinang sabi ko pa.

"Iiyak ka ngayon, kaya dito nalang." napamaang ako sa sinabi niya.

"Report ba talaga o kakausapin mo lang ako?" tanong ko sakanya.

"Both?" hindi niya sure na sagot kaya naman napangiwi ako.

"Nakausap ko si Doc L kanina." aniya niya bigla kaya naman napayuko ako kaagad, tumikhim ako nang maupo siya sa Tabi ko.

"Tell me what happend." aniya ni Gray kaya naman nakagat ko ang labi.

"W-wala, there is nothing to worry about." mabilis na sagot ko at pinilit ngumiti, pero tinitigan ako ni gray kaya naman napanguso ako.

"Umamin si Bon saakin na gusto niya ako nang nakaraang linggo.. Alam na kasi niya diba na si Kent ay kapatid ko." panimula ko.

"Hindi ko naman inaasahan na magkakagusto siya saakin kas kaaway ko siya pero dahil nabigla ako nang nasa Floor na nang condominium nila balak ko rin sana puntahan si luke. Pero hinalikan niya ako sa labi." napayuko ako nang maalala ang reaksyon at sinabi ni Luke nang mga oras na yon.

"Nakita niya?" gulat na tanong ni Gray, unti unti akong tumango tapos napaluha nalang.



Matapos kong ikwento ang lahat kay gray ay nagulat rin siya at walang masabi inabutan niya rin ako nang panyo kaya naman may pamunas ako nang luha.

"That hurts." napatango ako tapos Yumuko sa Tuhod ko para Umiyak nang umiyak.

"The worst part is, hindi niya kayang magalit saakin.." nakagat ko ang labi upang pigilan ang pag hikbi.

"Shhh tumahan ka na." nang sabihin niya yon ay Inabayan niya ako at tinapik tapik sa Braso.

Sumandal naman ako sa Balikat niya at hinayaan ang luha kong tumulo sa mga mata ko. "Tahan na." rinig kong sabi niya nag yakapin niya ako ay mas napaiyak pa ako lalo.

"I really don't know what to do.." bulong ko at patuloy na humihikbi.

"Hindi ko alam kung papaano ko siya itetext, tatawagan.. Hindi niya rin ako kinocontact." mahinang sabi ko.

"Hindi ko rin siya masisisi, mia.. Masakit talaga para sakanya yon dahil sabi mo nga hindi mo siya naitulak, ang iisipin ni luke ay ginusto mo yon."  aniya ni Gray.

"N-namimiss ko na siya Gray.." nakagat ko ang labi nang muli ay Umiiyak nanaman ako.

"Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang makita."

"Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin." tinignan ko naman si Gray na nakapikit habang Pinapatahan ako kaya naman Umayos na ako nang Upo.

"S-sorry.." aniya ko pero nagmulat siya at Pinunasan ang luha ko.

"Don't cry.." mahinang sabi niya saakin kaya naman tinitigan ko siya.

"Don't cry, It breaks my heart." dahil sa sinabi niya ay napalunok ako at saka Yumuko nalang.


Zane's POV

Nakaupo na kami sa Classroom inaantay ang announcement nang adviser namin kung may Klase ba kami ngayong araw o wala dahil late na nang 10 minutes ang Subject teacher namin na kahit minsan never nalate.

"M-mia, let's talk." nilingon ko kaagad si Bon na nakatayo sa Gilid ni Mia, habang si Mia ay nakayuko.

"Mia." kinalabit pa ni Bon si Mia kaya naman napailing nalang ako kami nga hindi pinapansin ikaw pa.

"Mia!" tatayo na sana ako para umawat pero napanood ko kung papaano tumayo si Gray at saka Hinablot ang Kwelyo nang Uniform ni Bon at Idiretso sa Pader.

"Hindi ka ba mapapatigil nang salita?" napatayo ako nang marinig kung gaano kalamig ang boses ni Gray.

"G-gray tama na." umawat na si Brianna pero hindi siya Pinansin ni Gray.

"Bakit ka ba nakikialam ngayon?" galit na tanong ni Bon.

"Hindi ka pa titigil?" tanong ngunit nagbabantang sabi ni Gray.

"Bitawan mo ko!" sigaw ni bon pero mas idiniin siya ni Gray sa pader.

"Pag hindi siya tumutugon, matuto kang awatin ang sarili mo nauunawaan mo ko?" nakagat ko ag labi nang marinig ang pinakamahabang sinabi ni Gray ngayong araw.

"Tol, tama na." lumapit si Loki at inalis ang pagkakahawak ni Gray sa kwelyo ni Bon.

"Tama na." hindi inalis si Gray ang titig kay Bon.

"Hindi pa tayo tapos, Hindi pa ako tapos sayo." banta ni Gray kaya naman takot na takot ang nga babae sakanya rito ngayon inayos niya ang Uniform at saka Bumalik sa Kinauupuan niya sa Likod ni Mia.

"The hell is wrong with you man." aniya ni Bon tapos Padabog na naupo sa Tabi ni Mia.

Napailing nalang ako. "Anyare kay Gray?" bulong na tanong ni Loki nang makaupo sa tabi ko.

"Hindi ko rin alam. Hindi naman niya ugali yan." bulong ko rin.

"Nakakapagtaka nga eh." bulong pa ni Loki, Maya maya ay biglang may pumasok sa Pinto kaya naman napatingin kami doon.

"No classes for 2 hours." aniya nang teacher namin tapos Umalis na kaya naman napangiwi kami inaga agahan pa naming pumasok ala naman palang First subject.

"Okay lang ba si Mia?" tanong ko pa.

Umiling si Loki. "Hindi rin sinasabi ni kent ang dahilan." sagot niya pa, nang maglabas ang mga kaklase namin ay nanatili kaming nakaupo.

Napamaang ako nang gisingin nanaman ni Bon si Mia. "Mia, I have something important to say." aniya pa nito.

"Wala tayong dapat pag usapan." napatayo ako nang sabihin yon ni Mia at tumayo napatayo rin ako nang Hawakan siya ni Bon sa Balikat at Iharap sakanya.

"Enough, Bon." walang ganang sagot ni mia, at doon ay napansin ko ang mata niya na para bang umiyak.

"Please, talk to me." nakita ko kung papaano alisin ni Mia ang pagkakahawak sakanya ni Bon.

"You wanna know how much i hate you right now?" doon ay pinanood ko sila, kami nalang ang natira dito.

Lalapit na sana ako nang makita kong tumulo ang luha ni Mia sa mata niya. "I hate you so much, bon. Hindi ko alam kung anong plano mo pero sana naman sinapak at binugbog mo nalang ako!" aniya ni Mia, napayuko si Bon.

"Kada nakikita kita, umaakyat ang galit sa Ulo ko. Pinipigilan ko ang sarili kong makapanakit pa nang ibang tao kaya tigilan mo na." mariing sabi ni Mia.

"Ano! Ganun nalang ba?!" naikuyom ko ang kamao nang sumigaw si Bon.

"Porket nasaktan si Luke sa tingin mo ako hindi?! Alam ko namang hindi mo ako magugustuhan dahil una palang pangit ang ugali ko!" napatitig kami kay Bon at kay mia.

"Hindi ka na niya gugustuhin dahil sa ginawa ko! Choice niya na yun!" agad kaming napalapit nang bigla nalang Sumugod si Gray at sapakin si Bon.

"Do you want to die?" hinawakan kaagad namin ang kamay ni Gray dahil lumabas ang ugat niya doon sinasabing gigil na gigil siya.

"Tama na! This is all your fault bon! Kung nanahimik ka nalang sana hindi siya ganyan ngayon!" sigaw ni gray.

"Kasalanan mong lahat kaya tumigil ka na! Kung gusto mo si Mia sana hindi mo siya sinaktan!" napailing ako nang ayaw mag paawat ni Gray.

"Why? Does it pain you seeing her cry?" napabuga ako nang hangin.

"Gray, tama na." awat ko pa.

"Yes." sa sagot ni gray ay nagulat kami, nilingon ko si Mia na nagulat rin sa sinagot ni Gray.

"Do you know how much i like her? Pero nanahimik ako. Nanahimik ako kasi hindi ako gago!" nabitawan ko si Gray nang isagot niya yon sa harap namin nina Brianna, Loki at Mia.

"That's Interesting." natatawang sabi ni Bon.

"So stop yourself, You better do.. Or else i won't let you study in peace." nagbabantang sabi ni Gray at binitiwan si Bon tapos Kinuha ang Bag niya at saka tinigan si Bon tapos nag lakad na papalabas nang room mag isa.

"W-what did just happened?" mahinang tanong ni Loki, nakita naman namin si Mia na natulala sa kawalan kaya agad ko siyang nilapitan.

"You okay?" lumapit naman si Brianna kay Mia.

"A-ani." sagot ni Mia na halatang gulat pa rin sa mga narinig, kahit kami nagulat.

(Ani means No)

√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top