finally


si naya at pilo. . .

─────





Si Naya Apostol ang nakasalo ng pinag-aagawang bouquet.

Accidentally.

It was hilarious! Source of entertainment na naman tuloy siya ng mga kaibigan. Sa sobrang pagmamadali niyang makatakas sa biglaang pakulo ng mga groomsmen, nadulas siya sa harap ng kumpol ng mga bridesmaids. As the women shrieked in concern, tumama sa kanyang ulo ang bouquet — biglang diretso sa butas gawa ng kamay niyang nakalapat sa dibdib.

No biggie, right?

Well . . . yes biggie!

Sino ba kasing nag-isip ng tradisyon na 'yan? Nape-pressure tuloy siya kahit hindi naman siya nagpapaniwala sa gano'n!

Ito naman kasing mga siraulong kaibigan ng groom, porke karamihan sa kanila ay engaged na, nagpauso ng biglaang laro: magba-blindfold lahat ng groomsmen, hahanapin si Naya the Wedding Planner, at bilang premyo . . . libreng wedding planning mula sa kanya. Umiwas nga siya sa stress, madadagdagan pa pala ng panibago. At 'yong mas nakakaloka pa!

Nagmamadali pa naman na ang mga magulang niyang magkaroon siya ng sariling pamilya. Yes, she desires marriage, but it's not what they wanted it to look like for her. Hindi naman sa 'yon ang nakikita niyang bubuo sa buhay niya. If anything, she deeply values the minority of the church who are faithfully eunuchs for God's kingdom. Together with them, she ultimately longs for her Lord to come and eat with him at his banquet.

And that's exactly what she's looking for.

As marriage as an immensely profound reality, gusto niya ng patikim ng gano'ng katotohanan: two radically differing wills, one ecstatic union . . . forever. Kaya nga siya wedding planner, eh. Para natatantiya niya rin yung expectations niya sa kung ano ba talaga ang kasal.

But most simply, ayaw niya sa front row. Mas sanay siyang gumalaw behind the scenes. Walang spotlight, walang intense scrutiny.

Dumiretso siya sa wedding bar para doon magpahupa ng hiya. Dahil sunrise wedding ang gusto ng mga kaibigang sina Joan at Victor, light drinks lang ang sine-serve, so ekis na 'yong plano niyang makaranas ng morning tipsy.

Pasalampak siyang umupo sa stool at bumuga ng hangin. "Stress?" biglang tanong ng nakatalikod na bartender.

Agad siyang napangiwi sabay sagot ng, "May gano'ng drink?"

Natawa ang bartender sabay pihit paharap sa kanya. Kagat-kagat nito ang straw ng juice box na mukhang apple pa yata ang flavor. "I mean, mukhang badtrip ka. Gusto mo?"

"Nalawayan mo na," she replies nonchalantly.

"Fair enough." Nakipagkamay ito sa kanya. "Theophilus."

"Yeah, yeah, long for Pilo," sagot niya — eksaktong mga salitang sinabi noon ni Theophilus noong una niya itong nakilala.

He smiles boyishly. "Talas ng memory."

Pagod man, ngumiti si Naya out of courtesy. Wala siya sa mood makipag-usap. Kahit hindi sila close ni Pilo, nakakasama niya ito sa weekly Bible study kasama ng common friends nila, kaya kabisado na niya ang timpla nito: kwela at hindi napapalagay kapag sobrang tahimik.

Nahagip ng mata niya kung paanong kinalkal nito ang lunch box na mukhang preschooler pa yata ang may-ari. "Sa pamangkin ko 'to," proud pang sabi nito. "Feeling lagi nasa school, eh."

See?

Wala namang nagtanong.

Ipinagtusok siya ni Pilo ng panibagong juice box at tahimik ang ngiting iniabot 'yon sa kanya.

"Junia . . . Deborah . . . Apostol."

Pilo clicks his tongue as he winks. Kumuha na naman ito ng juice box sa lunchbox, inilapat ang magkabilang dulo sa mga palad, saka inalog-alog ala bartender style.

"Sa pamangkin mo 'yan—"

"Binalak talaga ng mga parents mong gawin kang revolutionary, 'no?"

Naya can't help herself but to scoff — sa pagputol sa kanya ni Pilo at sa mismong tanong na ipinutol sa kanya. Napasipsip tuloy siya ng juice. "Tumigil ka nga. Hindi ako pwede sa rebolusyon."

"Pwede 'yan," mabilis nitong kontra. "Swerte mo kayang magkaroon ng parents na gustong may sariling misyon ang anak nila."

"Uh-huh, that's unfair." She swiftly shifts in her seat para tumindig nang maayos. Ang higpit ng kapit nya sa countertop. "Misyon nila 'yon, hindi ko."

"Hmm . . . weh?" Dramatiko ang pagkibit-balikat nito.

Ipinatong ni Naya nang pabagsak ang karton ng juice. Natawa tuloy si Pilo dahil sa mahinang plap! nito.

"Badtrip ako, Pilo."

"Maniwala ka kasi sa sinasabi ng heart mo, Naya. Misyon mo 'yon. Si Lord nagbigay, ipinadaan lang sa kanila para ibigay sa 'yo." Kumuha ng wine glass si Pilo at dahan-dahang ibinuhos doon ang inalog na juice. "Astig kaya ng mga kwento mo about your ministry. The moment you fought for women behind the scenes, reclaiming your God-given spaces in his kingdom na inaagaw sa inyo ng mga gagong lalaki, sa 'yo 'yan — sa 'yo lang 'yan, pinaghirapan mo 'yan."

God, who is this man?

Never pang na-meet ni Naya 'yong gano'ng version ni Pilo.

Sumimsim lang ito ng juice at ipinatagal sa bibig para magpanggap na wine talaga ang ininom. Hindi na niya napigilang mapailing at mahinang matawa. That's more like Pilo, she thought to herself. Itinaas ng makulit na binata ang hinlalaki habang may pambatang ngiti.

"Tara?" aya ni Pilo. Nagsalubong lang ang kilay ni Naya. "Sa game, 'di ba? Inaantay nila tayo."

Umirap siya. "Sasali ka pa do'n?"

"Oo. Ba't, 'kaw ba, ayaw mo?" Lumabi ito. "Engaged na kaya ako. Need ko ng libreng kasal! Well, soon to be pala. Aayain ko pa lang siya mamaya."

Imbis na mairita, napangiti siya sa energy ng loko. Itinaas niya ang juice box. "Cheers, Theophi—"

"Hala. Wag na lang siguro."

"Baliw."

Tiningnan siya nito mata sa mata. "Hopefully, hindi niya ako tanggihan, 'no?"

"Tsk! Itaas mo na 'yan!"

"Ay, sori, eto na!" Natataranta, itinaas ni Pilo ang wine glass.

Klak!

Si Naya ang sumalubong sa baso.

Tinawanan siya ni Pilo nang sunod-sunod niyang higupin ang natitirang juice sa loob. Pabagsak niyang ipinatong ang box sa countertop saka binugahan ng hininga ang bangs habang nakakunot ang ilong.

"Libreng kasal pala, huh? Napakabarat mo, Theophilus Barrera."

"Sandali—"

"Let's go. Sana matalo ka."

Tawang-tawa si Pilo nang tuluyan siyang kumapit sa braso nito.

Habang papalapit sa mga lumabas na bisita mula sa reception, nauulinigan nilang nagtatanungan na ang mga nakapiring na groomsmen kung may magaganap pa bang laro. Nagpalakpakan ang lahat nang makita silang dalawa.

"Naaamoy ko na ang panalo!" sigaw ni Kiefer, isa sa mga groomsmen.

"Oy, parekoy, bawal 'yan," nanghahamong sabi ni Pilo. "Hindi ka mananalo sa 'kin."

"Lintek, sasali ka?!"

"Napaka-competitive pa naman niyan!" sigaw ni Joan.

Tawanan silang lahat.

Pagbitaw ni Naya kay Pilo — na hinila para lagyan na rin ng blindfold — si Joan naman ang humila sa kanya sa aisle. Ipinwesto siya nito sa tapat ng mismong altar na tinatayugan ng malagong puno bago dumiretso sa unang hilera ng mga upuan para ilagay sa tapat niya.

Nanginginig-nginig pa ang kaibigang bride kaya hindi niya na naiwasang punahin ng, "Jo, kanina ka pa ikinasal, kung manginig ka naman dyan."

"Excited lang ako!"

Pagkaayos ni Joan ng tayo, nagkatitigan sila. Bigla nitong inilapat ang magkabilang palad sa pisngi niya.

"Excited ako for you."

"Mukha mo."

"Oo nga — alam mo na, sa bouquet kanina," nakangiti nitong sabi, punong-puno ng emosyon. "May ibibigay sa 'yo si Lord na lalaking tutulungan ka sa mga ipinaglalaban mo dahil dakila 'yang puso mo."

"Buntis ka lang."

Natatawa siya nitong tinampal. "Balakajan!"

Pinanood ni Naya kung paanong nakahawak si Joan sa laylayan ng simple nitong wedding dress gawa ng hangin habang naglalakad palayo.

Sa kabilang dulo ng aisle, nagre-ready na ang mga groomsman na chine-cheer ng mga fiancee nilang equally invested din sa bigating papremyo. Pagtingin niya kay Pilo, may kumalabit na tanong sa utak niya: nasaan 'yong girlfriend ni loko? Hindi man lang niya naitanong kanina. Well, at least, may bago na silang pag-uusapan sa susunod.

"Bro, pare, dudes, binabalaan ko na kayo!" Pilo shouted resoundingly. "Wag na kayo umusad! Itutulak ko talaga kayo!"

"Galawang Kristiyano ba 'yan, Pilo?" tukso ni Kiefer.

"'Yon nga, eh!" Talagang nag-stretching pa si loko — at jumping jacks! Kamuntikan pa itong matumba, buti ay naalalayan ng best friend nitong si Victor. "Gusto mo bang ikaw maging dahilan ng pagkakasala ko?"

Tawanan.

"Oh, start na tayo! Line up, boys!" Humudyat muna si Joan ng, "READY, GET SET, GO!" sabay ihip sa subo nitong pito.

Kahit ang mga mahinhin nilang kaibigang babae, all out agad sa pagsigaw para ituro ang direksyon ni Naya. Sa bagot niya, sumalampak ulit siya sa upuang katapat. Humina ang mga boses sa paligid nang liparin na naman siya ng isip sa dakong munimuni.

Gusto niya talagang ikasal.

Pero ang bababaw na ng mga lalaki sa panahon ngayon — kahit 'yong mga Kristiyano. Kung hindi pokus sa walang katuturang bagay, nasobrahan naman sa ganid sa kapangyarihan sa kahit anong pwesto sa lipunan.

Sa pamilya.

Lalong sa simbahan.

Gusto niyang ikasal pero . . . hindi na gustong-gusto, perhaps? Siguro namatay na lang din ang dating umaalab. Trenta anyos na rin siya. Isang dekada na simula noong una niyang maramdaman ang murang kagustuhang mabuhay sa katotohanan ng habambuhay na pagtutulungan.

Bumuntong hininga siya.

Nangalumbaba siya at muling pinanood ang mga isip-batang lalaki. Halos magkandapa-dapa na ang iba dahil sa mga upuang ginawang maze; 'yong iba, hindi alam kung gaganti ba o tatawanan na lang si Pilo dahil tinutulak talaga sila nito imbis na umusad na lang.

"P're, ano ba," si Daniel, groomsman din, "nahahawakan mo na yung puri ko!"

Umungol si Pilo. "Hahawakan ko ulit 'yan kapag nagpatuloy ka pa!"

Umusad pa rin si Daniel. Hinabol tuloy ni Pilo. Tawanan ang mga bisita pati na rin 'yong mga bata dahil gawa ng mga nakaharang na upuan, hindi makatakbo nang maayos ang dalawang grown-ups na modelo dapat nila ng pagpapakatanda.

All of a sudden, Pilo stopped in his tracks swiftly. Mukhang may napagtanto dahil napadiretso ng tayo.

Humalakhak ang loko.

"Taragis, Joan! Ang talino mo!"

Tawang-tawa rin si Joan. "Ang slow mo today, huh? Daliii!"

"Hoy, ano 'yon, ano 'yon?" si Kiefer na naman.

Hindi pinansin ni Pilo ang kalaban. Binawi ang momentum. Ikot, ikot — kanan — ikot, kaliwa, kaliwa, kaliwa — stop.

Nakaharap na siya kay Naya.

Napakunot ang noo ni Naya sa kasiguraduhan nito lalo nang dire-diretso, kahit mabagal at paputol-putol, itong naglalakad. Kada may mabubunggong upuan, hinahawi lang ni Pilo kagaya ng kung anong ginawa nito sa mga kalaban.

Papalapit nang papalapit si Pilo.

Napatingin si Naya kay Joan.

Lalo siyang nahiwagaan sa flying kiss ng kaibigan.

Napako siya sa kinauupuan. Dapat lang naman, 'di ba? Pero bakit gusto niyang gumalaw? Bawat hakbang ni Pilo, kasabay ng kalmadong pintig ng puso niyang hindi rin sigurado sa kahihinatnan ng lahat.

Limang hakbang na lang.

"Kiefer, sabi ko, dumiretso ka lang!"

"Wag ka galit, loves!"

Tawanan.

Tatlo.

Kumakapa-kapa na ang kamay ni Pilo sa hangin. "Naya, nandyan ka ba? Say cheese. . ."

Hindi umimik si Naya.

Walang malay si Pilo na nalihis ito sa kanan dalawang hakbang palayo sa kanya. Napapangiti lang siya kung paanong hindi nito maramdaman ang awra niya sa likuran nito. 

Hingang malalim.

Bahagyang inangat ni Naya ang kamay.

Naghihintay.

And only God knows why, Pilo's left hand fumbled over his back, until their fingers grazes lightly, softer than the morning breeze. Hindi romantic si Naya. Pero kung paanong marahang binulong ni Pilo ang found you. . . ay gano'n din ang dampi nito sa damdamin.

"Finally," bulong ni Naya sa sarili.

Umatras ulit si Pilo. Hiyawan mula sa hindi kalayuan. Mula sa kamay, braso na ni Naya ang nahahawakan niya. Natawa si Naya dahil kung todo kapa pa rin si Pilo at ayaw alisin ang blindfold kahit panalo naman na.

Competitive nga.

Sabay silang huminga.

Kalmado.

Lumalapit sa kanila ang mga kaibigan at mga bisita. May panghihinayang pa sa mga mata ni Janna, 'yong fiancee ni Kiefer. Nauuna si Joan sa kanila sa sobrang excitement. Pinalo nito si Pilo sa pwetan bago yakapin si Naya.

Nambalahura si Victor sa pamamagitan ng pagsigaw ng boo! "Bro, panalo ka na! Tanggalin mo na 'yan!"

Parang batang umiling si Pilo. "Nandyan na ba kayo lahat?"

"Umalis saglit kapatid mo."

"Yaan mo siya."

Tumawa ang karamihan.

Naiiling si Naya dahil mukhang hinihintay ni Pilo ang sasabihan niya. "Oo na, libreng wedding planning," paninigurado ni Naya sa gitna ng lahat. "Hindi kita tatakasan."

"Yown."

"Tara na sa loob, umiinit—"

"Dahil ikaw magpaplano ng wedding natin."

Teka, ano daw?

Ang simpleng singhap ng iba, humahalo na agad 'yong kantyaw ng mga lalaki. Walang maintindihan si Naya. Tumingin siya kay Joan. Flying kiss na naman!

Tumitirik na ang araw. Silang dalawa ni Pilo ang nasa lilim kaya wala talagang dahilan para magmadali siya. Sinipat-sipat ni Pilo ang mukha niya para masiguradong magkaharap sila. Lalong nagtawanan ang lahat — pati siya.

Pero 'yong dapat maramdaman . . . wala.

Nasaan?

Narinig niya ang lunok ni Pilo.

"Junia Deborah Apostol, matagal na kitang type."

Mas malakas na hiyawan.

Kahit diretsahan, wala pa rin.

Nagkibit-balikat ito. "Wala pang tatlong oras, pero ang dami nang nangyari. Kapagod, 'no?"

Nagpunas pa si Pilo ng imaginary pawis. Sumisikip ang bandang harapan ng suot nitong dilaw na polo dahil halos hindi na humihinga sa kaba.

"No'ng una kitang nakilala, ayaw mo 'ka mo ng spotlight dahil nagiging pansarili ang dapat para sa iba. I mean . . . same, beybeh, same." Ginalaw-galaw nito ang mga daliri sa tapat ng sentido. "Magkautak talaga tayo."

Hindi niya mahanap.

Kahit gusto niya.

"Pilo—"

"Ikaw 'yong gusto kong pakasalan," pagpapatuloy ni Pilo. "Nabuko mo na ba? Kinasabwat ko 'yang si Joan. Pinaitsa ko talaga sa kanya 'yong bulaklak sa mukha mo para mapilitan kang saluhin."

Awtomatikong tumaas ang kilay niya. "Para pumayag akong pakasalan ka?"

"Exactly."

Suminghal si Naya.

Ngumuso si Pilo. "Eh, desperado na ako, eh."

"You're playing God, Theophilus."

Nagkantyawan ang marami. Lumunok si Pilo, sobrang diin, na halos kasalanang malapitang marinig ang pag-alon ng lalamunan nito nang walang kahit katiting na bugso ng damdamin.

"Nasalo mo lang, Junia Deborah. In the end, sa 'yo pa rin naman ang desisyon," dahan-dahan nitong diin. "Binigyan naman tayo ng free will ng Lord, 'di ba?"

"Solid!" sigaw ni Kiefer.

"Shhh! 'Yong moment!"

Tawanan.

Wala namang dapat ikatakot si Naya. In fact, hindi nga kumakabog ang dibdib niya, eh. But that's exactly what bothers her: hindi siya interesado. Walang-wala, kahit anong halukay niya. Gusto niya, pero parang hindi, pero oo — siguro . . . medyo?

Hinila niya si Pilo palayo. Muntik pa itong masadsad sa damuhan dahil ayaw pa rin talagang tanggalin ang blindfold. 

"Saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Joan.

"May ita-try lang ako."

"Kailangan pa bang—"

"Hahalikan ko siya."

"Totoo—"

She kisses him. May konting galaw. Pilo is stuck, but he manages to open his pursed mouth when Naya purposefully plants a full peck on his lower lip.

"Babae nga talaga si Junia! Hallelujah!"

Wala pa rin.

Palakpakan, sipol, kantyawan. Dahan-dahang inalis ni Naya ang piring ni Pilo. He was clearly blown away as she broke the kiss. "Ano 'yon, Naya? Wala akong praktis! Unang halik kita!" His eyes, hilariously hopeful. "Ano, nahanap mo na?"

"Isa pa."

"Sige. Praktis ulit tayo."

"Gagu." Pinitik niya ito sa tungki ng ilong.

Tawanan sila.

Noong nakaramdam na ang mga bisita na wala silang masasaksihang spectacle sa kanilang dalawa, isa-isa na silang nagsialisan para bigyan sila ni Pilo ng espasyo. Unti-unting bumalik sa kalmado ang isip ni Naya. Bata pa lang siya, ayaw niyang nadidiktahan, sadya man o hindi, kung pinag-isipan niya naman ang isang bagay. Mararamdaman niya naman 'yon. Tulad ngayon. May karapatan silang magsabi pero wala silang karapatang magkunwaring nagsasabi para mamilit.

Napabuntong hininga siya.

"Pilo. . ."

Wala akong maramdaman.

"Naiintindihan ko," sagot ni Pilo.

Kalapit ang dagat, kalapit ang hangin, bumubulong sa bawat hibla ng kanilang mga buhok at sa bawat maliliit na piraso ng kanilang pagkatao.

Mula sa guhit-tagpuan, tumingin si Naya kay Pilo. Nauna na itong nakatingin sa kanya at magaang umakbay.

Tumingin ulit sila sa malayo.

"Madali na lang 'yan. . ." The way Pilo caresses her shoulders, it is entirely contrary to the silly strength he displayed to win the stupid game. "Kita mo naman kanina, 'di ba? Magaling akong manulak. Tinuruan ako ng Lord paano maghanap ng ayaw magpakita. Sasamahan kita, Naya."

"Hindi ka rin sigurado, 'no?"

Tumango si Pilo bago kamot-ulong ngumiwi. Halata ni Naya na nagbibiro na lang ito para pagaanin ang nararamdaman nila. "Para iwas tayong mabagot sa mahabang biyahe, babaunin natin 'yong mga juice box ni Otep."

Natawa man, nangingilid ang luha ni Naya sa tuwa. "Pati 'yong bouquet. . ." Sinalubong niya ang lingon ni Pilo, kumikibot ang labi sa pagpipigil. "Bawas din sa gastos, 'di ba?"

"Oh, my love. . ."

She bites her lip, pointing to her heart, mimicking his crazy fingers a while back. "Finally."

As she kisses his shoulder to consummate the harmony of their laughter, her spirit leaps by the delightful foretaste of the exceeding joy of the heavens above, anticipating with Theophilus the greater marriage of heaven and earth that is to come. Iyon lang naman ang gusto ni Junia mula noon — lalaking susuong sa kumpulan at maghahanap hindi dahil nawawala siya kundi para mas makita nang malapitan ang kanyang natatabunang halaga.




─────

. . .nahanap nila ang isa't isa.

🧃💐🧃

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top