Chapter #17
ASTORIA'S P.O.V
"If you don't want to believe it, I understand. After all, you are his ex-girlfriend, and you are still in love with him." pagtuloy ko na ikinagulat nila.
Siya ang babaeng nakita ko sa restroom noon sa Awarding Ceremony. Iyong babaeng mayr'ong kausap sa phone. Siya ang tinutukoy ko na higit pa sa kalaban ko sa business industry dahil kilala ko na siya bilang ex-girlfriend ni Davian.
Napangiti ako ng maalala ko iyong time na minsan kong naitanong ang tungkol sa past love life ni Davian na nauwi sa confession naming dalawa.
--- flashback ---
Kanina pa ako nabo-boring dito sa ibabaw ng kama. Kanina pa rin ako pagulong-gulong dito. Nakakasawa na mag-scroll sa social media.
Naka-post na ako sa Instagram account namin. Gumawa ako ng Instagram account pero humingi muna ako ng permission niya. Pumayag naman siya.
Pangalan niya ang nilagay ko sa name tapos picture ko na nakatalikod ang profile picture.
Dumako ang tingin ko kay Davian na busy sa kaniyang ginagawa.
Puwede kaya siyang abalahin?
Dumapa ako sa kama saka tinawag siya.
"Hmm?" tugon niya.
"May naging girlfriend ka na ba?" kuryos na tanong ko.
"I am," sagot niya.
"Marami?" tanong ko ulit.
"Just one," sagot niya.
"Bakit kayo naghiwalay at ilang years kayo naging kayo?" pang-iintriga ko.
Sana hindi niya mapansin na inaalis ko lang ang kaboringan ko.
"She's the one who broke up with me. Naging kami ng three months." tugon niya na ikina-upo ko sa kama.
"What? Just three months?" Wow! Ganoon lang kahaba 'yong samahan nila?
"You love her?" Para mas marinig ko ang kaniyang sagot. Dali-dali akong umalis sa kama saka tumungo at lumapit sa kaniya.
Umupo ako sa kaniyang kandungan saka excited na tumingin sa kaniya naghihintay ng kaniyang sagot.
Napailing siya at natawa dahil sa parang batang nakatingin ako sa kaniya.
"Curious?" tanong niya,
Tumango-tango ako sa kaniya. Hinawakan niya ang tungki ng ilong ko.
"Not much, or let say I didn't love her." sagot niya sa tanong ko.
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" naguguluhang ani ko.
"She is a famous playgirl at our university. Every guy likes her, and every day she changes her boyfriend." pagkukuwento niya.
"Until one day, she appeared in front of me, saying she wanted me to be her boyfriend. I know that time, I am her new target." he added.
"Pumayag ka?" wika ko,
"Yes," mabilis niyang sagot.
"Why?" Mas lalo akong naguluhan.
"To show her that I am not like those guys who wanted to be her. I played with her. I played the role of being a good boyfriend. Then, after three months, she broke up with me, saying that I am a boring boyfriend." he continued.
"I expected it to happen. Three months lang naman siyang nakikipag-relationship sa lalaki. At isa pa, ganoon siya makipaghiwalay sa karelasyon niya. I once witnessed it. She never had a serious relationship kahit pa seryoso sa kaniya iyong guy. For her, everything is just a game. Masaya rin siya sa tuwing hinahabol siya ng ex niya." dagdag niya pa.
"Anong nangyari after you broke up?" I asked again.
"I didn't saw her again. They said she transferred." tugon niya.
Speechless naman ako sa history ng short love life niya.
"Who is she? Kilala ko ba?" tanong ko ulit.
"Hmmm, if I am not wrong, her name is Cassiel." sambit niya,
Cassiel?
Kinuha ko ang nilapag kong iPad sa mesa. Then pumunta ako sa google to search her name.
"Cassiel what?" tanong ko ulit habang nakapukos ako sa screen ng iPad.
"She is CEO of Fuslow Group." wika niya,
Fuslow Group?
Naalala ko ang buo niyang pangalan kaya agad ko itong sinearch.
"Siya ba?" ani ko saka pakita sa kaniya ng hawak ko.
Tumigil siya saglit sa kaniyang ginagawa saka sinulyapan ang pinapakita ko.
"Yup!" tugon niya sabay balik ulit sa ginagawa niya.
Ex niya pala ang bruhang 'yon. Lagi ko na-e-encounter ang babaeng 'to, e. Mainit nga ang ulo niya sa akin sa tuwing nakikita niya ako.
"How about you? You seems love your ex-boyfriend dahil tumagal kayo ng five years." bigla niyang wika.
"Why you two broke up?" he added.
"He cheated on me at nakabuntis ng ibang babae." simpleng sagot ko.
Naramdaman ko ang kaniyang pagbaling ng tingin sa akin. Marahan naman akong sumilip sa ginagawa niya.
Namangha ako sa nakita kong drawing niya.
He is a secret shoe designer ng S&S Fashion Company na hinahawakan ko. Siya ang gumagawa ng designs at ako naman ang nagmo-model ng mga ito.
Ang ganda!
"Are you still in love with him?" Rinig kong tanong niya.
Mabilis akong umiling.
"Matagal ko na siyang kinalimutan. Ang manloloko ay hindi na dapat mahalin pa." sagot ko sa tanong niya.
"Ikaw ba? May mahal ka na ba? May nagugustuhan ka na bang iba? Sabihin mo lang para maihanda ko kaagad ang divorce paper natin." ani ko,
Three years na kaming kasal at wala naman kaming naging problema sa samahan namin. At sa loob ng tatlong taong kasama ko siya, hindi ko maitatanggi na nahulog na ang loob ko sa kaniya. Na mahal ko na siya.
"Divorce paper?" taka niyang wika.
"Yup! Ayokong maging hadlang sa kasiyahan mo. So mayr'on nga? May nagugustuhan ka na?" pagkokompirma ko.
Mukhang hanggang dito na lang ang kasal namin.
"Yes, I am in love with someone." seryosong tugon niya.
Natigilan ako pero hindi ko pinahalata. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Bakit ganoon? Mas ramdam ko ang sakit ngayon kumpara no'ng naghiwalay kami ni Hael.
"Who is she?" nakangiting sambit ko.
Mayr'on siyang kinuha sa kaniyang drawer. Nagtaka ako kasi binigay niya ito sa akin. Kinuha ko naman ito. Tumingin ako sa salamin at sarili ko naman ang nakita ko.
"Anong gagawin ko rito sa mirror?" naguguluhang tanong ko.
"Ang babaeng nakikita mo ay ang babaeng mahal ko." saad niya na ikinalingon ko sa kaniya.
Tumingin muli ako sa mirror at sa kaniya.
"Huh? Ako? T-Teka!" Napadako ang tingin ko sa kamay niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako ng hinila niya ang kamay ko kaya natangay ako. Mas nagulat ako ng maglapat ang aming mga labi.
Naramdaman kong dumako sa batok ko ang kaniyang kamay at mas lumalim pa ang kaniyang halik sa akin. Tumugon ako sa kaniyang halik.
"Hindi ba halatang mahal kita?" agad na sambit niya pagkabitiw namin sa aming halikan.
"I thought you were just doing your responsibility as my husband." wala sa sariling wika ko.
"Silly," nakangiting sambit niya sabay daan ng kaniyang daliri sa ilong ko.
"Do you love me too?" biglang tanong niya.
"I am," nahihiyang sagot ko.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya kasi feeling ko namumula ang pisngi ko.
"Look at me, Sunshine. No need to be shy." Rinig kong wika niya.
Umiling ako at mas umiwas ng tingin sa kaniya. Tinuro ko ang kaniyang ginagawa.
"Iyan na ba ang bagong shoe designs na ire-release natin?" pagbago ko ng topic.
Natawa siya sa ginawa ko.
"No, it's yours." tugon niya,
Napatingin naman ako sa kaniya. Nagulat ako ng magnakaw siya ng halik sa akin.
"It's for your collection." nakangiting sambit niya.
"Really?" masayang ani ko sabay tingin muli sa dina-drawing niya.
Pinakita niya pa sa akin ang iba pa niyang drawing. Ramdam ko ang kaniyang tingin sa akin pero nakapukos ako sa magaganda niyang designs pero isang idea ang naisip ko. Habang nakatingin siya sa akin ay mabilis din akong nagnakaw ng halik sa kaniya tapos ay balik ulit sa ginagawa kong pagtingin sa kaniyang mga designs.
--- end of flashback ---
Naputol ang usapan namin ng lumapit si Davian. Nasa likuran ko siya. Tumingin ako sa kaniya.
"Come, dance with me." bulong niya sa akin.
Tumingin siya sa tatlo.
"Sorry ladies, time to get my wife now." nakangiting sambit ni Davian sa tatlo.
Napatango na lamang sina Yancy. Nagpatangay na lang din ako kay Davian. Dinala niya ako sa dance floor.
"What did you talk about?" He asked as we started to dance.
"They are curious how we meet, and I told them the truth that we married each other without love." tugon ko,
"But we love each other now." I added.
"How about you?" tanong ko rin.
"Same topic, Sunshine." tugon niya.
"How did they know about us?" biglang tanong ko.
"Yancy saw my Instagram account and got curious who the girl is in my profile." he explained.
"They want to meet you." he added.
"Kaya tinawagan mo ako at pinapunta rito." pagtapos ko sa kaniyang sasabihin.
Tumango naman siya.
"I guess our marriage will soon be discovered." tanging nasabi ko na lang.
Mas inilapit niya ako sa kaniya.
"Let them. I don't care if everyone finds out about our marriage." wika naman niya sabay sakop ng aking labi.
I wanted to tease him a little bit because his ex is here, but I changed my mind. After all, he didn't pay attention to her. He doesn't care if his ex is here.
🍀 TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top