CHAPTER SEVEN
CHAPTER SEVEN
KUNG ako siguro si Nexus, maiinis ako. I have been watching Jackie for straight three days going back and forth para kay Nexus. She would always have something for him. Pwedeng nakakakilig na cute siya at some point, but my best friend's just too much, even I can't handle it.
O baka nagseselos lang ako kasi siya kaya niyang maging outspoken about her feelings, habang ako eh piniling manahimik na lang. Pasimple akong umiling para mawala sa isip ko ang thought bubble na iyon. Kahit na magselos pa ako eh wala rin naman akong magagawa. I chose this path, paninindigan ko 'to.
But then again, there's such a thing as too much.
"Hi, Nexus! Here! I bought you an ice cream. I noticed kasi how busy you have been these past few days. So y'know?" I heard my best friend say as she batted her eyelashes at him.
As usual, and as gentlemanly as he is, Nexus smiled politely as he accepted the dessert but the same as what he had done for the past two days, he thanked Jackie. "Thank you, pero hindi mo naman kailangang gawin 'to." Ewan ko kung ako lang ba, since biased ako, pero he really looked a little uncomfy because of my best friend.
Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang hatakin si Jackie palayo kay President because number one, halatang hindi komportable yung tao sa ginagawa niya, at number two, hindi ko nagugustuhan ang kumikirot-kirot sa loob ko.
Pero kaya ko bang gawin 'yon? Syempre hindi. Magagalit sa akin si Jackie kapag pinigilan ko siya o bigla ko na lang siyang hinatak midway. Kaya naman pinanood ko na lang silang magkaroon ng interactions at nang mapagod na ang mga mata ko at mas bumigat ang pakiramdam ko ay inalis ko na ang tingin ko sa kanila saka iyon nilipat sa librong binabasa ko.
Kada ganitong oras kasi — break time — ay pupuntahan ni Jackie si Nexus para magbigay ng kung ano pa man. Minsan ay pagkain, minsan ay letters, at minsan naman ay maliliit na regalo.
Again, like I said kanina, too much.
Paniguradong hindi man umamin si Jackie using words eh alam na ng mga kaklase namin, lalo na ni President, na may gusto siya rito. And of course, Jackie would be delighted if that happened.
Muli ko silang sinilip nang pasimple para — wala, para lang paulit-ulit na saktan ang sarili ko sa nangyayari, nang mapansin kong nakatingin ang isang kaibigan ni Nexus kay Jackie. If I'm not mistaken, Aui ang pangalan niya. Hindi ko sigurado pero parang ansama-sama ng tingin niya sa dalawa habang nag-uusap sila at siya naman ay nasa gilid lang at minsan-minsang nagce-cellphone.
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya saka muling ibinalik iyon kela Nexus. Ewan ko ba kung anong dapat kong maramdaman eh pinili ko naman 'tong sitwasyon na 'to. Pero habang mas tumatagal ang hindi ko namalayang pagtitig sa kanila ay mas bumibigat ang pakiramdam ko.
Para kasing gusto kong ako ang nasa pwesto ni Jackie.
Gusto kong kausapin siya ng walang pakealam sa iisipin ng ibang tao.
Gusto kong maging rason kung bakit siya ngumi-ngiti at tumatawa.
Gusto kong tinitingnan niya ako na para bang ako lang ang taong nakikita niya.
Napansin ko naman ang biglang paglabo ng paningin ko. May luha na pa lang namumuo na hindi ko nakontrol agad.
Akmang ibabalik ko ang tingin ko sa libro ko at pipiliing yumuko na lang nang mapatingin ako kay Aui na nasa gilid pa rin. Although this time, hindi na siya nakatingin kela Jackie kundi sa akin na. Mas nagmamadali tuloy akong ayusin ang itsura ko at humarap sa whiteboard.
Bahagya naman akong nagulat nang makitang may naglapag ng iced coffee mula sa canteen sa lamesa ko. Agad akong napatingala at nagtatakang tiningnan si Clint na nakatitig din sa akin. Unlike the usual, he wasn't smiling. There was an emotion in his eyes that I knew too well but would most of the time hide. And as I stared at him, I had the urge to apologize but he did not let me do so.
Clint smiled but it did not reach his eyes. "Kanina pa kita hinahanap sa canteen, hindi ka na naman pala lumabas ng room niyo," aniya na para bang normal lang ang lahat. "Here you go. Baka mawala na ang lamig niyan."
Bumalik ang tingin ko sa kapeng nasa lamesa ko. Napaangat ulit ako ng tingin nang marinig ko ang mahinang pagtama ng upuan sa lamesa. Nakita kong hiniram ni Clint ang upuan sa kaklase kong normal na nakapwesto sa harapan ko pero lumipat ng pwesto para makipagchikahan. Nilagay naman ni Clint ang upuan na iyon sa tapat ko at doon siya naupo.
"Anyway, what you reading?" Pasimple siyang tumingin sa librong hawak ko bago muling tumingin sa akin at ngumiti. Ipinatong niya rin ang mga siko niya sa lamesa ko at ipinatong ang mukha niya sa pinagdikit niyang mga kamay niya. "Isa ba 'yan sa mga sinuggest ko?"
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa lalakeng 'to sa pagdating niya o ewan eh. Nang dahil sa pagdi-distract niya sa akin ay hindi ko ulit titingnan sina Jackie at Nexus. Mas ligtas kahit papaano ang puso ko. Huminga naman ako nang malalim saka inangat ang librong hawak ko para ipakita kay Clint ang book cover. "Yep. Nakita ko sa National Bookstore, saktong sale rin sila."
Para namang mas naging interesado si Clint. "Kailan mo binili?"
"Kahapon lang. Sinamahan ko si Jackie sa mall eh." Para bumili ng mga ibibigay niya kay President.
Napatango naman si Clint. "Hanggang ngayon ba eh sale sila? May isa pa akong gustong bilhin na libro eh, kaya lang ang mahal ng orig price, baka sakaling kasama siya sa sale."
Napaisip naman ako saka inalala ang nakasulat sa banner ng NBS. "Hanggang bukas ata ang sale."
"Sige, bukas na lang ako bibili," aniya saka ngumiti na ng mas totoo kaysa sa kanina. "Busy ka ba bukas?"
I unconsciously smirked at him. "Kung yayayain mo 'kong bumili ng libro bukas, hindi ako hihindi. May isa pa akong gustong balikan doon eh. Magpapahila ako."
Natawa naman siya saka tumango. "Sige, hihilahin kita bukas para sa sale na mga libro." Pareho na kaming natawa dahil sa sinabi niya.
Ilang saglit pa kaming nagkwentuhan tungkol sa mga libro at kung anong oras kami magkikita bukas nang biglang tumunog ang bell. "Hudyat na makaaalis ka na," loko ko sa kaniya.
Umakto naman siyang nasaktan at may pahawak pa sa dibdib niya. "Grabe, binilhan na nga kita ng kape, pinapalayas mo pa ako." Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. "Ang cute cute mong manaray."
Natigilan naman ako dahil sa compliment niya saka ko naramdamang uminit ang mga pisngi ko. Hanggang ngayon eh hindi pa rin ako sanay. "Lumayas ka na nga. Baka ma-late ka pa sa next class mo."
"Wow, parang mata-traffic ako eh katabing room lang naman ako." Sinamaan ko na naman siya ng tingin. "Opo na. Ito na po, Madam. Aalis na po." I rolled my eyes at his remark. "See ya later, Had," aniya habang palabas ng room namin. Lumingon pa siya sa pwesto ni Jackie na siyang nawala sa isip ko. "Bye, Jackie."
"Bye!" Masayang kumaway pa si Jackie habang papalapit sa pwesto ko. Nang tuluyan nang makalabas si Clint ng room namin at saktong wala pa rin ang next teacher namin ay pumwesto si Jackie sa kaninang kinauupuan ng lalake. "So..." Parang kinikilig ata ang ate niyo. "How's your progress with Mr. Bonifacio?"
Inikutan ko naman siya ng mga mata. "Wala 'yon." Buti na lang at biglang pumasok si Sir next class dahil mukhang kukulitin pa sana ako ni Jackie.
Ligtas ako ngayon sa pang-aasar niya't pagtutulak sa akin kay Clint. At ligtas din ako sa pagk-kwento niya tungkol sa kwentuhan nila ni Nexus.
Pasimple akong napahawak sa dibdib ko. Kaya mo 'yan, Had. Konti na lang naman at matatapos na ang high school, hindi ka na ulit masasaktan.
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top