Chapter 8

"Sa library ng EU muna tayo," ani Adi habang isinusuot ang seatbelt.

Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Zed na hindi pa rin pinaaandar ang sasakyan. Nakatingin ito sa kaniya, naningkit ang mga mata, at mukhang hindi inasahan ang sinabi niya.

"Bakit? Sure ka? Sa EU? Bakit?" Mas lalong lumalim ang guhit sa gitna ng kilay nito.

"Dude." Sinalubong ni Adi ang titig ni Zed. "If we're going to continue studying at my place or yours . . .we'll always end up having sex after. We can't. Too much breaking the boundaries."

Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ni Zed dahil sa sinabi niya at hindi na ulit ito nagtanong. Totoo naman. Isang linggo na silang magkasama, madalas na nauuwi sila sa making out. Hindi na nakatutuwa.

Naghintay siyang magsalita si Zed o ano ngunit nakalolokong ngiti lang ang ibinigay sa kaniya dahilan para matawa siya.

She wasn't even denying anything, how she liked to de-stress with Zed. Very athletic, too. But they were becoming too much and she didn't like breaking the boundaries between them. Siya na mismo ang gumawa ng paraan, para hindi na maulit.

Hindi na rin muling nagtanong si Zed at basta na lang dumiretso sa Eastern University. Pareho silang binati ng guard, sabay silang naglakad papunta sa library at naupo sa pinakadulong parte kung saan walang masyadong tao para mas makapag-usap sila.

There were students around, too. Napansin din ni Adi na kahit na gabi na, halos puno ang library at mukhang seryoso ang lahat dahil nga siguro midterms na.

Adi started with their lesson and Zed was listening intently, sometimes taking notes of the possible questions he might have. He also took notes of all the pointers he could use during the exam.

Pinakikinggan niyang mabuti si Adi sa tuwing mag-e-explain ito lalo sa mga tanong niya dahil hindi pa rin niya masyadong makuha ang tungkol sa returns of investment and digital marketing.

"Hindi ka ba nagbubukas ng social media?" tanong ni Adi kay Zed. "Kasi you'll learn a lot, like you'll see the trend and that'll help you learn more about digital marketing. On how businesses, influencers, and even normal people market themselves digitally."

Sumandal si Zed sa inuupuan at umiling. "Wala akong time," pag-amin niya. "Nasa YouTube lang ako madalas para panoorin ang mga laro ko. That's it."

"I respect that." Tumango si Adi. "But just a suggestion, try to browse kahit maglaan ka ng one day per week to see the trend. You'll know more."

"Okay, madam." Malapad na ngumiti si Zed. "Hatid na kita?"

Tumingin sa relong suot si Adi. "We still have thirty minutes."

"Tara na," pag-aya nito. "Inaantok ka na rin. Okay naman na 'ko, naintindihan ko na rin lesson natin. Daan na lang tayo ng dinner, sa condo mo na kainin para makapagpahinga ka na rin."

Bago pa man makaalma si Adi, nauna nang tumayo si Zed. Nag-inat ito habang nakaharap sa glass window ng library kung saan kita ang malawak na field ng Eastern University. Kita nila sa field ang mga nakaupo sa damuhan habang nagkukuwentuhan. Ang iba ay may pagkain, may dalang gitara, at nakahiga pa nga.

"If you're not that tired, bili tayo ng pagkain sa cafeteria and we can stay there." Itinuro ni Zed ang field. "Just . . . kung gusto mo lang."

Napaisip si Adi. Ramdam na rin niya ang sakit ng paa dahil sa maghapong pagtayo suot ang two inches stiletto, mabigat na ang mga mata niya dahil gising na siya around five in the morning, at pagod na rin talaga ang buong katawan niya.

"Maybe an hour wouldn't hurt." Adi subtly smiled. "Puwede bang mauna na 'ko sa field? Ikaw na ang bahalang bumili ng pagkain. Masakit na ang paa ko."

Bumaba ang tingin ni Zed sa paa niya at tumango. Muli silang sabay na naglakad sa libray at may ilang nag-aaral pa ang tumingin sa kaniya, kay Zed . . . sa kanilang dalawa.

Adi was struggling with walking, but kept going. Nagpaalam na rin si Zed na pupunta muna sa cafeteria, siya naman ay naghanap ng puwede nilang tambayan kahit na sandali.

Students were around the field, too. Naalala niya noong college siya, ganito rin siya. Madalas na nakahiga sa damo, nagbabasa ng libro habang naghihintay. Gabi naman ang klase niya noon kaya hindi na mainit at marami siyang time. Sa field rin siya madalas mag-aral noon kapag trip niyang pumasok kahit na online naman ang pasok niya.

Eastern University held so many memories, and by staring at each building, she remembered the times when things weren't hard, there was no pressure, and there was no gossip about her. She was just a student, enjoying her college life.

Mula sa malayo, nakita niyang papalapit si Zed. Bitbit nito ang paper bag galing sa mismong cafeteria. Sandali itong huminto nang may makitang kaibigan bago dumiretso sa kaniya at naupo sa harapan niya. Isa-isa nitong inilabas ang mga pagkaing nabili.

"Pili ka. Garlic beef with rice or teriya—"

"Garlic beef," nagmamadaling sagot ni Adi at kaagad na kinuha ang container.

Mahinang natawa si Zed na inilabas ang dalawang bote ng soft drinks. "Coke zero or Roy—"

"Zero." Kinuha ni Adi ang bote. "Thanks."

May isa pang inilabas si Zed mula sa isa pang paper bag na walang tatak and it was a flip-flops from a boutique inside the university. Napatitig siya kay Zed na tinanggal ang tag gamit ang ngipin at ito na rin mismo ang nagtanggal ng sapatos niya. Walang tanong, walang hiya, at wala man lang pakundangan na inilagay sa paper bag kung saan galing ang flip-flops bago isinuot sa kaniya ang tsinelas.

Itinanong niya kung magkano ngunit ayaw nitong sabihin at mag-enjoy na lang sa pagkain.

"How's work, by the way?" Zed asked randomly.

Adi chuckled. "Okay lang. Just not expecting na I won't enjoy it as much as I want."

"What do you mean?" Zed gazed at her, frowning. "Hindi ka masaya sa trabaho mo?"

"Masaya." Adi looked down and mixed her food. "It's fun teaching, letting others know what I know, learn from people . . . from my students, but I don't like the attention and gossip about me." She bitterly smiled and met Zed's eyes. "Gusto ko mag-work, pero minsan . . . parang ayaw kong pumasok."

Walang naging sagot si Zed sa sinabi ni Adi, ngunit mayroon siyang idea. Jed told him about the threads about Adi as a professor, being student's fantasy, and was being sexualized. Ipinakita sa kaniya ni Zed ang mga comment sa isang online group kung saan may nag-post kung kilala ba ng mga ito si Adi.

"Kung hindi ka na masaya o kung nahihirapan ka na, bakit hindi ka umalis?" tanong niya. "For sure, you'll find better jobs or univ—" Huminto siya. "Why don't you teach here instead?"

Tumingin si Adi sa kaniya, ngumiti, at umiling. "Hindi muna sa ngayon. Besides, okay naman sa kabila. Just . . . some people aren't. Kaya ko pa naman? I'm planning to stay one more year saka ako lilipat, but—" Saglit itong nag-isip. "Never mind. Hindi pa naman ako decided."

Patagilid na nakatingin si Zed sa kaniya, hawak nito ang kutsara at container na may pagkain. Tinitigan siya nito na para bang naghihintay sa susunod pa niyang sasabihin, ngunit hanggang doon na lang iyon. She didn't want to dump, wala siyang planong mag-share pa ng kahit na anong dinadala niya. It was for her to fix, keep, and face.

Ipinaalala niya na lang kay Zed na hindi nagkakalayo ang midterms at finals kaya kailangan na rin nilang maghanda para sa next examination. Bukod kasi sa pag-aaral nito, maraming schedule ng practice, ngunit mas priority ng management at university kung makapapasa ba ito sa subjects.

After an hour, they decided to leave the university and while walking, Adi gazed at Zed. "Sure akong makakapasa ka," aniya sa mababang boses. "Puwede ka naman sigurong magpaalam sa practices mo the next two weeks to focus on your acads, right? Just two weeks? Tutal ito naman ang magiging basehan mo."

"I already did." Tipid na ngumiti si Zed. "Nagpaalam na 'ko kahapon and pumayag si Coach. Sinabi ko na rin sa kanila na you're helping me. They were happy that you're here. Everyone's thankful, actually."

Adi shrugged and smiled. "Libre naman ang hatid-sundo," she joked. "I want everyone around me to succeed, so it's nothing."



And for two weeks, it had been a routine. Zed dropping her off, Zed picking her up in front of the university. Kahit na ang guard ay sinasabihan na siyang nasa labas na si Zed, naka-park. Even her students would tease her about Zed. Hindi naman niya hinahayaang mapunta sa kung saan ang usapan o pang-aasar sa kaniya kaya siya na mismo ang nagpapatigil.

Madalas niyang ipinaaalala sa mga estudyante niya na ang trabaho ay trabaho. Labas ang personal na buhay niya at kung ano man ang nakikita ng ibang tao o kung sino ang kasama niya, hindi siya sasagot sa kahit na anong itanong sa kaniya.

Kahit sa mismong faculty room, kapag tinatanong siya ng mga katrabaho niya, hindi siya masyadong sumasagot. Ilan na ang nagtanong sa kaniya tungkol kay Zed, palaging ngiti lang ang sagot niya.

Habang naglalakad papunta papunta sa faculty room, lumapit sa kaniya si Richard, isa sa mga advisory niya sa thesis. Nagtanong ito para sa school year, kung siya pa rin ba ang magiging adviser.

"Wala namang nabago," mahinahong sagot niya. "Tayo-tayo pa rin nina Lea, Marley, and Willard ang magkakasama next year. Last year n'yo na rin kaya galingan natin."

"Yes, Miss Adi!" masayang sambit ni Richard. "Excited na rin kami sa last part ng thesis namin. Thankful po talaga kami sa pagtulong n'yo kasi ang dami rin naming natutuhan."

Malapad siyang ngumiti. "Wala naman 'yon. Natutuwa akong marami kayong natutuhan sa 'kin sa three semesters nating magkakasama. Nagtataka nga 'ko ba't hindi pa kayo nagsasawa sa mukha ko, e."

"Ikaw pa ba, Miss Adi." Natawa si Richard. "Bale see you na lang po next semester."

Adi said her goodbyes and entered the faculty room. Mag-isa lang siya at dahil sa katahimikan, bumigat na naman ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit.

This room used to be her safe space, the place she used to be so excited about. For almost two years, the room became her home not until the murmurs about her being the dean's favorite roared.

All because the college dean was her father's close friend.

Na kahit pinaghirapan niya ang lahat, kahit hindi naman siya nanghihingi ng tulong sa iba, iba ang tingin sa kaniya. Some co-lecturers start talking and saying she got everything good . . . and fast . . . all because of her background.

Maybe that was how others saw her.

But . . . she worked hard, if not . . . harder for everything. 



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys