Chapter 3

Adi was used to stares, and students would always say hi, especially the boys. It was her second year as a marketing professor. She loved her job, just not how others saw her. Some would even sexualize her.

Hindi man direct, pero naririnig at alam niya ang tungkol sa pinag-uusapan ng ibang estudyante tungkol sa kaniya. Nakababasa siya ng threads at kung ano-ano pa dahil halos mukhang kaedad lang din niya ang mga tinuturuan.

Gusto man niyang sabihing sanay na siya, pero hindi iyon ang nangyayari dahil hinding-hindi siya masasanay kung paano siya tratuhin ng iba.

May ilang estudyanteng hindi siya sineseryoso sa loob ng classroom dahil lang mas bata siya kumpara sa iba. Kahit hindi siya nakikipagbiruan, parang normal na lang sa iba ang trato sa kaniya.

It was the biggest challenge of her career. As much as she loved her job, not this.

Inside the elevator, Adi breathed and tried to calm herself. Ramdam niya ang hingal dahil sa mabilis na paglakad pati na rin ang sakit ng paa niya.

Hindi naman din kasi siya sanay magsuot ng flats. Wearing stilettos made her feel powerful and feminine. Sanay na rin kasi siya.

Habang nakatingin sa salamin, nakita niya ang ilang estudyante sa likuran niya. Mga nakayuko sa kaniya-kaniyang phone o sa libro o sa handouts na hawak.

Inilabas niya mula sa bulsa ang phone at nakita ang notification mula kay Zed. Pinag-isipan muna niya kung bubuksan ba niya ang message nang tumunog ulit ang phone niya kasunod ng isa pang message.

Zed Almazan
naiwan mo

Curious, Adi opened the message and saw a photo of her makeup kit. It was on the cup holder. Before she could even react or reply, there was another message.

Zed Almazan
mukhang magkikita ulit tayo
haha
wala kang pang lipstick
wala rin naman akong balak ihatid sayo

Audrey Zorell
Need ko yan for tomorrow.
Kita tayo later?

Zed Almazan
namimihasa naman
hahahaha
sige
sunduin kita?
la ka kotse

Audrey Zorell
Okay. 4PM out ko.
Thanks.

Zed Almazan
okay miss adi

Audrey Zorell
🙄



Sa harapan ng pinto ng classroom, malalim munang huminga si Adi bago tuluyang pumasok. Maingay sa loob dahil sa mga kalalakihang nagkukuwentuhan sa likuran, mga babaeng nasa harapan at nag-aayos ng makeup, at ang ilan naman ay tahimik na nagbabasa.

"Good morning, class." Dumiretso siya platform na may lamesa at humarap sa klase. "Sorry, I'm late."

Some kept quiet and sat on their respective seats. Inobserbahan ni Adi ang klase niya habang hinihintay na makaupo ang lahat bago inayos ang laptop para sa projector.

These students were marketing majors and she was teaching Strategic Management for this class. She also handled Consumer Behavior and International Marketing.

Adi started lecturing about the current topic and as much as she could, she tried making the time worthwhile. Ayaw niyang mukhang bored ang mga estudyante niya kaya sinisiguro niyang involved ang lahat. Gusto rin niyang nakabibiruan ang mga ito habang pina-practice pa rin ang boundaries.

Her students could talk to her normally, without the formality, but still . . . with limitations.

The class lasted for an hour and thirty minutes. One class after another until it was lunch time. Dumiretso siya sa faculty office para magpahinga. Saktong papasok siya, palabas naman ang tatlong co-lecturers niya na tumingin sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Late ka raw, Miss Zorell," ani Dean Mariano. "That's new."

Pinilit niya ang ngumiti at tumango. Nag-apologize siya, pero hindi siya nag-explain. Too awkward. She woke up late, that was the truth.

"Uy, late ka raw?" Naupo sa tabi niya si Rizza, isa sa co-lecturers niya at ang nag-iisang nakakausap niya nang maayos. "Bakit? May nangyari ba? May sakit ka? Gulat ako n'ong sinabi ni Sir Gavin, e. Nakita ka raw kasi niyang nagmamadali kanina."

Patagilid niyang tiningnan si Rizza at tumaas ang dalawang balikat. Again, she didn't explain. She didn't have to.

"Grabe ang stress ko ngayong summer class. Parang ayaw kong ulitin 'to next year?" Sumandal si Rizza sa office chair at inihiga ang ulo sa backrest. "Parang next year, gusto kong mag-travel. Iba pala kapag summer class, Adi. May pressure."

Mahina siyang natawa. "Parang hindi ko na rin uulitin. Okay rin naman, for experience."

Nagpaalam ang ibang co-lecturer nilang kakain sa labas kaya naiwan sila ni Rizza. Tinanong nito kung hindi ba siya nagugutom nang maalala niyang hindi nga rin pala siya nag-almusal. Kahit kape ay hindi niya nagawa kaya pala naramdaman niyang hindi masyadong okay ang pakiramdam niya.

Gustuhin man niyang lumabas, hindi puwede dahil mayroon na siyang klase in thirty minutes at medyo mahirap ang topic kaya kailangan niyang i-review.

Biglang nagkuwento si Rizza tungkol sa dalawang babaeng professors na kasama nila sa college na parang may notification na magiging regular na ang dalawa. She was happy for them, but she didn't want to associate with those people, too.

Hindi rin kasi maganda ang naging pakikitungo sa kaniya ng ilang co-lecturer niya simula nang makapasok siya two years ago. Nagkaroon kasi ng bulong na nakapasok lang siya dahil dati ring professor ang daddy niya.

Naging dean pa nga ng ibang university.

It was true, her dad was a former and well-known college dean, but she worked hard to get here. Pinaghirapan niya ang lahat, pero hindi iyon nakikita ng ibang tao.

She loved her job, but not this issue. Kahit sa ibang student, naririnig niya ang tungkol doon.

"Adi, by the way . . . ." Lumapit muli si Rizza sa kaniya. "Magpapasama sana 'ko sa 'yo kung available ka mamaya? Gusto ko kasing bumili ng bagong coat na magagamit ko rito. Ikaw ang magaling pumili and ma-fashion. Baka lang?"

Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Adi. "Hala, sorry. Hindi kaya, e. May pupuntahan kasi ako mamaya at saka wala rin akong kotse."

"Bakit?" Naningkit ang mga mata ni Rizza, mukhang nagtataka. "Hindi ka naman nagco-commute! Ano'ng nangyari sa kotse mo?"

Nakagat niya ang ibabang labi dahil wala naman dapat siyang balak sabihin iyon. "Nagpahatid lang ako sa kakilala ko," aniya at ngumiti. "Sorry, ha? Next time na lang. Susunduin lang din kasi niya 'ko mamaya."

Rizza gave her a mocking look, even smiling. Hindi na ito nang-usisa, mabuti rin naman.

Adi went on her day without eating. She was feeling a little dizzy, but water worked wonders. Nag-focus siya sa pagtuturo, sa pagbigay ng quizzes, at pakikipag-usap sa mga estudyante niya tungkol sa magiging lesson sa mga susunod pa.

During her last class, she just sat in front, waiting for her class to complete the essay, and the projector was on with all the questions.

Her phone notified and there was a message from Zed.

Zed Almazan
tapos na class ko

Audrey Zorell
Ako hindi pa.
Almost tho.

Zed Almazan
sige lang
take your time
san kita hintayin

Audrey Zorell
Main gate.

Zed Almazan
sige
kumain ka na?


Hindi siya nag-reply.

Saglit niyang ibinalik ang tingin sa klase bago muling nag-phone. Nag-check siya sa Instagram, sandaling nanood ng video, at binasa ang messages nila ng ate niya noong isang araw.

Muling lumabas ang notification ni Zed sa phone niya, tinatanong kung ano raw ba ang gusto niyang kainin, pero hindi ulit siya nag-reply. Wala naman siyang balak sumama rito para kumain. She just needed her makeup kit.

"Miss Adi, ano raw gusto mong kainin!" singhal ng isang estudyante niyang nakaupo sa likod na ikinagulat niya. "Nakakatatlong tanong na, o!"

Tumalikod siya at ibinaling ang tingin sa projector nang makitang lumabas muli ang message ni Zed mula sa notification dahil naka-login nga pala ang messages niya sa phone at laptop.


Zed Almazan
tagal magreply
dadaan ako food mo
natin pala haha


Ibinalik niya ang tingin sa klase habang nagre-reply kay Zed na huwag na mag-message sa kaniya.

"Five more minutes," aniya sa seryosong boses para hindi mahalatang nahiya siya sa kung ano man ang nabasa ng klase niya. "Also, check your portals. Magse-send ako ng reading para sa next meeting natin and we'll be having a recitation."

"Si Miss Adi, iniiba ang usapan," pagbibiro ng isa pa niyang estudyante. "Okay lang 'yan, Miss. Gets ka namin. Si Zed na 'yon, o."

Hindi na siya nagulat na kilala ng mga ito si Zed lalo na at full name pa ang nakita. She didn't mind, too. Both of them were adults, she didn't have to explain anything.

Umiling siya at umirap. Hinarap niya ang babaeng estudyante niyang nakaupo sa harapan. "Three more minutes."

She heard groans, but didn't mind and waited until it was time. Ilan pa rin sa estudyante niya ang binibiro pa rin siya tungkol sa messages ni Zed kung ano ba ang gusto niyang pagkain.

"Medyo traydor ka sa part na 'yan, Miss Adi," sabi ni Henry, estudyante niyang parte ng football team. "Kalaban si Almazan. Mortal na kaaway ng school natin ang school nila."

Tumaas ang kilay niya at kinuha ang papel mula kay Henry.

"Gagi, mas exciting nga 'yon. Hayaan na natin. Gets naman." Tinapik ng kaibigan nito ang balikat. "Kung kanino kakampi si Miss Adi. Sa atin ba o sa kalaban. Siyempre sa boyfriend."

Tinitigan niya ang magkaibigan. "He's not my boyfriend." Idiniin niya iyon.

The entire class started teasing her.

Again, she mockingly smiled without at word and asked everyone to leave the class. Nakaramdam siya ng kaba dahil alam niyang posibleng maging usap-usapan na naman 'to kaya sa susunod, kailangan niyang mag-ingat kahit na wala naman siyang ginagawang masama.

Besides, Zed was from another university. Mas nakagugulat kung same university sila.

Nang maiwang mag-isa sa loob ng classroom, inayos niya ang mga papel at nag-reply na rin kay Zed na tapos na ang klase niya. Sinabi niyang wala siyang balak sumabay sa pagkain, gusto lang niyang kunin ang makeup kit niya at baka mag-cab na lang siya pauwi.

Hindi nag-reply si Zed kaya lumabas na siya. Mula sa gate, nakita niya kaagad ang sasakyan nito. Nakahinto, naka-hazzard. Binuksan niya ang pinto at nagtama ang tingin nila.

"Sakay ka na," ani Zed na tinanguan siya. "Traffic, walang taxi, walang Grab, busy lahat. Ch-in-eck ko. Kung gusto mo, bayaran mo na lang ako para hindi ka mahiya."

Tumaas ang sulok ng labi niya at nanatiling nasa labas ng sasakyan.

"Ano, binabalandra mo ba 'ko?" tanong ni Zed na sumilip sa gate. "Nakikita ako ng mga estudyante sa school n'yo. Proud ka sa 'kin?"

"Baliw." Umirap si Adi at basta na lang pumasok sa sasakyan. Suminghot siya nang may maamoy at hinanap iyon.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Zed. "Bumili ako pad thai. Oks sa 'yo?"

"Magkano?"

Umiling si Zed at patagilid na tumingin sa kaniya bago nagsimulang magmaneho. "Wala. Next time na. Sagot mo naman."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys