Chapter 29

Masayang nakikipag-usap si Zed sa coach at dating mga ka-team sa loob ng university nang makita si Adi. Hawak nito ang kamay ng isang bata, naglalakad papunta sa waiting area para ihatid ito sa ina. Inobserbahan niya kung paano makipag-usap ang asawa niya sa magulang... malapad na nakangiti at mukhang masayang nakikipag-usap.

Simula nang magtrabaho ito sa Eastern U, sa lugar kung saan maraming batang mayroong special needs, malaki ang pagbabago. Umuuwi itong masaya, maraming kuwento, at hirap sa trabaho. Bago pa man lumubog ang araw, nasa bahay na si Adi kaya mas nakakapagpahinga nang maayos.

"Hindi ka naman nahihirapan, Kuya?" tanong ni Led.

Umiling siya. "Hindi naman. Nag-a-adjust, oo. Pero maayos naman. Medyo may pressure, pero kaya. Ikaw ba? Mag-draft ka na ba after graduation?"

"As if mag-draft 'yan," sagot ni Jed na nakaupo sa tabi niya.

Nagsalubong ang kilay ni Zed. "Wala ka talagang plano? Sayang, Led. Ang ganda ng stats mo."

"Wala, Kuya," Led snorted. "Past time lang naman 'tong laro. Wala talaga akong balak mag-pro umpisa pa lang. Mas marami akong kailangang asikasuhin after graduation."

Mahinang natawa si Zed at umiling. Hinayaan niyang mag-asaran sina Jed at Led habang nakikinig siya. Na-miss niya ang tandem nilang tatlo at iyon ang chemistry na hinahanap niya. Jed was serious about basketball. Nakasalalay kasi rito ang scholarship nito.

Jed wasn't as well-off as Led. Si Led, naglalaro lang dahil bored. Gusto lang may magawa bukod sa pag-aaral ngunit malaki ang construction firm ng pamilya kaya kahit hindi na maglaro, mabubuhay na. Isa pa, sa pagkakaalam niya, may shares ang pamilya nito sa Eastern U.

Si Led rin ang madalas na nagpapakain sa buong team o kaya ay nanlilibre o nag-i-sponsor ng mga team building sa iba't ibang resort. Umpisa pa lang din, alam na niyang hindi ito maglalaro professionally. Sayang, pero ganoon talaga.

Muli niyang nilingon si Adi na nakaluhod habang hinahaplos ang pisngi ng batang babae. Zed knew the little girl, the one who loved Adi so much. Mayroon itong autism spectrum disorder at si Adi lang ang gustong palaging kasama. Non-verbal ito at minsang nagwawala, madalas ding umiiyak kapag hindi si Adi ang kasama.

"Ang cute siguro ni Ate Adi kapag may baby na kayo," ani Jed na nakatingin din pala kay Adi. "Wala pa kayong balak, Kuya?"

"Hindi pa namin napag-uusapan ulit," sagot ni Zed. "Puwede naman, kaya naman na, pero marami pa kaming plano. We both have career goals and a dream house to build," ngumiti siya.

Tumango si Jed at nag-agree din si Led sa sinabi niya. Bukod pa roon, gusto niyang si Adi ang magdedesisyon kung kailan na ito handa. Magre-rely siya kay Adi at sa ngayon, uunahin nila ang career at passion na mayroon sila.

Zed started talking to his coach about his basketball professional career. Malaki ang pasalamat niya sa mga taong nakapalibot sa kaniya noong college siya dahil wala siya sa kasalukuyan kung hindi niya nakasama ang mga ito.

Aside from Adi, the coaches and his teammates were the first to see his potential and let him play based on what he wanted until he finally saw what he could do. Hindi siya na-stuck sa isang posisyon. Madalas na nagkakaroon siya ng rotation kaya nasubukan niya lahat... at gusto niyang hindi siya

Lumingon siya nang marinig ang boses ni Adi na kausap si Jed. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti ngunit hinayaan siyang makipagkuwentuhan muna sa iba hanggang sa siya na ang nagpaalam at nilapitan ang asawa.

Zed encircled his arm around Adi and kissed the side of her forehead... in front of his friends. They were used to this; they didn't even care.

"Let's go?" Tumingin si Zed sa relong suot. "Baka ma-late tayo."

Tumango si Adi at nagpaalam sa mga kaibigan niya. Nag-aya pa itong minsang pumunta sa condo nila para makapag-bonding tulad noon, umentra din si Led na kung gusto ni Adi, mag-resort na lang sila na ikinatuwa ng asawa niya.

Hawak-kamay silang nagpunta sa parking area ng Eastern U habang pinakikinggan ni Zed kung kumusta ang araw ni Adi. Panay ang kuwento nito tungkol sa mga ginawa sa maghapon tulad nang pakikipaglaro sa mga bata, pagpapatulog, at pagpapakalma.

"It was hard," Adi said. "But fulfilling. Alam mo, sana mas magkaroon pa ng awareness at knowledge ang mga tao about sa autism. Grabe kasi, based sa research ko the past few days, ang dami pa rin talagang uneducated at indenial. Nakakaawa iyong mga bata, eh. Minsan, magulang nila mismo ang kalaban namin dito."

Pinagbukasan ni Zed ng pinto si Adi. "Bakit? Ano ba ang nangyayari?"

"Hindi nila matanggap ang cases ng anak nila," malungkot na sambit ni Adi. "Some were indenial. Very, actually. Sinasabi ng iba na wala naman sa lahi nila ang autism kaya baka delayed lang. Na wala naman silang ininom na masama noong nagbubuntis, and some were insisting na baka peperahan lang sila. That's not the case."

Humigpit ang hawak ni Zed sa manebela habang pinakikinggan kung gaano kalungkot ang boses ni Adi habang isinasalaysay nito ang tungkol sa comments, posts, and research na ginagawa tungkol sa autism.

"May iba naman sa comments, they're really making fun of this. May nagsabi na ikulong na lang sa bahay ang mga anak para hindi makapaistorbo sa iba. Na wala silang pasensya na pakinggan o tingnan ang mga batang nagwawala publicly, at sinasabing mas okay na dogs na lang talaga. I get the opinions, but it's just sad," pagpapatuloy ni Adi.

Tumingin si Adi sa kaniya. "Kaya may ibang parents na may anak na autism, nasa bahay na lang talaga palagi kasi ayaw nilang makaistorbo ng iba. Nabasa ko rin na sinasabi ng iba, family members nila mismo ang nagiging dahilan para iiwas ang mga babies nila kasi nga... the judgment."

Hinawakan ni Zed ang kamay ni Adi at hinalikan ang likuran niyon. "But are you happy with your current work and studies?"

"Sobra," Adi exhaled and smiled. "Despite the pain from what I see and sa mga nababasa ko, parang mas namo-motivate ako and nagkakaroon ako ng hope. I'm planning to open a social media account, spreading awareness about autism, Baby. Sa tingin mo?"

Zed nodded without hesitation. "Oo naman, I'll help you. Okay naman ang followings natin sa social media, we can use it."

"Thank you," Adi bit her lower lip. "Also..."

"Hmm?" Zed gazed at his wife, who was soulfully staring at him. "What is it, Baby?"

Adi was hesitant, but wanted to let Zed know about her plan. "I-I wanna open a day care center... para sa mga baby or kids na nagwo-work ang parents, and we'll also have a program for kids with special needs who need therapy. A center na hindi ganoong kamahal and maybe we can offer free therapies, if needed."

Walang naging sagot si Zed dahil pinakikinggan niya ang plano ng asawa. Sobrang ganda at kahit naman ano ang gustong gawin nito, papayag siya.

"But I'm still planning this sa head ko lang, ha? I know na this is too big or nearly impossible kasi—"

"We can work it out," Zed assured. "Let's use our platform. We can use it. Para saan pang nandito tayo, may boses kung hindi rin naman natin gagamitin. We also have people around us who can help. I know they would."

Malalim na huminga si Adi at hinalikan ang pisngi ni Zed. Hindi niya alam kung paano bubuksan ang topic na ito dahil alam niyang ilang buwan pa lang ang asawa niya sa pro-leauge, pinag-aaral siya sa programs na gusto niya, sole provider nilang dalawa, kaya alam niyang posible itong tumanggi dahil halos ito lang ang bumubuhay sa kanila.

May sariling sweldo si Adi, pero nag-insist si Zed na ito na ang bahala sa lahat sa bahay kaya naman si Adi ang madalas na sumasagot ng dates, trips, o kahit na anong luho nilang dalawa.

Dumeretso na rin muna sila sa bahay para magbihis at nagmadaling magmaneho papunta sa tribute show ng Carpenters na isa sa paborito nilang mang-aawit. Both loved to dance with the song Close To You.

Kasama nila ang nakatatandang kapatid ni Adi pati na ang brother-in-law nila.

Zed chose to wear a suit, and Adi wore her long black dress with spaghetti strap letting her hair loose.

And he couldn't stop admiring his wife. Ten years together, walang ipinagbago... they actually became the best version of themselves. Younger Adi was always busy, competitive, egoistic, and calculated. Masaya itong kasama, masayahin, magalang, at mabait... pero hindi maiiwasang minsang ma-pride.

Adi knew that, and Zed accepted, compromised... like what Adi did for him.

Alam niyang malaki ang sakripisyo nitong hindi tanggapin ang offers sa ibang bansa para suportahan muna ang career niya. May guilt feeling, oo... malaki kung tutuusin, but Adi's assurance that they were going to be okay and that Adi could still get whatever she wanted next time, gave him more motivation to work harder.

Habang pinakikinggan ang kantang I Won't Last A Day Without You, hinawakan ni Zed ang kamay ni Adi at pinagsaklop iyon. Tumingin si Adi sa kaniya, ngumiti, at ipinatong ang baba sa balikat niya kaya nakakuha siya nang pagkakataon para halikan ang tungki ng ilong nito... bago nila sinabayan ang kanta.

When there's no getting over that rainbow
When my smallest of dreams won't come true
I can take all the madness the world has to give
But I won't last a day without you

INSTAGRAM

43,234 likes
zedalmazan13 a to z
View all 8,231 comments
audreyzalmazan  z to a


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys