Chapter 1
Nag-message si Zed sa mga kaibigan niyang aalis na siya. Wala siyang sinabi sa mga ito at hindi naman niya kailangang magpaliwanag. Sabay na rin sila ni Adi na lumabas sa maingay na bar at tahimik na pumunta sa parking area.
"Convoy na lang tayo." Humarap si Adi at itinuro ang sasakyan nitong naka-park hindi kalayuan kung nasaan ang sasakyan ni Zed. Kulay gray iyon na sedan. "You brought your car, right?"
"Yep," Zed responded with a nod. "Sa likod mo na lang ako."
Adi nodded and turned around. Nakasunod lang si Zed dahil iisa lang ang daan papunta sa kotse nila at hindi niya maiwasang mapatitig sa likuran nito.
The way Adi walked, how her hair swayed with her movements, and how she could pull off her professional outfit even at night; the woman was a real deal. Sandaling sumandal si Zed sa hood ng kotse niya habang pinanonood kung paanong maglakad si Adi. Kahit na ang pagbukas nito ng pinto ng sasakyan ay mayroong poise.
Zed owned a Civic with a custom metallic red wrap. He liked it simple with a bit of twist. He liked it red because it looked hot.
Hindi gaanong traffic sa area kung nasaan sila. Hindi humihiwalay si Zed sa likuran ng sasakyan ni Adi habang sinusundan niya ito. Sa tuwing may susubok na mag-cut sa kaniya, hindi siya pumapayag.
He even observed how Adi drove. Smooth itong lumiko, marunong gumamit ng signal, at maayos din gumamit ng break. Mukha rin itong hindi kaskasera, pero may mga pagkakataong nagiging mabilis ang pagmamaneho.
In short, Adi knew when to accelerate and when to slow down.
Nice.
—
Habang nasa elevator, tahimik na nakasandal si Zed habang nakatingin kay Adi. Naka-cross arms ito hawak ang bag, iPad, notebook, tumbler na itim, keychain na maraming susi, at diretsong nakatayong titig na titig sa sarili.
"Stop staring." Adi glared at Zed. "By the way, this is a one-time thing. Stressed ako at ikaw rin. 'Wag mong iisiping mauulit pa ito dahil hindi na. Okay?"
Zed chuckled and bit his lower lip. "We're not really sure about it. Depende sa mangyayari ngayong gabi ang magiging sagot diyan."
Tumaas ang kilay ni Adi at kay Zed. "You're that confident, ha?"
"Wala tayo sa posisyon natin ngayon kung hindi." Tumaas ang dalawang balikat ni Zed. "Depende na rin sa 'yo kung paano ka sasabay."
Adi scoffed. "Maliligo muna ako."
"Can I join?"
"Not gonna happen." Adi shook her head.
Zed stared at Adi with a smug face and kept quiet until they entered her unit. It was a studio-type condo unit. Mukhang ipinaayos din nito iyon dahil hindi usual ang design.
"Nice unit," Zed uttered.
"Don't touch anything. Maliligo lang ako."
Ibinaba ni Adi ang mga gamit sa sofa at basta na lang dumiretso sa cabinet, kumuha ng damit at towel. Hindi inalisan ni Zed ng tingin ang babae na inayos ang paglagay ng heels sa shoe rack, sinuklay ang buhok gamit ang malaking brush, naglagay ng makeup remover sa bulak, at isa-isang tinanggal ang mga alahas na suot.
Ang daming gagawin bago pa may mangyari, pero hinayaan niya ito. Naghintay siya, nakatingin, at nang mawala ito sa paningin niya dahil pumasok sa bathroom, mahina siyang natawa. Iniwan siyang mag-isa.
Ibinalik naman niya ang atensyon sa unit ni Adi. Maliit lang, sakto para sa isang tao ang buong unit. Nakita niya ang mga libro sa ibabaw ng coffee table, sa TV rack, at maging gilid ng kama. Hindi na rin naman na siya magtataka.
Pagpasok sa main door, maliit na kusina ang madadaanan at isang pinto papasok sa bathroom. Sa kusina, mayroong ref na parang vintage ang itsura. Kulay pula iyon na mukhang makaluma. Walang magnet o notes.
Sa gilid naman ay may maliit na oven at ilang baking tools. Iba-iba pa ang kulay ng baking trays at may mga cupcake liners na nakalagay sa isang container.
Nag-angat ng tingin si Zed at nakita rin na puno ng stock ang pantry nito sa overhead cabinets.
Mula sa kusina, may dalawang bar stool sa ilalim ng built-in bar counter na nakadikit sa wall. Doon ay may malawak na salamin dahilan para magmukhang maluwag ang condo.
Sa living area, may sofa na kulay gray na nakaharap sa isang TV. May throw pillows na kulay yellow, blue, and orange. Sa coffee table naman ay may mga libro, papeles, at laptop na nakasara.
The entire unit was painted white with some wood accents and an aspen tone. Walang pinto o kahit na ano mang harang, at mula sa living area, kita kaagad niya ang malaking kama na may puting bedsheet at napakaraming unan. Katabi rin niyon ang isang malaking bintana.
Dumiretso siya roon at kita niya ang city lights na pumapalibot sa condo building. The place looked good at night; the view was okay, but his was better. That was for sure.
Meanwhile, Adi stared at herself in the bathroom, thinking if what she would do was okay. Ilang beses siyang huminga nang malalim. She needed it, she wanted it, and she would do it.
Naligo siya dahil galing siya sa school at wala siyang balak na dumikit kay Zed na mukha siyang nanlalagkit.
Adi wore a loose shirt and went outside the bathroom. Basa pa rin ang buhok niya at tinutuyo niya iyon ng towel nang makita si Zed na nakatayo sa harapan ng bintana. Nakapamulsa pa ito sa itim na sweatpants at bumabakat ang likod na alam niyang medyo muscular sa T-shirt na suot.
"By the way," Adi said, and Zed turned around to meet her gaze. "I'm not doing this without protection."
Zed's brow furrowed. "Wala akong—" He stopped, shaking his head. "Bibili muna 'ko."
Adi didn't say a word and watched Zed leave her unit. Humarap siya sa salamin at nagpatuloy siya sa pagtuyo ng buhok niya. Wala na siyang makeup at lumabas na ang eyebags na itinatago niya under concealer. Her pimple marks also showed.
Habang naghihintay, kinuha niya ang phone para tingnan ang schedule niya kinabukasan. Maaga nga ang pasok niya. Nabasa rin niya ang messages ni Rayi, ang nakatatandang kapatid niyang nagtatrabaho sa Singapore at kinukumusta siya.
Hindi siya okay.
Busy.
Maraming ginagawa at halos wala ring tulog.
Bumukas ang pinto at patagilid niyang nilingon si Zed na diretsong nakatingin sa kaniya.
"Disclaimer, I look horrible now." Ibinaba niya ang phone sa lamesa at muling tinitigan ang sarili. "You still have time to leave."
Naglakad si Zed papalapit kay Adi at tumabi rito. Pareho silang nakaharap sa salamin. "Hindi ka naman horrible. Natutulog ka ba? Ang laki ng eyebags mo, but still looking good."
"If you're saying those things to get laid, stop." Adi stared at Zed. "I don't need your toxic positivity."
"Why so serious, ha?" Zed frowned. "If you think you're horrible, then so be it. Besides, I don't even care."
Tumalikod si Zed at naglakad papunta sa sofa. It was almost eleven in the evening and he checked his phone. Nagtanong ang mga kaibigan niya kung nasaan siya, pero hindi na siya sumagot at hinintay si Adi na matapos sa ginagawa nito.
Nang matapos naman si Adi sa pagtuyo sa sariling buhok, naupo siya sa tabi ni Zed sa sofa at binuksan ang TV. Pareho silang tahimik.
"So, manonood ba tayo ng Grey's Anatomy, or are we gonna have sex?" Zed asked without bluffing. "I'm fine with anything."
Adi chuckled and faced Zed, squinting. "Huh. What if sinabi ko biglang ayaw ko na palang makipag-sex, and that I just wanna binge watch Grey's Anatomy with someone?"
Zed shrugged. "Then let's watch it, alangan namang pilitin kita, right? Besides, I'm not that horny. Sakto lang naman unless you make the first move."
"You want me to make the first move?" Adi wondered, and Zed didn't respond. "Wait, do you?"
"Isang tanong, isang sagot. Do you wanna destress by having sex with me or by watching Grey's Anatomy with me?" Zed blurted. "I'm good either way, or we can do it while watching Grey's Anatomy. You choose, Adi."
Adi eyed Zed who was also looking at her, thinking the options weren't bad at all. Kahit ano ang piliin niya, it would benefit her. Besides, she wanted to watch the episode anyway.
"Fine. I like the third option. Sex and Grey's Anatomy," she muttered.
"Naligo ako sa quarters kanina kaya 'wag kang mag-alala. Hindi ako mabaho," sagot naman ni Zed.
Umiling si Adi at ibinalik ang titig kay Zed. Hawak niya ang remote dahil hinahanap niya ang episode na natapos niya dahil mali ang nasa continue watching. Naiwan niya kasi itong naka-play at nakatulugan niya.
"Hindi ko naman sinasabing mabaho ka. Actually, kahit hindi tayo magkadikit, naamoy ko ang pabango mo," sabi ni Adi.
Hindi sumagot si Zed na nakatingin sa TV at naghihintay rin kung saan siya titigil. Ibinaba nito ang paper bag sa coffee table pati na rin ang wallet na naiwang nakabukas kung saan nakalagay ang mismong school ID.
Zared Almazan, Eastern University.
"Wouldn't it be awkward if—"
Nagsalubong ang kilay ni Zed at tumingin sa kaniya. Natawa ito, inagaw pa nga ang remote at ito na mismo ang naghanap ng episode na gusto niya. Walang sinabing kahit na ano, itinanong pa kung anong scene ba ang huling naaalala niya para iyon na lang ang panonoorin nila.
"No one would know about this, right?" Adi broke the silence.
Again, Zed gazed at her, shook his head, and rolled his eyes. Without saying a word, he wrapped his arm around her waist, and without warning, he pulled her to sit on his lap.
Their faces were inches away. "Can we just . . ." he paused and sniffed. "Grey's Anatomy or what?"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top