Chapter 9
CHAPTER 9
ALAS-SINGKO palang ng hapon, sinundo na siya ni Lander sa bahay niya. Nagpapasalamat siya at wala doon ang mga magulang niya. Kung naroon ang mga ito, sigurado siyang dadaan si Lander sa isang seryosong question and answer portion.
Nang makarating sila sa bahay nito, humanga siya sa linis ng paligid. Parang babae ang nakatira sa sobrang ayos at linis ng condo unit nito. Hindi mo aakalain na lalaki ang nagmamay-ari ‘non.
“Very clean.” Aniya. “May mga katulong ka ba?”
“Nope. Ako ang naglilinis. Ayoko kasi ng makalat at ayokong mag hire ng katulong kasi baka mapagalitan ko lang kapag hindi nalinis ng tama ang unit ko.” Paliwanag nito.
Eizel playfully smiled at Lander. “So, may cleaning disorder ka?”
He shrugged his shoulder. “I don’t know. Maybe. Basta ayoko ng makalat.”
Napakagat labi siya. “Makalat ako lalo na sa mga damit ko. Umaasa ako palagi sa mga katulong sa bahay.”
Marahang tumawa si Lander. “Pareho kayo ni Lancelott. Bagay kayong dalawa.”
Itinirik niya ang mga mata. “Bakit na naman pumasok yang kakambal mo sa usapan natin? Tantanan mo nga ako Lander.”
“Okay…okay…” Natatawang wika nito. “Wala na akong sasabihin. But we both know the truth.”
Inirapan niya ito. “Whatever.”
Ngumisi si Lander at iginiya siya patungo sa kusina kung saan naabutan nila si Lancelott na niri-raid ang refrigerator ni Lander.
Tumikhim si Lander. “Aherm, bro.”
Mabilis na nilingon sila ni Lancelott na may hawak-hawak na platito na may lamang isang slice na strawberry cake. “Oh.” Tumingin ito sa kanya. “Hey.”
“Hi.” Aniya at nag-iwas ng tingin.
“Kumusta?” Tanong ni Lancelott.
“I’m fine.” Sagot niya.
“Okay.” Lander clasped his hands. “Let’s cook.”
Tumango siya at tinungo ang lababo at naghugas ng kamay. Tiningnan niya si Lander. “Anong gagawin ko? Should I cut the onion or the garlic?”
Kumunot ang nuo ni Lander at binuksan ang cupboard. Tiningnan nito ang loob niyon pagkatapos ay bumaling sa kanila. “Ahm… I think I’m out of ingredients.” Isinara nito ang cupboard. “I’ll just go to the grocery and buy some ingredients. Babalik ako kaagad.”
“Wait!” Pigil niya kay Lander. “Sasama ako.”
Lander stops walking and turns to her. “Nah. Dito ka nalang. Samahan mo si Lancelott. Baka bigla yang magbigti kapag sumama ka sa akin.”
Kumunot ang nuo niya. “Ano?” Nilingon niya si Lancelott na walang imik na nakatingin sa kanila ni Lander. “Bakit ka naman magbibigti?”
“Hindi ako magbibigti. Go with him.” Sagot ni Lancelott sa walang emosyong boses.
Ibinalik niya ang tingin kay Lander. “Please, can I go with you?” Pakiusap niya kay Lander. Ayaw niyang makasama sa isang lugar si Lancelott. Baka ano na naman ang maramdaman niya.
Lander gives her a sorry smile. “Sorry, Zel. Just stay here.”
Nagmamadali si Lander na umalis ng condo unit nito. Gusto niyang habulin ito at sumama pero ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano si Lancelott.
Namayani ang katahimikan sa buong unit. Kagat-labing humarap siya kay Lancelott na nahuli niyang nakatingin ito sa kanya.
“Let’s watch TV?” She suggested.
Lancelott shrugged. “Sure.”
He walked passed her and went to the living room. Sinundan niya ito at naabutan itong binubuksan ang TV. Umupo siya sa tabi nito.
“What do you want to watch?” Tanong ni Lancelott sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “CI, CSI or maybe Hannibal?”
He chuckled. “Parang lahat yata ng gusto mong panourin ay may patayan.”
“Ano naman ngayon? Maganda kaya ‘yon. O kung gusto mo, let’s watch America’s next top model or the fashion world. You choose.”
Umiling-iling si Lancelott. “Okay na sa akin ang may patayan kaysa naman sa mga fashion-fashion na yan.”
Binalingan niya ito. “Ayaw mo sa fashion samantalang ikaw ang photographer ng Fashion Magazine.”
Tumingin sa kanya si Lancelott. “I did it to meet the famous model.”
Napaawang siya. “Ano?”
“Tinanggap ko ang project na ‘yon para makilala ka.” Anito na titig na titig sa kanya. “And then I met you and I was a bit disappointed.”
She grimaced. “Bakit ka naman na-disappoint?”
“I picture you as a beautiful woman. And when I saw you, you’re wow— I was awed. I was disappointed with myself. ‘Yong nai-imagine ko kasi na Eizel San Diego, iba sa nakita ko. My imagination insulted you. Ibang-iba ka.”
“So na-disappoint ka dahil mas maganda ako sa personal?”
Tumango ito. “I wanted to see you and I did. Hindi ko matanggap na mali ang imagination ko sayo. Kaya naman tinawag kitang pangit. But you are far from ugly. You’re like a swan in a shining lake. Just so freaking stunning.”
Namula siya sa papuri nito. “I’ll take the swan thing as a complement.”
“It is a complement.” Lumapit ng ilang dangkal ang mukha nito sa mukha niya.
She looked deep into his eyes. “I like your eyes.”
His eyes twinkled. “Yeah? You do?”
Marahan siyang tumango. “Yeah, I do.”
Lumapit na naman ang mukha nito sa mukha niya. “Thanks, Eiz.”
She smiled. “Welcome.”
Isang dangkal nalang ang layo ng mga labi nila sa isa’t-isa. Eizel looked at his lips and swallowed. Bakit ba gusto niyang halikan si Lancelott. Ano ba ang nangyayari sa kanya? This is not her! What’s happening? Kumurap-kurap siya at lumayo sa binata. Pero bago pa siya makalayo rito ng tuluyan, tinawid ni Lancelott ang distansiya ng mga labi nila at hinalikan siya.
Nang maramdaman niya ang labi nito sa labi niya, agad niyang tinugon ang halik nito. She matched his every kiss… his every move… Their tongue battled in sync. Parang may nagliliparang paru-paru sa tiyan niya habang naghahalikan sila ni Lancelott. Ipinalibot niya ang braso sa leeg ng binata at hinalikan ito ng buong puso.
When they pulled away, they were both huffing and catching for breath. Nakapalibot pa rin ang braso niya sa leeg nito.
“Lancelott…”
“Eiz…”
He dropped three sweet kisses on her lips and pulled away, smiling happily.
“Why did you kiss me, Lancelott?”
He shrugged his shoulder. “I’d wanted to kiss you ever since yesterday.”
“Why?”
“I miss you, that’s why.”
“Hindi kita maintindihan.” Aniya na kunot na kunot ang nuo.
He put his forehead against her. “I miss you. Nang umalis ka ng walang paalam, nag alala ako sayo alam mo ba. Kaya naman umuwi ako kahit may gagawin pa sana ako sa Cambodia. I wanted to know if you got home safely.”
“Umuwi ka para sa akin?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Ahm. Thanks. You’re a good friend.”
Nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Good friend, huh?”
She nodded. “Oo. Kasi nag-alala ka para sakin. It’s sweet and I really appreciate it. Pero hindi mo namang kailangan umuwi para lang sa akin, Lancelott. I can take care of myself.”
“Hindi mo ako mapipigilang hindi mag-alala sayo. I— ahm… I care for you, Eiz. I care about you more than I should.”
“Thanks for caring.” Aniya at nag-iwas ng tingin.
Lancelott took a deep breath. “If you don’t like me back, just tell me. You’re brushing me off, Eiz. Tell me straight. I can take it.”
Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa binata. “What? Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Of course I like you.”
He scoffed. “Yeah. You like me as a friend.”
Eizel rolled her eyes. “Really? Is that what you think?”
“Yeah.”
Tumawa siya ng mapakla. “I don’t know if I’ll laugh or be mad at you. Lancelott, sa tingin mo ba hahayaan kitang halikan ako ulit kung kaibigan lang ang tingin ko sayo. I like you dammit. I like you as a man. I like you…a lot.”
Hindi gumalaw sa kinauupuan si Lancelott at nakatingin lang sa kanya. Ilang minuto rin ang lumipas bago ito nakabawi.
“W-What? You like me as a man?”
Itinirik niya ang mga mata. “What do you think? Sana sinampal na kita dahil sa kapangahasan mo. Pero hindi ko ginawa kasi nagustuhan ko ang halik mo.”
Paunti-unting ngumiti ito at napuno ng kasayahan ang mukha. “Talaga?”
“Oo nga.”
Biglang nawala ang ngiti nito at napalitan ng kunot nitong nuo. “Paano si Lander?”
“Anong paano siya? Lancelott, he set us up. Hindi mo ba napansin ‘yon. He had all the time in the world to buy some groceries pero bakit ngayon lang. At saka palagi niya akong pini-pair up sayo. Hindi mo lang alam.”
He nodded earnestly. “That’s good. Ayokong masaktan siya.”
She chuckled. “Hindi masasaktan si Lander. Baliw ‘yon e.”
“Hey!” Anang boses ni Lander. “Dapat kayo magpasalamat sa akin.”
Mabilis na lumingon sila ni Lancelott sa pinanggagalingan ng boses ni Lander. Nakita nilang nakatayo ito malapit sa pintuan at may dala itong tatlong box ng pizza at dalawang one-point-five na coke.
“Ano yang dala mo?” Kunot ang nuong tanong ni Lancelott sa kakambal.
Itinaas ni Lander ang dala-dala. “Ito ba? Dinner. Tinatamad akong magluto.”
“Pero sabi mo—”
Pinutol nito ang iba pang sasabihin ni Lancelott. “I set you up. Para kayong mga ewan e. Gusto naman ang isa’t-isa. Bakit niyo ba kasi pinapahirapan ang sarili niyo ha? Ikaw…” Tinuro siya nito. “Alam ko naman na gusto mo ang kakambal ko ever since. At ikaw naman.” Tinuro nito si Lancelott. “It’s time to take risk. Zel is worth risking for, bro. Kaya mo yan. Ikaw pa. Huwag mong hayaang kontolin niyang utak mo ang lahat ng galaw mo. Sometimes, you have to use your heart too.”
Naglakad si Lander palapit sa sala at inilapag ang dala nito sa center table. “Sige, mag dinner na kayong dalawa. Aalis muna ako. May importante lang akong pupuntahan.” He grinned at them. “Walang tao ang bahay ko maliban sa inyong dalawa. Gawin niyo lahat ng gusto niyo basta pagkatapos, please kang, linisin niyo ang kalat niyo.” Pagkatapos nitong sabihin iyon, naglakad ito palabas ng unit at iniwan silang dalawa.
Si Lancelott ang unang bumasag sa katahimikan. “So, ahm… is this a date?”
Tiningnan niya ang binata. “Ano ba ang gusto mo?”
“Well, I want to take you out in a very expensive restaurant, but, I guess, this will do. Pizza and coke. Okay lang ba?”
Nakangiting kinuha niya ang pizza at binuksan ang box. Naglaway siya ng maamoy ang mabangong aroma ng pizza.
“Gosh! I so love pizza!” Aniya at kumuha ng isang slice at kinagat iyon. “Hmm. Ang sarap.”
Narinig niyang mahinang tumawa si Lancelott. “Akala ko ba ang mag model dapat puro vegetable lang ang kinakain at lagging nagda-diet.”
“Gusto mo ba akong patayin?” Kumagat ulit siya ng pizza. “I hate vegetable; I’m a meat kind of woman. Sexy lang ako kasi naggi-gym ako at hindi ko pinapabayaan ang sarili ko.”
He encircled his arms around her waist and pulled her closer to him. “Ang sexy nga.”
Puno ng pagmamalaki na tumingin siya kay Lancelott. “I know, right? Ang sexy ko talaga. Walang panama sa akin ang kumakain ng vegetables.”
“Ang hangin mo talaga.” Komento ni Lancelott.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Anong sinabi mo?”
“Ang sabi ko, ang ganda mo.”
She instantly smiled. “Good. Akala ko kung ano na ang sinabi mo. Ayaw mo naman yatang bawiin ko ang mga sinabi ko kanina. Malay mo, nagising na pala ako at hindi na kita gusto.”
Ito naman ang tumingin sa kanya ng masama. “Really? Gagamitin mo talaga sa akin iyan? Eiz, naman. Paano nalang kung may nasabi akong offensive sayo. You know me, walang preno itong bibig ko kapag gusto kong ilabas ang opinion ko.”
Ngumisi siya. “Then you better keep your opinion to yourself.”
He sighed. “Eiz naman e!”
“What?”
“I can’t keep my opinion to myself. Hindi ako ganoon. I can’t change who I am—”
“You’re actually considering changing who you are?” She asked, frowning. “Lancelott, binibiro lang naman kita.” Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. “I like you as you. Wala akong babaguhin sayo kahit isang katiting. I like you as you are, Lancelott.”
“Really? Kahit pa offensive ako magsalita minsan, gusto mo pa rin ako?”
Tumango siya. “Oo naman. Gustong-gusto kita, Lancelott. Gustong-gusto.”
Lancelott smiled at her and captured her lips then pulled away. “I like you so much, Eiz.”
She smiled back. “Alam ko namang gusto mo ako. Bakit naman hindi mo ako magugustuhan? Sa ganda kong ito? I’m just amazing and—”
“Okay. Stop. Baka bagyuhin tayo sa kahanginan mo.”
Napasimangot siya. “Ang sama mo talaga.”
Lancelott kissed her on the lips. “Hindi ako masama. Nagsasabi lang ako ng totoo.” He kissed her again. “You taste like pizza.”
She grinned and giggled. “Malamang. Kakakain ko lang ng pizza.”
Hinalikan siya ulit nito at pinahiga sa sofa habang ito ay nakakubabaw sa kanya.
“Want to be my girlfriend?” He asked her.
She chuckled and encircled her arms around his neck. “Sure. I want to be your girlfriend. Kailan ba ako magsisimula maging girlfriend mo?”
“Now. Right now.”
Their lips met and they kissed like there’s no tomorrow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top