Chapter 10
CHAPTER 10
MAGKAHAWAK kamay si Lancelott at Eizel habang naglalakad sa Mall. Gustong mag-shopping ni Eizel at sinamahan naman siya ni Lancelott. Ayaw niyang sumama ito baka ma-bored lang ito, pero mapilit talaga ang binata na samahan siya.
“Anong bibilhin mo?” Tanong sa kanya ni Lancelott.
Tumingin siya rito at nagkibit-balikat. “I have no specific dress to buy. Basta kung ano ang magustuhan ko. I can shop for a whole day. Pero ikaw kaya mo ba? Men hate shopping, Lancelott, kaya nga ayokong sumama ka sa akin.”
Tinitiga siya nito. “Eiz, if this is what you like to do then sasamahan kita kahit ma bored pa ako. I’m your boyfriend.”
Nginitian niya ito. “Thanks, boyfriend.”
He smiled back. “Anytime, girlfriend.”
She chuckled and pulled him to a boutique. Agad na ipinalibot niya ang paningin para tingnan kung ano ang mga paninda. Napangiti siya ng makakita ng magandang bag. Kulay itim iyon at napakaganda sa paningin niya. Naglakad siya patungo sa estante kung saan naroon ang Bag habang hila-hila pa rin si Lancelott.
“This is beautiful.” Aniya.
“Wanna buy it?” Tanong sa kanya ni Lancelott sabay akbay sa kanya.
Tinitigan niya ang bag habang nag-iisip kung bibilhin o hindi. “Ahm… I don’t know.”
“Bakit naman? Kasasabi mo palang na maganda ang bag.”
“Yeah, sinabi ko nga. But something is stopping me from buying it.”
“Ano naman?”
She shrugged. “Hindi ko alam.” Tumalikod siya sa bag. “Ayoko nang bilhin.”
Nakita niya napailing-iling si Lancelott.
“Ganito ka ba mag-shopping? Lalapitan kasi nagandahan ka tapos hindi bibilhin?” Naguguluhang tanong nito na kunot na kunot ang nuo.
“What? Ganoon kaming mga babae. Deal with it.” Aniya at hinila na naman ito sa isa pang estante na may iba’t-ibang klaseng bags. “Nice bags.”
“Nice tapos hindi bibilhin.” Komento ni Lancelott.
Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi ka nalang sana sumama sa akin.”
Huminga ng malalim si Lancelott at niyakap siya mula sa likod. “Sorry na. Hindi ko lang napigilang magkomento. This is my first time shopping with a woman.”
Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. “Seriously?”
Tumango-tango ito. “Yeah.”
“How about your mom? Hindi mo ba siya sinamahang mag-shopping?”
Biglang bumakas ang lungkot sa mukha nito. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa tanong niya. Kahit kailan napaka insensitive talaga niya.
Niyakap niya ito. “Sorry, Lancelott. I shouldn’t have mentioned her.”
He hugged her back. “Its okay, Eiz.”
“No it’s not and I’m very sorry.”
He kissed her forehead. “Forgiven. Kalimutan mo na yon.”
“Okay.” She pulled away and looked at Lancelott. “Thanks for accompanying me by the way.”
“You’re very much welcome. At saka gusto naman talaga kitang samahan. I want to be with you—”
“Lance?” Anang boses sa likod nila.
Mabilis silang tumingin ni Lancelott sa pinaggalingan ng boses. Kumunot ang nuo niya ng maalala kung sino ang nasa harap nila. Ito yong babaeng kasama ni Lancelott doon sa restaurant kung saan sila kumain ni Lander. Sino ba ang babaeng ‘to?
“Holly. What are you doing here?” Kunot ang nuong tanong dito ni Lancelott.
“Oh, just shopping.” Nakangiting sagot nito. “How about you?”
Lancelott pulled her closer. “Sinasamahan ko lang ang girlfriend ko mag-shopping.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Holly ng marinig ang sinabi ni Lancelott at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nainsulto siya sa klase ng tingin nito kaya ibinalik niya ang tingin nito sa kanya. Pinasahan din niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at sinigurado niyang makikita nito sa mga mata niya ang pagkadisguto niya.
“Girlfriend mo siya?” Tanong nito kay Lancelott na hindi tinatanggal ang mata sa kanya. Puno ng selos ang boses nito.
“Yes, I’m his girlfriend.” Inunahan niyang makasagot si Lancelott. “Is there something wrong with that?” She asked in a polite voice.
Holly smiled fakely at her. “No, not really. Hindi lang kasi ang mga katulad mo ang tipo niyang babae.”
Okay. I’m freaking insulted!
“Is that so?” Nakataas ang kilay na tanong niya. “How did you know that I’m not his kind of girl?”
Holly giggled irritably while smiling flirty at Lancelott. “I would know. I’m his ex girlfriend.”
“Oh.” She said in a haughty voice. “Well, people change. And in Lancelott case, he evolved. Mukhang hindi na ‘yong mga katulad mo ang tipo niya. It’s been what, Lancelott? Ilang taon na ba mula ng maghiwalay kayo?” Tumingin siya kay Lancelott at alam niyang nahalata nito ang pagkairita na nararamdaman niya.
“Two years.” Sagot nito sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakapulupot ng braso nito sa bewang niya.
Ibinalik niya ang tingin kay Holly. “Two years na pala kayong hiwalay. Well, tulad nga ng sinabi ko kanina, nagbabago ang isang tao. Hindi porke’t adobo ang gusto niya noon, hindi ibig sabihin na iyon pa rin ang gusto niya ngayon. Malay mo gusto naman niyang makatikim ng isang masarap at mamahaling steak.” Tinagggal niya ang braso ni Lancelott na nakapalibot sa bewang niya at binalingan ang binata. “Iiwan na kita. You two catch up. Baka marami pa kayong paguusapan. Hindi naman ako madamot.” She leaned in and kissed him on the lips. “I’ll call you when I get home.”
Taas nuong lumabas siya ng boutique at naglakad patungo sa iba pang boutique. Nagpupuyos ang kalooban niya. Kinakain ng selos ang puso niya at naiinis siya. Ganoon na ba talaga niya kagusto si Lancelott at sobra kung magselos siya?
Napaigtad siya ng biglang may yumakap mula sa likuran niya. Tutuhurin sana niya ang pangahas ng maamoy niya ang pabango ni Lancelott.
“Bakit mo ako iniwan kay Holly?” Tanong nito na parang nagtatampo.
Hinarap niya ito at tiningnan sa mga mata. “Hindi ka naman umalma ng iwan kita.”
“Kasi nagulat ako sa ginawa mo. Walang girlfriend na iiwan ang boyfriend niya sa ibang babae lalo na kung alam niyang may something ang babaeng ‘yon sa boyfriend niya.”
She scoffed. “Lancelott, hindi ko ang hawak yang isip mo.” Pinagkrus niya ang braso sa harap ng dibdib. “And so inaamin mo na may something kayo ni Holly?”
Lancelott took a deep breath. “No. Wala kaming something. Siya lang ang may something at hindi ako. Please, Eiz.”
“Please what?”
“Please, don’t be jealous.”
“I’m not jealous.”
“Yeah, right. I can see it written all over your face.” He touched her check. “Eiz, matagal nang wala kami ni Holly. Nuong nakita mo kami na magkasama sa Restaurant, we just bumped into each other. After dinner we part ways. You’re my girlfriend at wala akong balak na lukohin ka.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Siguraduhin mo lang. Kasi kapag niloko mo ako, sasagasaan kita. I’m not kidding.”
He chuckled. “I know.” He leaned in and kissed her fully in the mouth. “Ituloy na natin ang pagsa-shopping?”
“Okay—”
“Lance!”
Mariin siyang napapikit at kinalma ang sarili ng marinig ang nakakairitang boses ni Holly. Nilingon ito ni Lancelott.
“Yes, Holly?”
“Samahan mo naman ako mag-shopping oh.” Anito at humawak pa sa braso ni Lancelott na parang naglalambing.
Marahang tinanggal ni Lancelott ang kamay ni Holly na nakahawak sa braso nito. “Sorry, Holly. May kasama na ako. I’m with my girlfriend.”
Tiningnan siya ng masama ni Holly. “E di iwan mo siya! Sa akin ka nalang sumama!”
“No.” Lumayo rito si Lancelott at ipinulupot ang braso sa bewang niya. “Si Eiz ang kasama ko. Maghanap ka ng ibang kasama. I’m sorry.”
Nakatalikod na sila ni Lancelott at akmang maglalakad na palayo rito ng magsalita ito.
“Mahal pa rin kita, Lancelott. Sa dalawang taon na nagkahiwalat tayo ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko.”
Pareho silang natigilan ni Lancelott. Nagulat siya sa narinig, nang tingnan niya ang binata walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito. Parang sanay na itong marinig ang salitang iyon mula rito.
“Stop, Holly. Alam mo na ang sagot ko riyan.” Ani ni Lancelott na nakatalikod dito.
“Hindi ko naman kasalanan ‘yon. Mahal na mahal kita kaya ko nagawa ‘yon. Kukunin ka nila sa akin. Hindi ako makakapayag!” Humihikbing sabi ni Holly.
Napailing-iling si Lancelott at nilingon si Holly. “Go and see a psychiatrist. Makakatulong yon sayo.” Tapos binalingan siya. “Nagugutom ka na? Halika, kumain tayo.”
Iginiya siya ni Lancelott sa Greenwich at umorder ito ng super-thin pizza at dalawang basong ice tea. Pagkatapos at umupo sila sa pandalawahang mesa at pinagsaluhan ang inorder nito. Wala silang imik pareho.
Hinihintay lang niya na magsalita ito kahit gustong-gusto na niyang itanong kung ano ang pinagsasabi ng Holly na ‘yon.
“I’m sorry about Holly. Pasensiya na at narinig mo ang sinabi niya.” Hingi ng tawad ni Lancelott at tumingin sa mga mata niya. “Kalimutan mo nalang ‘yon.”
Ginagap niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. “Lancelott, hindi ako magsisinungaling sayo. Gustong-gusto kong malaman kung ano yong pinagsasabi niya. Pero kung hindi ka pa handa para sabihin yon sa akin, sige okay lang. Basta tandaan mo. Nandito lang ako, okay?” Pinisil niya ang kamay nito.
He squeezed her hands back. “I’m sorry.”
“It’s okay.”
Kinuha niya ang kamay na hawak nito at nagumpisa ng kumain. Ilang minutong katahimikan ang lumipas ng magsalitang muli ang binata.
“Holly was my on and off girlfriend for three years.”
Gulat siyang nagtaas ng tingin. “Lancelott, hindi mo naman kailangang i-kwento sa akin ‘yon. It’s okay.”
“No, it’s not. Gusto kong malaman mo ang nakaraan ko.” Huminga ito ng malalim. “I was a happy-go-lucky kind of guy before and Holly was my girlfriend. We fight and make up all the time. I cheated on her and she cheated on me and that’s okay because at the end of the day, we still go back to each other. Then I realize that I want to settle down and change my happy-go-lucky life, I propose to her, well siya lang naman ang babae sa buhay ko na masasabi kong may nararamdaman ako. Well, that was my biggest mistake. She became really clingy and demanding. Okay lang sa akin yon, pilit kong iniintindi ang ugali niyang yon. Pero sumobra na e. One day she asked me to live in with her and I said yes. Gusto ko siyang makasama. And then she started telling me what to do and not to do and it’s suffocating me. But because I wanted to change and settle down and I want our relationship to work, I endure it. Akala ko magiging okay na ang lahat kapag sinunod ko ang gusto niya, tapos nagkasakit si mommy. So, kailangan ni Mommy ng atensiyon ko kasi ako yong paborito niyang anak. Pero ayaw akong payagan ni Holly na makipagkita sa mga magulang ko. She has this idea on her head na kukunin ako ni mommy sa kanya at iiwan ko siya. I tried to explain to her that it was ridiculous. My mother likes Holly. Ang may ayaw lang naman kay Holly ay si Lander. Si Lander yong palagi kong hinihingan ng advice kapag nagkakagulo kami ni Holly.”
Pinisil nito ang kamay niya at nagpatuloy sa pagsasalita. “And then that day when we got into accident, dapat si Lander ang magmamaneho ‘non pero dahil may ginawa siya ako nalang. I should’ve slow down pero nagmamadali ako kasi text ng text at tawag ng tawag si Holly sa akin. I read some of her texts. Magpapakamaty daw siya kapag hindi pa ako umuwi. It’s freaking me out! Then boom! Na-aksidente kami and well, ako lang yong nabuhay. While I was in the Hospital, walang Holly na dumating para kumustahin ang lagay ko. It’s okay with me. Nang makalabas ako, I already decided to finish my relationship with Holly. Ayoko na. Syempre, hindi siya pumayag. Nagwala siya. Pero wala naman nagawa ang pagwawala niya. Ayoko na, sawang-sawa na ako. May parte sa akin na sinisisi siya sa pagkamatay ng mga magulang ko pero alam ko namang kasalanan ko ‘yon. And then my parents funeral, doon ako nagalit kay Holly ng sobra. Bago ang libing, tinawagan niya ako na huwag akong pumunta kasi maguusap daw kami.” Tumawa ito ng mapakla. “That’s my parents funeral for crying out loud. Hinintay pa na gumaling ako bago sila ilibing tapos hindi ako pupunta? Sinabihan ko siyang tapos na ang lahat sa amin at wala na kaming dapat pagusapan. Hindi ko alam kong may sayad ba siya o ano, dahil pumunta siya sa sementeryo at sinagasaan ang ataul ng mga magulang ko habang nagmimisa ang pari. I was shocked when I saw her come out from the car and demanded for me to get in the car so we could talk.” Napailing-iling ito. “The nerve of that woman. Baliw na siya. Ininsulto niya ang libing ng parents ko and I hated her for that.”
Ilang minutong katahimikan ang naghari bago siya nagsalita.
“Kung galit ka sa kanya, bakit nakita namin kayo sa restaurant na magkasama at mukhang masayang naguusap?”
Binitawan nito ang kamay niya at sumadal sa likod ng upuan at tumingin sa kanya ng matiim. “We bumped into each other. When she smiled at me and asked if I’m still mad at her, na-realize ko na dapat na akong mag-move on sa nangyari kasi mukha namang masaya na siya at masaya na rin ako, dapat mapatawad ko na si Holly. That day, pinatawad ko siya. Hindi ko naman alam na may iba pala iyong ibig sabihin sa kanya.”
“Masaya ka na?” Gagad niya.
He smiled at her. “Yeah, masaya na ako. Nakilala na kita e. Because of you, ngumiti ulit ako at gusto ko ng mag-move on. When I’m with you, lumalabas ‘yong dating Lancelott na matagal ko ng inilibing. Nang tawagin mo akong Lancelott, parang bumalik yong mga alaala ko kay mommy. Siya lang at si daddy ang tumatawag sa akin ng Lancelott. Gusto kong sabihin na hindi ko nagustuhan ang pagtawag mo sa akin ng ganoon pero ayokong magsinungaling sa sarili ko. I like it when you called me Lancelott. It makes me feel warm inside. Thank you, Eiz.”
She smile back. “Lancelott, about Holly. Sa tingin mo, makakapag-move on na siya? Kasi hinding-hindi kita ibibigay sa kanya. Akin ka lang.”
He leaned in and holds her hand. “Akin ka lang din at wala akong balak na bumalik kay Holly. Wala akong pakialam sa kanya. Ikaw ang gusto kong makasama.” Tumayo ito at inilahad ang palad sa kanya. “Ayoko ng mag-shopping. Nakakatamad. Halika na. Uwi na tayo.”
Napapailing na tinanggap niya ang kamay nito. “Ihahatid mo ba ako sa bahay?”
Nakangiting tiningnan siya nito. “Hindi pa kita ihahatid sa inyo. I want to show you my house. Kung okay lang sayo. Promise, wala akong gagawin sayo na hindi mo magugustuhan.”
Inirapan niya ito. “Baliw.” Ipinalibot niya ang braso sa braso nito. “Sasama ako sa bahay mo, pero sa isang kondisyon.”
“Ano?”
“Sasamahan mo akong mag-shopping bukas.”
Napanganga ito sa sinabi niya. “Magsa-shopping ka na naman bukas?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
She nodded while grinning. “Yes. Deal?”
He took a deep breath. “Deal basta may kiss ako mamaya.”
“Kiss lang? Ayaw mong romansahin kita?”
Napatigil ito sa paglalakad at malaki ang matang binalingan siya. “Talaga?”
Tumawa siya ng malakas. “Naniwala ka naman. Bastos ka rin e.”
He resumed walking. “Wala naman yatang lalaki na hindi bastos.”
“Si Lander, hindi siya bastos.”
Tumawa ito. “Naku, kung alam mo lang. At teka nga muna, bakit siya nasali sa usapan natin. Ako ang boyfriend mo, ayokong binabanggit mo ang pangalan ng kakambal ko.”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Bakit? Nagseselos ka?”
Matiim nitong sinalubong ang titig niya. “Oo, nagseselos ako.”
“Bakit ka naman nagseselos?”
“Well, maliban sa girlfriend kita, siguro naman sapat na ang dahilan na mahal kita kaya nagseselos ako.”
Muntik nang mahulog ang panga niya sa narinig. “A-Ano?”
“Mahal kita. Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba halata?”
Dahan-dahang siyang umiling. “H-hindi. Sabi mo g-gusto mo lang ko…”
Marahang tumawa si Lancelott at inakbayan siya. “Halika na nga. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko. Para kang tinuklaw ng ahas. Nakakatakot ba ang ideyang mahal kita?”
Hindi niya ito sinagot dahil hindi niya alam ang sasabihin niya. Hinayaan niya lang ito na igiya siya sa kung saan man sila pupunta.
Hindi naman nakakatakot ang ideyang mahal mo ako, natatakot ako sa ideyang mukhang mahal din kita. Iyon ang gusto niyang sabihin pero hindi niya kayang sabihin iyon sa binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top