Chapter 6
CHAPTER 6
EZIEL took a deep breath when it was her turn to enter the catwalk. Inayos niya ang bikini na suot at taas ang nuong naglakad. Hindi man lang siya kumurap ng pumasok siya at agad na nagkislapan ang mga camera mula sa iba’t-ibang nahagi ng pinagdadausan ng Fashion show.
Stomach in. Back straight. Chip un. Serious face. Then she walked. Tinanggal niya ang hiya na nararamdaman sa isiping nakikita ng maraming kalalakihan ang katawan niya. She’s a professional model. She had to act professional. Her eyes were secretly roaming around the place, looking for certain someone.
Muntik nang masira ang blangkong expresyon nang mukha niya ng magtama ang mata nila ni Lancelott. Shit! He’s here? Agad siyang nag-iwas ng tingin at nag-focus nalang sa paglalakad sa catwalk. Ramdam niya ang mga mata sa kanya ni Lancelott. She wanted to smirk because she knew that he’s admiring her very amazing body but she can’t. Mamaya nalang. Aasarin niya ito ng bonggang-bongga.
NAKAHINGA si Eizel nang maluwang nang matapos ang fashion show. Hindi na niya kaya ang mga mata ng mga kalalakihan sa kanya. Mabilis siyang nagpalit ng damit. She wore leather short, a simple white tube top, and a black leather jacket. She paired it with black high heeled knee boots that complements her beautiful legs.
Nang makalabas siya sa venue ng Fashion show, nakita niya si Lancelott na nakatayo sa labas na parang may hinihintay.
She cleared her throat. “Waiting for me?” She teased.
Mabilis siya nitong nilingon at pinasadahan siya ng tingin. “You change clothes.”
Eizel rolled her eyes. “Lancelott, ano namang tingin mo sa akin. Maglalakad ng naka-bikini sa labas? I’m not that kind of woman.”
He shrugged. “Okay. Whatever you say.”
Nginitian niya ang binata ng nakakaloko. “Asus! Puwede ba Lancelott, huwag kang umaktong hindi mo nagustuhan ang nakita mo sa loob. I know I have a great body.”
“I’m not there to admire your— Ahm… your horrible body.” Nag-iwas ito ng tingin.
Tumawa siya ng malakas. “God, Lancelott. Are you blushing?” She poked his slightly red cheek while giggling. “Lancelott, I didn’t know I could make you blush.”
Tinabig nito ang kamay niya. “Don’t poke me.”
She chuckled. “Okay. Pero nag-blush ka pa rin.”
“Shut up. And anyway nandoon ako para kumuha ng litrato.”
She gave him an arched look. “Really? Wala ka yatang dalang camera.” She sighed and twirled her fingers on his necktie. “Why don’t you admit that you were there to see me and my amazing body? Lancelott, stop lying to yourself.”
His aqua blue eyes settled on her chocolate colored eyes. “Hindi lang naman ikaw ang babaeng nakita ko doon na naka-bikini. So how can you say na pumunta ako para makita ka?”
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya kahit pa nga napahiya siya sa sinabi nito. “Lancelott, you can deny it all you want but you know that truth.” She let go of his tie. “Bye.”
Nakakailang hakbang palang siya palayo rito ng magsalita ang binata.
“Let’s have dinner.” Anito.
Eizel chuckled and put her hands on her waist then turn around to Lancelott. “Sure. Pero sa isang kondisyon.”
He frowned. “What?”
She grinned mischievously. “Aminin mo muna na pumunta ka sa fashion show para makita ako.”
“Over my dead body.”
Eizel shrugged. “Looks like you’ll be dinning… alone.”
Lancelott dramatically sighed. “Fine! Pumunta ako dahil sayo. Happy?”
She jump and fist pumped in the air. “Yes! Sabi ko na e!” She grinned at Lancelott. “Oh, diba? Mahirap bang aminin ‘yon?”
“Ewan ko sayo. Halika na, kumain na tayo. Kanina pa nagaalburuto ang tiyan ko.” Anito at nagumpisa ng maglakad.
Hinabol niya ito ang tumigil ng magkatabi na sila. “Lancelott?”
“Hmm?”
“Nagustuhan mo ba ang nakita mo sa Fashion show?” Puno ng panunudyo ang boses niya.
He glared at her. “Hindi ka ba talaga titigil?”
Ngumisi siya. “Tinatanung lang naman kita. Anong masama roon?”
Tumigil ito sa paglalakad at walang sere-seremonyang hinapit siya palapit sa katawan nito. Automatikong inilagay niya ang kamay sa dibdib nito para itulak ito.
“Look at me, Eiz.” Anito.
Hindi siya nakinig at tumingin siya sa buhok nito habang tinutulak ito para pakawalan siya. “Let me go, Lancelott!”
“Don’t shout. Look at me and stop pushing me away.” Anito sa matigas na boses.
Napatigil siya sa pagpupumiglas at tumingin sa mga mata nito. “Bitiwan mo nga ako. Puwede mo naman yata akong kausapin na may distansiya ang katawan natin.”
Nahigit niya ang hininga ng inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Lancelott! Ano ba! Huwag mong ilapit ang mukha mo sa mukha ko. Isang dangkal nalang lalapat na ang labi mo sa labi ko! Let go of me!”
His eyes darken with unknown emotion. “Ano naman ngayon kung maghalikan tayo? Would that be so abhorrent for you?”
Sa sobrang kaba na nararamdaman dahil sa pagkakalapit nila ni Lancelott. Tinarayan niya ito at kung ano-ano ang lumabas sa bibig niya. “You’re not Lander. Kaya ayokong makahalikan ka. Duh!”
Mabilis siya nitong binatawan at napasigaw siya ng muntik na siyang mabuwal sa pagkakatayo.
“Huwag kang magkakamali na makipaghalikan kay Lander.” Anito.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit naman? Wala siyang virus, hindi gaya mo na contagious ang virus na dala-dala.”
“Because Lander have a sickness and—”
“And blah, blah, blah! I don’t care. Matanda na si Lander para malaman ang tama sa mali. And about his sickness, I’m sure he can handle himself.”
Matagal siya nitong tinitigan at kapagkuwan ay lumambot ang mukha. “Halika na. Mag-dinner na tayo.”
Kinunutan niya ito ng nuo. “Ewan ko sayo, Lancelott. Bipolar ka ba? Kanina lang galit ka tapos ngayon kalmado ka na naman. Ikaw yata itong may sakit e.”
Nag-iwas ang binata ng tingin. “Wala akong sakit. Let’s go.”
Sumimangot siya. “Bipolar ka nga.”
“I’m not Bipolar.”
“Whatever you say.” Tahimik siyang naglakad sa tabi nito.
Hindi niya alam kung saan sila magtatanghalian. Basta sinundan lang niya si Lancelott kung saan man ito pupunta. Tumigil sila ni Lancelott sa labas ng Friend Restaurant. Napataas ang kilay niya sa pangalan ng Restaurant.
“Friend Restaurant?”
“The service and food here is very nice. It’s also cheap.” Sabi ni Lancelott. “All of the staff here are street children’s who were trained to be waitress or waiter.”
“Woah.” She was amazed. “That’s amazing. May ganoon pala. Bakit alam mo ‘yon?”
He shrugged. “I read it in Google.”
Inirapan niya nito. “Akala ko naman ikaw itong matalino, si Google pala.”
“What? At least nagbasa ako. Ikaw, ano ba ang alam mo?”
Inungusan niya ito at naunang pumasok sa Restaurant. Tama nga si Lancelott, pagkapasok palang niya napansin kaagad niya na may friendly environment ang restaurant. At lahat ng staff ay nakangiti. No wonder Friend Restaurant ang pangalan niyon.
“Table for two.” Wika ni Lancelott na hindi niya napansing nasa tabi na pala niya.
Nang makaupo sila, agad na kinuha ng waiter ang order nila. She ordered Chicken with mango and Lancelott ordered beef steak.
“Nag-date ba kayo ulit ni Lander?” Tanung ni Lancelott na ikinagulat niya.
Bigla-bigla nalang itong nagtatanung ng kung ano-ano. “Oo. Pero mostly sa auto-shop niya lang kami. We talked and laughed and it was amazing.”
“Diba sinabihan na kitang lumayo sa kapatid ko?”
She rolled her eyes. “Lancelott, diba sinabi ko rin sayo na hindi na bata si Lander para mag-alala ka. At saka sinong may sabing sasaktan ko siya?”
Tintigan siya nito ng matiim. “Hindi mo siya sasaktan? Paano ka nakakasigurado?”
“Kasi wala naman akong balak na saktan siya.” Hinawi niya ang ilang buhok na tumabing sa mukha niya. “And yeah I like Lander but … I don’t know.”
Tumango-tango ang binata. “Still, stay away from my brother.”
She huffed. “Ay, ewan. Ang kulit mo e. Iba nalang pag-usapan natin. Naiinis ako sa topic natin e. Baka mabato lang kita ng boots ko.”
Sumandal ito sa likod ng upuan. “Ano naman ang pag-uusapan natin?”
Eizel shrugged her shoulder. “Anything under the sun.”
“Well… the weather is nice.”
Napangiti siya. “Yeah, it is. Ang sarap sigurong pumunta sa Bayon temple ngayon.” Exited na wika niya.
“Bukas pa tayo pupunta kaya huwag kang masyadong excited.”
Inirapan niya ito. “Way to kill my excitement. Ewan ko talaga sayo, Lancelott, ang boring mo.”
“Boring ako?” Anito sabay turo sa sarili.
She nodded. “Yes, you’re boring. Very boring. You kill the fun in everything.”
“Sorry if I kill the fun in everything. I don’t have the reason to be happy.”
Natanga siya sa sinabi nito. “No reason to be happy?” Ulit niya sa sinabi nito. “Bakit naman? Everyone has a reason to be happy. Family. Friends. Love ones. Anong drama mo?”
Humugot ito ng malalim na hininga at tumingin sa labas ng restaurant. “What will you do if one day, you got into accident? Nabuhay ka pero hindi ang mga magulang mo? And then because of that, nagka-brain hemorrhage ka at hinihintay mo nalang na mag-bleeding ka at mamatay. Sa kaalamang yon, magiging masaya ka pa ba?”
Eizel lips parted in shock. Iyon ba ang nangyari rito? “Is that… you?”
Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Yes, that’s me.”
“Kailan ‘yon nangyari? Okay ka lang ba?” Nag-alala siya para kay Lancelott. Hindi niya alam na may pinagdaanan itong ganoon.
“Two years ago. I was a fast driver. And then out from no where, a truck came crushing towards our car. It was my fault. Kung hindi dahil sa akin buhay pa sana ngayon ang mga magulang ko. Kung nakinig lang ako sa mga magulang ko e di sana buhay pa sila ngayon at sana hindi ko hinihintay ang araw na mamamatay ako.”
Eizel reached for his hand and squeezed it lightly. “Lancelott, hindi mo kasalanan ‘yon.”
“Paanong hindi ko kasalanan? I’m driving the car, it was my fault.” He holds her hand tightly. “Kasalanan ko ‘yon, Eiz. Ako ang pumatay sa kanila.”
“Lancelott…”
Bigla nitong binitawan ang kamay niya. “I don’t need your pity.”
“Pity is normal for human, Lancelott. I pity you because I cared.”
“You cared?” Tumawa ito ng pagak. “Kanina lang sinasabi mo na may gusto mo si Lander kaysa sa akin.”
Natahimik siya sa sinabi nito. Bakit ba kasi sinabi niya iyon. Hindi naman kasi niya alam na may ganoon palang pinagdaanan ang binata. Talagang naniniwala siya sa kasabihang ‘there’s more to see than meet the eye’. Nagpapasalamat siya na dumating na ang order nila.
Namayani ang katahikan sa kanilang dalawa habang kumakain. They’re lost in their own thoughts. Iniisip ni Eizel kung ano ang magadang gawin para kahit papaano maging masaya si Lancelott. Kumunot ang nuo niya ng maalala na ngumiti na ito minsan.
Tiningnan niya si Lancelott na kunot ang nuo habang kumakain. “Lancelott?”
“Yeah?” Anito na hindi manlang siya tinitingnan.
“Nakita na kitang ngumit, kaya naman hindi ako naniniwala na hindi ka masaya. Kahit papaano alam kong masaya ka.”
“Hindi ako masaya.” Anito sa walang buhay na boses.
“Kung ganoon, bakit ngumiti ka nuong nasa ball tayo. Doon sa may terrace. Nuong hingin mo na mag-truce tayo. Ano ba iniisip mo sa panahong ‘yon at ngumiti ka.”
Lancelott frowned like he’s thinking of something, and then slowly, a smile appeared on his lips. His eyes were twinkling like he’s the happiest man alive.
“See!” Eizel grinned. “You smiled! What are you thinking?”
He looked at her and his smile widen. “Oh nothing.”
She pouted. “Come on, Lancelott. Tell me.” Pamimilit niya rito. “Ano ba ang iniisip mo nuong ngumiti ka?”
Nawala ang ngiti sa mga labi nito at matiim na tinitigan siya. “You.”
“Huh?”
“I was thinking of you.”
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Siya? Ako ang iniisip niya? Pasimpli niyang hinawakan ang pisngi at marahang tinampal-tampal iyon. Sheyt! Ayaw niyang mag-blush.
“Stop that.” Anito at tinanggal ang kamay niya na nasa pisngi niya. “Mas magba-blush ka lang lalo sa ginagawa mo.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “Heh! Hindi ako nagba-blush noh!”
“Yeah, and pigs can fly.” He pinched her cheek. “Ang ganda mo.”
“Ano?”
“Wala.” He smiled again. “Thanks for making me smile.”
Her cheeks heat up again. “N-No problem.”
Lancelott resumed eating while she can’t even look at her food. Nakatitig lang siya sa mukha ng binata. Bakit ba niya hindi napansin ‘yon dati? Every time she looked at Lancelott, her heart beat quicken.
Shit! What the hell is this?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top