Chapter 11
CHAPTER 11
NANG pumasok ang sasakyan ni Lancelott sa gate ng isang magandang bahay, napakunot ang nuo niya. Ito ba ang bahay ni Lancelott? Napakalaki naman niyon para sa isang binata.
“This is my parents’ house. Ayaw tumira rito ni Lander. Tanging ako lang ang nakatira rito at mga katulong. Yong kapatid kong babae na si Louie ay may sariling bahay naman, ayaw niya rin dito. Ewan ko ba, ako lang yata ang may gustong tumira rito e.” Paliwanag ni Lancelott sa kanya bago lumabas ng kotse nito.
Hindi niya hinintay na pagbuksa siya nito, lumabas siya ng sasakyan at ipinalibot ang tingin sa labas ng bahay. Napakalaki niyon. Ang pintuan palang papasok sa bahay, mukhang kahit isang higante kasya. Sa isang mansiyon siya nakatira pero mas malaki ang bahay na ito kaysa sa bahay nila.
“You like the house or you find it creepy?”
She shrugged. “Hindi ko pa naman nakikita ang loob kaya naman ayokong manghusga.”
Hinawakan siya nito sa siko at iginiya siya papasok sa loob ng bahay. “Welcome to my simple abode.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Walang simpli sa bahay na ito.”
Ang gagara ng mga kagamitan sa bahay na ito. Mula sa sahig hanggang sa furniture’s, lahat iyon ay dekalidad at talaga namang mamahalin. Napakaganda ng bahay. Lalo na ang grand staircase na pumapaikot ang hugis na komokonekta sa second floor. Ang malalaking bintana na may takip na malalaking kurtina. Ang set of sofa na nasa sala na kahit sa malayuan masasabi niyang may kalidad dahil hindi iyon pangkaraniwang leather. Iyon ang primira klase na leather sa mundo. Ang center table na gawa sa isang mamahaling crytal. Ang chandelier na nakasabit sa kisame. Puno iyon ng iba’t-ibang uri ng bato at napakaganda niyon tingnan.
“Gusto mo i-tour kita sa kabunan ng bahay?” Tanong sa kanya ni Lancelott.
She grinned at him. “Talaga? Ito-tour mo ako? Yes. Sure.”
Pinagsiklop ni Lancelott ang kamay nila ay hinila siya patungo sa grand staircase, papunta sa second floor. May isang pintuan itong binuksan at pinapasok siya.
“This is my room.” Anito at binitawan ang kamay niya at naglakad patungo sa kama at umupo roon. “Wanna sit here beside me?”
“Akala ko ba ito-tour mo ako?” Sumimangot siya. “Anong ginagawa natin dito sa silid mo?”
“May sasabihin ako sayong importante.”
“Ano naman ‘yon?”
He patted the space beside him on the bed. “Upo ka muna rito sa tabi ko.”
Dahan-dahan siyang naglakad patungo rito at umupo sa tabi nito. Kapagkuwan at tumingin dito.
“Anong sasabihin mo sa akin.” Tanong niya.
“Gusto kong ipagpatuloy yong topic natin kanina. ‘Yong hindi mo sinagot.”
“Ano ‘yon?” Naguguluhang tanong niya.
“’Yong tanong ko na nakakatakot ba ang ideyang mahal kita? Hindi mo pa iyon sinasagot. Bakit? Hindi ba halata na mahal kita? Sa tingin mo ba simpling pagkagusto lang ang nararamdaman ko para sayo?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ko alam.”
Inilagay ni Lancelott ang kamay sa pinsgi niya at pinilit siya na tumingin dito. “Bakit hindi mo alam?” Tanong nito ng magtama ang paningin nila. “Sagutin mo ako, Eiz.”
“Hindi ko alam na mahal mo ako—”
“Well, not you know. What are you going to do about it? You’re my girlfriend. And you said you like me. Ano na ngayon ang gagawin mo?”
“Don’t pressure me, Lancelott.”
“Okay. But I have one question. Nakadepende sa sagot mo ang mangyayari sa ating dalawa.” Tinitigan siya nito sa mga mata. “Eiz, mahal mo ba ako?”
Nanigas ang panga niya sa tanong nito. Bumuka ang bibig niya pero wala namang lumalabas na salita roon.
Nagbawi ng tingin si Lancelott at tumayo. “It’s okay. You don’t have to answer it now. Mukhang hindi mo pa kayang sagutin ang tanong ko.” Naglakad ito papunta sa pintuan ng silid. “Dito ka lang muna. Ikukuha lang kita ng meryenda.” Hindi nito hinintay ang sagot niya at umalis.
Naiwan siyang nanghihina. Parang walang buhay na bumagsak ang katawan niya sa kama. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Ano ang dapat niyang isagot sa tanong nito. Kinapa niya ag dibdib kung nasaan ang puso niya at naramdaman niya ang mabilis na pagtibok niyon.
My heart is beating so fast. Ano ba ang nararamdaman ko para kay Lancelott. Gusto ko lang ba siya o mahal ko na? Naguguluhan siya sa nararamdaman.
Ipinikit niya ang mata at hinayaan ang sarili na magpahinga. Magulo ang isip niya at kailangan niyang magpahinga para mawala na ang agiw ng utak niya para alam na niya ang isasagot sa binata. Sana nga.
EIZEL was resting her eyes when the space next to her dipped. Alam niyang si Lancelott ang nasa tabi niya, hindi na niya kailangang imulat ang mga mata para malaman ‘yon. Amoy palang, alam na niya. A hand touched her cheek and caress it softly.
“It hurts, you know.” Anito sa mahinang boses. “Pero sino ba ako para pilitin kang mahalin ako? Dapat nga magpasalamat ako dahil gusto mo ako. Dapat makontento na ako roon. Pero itong baliw kong puso, ayaw pang tumigil. I told my heart to stop because you won’t love me back but my heart is so stubborn. Patuloy ka paring minamahal. Mula noon hanggang ngayon. Dapat na akong tumigil pero ayoko. I won’t stop loving you, Eiz. I won’t. Gagawin ko ang lahat mahalin mo rin ako. Just say the word and I’ll do it.” Tumawa ito ng pagak. “Malakas lang ang loob ko dahil tulog ka. Ang ewan ko talaga.”
Naramdaman niyang tumabi ito sa kanya at niyakap siya. His head was resting on her shoulder and she can’t breath. Napakalapit nito sa kanya. Hindi siya makahinga ng mabuti. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ang binata na nakapikit ang mga mata, mukhang nakatulog ito. Tumagilid siya ng higa at tiningnan ng maigi ang mukha ng binata.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Ang guwapo mo. Nuong una kitang makita, natulala ako alam mo ba? Your blue eyes captured something inside of me. Nuong sinigaw-sigawan mo ako, nagalit ako pero kahit ganoon, gusto parin kita. Ewan ko ba, kahit palagi tayong nagsisigawan o nag-aaway, nag-i-enjoy akong kasama ka. Hindi ko man aminin sa sarili ko, alam kong kapag nakatingin ako kay Lander, ikaw ang nakikita ko.”
“Alam ko namang guwapo ako.” Biglang nagmulat ng mata si Lancelott na ikinagulat niya. “Nuong una kitang makita sa personal, kahit sinigawan kita, alam mo ba kung anong gusto mong gawin sa mga oras na yon? Gusto kitang halikan. Pero siyempre, hindi ko ginawa iyon. Kaya naman sinigawan nalang kita. And for the record, nakakainis ka talaga nang araw na ‘yon.”
She chuckled. “Nakakainis ka rin nang araw na iyon.”
Lancelott smiled. “Yeah. Pareho tayong nakakainis.”
Bumangon siya at ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng silid nito. Tumigil ang mga mata niya sa stack of magazine na nakalagay sa gilid ng silid nito. Naglakad siya patungo sa mga magazine at kumuha ng isa. Napamulagat siya sa nakita. Inisa-isa niya ang pahina ng magazine. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Lancelott. “What’s this?”
“It’s a magazine, obviously.”
“Alam kong magazine ito, pero bakit mayroon ka nito? This is the first magazine that I was featured in. The Elite’s Fashion. Ito ang magazine na nagpasikat sa akin. Dito ako nakilala.”
“Yeah, I know.”
“Yeah… either you’re a fashion fan or you’re my fan. Sige, pili ka sa dalawa.”
Nag-iwas ito ng tingin. Medyo namumula ang pisngi nito. “K-Kasi… Ano, ahm, I don’t consider myself a fan. Gusto lang kita noon pa.”
“Gusto mo ako pero sinigawan mo ako nuong una tayong magkita. Ang gulo mo.”
Mahina itong tumawa at ibinalik ang tingin sa kanya. “Ang ganda mo kasi, natuliro ako. I mean, I—Ahm… Okay, I’m lost. I have nothing to say.”
Tumawa siya ng malakas. “I can’t believe fan kita. Tinawag mo pa akong pangit.”
He glared at her. “Hindi ako fan!”
She chuckled at looked at him, teasingly. “U-huh. Hindi daw fan.” Inisa-isa niyang tingnan ang mga magazine at lahat iyon ay naroon siya. Kung hindi siya ang cover, may interview naman siya. Nagulat siya ng makakita ng European Magazines. “So, pati pala yong mga magazine sa ibang bansa na featured ako mayroon ka?”
He nodded while looking away. “Yeah.”
Ibinalik niya ang mga magazine sa lalagyan at naglakad pabalik sa kama at umupo sa tabi nito.
Eizel looked at Lancelott. “Honestly, Lancelott, the magazines are creeping me out.”
“I know. Sana tinago ko muna ang mga iyon bago kita pinapasok sa kuwarto ko.”
Napangiti siya. “But I find it cute.”
Umiling-iling ito. “It’s not cute, it’s creepy. Hindi ko alam kung bakit. Kapag nakakakita ako ng magazine na naroon ka, binibili ko kaagad.” Tumawa ito ng mahina. “Alam mo bang ikaw ang palaging pinagaawayan namin dati ni Holly? I keep telling her that you’re just a model that I adore and that’s all, pero ewan ko ba. Hindi siya naniniwala. Actually, marami na akong magazine na naroon ka pero tinapon niya iyong iba. Iyon lang ang naisalba ko.”
Pabiro niyang kinapa ang dibdib na parang nasasaktan. “You wounded me! Hinayaan mong itapon ng babaeng ‘yon ang mga magazine na na-featured ako. I feel insulted.”
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Nandito ka pa rin naman.” Anito na itinuro ang puso. “Nandito ka sa puso ko, Eiz.”
Natigilan siya at tinitigan ang binata kapag kuwan ay inabot niya ang kamay nito at pinisil iyon. “Lancelott, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sayo. Ayokong magsinungaling at sabihin mahal kita samantalang hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. I don’t want to hurt you. Oo gusto kita. Gustong-gusto kita. Hindi ko alam kong lalalim pa ang nararamdaman ko para sayo pero isa lang ang alam ko, hinding-hindi iyon basta mawawala. Lancelott, it maybe too much or not right for you, but I’m asking you to wait for a little bit. Pangako, ikaw ang unang makakaalam kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo.”
Lancelott smiled sadly. “Ayoko ring magsinungaling at sabihing okay lang sa akin na maghintay kasi nakakapagod maghintay. Nasaktan ako sa mga sinabi mo pero nagpapasalamat ako at hindi ka nagsisinungaling sa akin. Gusto kong sabihin sayo na ayokong maghintay pero hindi ko kaya. Kasi alam ko sa sarili ko, na kahit anong gawin kong pagtanggi, maghihintay ang puso ko hanggang sa sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.”
Napakagat labi siya at niyakap ang binata. “I thought you were a jerk and an a-hole. Nagkamali ako. You’re the sweetest guy on earth and I’m lucky to have you as my boyfriend.”
He pulled away from her embrace and cupped her face. “I love you, Eiz.”
She smiled and kissed him on the lips. Wala pa siyang maisasagot dito sa ngayon. Sana sapat na ang halik niya para maramdaman nito na kahit papaano, nakapasok na ito sa puso niya. At alam niyang hindi magtatagal, mamahalin din niya ito. Mahal ko na nga yata niya e.
NATATAWA si Eizel habang nakatingin sa magkambal na si Lancelott at Lander. Nag-aaway ang dalawa at namamagitan naman ang babaeng kapatid ng mga ito na si Louie. Nakilala niya ang dalaga nuong ikatlong beses siyang pumunta sa bahay ni Lancelott. Naroon ito at nagkaroon siya ng instant best friend. Kakaiba and trip ni Louie, para itong tibo na hindi naman. With her Pixie style hair and boyish outfit, mapagkakamalan mo itong lalaki na parang binabae na ewan.
“Ano ba kayong dalawa! Tumigil na nga kayo. Sasapakin ko kayo e!” Sigaw ni Louie na ikinatigil naman ng dalawa.
“Louie, refrain saying those manly words.” Wika ni Lander a parang nangangaral. “Hindi iyon maganda para sa isang babae na katulad mo.”
“Ano naman ang gusto mong sabihin ni Louie, flirty words?” Sabad ni Lancelott at naglakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
Lancer glared at Lancelott. “Hindi ikaw ang kinakausap ko. Manahimik ka riyan.”
Lancelott just chuckled. “Bakit? Masama ba ang sinabi ko?”
“Oo nga naman kuya Lander. Ano ba ang masama roon? Saka ganito na ako noon pa. Deal with it.”
“Yes, Lander, deal with it.” Segunda ni Lancelott.
“Ewan ko sa inyong dalawa. Magsama kayo.” Ani ni Lander at nag-walk out.
Nag high-five si Lancelott and Louie nang umalis si Lander. Kawawang Lander, pinagtulungan. Nasa kalagitnaan ng pagkukulitan ang magkapatid ng may nagsalita sa likuran nila.
“Hi, Lance!”
Napalingon silang tatlo sa nagsalita. Agad na nag alburoto ang kalooban niya ng makilala kung sino iyon. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito rito sa bahay ni Lancelott?
“Holly, anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Lancelott na kunot ang nuo.
Ipinalibot niya ang braso sa bewang ni Lancelott at humilig sa dibdib ng binata para ipakita rito na off limit na si Lancelott. Nakita niyang naningkit ang mata nito sa selos habang nakatingin sa kanya.
Hmp! Ganyan nga. Magselos ka! Wala kang magagawa. Aniya sa isip.
“Kasi birthday na ni Mommy bukas. Iimbitahan sana kita.” Anito sa malumanay na boses.
“Para ano?” Sikmat ni Louie kay Holly habang nakapamaywang. “Para akitin ang kapatid ko? Tumigil ka na nga. Kailan ka ba gigising sa katutuhanang hindi ka mahal ni Kuya Lance.”
Masama ang tingin na ipinukol ni Holly kay Louie. “Ano bang pakialam mo ha? Sino ka ba? Usapan namin ito ni Lance at hindi ka kasali.”
Tumawa ng malakas si Louie at itinuro siya. “See this girl? Siya ang bagong girlfriend ni Kuya Lance at masaya silang dalawa. Kaya umalis ka hindi ka welcome sa pamamahay na ito.”
“Umalis ka na, Holly. Pakisabi nalang sa mommy mo na hindi ako makakapunta.” Wika ni Lancelott. “May lakad kami bukas ni Eiz e.”
Tiningnan siya ni Holly ng masama pero nanatili lang siyang kalmado. “Saan naman kayo pupunta bukas? Puwede ba akong sumama. Double date tayo.”
“Holly—”
“Ayoko.” Putol niya sa iba pang sasabihin ni Lancelott. “Hindi ka puwedeng sumama.” Kanina pa siya nagtitimpi. “Para lang sa amin ni Lancelott ang lakad na iyon. Bawal makisali.” Hinawakan niya si Lancelott sa kamay at hinila ito papasok sa loob ng kabahayan.
Pagkapasok nila agad niyang sinakop ang mga labi ni Lancelott. Agad namang tinugon iyon ng binata. She pulled away from the kissed and hugged him tight.
“Natatakot ako, Lancelott.”
“Ha? Bakit naman?”
“I have a feeling na kukunin ka niya sa akin. Hindi ko yon mapapayagan.”
Lancelott pulled away from her embrace and smiled at her. “Natatakot ka na mawala ako sayo?”
She glared at him. “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?”
“Natatakot ka na mawala ako. Ibig bang sabihin, mahal mo na ako?”
Inirapan niya ito. “Baliw. Tigilan mo nga ako!”
“Asus.” Naglalambing na niyakap siya nito. “Mahal mo na ako. Aminin mo na kasi. Mahal naman kita e.”
Pabiro niyang tinampal ito sa braso. “Oo, mahal kita. Masaya ka na?”
Dahan-dahang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Lancelott at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. “Totoo? Walang halong biro?”
She rolled her eyes. “Sa tingin mo matatakot ako na mawala ka kung hindi kita mahal? Ano ‘yon, trip-trip lang?”
Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Lancelott. “I love you so much.”
“I love you, Lancelott. So much. Kaya huwag kang gumawa ng kalokohan dahil talagang sasagasaan kita at iiwan sa isang tabi.”
“Hindi po kita lolokohin. Pangako iyon.”
Sinakop nito ang mga labi niya na agad naman niyang tinugon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top