Chapter 7
CHAPTER 7
ISANG ORAS din sa kakaiwas si Yanzee sa kutsara na inuumang ni Ramm sa bibig niya.
Nahihiya at naiilang siya sa pinaggagagawa nito. Kaya naman panay ang iwas niya. At laking pasasalamat niya ng matapos silang kumain na hindi siya nito nasubuan kahit isang kutsara lang.
“Ramm, umuwi ka na.” Aniya habang hinuhugasan ang mga pinggan at baso na ginamit nila.
“Ayoko pang umuwi. Bakit mo ba ako pinapauwi ha?” Nagtatampong tanung nito.
Nilingon niya si Ramm na naka-upo na naman sa island counter. “Kasi po, gabi na. Hindi magandang tingnan sa babaeng katulad ko na mag-isa sa bahay na magpapasok ng kung sino-sinong lalaki sa bahay ko lalo na at gabi na.”
“Hindi naman ako kung sino-sinong lalaki ah!”
Yanzee sighed in defeat. “Please, Ramm. Ayokong makipag-away sayo ngayong gabi. Kaya please lang, umuwi ka na sa bahay niyo. Siguradong hinahanap ka na sa inyo.”
“Paano kung sabihin kung hindi ako hinahanap sa amin? Would you let me stay here?”
“Nope.”
“Why not?” Ramm whined.
Ibinalik niya ang atensiyon sa hinuhugasan. “Kasi hindi puwede. Ayoko.”
“Fine.” He grumbled.
Narinig niyang bumaba ito sa counter at naglakad palapit sa kanya. Inihanda na niya ang puso na alam niyang bibilis na naman ang tibok kapag hinawakan siya ng binata.
Napaigtad siya ng marinig na bumukas at sumara ang pintuan ng bahay niya. Ipinalibot niya ang paningin at natagpuan ang sariling nag-iisa sa kusina.
“Umalis ng hindi man lang nagpapaalam.” Aniya sa sarili.
Sarap din kutusan ng lalaking ‘yon.
Mabilis niyang tinapos ang paghuhugas at tinungo ang silid para magpahinga.
Tomorrow is a long day again. At sigurado siyang naroon na naman si Ramm para mas lalo siyang stress-sin.
KINABUKAS, papasok na si Yanzee sa Restaurant ng makita niyang nakaparada ang sasakyan ni Ramm sa labas ng bahay niya.
Kumunot ang nuo niya. Hindi ba ito umuwi kagabi?
Nilapitan niya ang sasakyan at kumatok sa bintana. Pagkaraan ng ilang minuto na hindi pa rin bumukas ang bintana, naglakad si Yanzee palayo.
Bahala ang lalaking ‘yon sa buhay niya!
“Yanzee!”
Mabilis niyang nilingon ang tumawag sa kanya.
“Ramm? Ano na naman ang ginagawa mo dito?” Usisa niya ng makita ang binata na patakbong tinutungo ang kinatatayuan niya.
Ramm just smiled at her and hand over a coffee from Starbucks.
“Yan! Pampawala ng kasungitan. Ang aga-aga ang taray mo na.”
Itinirik niya ang mga mata at tinanggap ang kape. “Sinong hindi magsusungit e nandito ka na naman? Ang aga-aga nandito ka na agad sa labas ng bahay ko. Umuwi ka ba?”
He nodded. “Yeah. Umuwi ako kagabi. Sabi mo kasi umuwi ako tapos hindi naman ako makatulog kasi iniisip kita.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Yanzee.
“B-Bakit mo naman ako iniisip, ha?” Mataray niyang tanung pero ang totoo nagha-hyperventilate na ang kaloob-looban niya.
Nagkibit balikat lang si Ramm at hindi siya sinagot.
Inakbayan siya nito. “Papunta ka ng restaurant mo? Ang aga pa ah.”
Pinalis niya ang pagkaka-akbay nito. “Oh e ano naman ngayon?”
“Ang sungit mo talaga. Pasalamat ka at maganda ka sa umaga.” Anito na ikinapula ng pisngi niya.
Agad siyang nag-iwas ng tingin. “Puwede ba Ramm, tantanan mo ako.”
“Ayoko nga.” Umakbay na naman ulit ang binata sa kanya. “Nag-agahan ka na?”
Umiling siya. “Hindi pa. Nagmamadali ako e.”
Tumingin si Ramm sa orasang pambisig. “It’s just seven in the morning. Breakfast ka muna.”
“Okay, magbi-breakfast na.” Aniya at lumayo sa binata.
Akmang babalik siya sa bahay para mag-breakfast ng umakbay na naman ito sa kanya.
“Sinong may sabi na sa bahay mo ka magbi-breakfast?” Ngumisi ito. “Tara, treat ko ang breakfast mo.”
“Ayoko.” Mariin niyang sabi at naglakad pabalik sa bahay niya.
“Hay, ang kulit.” Anito at walang sere-seremonyang binuhat siya.
Nagtitiling nabitawan niya ang kape na bigay ng lalaki.
“Ano ba, Ramm! Bitawan mo akong lalaki ka! Ayoko nga sabi!” Sigaw niya.
“Shut up, Yanzee. Magbi-breakfast tayo and that’s final.”
Nang maipasok siya nito sa loob ng sasakyan, agad siyang nagpumiglas pero hindi siya nakalabas dahil naisara na nito ang pintuan ng sasakyan. Pilit niyang binubuksan ang pinto pero naka-lock ‘yon.
“Argh! Ramm, bakit ba ang kulit mong hinayupak ka?!” Sigaw niya sa binata ng makapasok ito sa loob ng sasakyan.
Ramm chuckled ang start the car. “Guwapo naman ang hinayupak na ito.”
“Argh! Ramm naman eh!”
“What? Gusto lang naman kitang makasama mag-breakfast, mali ba ‘yon?”
Napipilan siya. “Hindi…”
“’Yon naman pala e.” Pasipol-sipol ito habang nagmamaneho papunta sa kung saan.
Pinag-krus niya ang braso sa dibdib at tumingin sa dinadaanan nila.
“Saan mo ba ako dadalhin?”
“Secret.”
“I don’t like secrets, Ramm.”
He grinned. “Then you better start liking secret now. Because we’re heading towards it.”
She huffed. Nakakainis talaga ang lalaking ‘to. “Ibaba mo ako kung ganoon.”
“Ayoko nga. I want to have breakfast with you.”
“Bakit ba ang kulit mo?! Hindi mo ba kayang mag-agahan ng mag-isa?”
“Of course, kaya ko. Pero iba pa rin kapag kasama ka.”
“Ano naman tingin mo sa akin? Appetizer?” Mataray niyang sikmat.
Ramm laughed loudly. “Hay, Yanzee. Kung alam mo lang. You are more than an appetizer. You are the main course”
“At ginawa mo pa akong pagkain.”
“Ikaw ang nag-umpisa.”
Umingos siya. “Ewan ko sayong lalaki ka.”
Ramm chuckled. “But seriously, mas magana kumain kapag kasama ka.”
“Puwede ba Ramm, huwag mo akong pinaglululuko. Last time I check, hindi ako appetizer at mas lalong hindi ako main course.”
“Yanzee… Yanzee… Yanzee… I didn’t know that you are this dense.”
“Heh! Hindi ako dense. Talaga namang hindi ako pagkain.”
“Okay. Okay. Wala na akong sinabi.”
Tumigil ang sasakyan nila sa isang mataas na gusali.
“Ano naman ang gagawin natin sa Hotel na ‘to?” Usisa niya ng makalabas ng sasakyan.
Leisure Hotel.
“Dito tayo mag-aagahan.” Ani ni Ramm at hinawakan ang pulsohan niya at iginiya siya papasok sa gusali.
“Bakit ba tayo pinagtitinginan ng mga tao?” Tanung niya ng maramdamang maraming mata ang naka-tingin sa kanya.
“Kasi guwapo ako at maganda ka.”
Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito pero hindi niya pinahalata na apektado siya.
“Akala ko ba plain looking ako?”
“Nagpapaniwala ka naman. Sinong nagsabi niyan at uupakan ko?”
Itinirik niya ang mata. “Kung ganoon, umpisahan mo ng bugbugin ang sarili mo.”
Sabay silang pumasok sa elevator. Kung saan man siya dadalhin ng lalaking ‘to, nako-curious siya. Pero ayaw talaga niya sa surprise at secret. Sana lang kung ano mang secret iyon, magustuhan niya.
“Saan mo ba ako dadalhin, ha?” Usisa niya ng bumukas ang elevator.
“Secret nga.”
Hinawakan nito ang kamay niya na agad naman niyang iwinisik ng parang may-kuryenteng dumaloy sa kamay papuntang braso niya.
Tinitigan nito ang kamay na iwinisik niya.
“May sakit ba ako na ayaw mong hawakan ang kamay ko?” Walang emosyon ang boses ng binata.
Tiningnan niya ito sa mata. May nakita siyang emosyon doon pero agad namang nawala.
“Ramm, ayoko lang na humawak sa kamay mo.”
“Bakit?”
“Kasi ayoko.”
“Do I really make your heart beat accelerate?”
Napakunot-nuo siya sa tanung nito. “Anong klaseng tanung yan?”
“Just answer me, Yanzee. Do I?”
“Ano naman ang kinalaman ng tanung mong yan sa pag hawak ko sa kamay mo?”
“Never mind.” Nauna na itong maglakad at naiwan siyang nakatayo sa labas ng elevator.
Nakatingin si Yanzee sa papalayong likod ni Ramm. Parang may kumukurot sa puso niya habang nakatingin siya sa paglayo nito. Bakit ba siya nasasaktan? Bakit ba pagdating sa lalaking ‘to, nawiwindang ang puso niya pati ang lahat ng parte ng katawan niya. Bakit pagdating kay Ramm nag-iiba ang paniniwala niya.
Naniniwala siyang dapat ang babae ang hinahabol. Pero kay Ramm, siya ang naghabol sa Hawaii. Naniniwala siyang hindi dapat nagpapapasok sa bahay ng isang lalaki lalo na at mag-isa lang siya, pero kay Ramm, pinagluto pa niya at minasahe pa ang dumuho. Naniniwala siyang dapat hindi sumama sa isang estranghero, pero heto at nasa isang Hotel siya kasama ang binata.
Bakit ba ganoon? Bakit pagdating kay Ramm, nababaliwala lahat ng paniniwala niya sa buhay.
“Yanzee.”
Napakurap-kurap siya at tumingin kay Ramm na kunot ang nuo at nakatingin sa kanya.
“Anong tinatayo-tayo mo diyan? Halika na.” Anito sa matigas na boses.
Parang maamong tupa na naglakad siya palapit dito. “Bakit?”
“Ha? Anong bakit? Kasi mag-aagahan tayo. Duh.”
“Bakit ba pagdating sayo naloloka lahat ng nerves at cells ng katawan ko?” Wala sa sariling tanung niya kay Ramm.
Napaawang ang labi ng lalaki. “A-Ano?”
“Pagdating sayo nawawala lahat ng paniniwala ko sa buhay. Bakit? Ano bang mahika ang mayroon ka at hinahayaan kitang ganituhin ako.”
Ramm eyes softened as she looked at her. “Yanzee—”
“Ayoko ng nararamdaman kong ito para sayo, Ramm. Ayoko. Hindi ko ‘to gusto.” Aniya na umiiling-iling.
Ramm’s eyes transformed from soft to blank cold look. “Is that so?”
“Bro!” Singit ng isang boses lalaki sabay akbay kay Ramm.
Ramm glared at the guy. “Ano bang kailangan mo, ha? Nakaka-esturbo ka. Alis.”
Malalaki ang matang napatitig ang bagong dating kay Ramm.
“Bro, what gotten into you? High blood ka yata ngayon.” Ngumis ang lalaki. “What happened? Nabasted ka na ng nililigawan mo?”
Tumalim ang mata ni Ramm. “Fuck off, will you?!”
The guy took a step back and raises his both hands. “Woah. Take a chill pill, brother. Magtatanung lang naman ako kung alam kung nasaan si Shay.”
“Hanapan ba ako ng fiancé-ng nawawala—”
“Hi.” Singit ni Yanzee sa dalawa habang nakatingin sa bagong dating na lalaki. Napa-guwapo nito. “What’s your name?”
Nagsalubong ang kilay ni Ramm at nagdilim ang mukha ng binata.
“Wala siyang pangalan kasi pangit siya.” Ani ni Ramm sabay hablot sa kamay niya.
“Teka lang.” Aniya habang hinahatak ang kamay at lumingon sa lalaking tumawag ditong ‘bro’. “Anong pangalan mo— Ano ba, Ramm! Ang guwapo kaya niya.”
“Pangit nga siya. At malapit na yan ikasal!”
“Hindi ko naman siya aanuhin. Itatanung ko lang ang pangalan niya.”
Tumigil si Ramm sa paghatak sa kanya ang binalingan siya na madilim ang mukha. “Nandito naman ako. Bakit ka pa ba naghahanap ng iba?”
Napapantastekuhang tiningnan niya ang binata. “Really, Ramm? Itatanung mo yan? Malamang kasi mas guwapo siya sayo.”
Akmang babalikan niya ang lalaki na nakatingin lang sa kanila na malapag na naka-ngiti.
Ramm’s jaw tightened. “Mas guwapo siya sa akin?”
Tumango siya.
Malakas na tumawa ang lalaki na nakamasid lang sa kanila. “Damn, Ramm. I didn’t know you could be this mad.”
“Shut up, Rann!”
Rann laughed out loud. “Bro, welcome to green monster zone.” Lumapit sa kanya ang lalaki at inilahad ang kamay. “Hi, my name is Rann Nicolai San Diego, Ramm’s twin brother. I’m sure hindi niya gustong makilala mo ako kasi mas guwapo ako sa kanya.”
Umingos si Ramm. “Wala kang utang na loob.”
Ngumisi si Rann kay Ramm. “Oh come on. Sa sobrang sakit na pinaranas mo sa akin dahil sa pagseselos ko sa inyo ni Shay, sa tingin ko naman ay bayad na ako.”
Nakipag-shake hand sa kanya ni Rann. “Ang lambot naman ng kamay mo, Miss Yanzee.”
Ngumiti siya ng kimi. “Thanks.”
“You are very much welcome—”
“That’s it!” Pinaghiwalay ni Ramm ang magkadaop nilang palad ni Rann at hinatak siya papasok sa loob ng isang pintuan.
“That was rude!” Aniya ng makapasok sila sa isang kuwarto na hinuha niya ay opisina.
“Ano naman ang rude ‘don? I’m just doing my best friend a favor. My god Yanzee, you’re flirting with Rann shamelessly!”
“Flirting?! Hindi ko nga alam kung paano gawin ‘yon, tapos inaakusahan mo ako ng ganoon?!”
“Well, you are.”
“I’m not!”
“Don’t shout at me! Nasa teretoryo kita!”
“Puwes aalis na ako. Isaksak mo sa baga mo itong teretoryo mo!” Binuksan niya ang pinto.
Hindi pa siya nakakahakbang palabas ng pintuan ng mabilis nitong isinara iyon at isinadlak siya sa sa nakasarang pinto.
Yanzee closed her eyes braced herself. Nakikinita-kinita na niya na sisigawan siya ng binata.
“Let’s have breakfast together.” Anito sa malumanay na boses na ikinamulat niya ng mata.
“What?”
“I’m sorry sinigawan kita. I shouldn’t have shouted at you.” His voice was somewhat quivering. “Don’t leave. Stay. Please?”
Nakatanga lang si Yanzee kay Ramm na puno ng pagsisisi ang mukha.
“I’m sorry, please, forgive me. Kasi naman e. Mas guwapo naman talaga ako kay Rann.”
Napatawa si Yanzee. “’Yon ang kinakagalit mo? My god, Ramm.” Sinapo niya ang pisngi nito. “Ikaw ang pinaka-guwapong lalaki na nakita ko. I have no doubt about that matter.”
“Pero kanina sabi mo—”
“Na mesmerize lang ako sa kakambal mo. Oo nga guwapo siya pero mas guwapo ka naman.”
“Talaga?” Para itong bata na humihingi ng assurance.
She nodded. “Oo.”
Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. “Pangako?”
Yanzee nodded again. “Yeah. I promise.”
Mas inilapit pa nito ang mukha sa kanya. “Really?”
“Oo nga. Bakit ba ang kulit m—”
“Can I kiss you?”
Napanganga siya sa tanung nito. “Ano?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top