Chapter 6
CHAPTER 6
NAKATUNGANGA lang si Yanzee sa kawalan at iniisip ang paglapat ng labi ni Ramm sa labi niya.
Nangyari ‘yon kagabi, pero ramdam parin niya ang mga labi ng binata. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras magkalapat ang labi nila, pero hindi siya umangal.
Gusto niya ang nangyari sa kanila. Ewan lang niya kay Ramm kung nagustuhan ‘yon.
Umalis kaagad ang binata pagkatapos ng halik na ‘yon. Hindi man lang ito nagpaliwanag kung para saan o ano ang halik na ‘yon. Nang maghiwalay ang mga labi nila, para itong natauhan at mabilis na umalis sa bahay niya.
Kaya naman ngayon ay namo-mroblema siya.
Bakit kaya si Ramm umalis? Hindi ba nito nagustuhan ‘yon? Pero siya naman ang unang nanhalik ah!
“Chef, may nag-o-order ng adobong baboy.”
Nilingon niya si Nolan, isa sa mga waiter ng restaurant.
“Adobong baboy?” Biglang pumasok sa isip niya si Ramm.
“Yes, chef. Hindi ba kayo busy?”
“Paano magiging busy yan e kanina pa yan nakatunganga.” Sabat ni Galen na busy sa pagluluto.
Tiningnan niya ng masama si Galen. “Gusto mo ihalo kita diyan sa niluluto mong soup?”
Nagtaas ng tingin ang lalaki at kinindatan siya. “Hindi mo kayang mawala ako. Ako yata ang pinakamagaling na chef dito.”
Itinirik niya ang mga mata. “Humahangin na naman ng malakas.” Binalingan niya si Nolan. “Pakisabi na hindi tayo gumagawa ng adobong baboy. Wala ‘yon sa menu natin.”
“Okay po.” Sagot ni Nolan at lumabas ng kusina.
“Sino ang baliw na taong yon na mag-o-order ng adobong baboy na alam namang wala sa menu?” Natatawang tanung ni Galen.
Nagkibit balikat siya. “Malay mo. Paborito talaga niya. Ipagluto mo kaya.”
“Ikaw nalang. Today’s special.”
Inirapan niya si Galen. “Marami akong ginagawa.”
Tiningnan nito ang work station niya na malinis at walang kalat. “Yeah, ang busy mo nga.”
Inungusan niya ito at bumalik sa pagmumuni-muni ng biglang bumukas ang pintuan ng kusina.
“Hinda po kayo puwede dito, Sir.” Boses iyon ni Nolan.
“Yanzee!”
Mabilis siyang napalingon sa tumawag ng pangalan niya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Ramm… anong ginagawa mo dito?”
“May utang ka sa akin na adobong baboy, bakit hindi mo ako ipagluto?” Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
Nakatanga lang siya habang yakap nito. Hindi siya makagalaw o makapagsalita sa nararamdamang sobrang kaba. Simpling yakap lang para na siyang tumakbo ng isang kilometrong marathon.
Tinulak niya ito dahil hindi siya makahinga sa sobrang kaba. “Ano ba, Ramm! Bitawan mo nga ako.”
Kunot ang nuo ni Ramm ng tumingin sa kanya. “What? Why did you push me away?”
She glared at him. “I can’t breath, duh!”
He glared back. “I didn’t know that.”
Tinalikuran niya ang binata. “Ramm, umalis ka na. Hindi ka puwede dito sa kusina.”
“Okay.” Anito sa walang emosyong boses at umalis ng kusina.
Sinapo niya ang dibdib na mabilis pa rin ang tibok. Halos hindi siya makahinga. Nanlalamig din siya. Ano bang sakit mayroon ang lalaking ‘yon at nahawa siya? Nag-umpisa lang naman ito ng makilala niya ang lalaking ‘yon.
“Sino ‘yon?” Tanung ni Galen na ikinaigtad niya.
“Wala.”
“Anong wala? Niyakap ka pa nga.”
She glared at Galen and went out the kitchen. Nagmamadali siyang lumabas sa back door ng restaurant at huminga ng malalim ng makalanghap ng sariwang hangin.
“Kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor.” Aniya sa sarili.
“Anong doctor?”
Napasinghap siya ng marinig ang boses ni Ramm. Nilingon niya ang binata. Komportabli itong nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan at naka-krus ang braso sa dibdib nito.
“Anong ginagawa mo dito?”
Ramm shrugged. “Waiting for you.”
“Waiting for me?” Hindi makapaniwalang gagad niya. “E bakit narito ka sa backdoor?”
“Sa backdoor ka lumabas dati, kaya naman dito kita hinintay.”
Kumunot ang nuo niya. “Paano mo nalaman na sa back door ako lumabas dati?”
“Kasi inaabangan ko ang paglabas mo.”
“Bakit mo ako hinihintay?” Naguguluhan talaga siya sa lalaking to.
Ramm shrugged again. “I want to see you.”
“Why?”
“Do I need to have a reason to see you?” Napipikang tanung ni Ramm at umalis sa pagkaka-sandal sa pader at naglakad patungo sa kanya.
Umatras si Yanzee ng papalapit na si Ramm dahil nag-uumpisa na namang lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya. Para siyang nakikipag-karera.
“Diyan ka lang.” Aniya sa nagpa-panic na boses. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. “Diyan ka lang sabi, e!”
Hindi nakinig si Ramm sa kanya at patuloy lang sa paglapit, siya naman patuloy na uma-atras.
“Ramm—” Natigilan siya ng tumama ang likod niya sa malamig na pader. “Ramm—”
“Why are you pushing me away?” Anito ng isang dangkal nalang ang layo ng katawan nila. “Why? Did I do something wrong? Is it because of the kiss? Is it—”
“I can’t breath!” Sigaw na niya ikinatigil nito sa pagsasalita.
“What?”
“I can’t breathe when you’re near me! My heart beats erratically, like I’d been running a thousand mile. I can’t relax when you’re so near! My blood bumped rapidly when your body touched mine! My face heat up just by looking at you and my hands are so cold and sweaty!” Yanzee huffed and glared at Ramm. “Anong klaseng sakit ba ang mayroon ka at nahawa ako? This all started when I met you!” Paninisi niya.
Ramm’s eyes twinkled with emotion she can’t fathom and he was grinning from ear to ear.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” Aniya na naguguluhan sa reaksiyon ng lalaki.
“Nothing.” He pinched her cheek. “Okay. I’ll leave you alone for now. Baka nai-isturbo na kita sa ginagawa mo.”
Ibang klase din ang mood swing ng isang ‘to.
“Buti naman at napansin mo.” Pati utak ko akupado mo.
His grinned widen. “Of course, ikaw pa hindi ko mapansin.”
Ramm pulled her into a hug then walks away, whistling.
PAGOD ang katawan at utak ni Yanzee ng maka-uwi sa bahay. Ang daming customer at palaging sumisingit ang lalaking ‘yon sa isipan niya kaya naman drain na drain siya.
Sa kalagitnaan siya ng pagbubukas ng pintuan ng bahay ng may magsalita sa likuran niya.
“Hay! Nakauwi ka rin sa wakas.”
Napatigil siya sa ginagawa at nilingon si Ramm na masayang nakangiti.
“Andito ka na naman?” Pagtataray niya. Napaatras siya ng bumilis na naman ang tibok ng puso niya.
“Kanina pa kita hinihintay na umuwi. Kanina pa ako dito.” Nakasimangot nitong sabi.
“O e ano naman ngayon, gusto mong magpa-party?” Sikmat niya at binuksan ang bahay.
Ramm tsked. “Ang taray mo talaga. Pakainin mo naman ako. Kanina pa ako hindi kumakain sa kahihintay sayo.”
“At kasalan ko pa kung gutom ka?” Humarap siya dito at natigilan siya ng makitang ilang dangkal nalang, magdidikit na ang katawan nila. “Ahm—”
Ramm grinned. “Yes, Yanzee? Anong sasabihin mo?” Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Ipagluluto mo ako diba? Kaya ako nandito.”
Napalunok siya. “Ahm… K-Kasi… ah, i-ipagluluto kita?”
Ramm nodded. “Yes. Diba?”
“A-Ano bang gusto mo?” Wala sa sariling tanung niya.
“Ikaw.”
Biglang bumalik sa isip niya mula sa kung saan. “Anong ako?!”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ramm at nag-iwas ang lalaki ng tingin. “I-Ikaw. Ikaw ang g-gusto kung magluto ng adobong baboy.”
Inirapan niya ito. “Adobong baboy na naman? Hindi ka pa ba nagmo-move on diyan?”
“Nope. You owe me adobong baboy.” Pumasok ito sa loob ng bahay niya at dere-deretsong tinungo ang kusina.
Naiinis na sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong naka-upo sa island counter at kumakain ng mansanas.
“Pumasok ka na nga sa bahay ko na hindi imbitado, kinakain mo ang mga pinamili kung prutas.” Aniya at kumuha ng gagamitin sa pagluluto ng adobong baboy. Good thing mayroon na siyang hinawa na karne.
“Gusto mo?” Alok sa kanya ni Ramm sabay abot sa kanya ng mansanay.
Umiling siya. “Ayoko. May laway mo na ‘yon. Nahawa na ako sayo, I think that disease from you is enough. Ayoko na ng karagdagang sakit galing sayo.”
Tumawa ng malakas si Ramm. “Whatever you say, Yanzee. Whatever you say.”
Nag-umpisa na siyang magluto. “Bakit ka ba palaging nandito? Wala kabang ginagawa?”
Hindi naman ito pulubi kasi naka-punta ng Hawaii. And not to mention his car. Mamahalin ‘yon.
“Of course my ginagawa ako.” Anito. “I’m stalking you.”
“Stalking ka jan.”
“Hindi ka naniniwala?” He chuckled. “I am stalking you. Mula sa restaurant hanggang sa bahay mo. Hindi mo lang napapansin.” Then he whispered. “Palagi naman.”
Nilingon niya si Ramm. “Anong palagi naman?”
Tumitig ito sa mata niya. “Wala. Tapos na ba ‘yang niluluto mo?”
Ibinalik niya ang paningin sa niluluto. “Hindi pa. Malapit niya.”
Narinig niyang bumaba si Ramm sa Island counter at niyakap siya mula sa likuran.
Siniko niya ito. “Ano ba, Ramm! Huwag ka ngang manyayakap!”
Humugpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ramm put his chin on her shoulder and inhaled.
“What are you doing?” Naguguluhan niyang tanung ng humugot ito ng hininga.
“I’m inhaling your scen— Ahm, Inaamoy ko yung mabangong aroma ng niluluto mo.”
Siniko ulit niya ang lalaki. “Hindi mo naman kailangang yakapin ako e. Tumayo ka sa tabi ko at singhutin mo ang aroma na sinasabi mo.”
Hindi nakinig si Ramm at mas lalo pang hinigpitang ang pagkakayakap sa kanya. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niya na may hawak na spatula at iginiya ‘yon na haluin ang adobong baboy.
“I own a Hotel.” Anito malapit sa tenga niya na ikinaigtad niya.
Woah. Mayaman pala ang lalaking ‘to.
“So?” Sikmat niya na parang walang pakialam, pero ang totoo, sobra interesado siya.
“I’m telling you this so you know everything about me.”
“Bakit naman gusto mong malaman ko ang lahat ng tungkol sayo?”
“Ah, basta! Makinig ka nalang diyan.” Humingi ito ng malalim. “I’m the son of Mr. and Mrs. Terren San Diego. My parents are both in business industry. I have a twin brother named Rann and he is the fiancé of my best friend, Shay. Yong kasama ko sa restaurant na malaki ang bunganga.”
Natawa siya sa pagkaka-explain nito kay Shay. Maganda naman ang dalaga.
“Guwapo ba ang kakambal mo, si Rann?” Puno ng kuryusidad na tanung niya.
“Nope.” Mabilis na sagot ni Ramm. “Pangit ‘yon. Hindi ko nga alam kung bakit na in-love doon si Shay e. Ako lang ang guwapo sa aming dalawa, yan ang isak-sak mo diyan sa isip mo, okay?”
“Pero magkambal kayo—”
“Hindi kami magkamukha ni Rann. As I was saying, I’m twenty-nine years young and … that’s all. Off topic ang kapatid ko. Pangit ‘yon.”
Binaklas niya ang pagkakayap nito sa kanya. “Hindi naman kailangan na nakayakap ka sa akin habang kinukwento mo kung sino ka.”
Pinatay ni Yanzee ang niluluto at hinarap si Ramm. “At least may alam na ako sayo na hindi pang slum book.”
Ramm smiled at her. “Yeah.”
She smiled back. “Pero may hindi ka pa kinukwento sa akin.”
“Ano?”
“Ilan na ang naging girlfriend mo— Ahm, no… scratch that… ilan na ang naging babae mo. I remember you don’t do girlfriends.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ramm at hindi ito makatingin sa kanya.
“Anong drama mo? Dali! Mag kuwento ka na.” Aniya at lumayo dito. Para ng mapupugto ang hininga niya sa sobrang lapit nito.
Sumandal si Ramm sa Island counter at tumingin sa labas ng bintana.
“Marami.” Panimula nito. “Marami akong naging babae. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na sila e. Ang alam ko lang, wala akong sineryuso sa kanila ni isa. Gago na ako kung gago, pero wala talaga. Hindi ko maramdaman ‘yong crazy little thing called love na sinasabi nila.”
Mataman niyang tinitigan si Ramm. Nagsasabi ito ng totoo. Kawawa nga lang ang mga babae na mga dumaan sa kamay nito.
“Hanggang ngayon, hindi mo parin maramdaman ang crazy little thing called love na sinasabi nila?” Usisa niya.
Matiim itong tumitig sa kanya. “Ngayon? Hindi ko alam. All I know is … love is a crazy emotion that makes men insane when they feel it.”
“Sobra naman yang description mo.” Natatawa niyang wika.
Hindi man lang ngumiti si Ramm. “I’m telling the truth Yanzee. Kapag na in-love kaming mga lalaki, kaya namin gawin lahat para sa mahal namin.
“Okay. Okay. Wala na akong sinabi. E di gawin mo ang lahat, pakialam ko naman.”
“Sinabi mo yan, ha?”
“Yeah, sure. Do whatever you want.” She said while setting the table.
“Okay. I will do whatever and everything I want to make the woman I love fall for me even harder.”
Parang may kumurot sa puso niya sa narinig. May mahal na pala itong babae. “Good for you.”
Pagkatapos i-set ang mesa, sabay silang umupo ni Ramm. He was setting across her and it calmed Yanzee.
“So… ” Ramm trailed while looking at Yanzee mischievously. “Susubuan mo ako o susubuan kita? You choose.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top