Chapter 5

CHAPTER 5

“I MISS you, Yanzee.” Nakangiting wika ng kanyang ina ng dumating siya sa Restaurant na pagtatagpuan nila.

Ilang minuto lang mula ng maka-alis si Ramm, tumawag ang ina niya at sinabing gusto siya nitong makita at ayaw nitong kumain sa restaurant niya kasi daw palagi nalang ito nandoon at nagsasawa na ito sa pagkain.

“Hello, mommy.” Aniya at hinalikan ito sa pisngi. “Si daddy?” Tanung niya ng hindi makita ang ama.

“Oh, may ginagawa ang daddy mo. Hindi daw makakapunta.”

Umupo siya sa silya na kaharap nito. “How are you?”

“I’m fine, iha. Ikaw? Kumusta ang bakasyon mo sa Hawaii? Mula ng dumating ka e hindi mo man lang kami binisita sa bahay.” Her mother mischievously grinned. “Meet any boys?”

Biglang pumasok sa isip niya si Ramm.

Itinirik niya ang mga mata. “Mom, stop. Wala akong na meet na lalaki. Okay? Ayoko sa lalaki ngayon.”

Kumunto ang nuo ng ina. “Yanzee, nag-aalala ako sayo. Bago ka magbakasyon, wala kang panahon sa mga lalaki, ngayon  naman, ayaw mo na sa mga lalaki? Ikaw ang nag-iisa naming anak. Paano mo kami niyan mabibigyan ng apo?”

Napaubo siya sa tinuran nito. “Apo?” Hindi makapaniwalang tumingin sa ina. “Mommy, ang bata ko pa para sa apo na yan. Wala pa nga akong nahahanap na lalaki e, apo kaagad? Ano yon? Fast forward?”

Iningusan niya ng ina. “Paghahanap lang pala ng lalaki e. Ayon oh!” May itinuro ito sa likuran niya. “Yummy! Bagay kayo anak.”

Nilingon niya ang tinutukoy nito. Natigilan siya sa nakita. It’s Ramm. At may kasama na naman itong babae. Pero this time, ang babae na kasama nito e hindi mukhang clown. Ang ganda-ganda ng babae, at halata kaagad na close ang dalawa kasi magkatabing magka-upo ito at nagbubulungan.

So, ito pala ang emergency nito kaya iniwan siya.

Biglang nanikip ang dibdib niya sa nakita. Peste naman e! Heto na naman ang sakit na yon! Kailangan ko na talagang magpa-check up sa doctor.

Ibinalik niya ang paningin sa ina na matiim na nakatitig sa kanya.

“Mom, stop looking at me like that.” Saway niya sa ina.

“Kilala mo ba ang binatang ‘yon?” Usisa nito.

Nag-iwas siya ng tingin. “Nope. Hindi ko siya kilala.”

“Talaga lang ha?” Halatang hindi naniniwala ang mommy niya.

“Opo.”

“E bakit puno ng selos yang mukha mo ng makita mong may kasama siyang iba?”

Hinilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.

“Mommy, hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ako nagseselos.” Mariin niyang sagot.

“Okay, sabi mo e. Pero papunta na siya dito.” Parang kinikilig na teenager na sabi nito.

“Ano?!”

Mabilis niyang nilingon ang kinaruruonan ng binata, wala na nga ito doon at naglalakad ito palapit sa table nila ng ina, karay-karay nito ang magandang babae na kalampungan nito kanina.

“Yanzee.” Tawag ni Ramm sa pangalan niya sabay ngiti. “Sorry at bigla akong umalis kanian. Itong babae kasing ito.”

Dumoble ang kaba na nararamdaman niya ng makalapit na ito sa kanila.

“How are you?” Tanung nito.

How-are-you-hin mo ang mukha mo!  “I’m fine.” Aniya na may pekeng ngiti na naka-plaster sa labi niya.

“Akala ko ba hindi mo kilala?” Ani ng ina sa mahinang boses na tanging silang dalawa lang ang nakakarinig.

“Hindi ko naman talaga siya kilala.” Napalakas niyang sagot.

Kumunot ang nuo ni Ramm. “Dini-deny mo na naman ako?”

Tumawa ang babaeng kasama nito. “Dapat ka lang naman talagang i-deny Ramm. Nakakahiya ka kasing kasama.”

Tiningnan nito ng masama ang kasama. “Eh bakit ka sa akin sumama, ha, Shay?”

“Kasi ungas yang kakambal mo! Ang sarap tirisin! Hindi tuloy kami nakapag-bakasyon.”

So, ito pala si Shay? Ang tumawag dito kanina? Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya at marahang menasahe iyon. Shet! Bakit ba ang sakit ng dibdib ko?

Kinurot ni Ramm ang pisngi ni Shay. “Ayusin niyo nga yang gulo niyo. Ikakasal na nga kayo at lahat-lahat, nag-aaway pa rin kayo?”

Umingos ito at bumaling sa kanya. “Pasensya na ha? At hiniram ko sandali itong boyfriend mo. Super need ko kasi itong si best friend e.”

“Best friend?” Gagad niya sabay tingin kay Ramm.

“Yes.” May pilyang ngiti na kumawala sa labi nito. “Nagselos ka ano?”

“Nagselos?” Hindi napa-process ng utak niya ang sinasabi nito. “Boyfriend ko siya?” Itinuro niya si Ramm. “Paanong…”

Pinagpalit-palit ni Shay ang tingin sa kanila ni Ramm, nawala ang ngiti nito at napalitan ng kunut-nuo.

“Hindi kayo?” Naguguluhang tanung ni Shay habang nang-uuring nakatingin kay Ramm. “Pero sabi mo…”

“Hindi kami. Walang kami. Hindi ko siya boy friend. Hindi ko siya kilala. At mas lalong hindi ko gusto ang abs niya o kahit anung parte ng katawan niya.” She huffed.

Biglang tumawa ng malakas si Shay. “Ramm, she’s a keeper. Hindi daw niya gusto ang kamatchowhan mo. Pati abs mo, ayaw niya. Naku! Kumilos ka na best friend.”

Naiinis na nag walk-out si Ramm habang tawa parin ng tawa si Shay.

“Pasensya ka na, Yanzee. Ganyan lang talaga ang ugali ni Ramm kapag napapahiya.”

“Alam mo ang pangalan ko?”

Shay grinned. “Yeah. He always talked about you. Ikaw nalang palagi ang bukang-bibig ng lalaking yon. At ikaw lang din ang ikinuwento niya sa akin. Akala ko nga girlfriend ka niya.”

“Hindi niya ako girlfriend.” Mariin niyang sabi.

OMG! Girlfriend? Saan naman nanggaling ‘yon? At palagi siyang ikinukwento nito? Bakit naman kaya?

“Ano naman ang pinagsasabi ng lalaking yon sa akin?” Usisa niya. “Nilalait-lait na naman ba ako ng lalaking yon?”

“Nilait ka niya?” Hindi makapaniwalang tanung ni Shay.

Tumango siya.

“Wow! Tapos kung mag-kwento siya tungkol sayo para ka daw dyosa ng kagandahan habang nakatayo sa harapan niya—”

“Shay! Halika na! Iuuwi na kita. Pinapauwi ka na ni Rann.” Putol ni Ramm sa iba pang sasabihin ni Shay.

Nginisihan niya ang lalaki. “Mukha pala akong dyosa sa pangingin mo.”

Natigilan ito ng tiningnan siya ng masama. “Asa ka namang totoo yon.”

Hinablot ni Ramm ang braso ni Shay at hinatak ang babae palabas ng restaurant. “Halika na! Nakakainis kang babae ka! Panira ka sa diskarte.”

Tumatawa pa rin si Shay habang hinahatak ni Ramm palabas ng restaurant. Bumaling siya sa ina na nanunuod lang sa buong eksena.

“So… Ramm pala ang pangalan ni Mr. Yummy.” Nakangiting ani ng ina. “At boyfriend mo siya?”

Hinilamos ni Yanzee ang palad sa mukha. “This is going to be a long lunch.”

DRAIN na drain si Yanzee pagkatapos ng Lunch nila ng ina. Sumakit ang utak niya at panga sa kasasagot dito.

Panay ang tili nito at panay naman ang takip niya sa tenga. Kahit naiinis na siya at ayaw na niyang sagutin ito, wala naman siyang magagawa dahil hindi pa tapos ang lunch.

“Sige, Yanzee, anak, uuwi na ako. Mag-iingat ka. Okay?”

Tumango siya. “Opo, mommy.”

“Good. Say ‘hi’ to Ramm for me.” Anito nakangiti at iniwan siyang nakatanga dito.

Feeling close lang? Hay! Ang ina talaga niya. Minsan FC.

Bumuntong-hininga siya bago naglakad patungo sa kotse niya na nakaparada hindi kalayuan sa restaurant.

Akmang bubuksa niya ang pintuan ng kotse ng may nagsalita sa likod niya.

“Hatid na kita.”

Natigilan siya ng marinig ang boses ni Ramm.

“No need.” Binuksan niya ang kotse at pumasok sa loob.

Bago pa niya mai-lock ang pintuan ng sasakyan, nabuksan iyon ni Ramm.

“I said, ihahatid kita.” Pamimilit nito.

“Ayoko. I can drive!”

“Paki ko naman kung ‘you can drive’. Basta ihahatid kita.” Binuhat siya nito mula sa driver’s seat at inilipat sa passenger’s seat. “Hayan! Ihahatid kita and that’s final.”

Pinandilatan niya si Ramm. “Bakit ba ang kulit-kulit mo?”

“Ask yourself that.” Anito at inagaw ang susi na nasa kamay niya.

“Hindi ako makulit.”

Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinausad iyon. “Ows? Sino kaya ang nangulit ng pangalan ko sa Hawaii?”

“Not worth it naman ang pangalan mo.” Bulong niya sa sarili.

“I heard that, Yanzee.”

“Oh, e ano naman ngayon?”

“Yanzee, hanggang kalian mo ba ako idi-deny?”

“Hindi naman kita dini-deny a.”

“Ewan ko sayo. Here I am, driving you home. All you do is deny me and hurt me.”

“Hurt you? Ano naman ang ginawa ko at sinaktan kita?”

Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa dinadaanan nila.

“Ramm—”

“Shut it, Yanzee!”

“Huwag mo akong sigawan!”

Tiningnan siya nito sa review mirror. “Sorry. Ikaw kasi e. Sumisigaw ako kapag nani-nerbyos.”

“Bakit ka naman nani-nerbiyos? It’s just me, Ramm.”

“’Yon na nga e. It’s you.” Ihinimpil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada at binalingan siya. “Ikaw lang ang babaeng kinulit ako at ng makuha ang gusto, iniwan ako sa eri. At pagkatapos nuong ako naman ang maghabol, ayaw mo na. Ano ba talaga ha, Yanzee? What happened in Hawaii stays in Hawaii ba ang drama mo? Ibang-iba ka sa Yanzee na nangulit sa akin sa Hawaii.”

Tumaas ang kamay nito ay hinawi ang buhok na tumatabing sa mata niya.

“Ang Yanzee na nakilala ko sa Hawaii ay makulit, palaging nakangiti at palagi akong hinahabol. Tapos dito iba ka. You’re always mad at me and I can’t understand why.”

Iniiwas niya ang pisngi dito. “Ramm, ito Yanzee na ito na kaharap mo ngayon ang totoong ako. Yung Yanzee na nakilala mo sa Hawaii, hindi ako yon. Baliw ang Yanzee na yon at na-guwapuhan siya sayo. Dahil ang Yanzee na ‘to?” Umiling siya. “Hindi siya madadala sa guwapong mukha.”

“So, inaamin mong guwapo ako?”

“Oo.” Tinitigan niya ito sa mata. “Guwapo ka, pero ‘yon lang Ramm. Wala kang ibang katangian na katangi-tangi.”

Bumaling ito sa monabela at pinausad ulit ang sasakyan. Wala silang imik hanggang makarating sa bahay niya.

Akmang lalabas na siya ng sasakyan ng magsalita si Ramm.

“Hinabol kita sa airport.” Walang emosyon ang boses nito.

Dahan-dahan niyang nilingon ang binata. “Sa Hawaii?”

“Yeah. Hinabol kita kasi ayokong umalis ka. Akala ko pagbibigayn mo ako kasi… well, hinabol-habol mo ako.” Tumawa si Ramm ng pagak. “Kaya naman umuwi ako ng hindi sa oras e.”

“So, ano, sinisisi mo ako sa maaga mong pag-uwi.”

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya at umiling-iling.

“Hay! Bakit ba ang daming manhid sa mundo!” Malakas na wika ni Ramm.

“Bakit ka ba sumisigaw?” Lumabas siya ng sasakyan at naglakad papunta sa bahay niya.

“Wait up, Yanzee!”

Hindi niya ito pinansin at patuloy na naglakad papasok sa bahay niya.

Pagkabukas niya ng pinto, nilingon niya si Ramm.

“Umalis ka na. Hindi ka welcome sa bahay ko.”

Pabalibag niyang isinara ang pinto sa mukha nito at patakbong tinungo ang kuwarto niya para hindi niya marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya mula sa labas.

KINAGABIHAN, lalabas sana si Yanzee para bumili ng groceries kasi hindi na niya iyon maasikaso bukas kasi magiging busy na naman siya sa restaurant niya ng makita si Ramm sa tabi ng pintuan niya, nakasandal sa pader at mahimbing na natutulog.

“Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito?”

Umuklo siya at tinapik ang pisngi ni Ramm.

“Hoy! Gising!”

Gumalaw ito sa kinauupuan at dahan-dahang nagmulat ng mata.

Nagtama ang mga mata nila.

“Yanzee…”

“Bakit ka ba nandito sa labas ng bahay ko at natutulog? Gabi na ah.”

Inunat nito ang braso. “Hinintay kasi kitang pagbuksan ako e.”

Nakaramdam siya ng awa dito. “Kanina ka pa ba dito? Ayos ka lang ba?”

“Yeah.” Tumayo ito at halata namang may masakit dito dahil hindi maipinta ang mukha ng binata.

“You’re lying.” Hinawakan niya ang braso nito at hinatak papasok sa bahay niya.

Iginiya niya itong umupo sa mahabang sofa.

“Asan ang masakit sayo?” Tanung niya habang sinusuri ito gamit ang mata niya.

“Wala nga e.” Kaila nito pero halata naman sa mukha na may masakit ito.

“Okay. Sabi mo e.” Pasimple siyang naglakad patungo sa likod ng sofa at marahang sinuntok ang likod nito.

“Shit! Aray!”

“Yan ang walang nararamdamang sakit?”

“Hindi naman masakit. Saka kaya ko naman e.”

“Hindi masakit pero kaya naman? Batukan kita diyan e.” Inilagay niya ang kamay sa batok nito inumpisahang menasahe ang binata.

He moaned loudly. “Oh god. That’s good.” Umayos ito ng upo at ninamnam ang pagmamasahe niya.

Minasahe niya ito mula batok hanggang sa puno ng spinal cord. Bawat pisil niya, napapaungol ang binata.

“Masyado kang stress.” Aniya at minasahe naman niya ang balikat nito papuntang braso at kamay. Pagkatapos sa kanan, kaliwang braso naman nito ang menasahe niya.

Nang matapos, tumayo siya sa harap ni Ramm at menasahe ang nuo nito.

“Bakit ka ba nasa labas ng bahay ko?”

Nagmulat ng mata si Ramm at nagtama ang paningin nila.

“Yanzee?”

“Hmm?”

Nagpanggap siyang busy sa pagmamasahe sa nuo nito. Hindi niya kayang makipagtitigan sa lalaki baka biglang siyang mahimatay sa sobrang kabang nararamdaman.

Nagdarasal siya na sana hindi nito mapansin ang nanlalamig niyang kamay.

“Don’t massage any men but me, okay?”

“Ang demanding mo. Gagawin ko ‘to sa lahat ng nangangailangan ng masahe ko. Babae man o lalaki.”

Ramm hands encircled her both wrist and stop her from massaging his forehead.

“I’m serious, Yanzee. Ayokong may menamasahe kang ibang lalaki, maliban sa akin.”

She looked at him. “I’m serious too, Ramm. Mamasahiin ko ang sino man nangangailangan ‘non.”

His eyes darken. “Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo ba alam ang epekto ‘non sa mga lalaki? Sa akin?”

“S-Sayo? A-Ano bang pinagsasasabi mo?”

Hinatak siya ni Ramm palapit dito. Napamulagat siya ng isang dangkal nalang ang layo ng muha niya sa mukha nito.

She can smell his minty breath and after shave. 

“Ramm…”

Walang sereseremonyang inilapat nito ang labi sa labi niya. Gusto niyang itulak ang binata palayo pero gusto niya ang pakiramdam ng nakalapat na labi nito sa labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top