Chapter 4
CHAPTER 4
PINAGPAPAWISAN si Yanzee habang nasa loob ng kusina at nagluluto.
Isang lingo na siyang busy at walang oras para sa sarili. Ito ang inaayawang ng mga magulang niya. Masyado daw kasi siyang busy at napapabayaan na niya ang sarili.
“Ten orders of special soup.” Ani ng isang waiter.
“Galen.” Tawag niya sa chef na nakatuka sa soap special. “Marami pa ba? Kanina pa inoorder yan? Do you need help?”
Galen smirked. “Ako? Kailangan ng tulong? Nah! I’m good. Mag fucos ka nalang diyan sa ginagawa mo.” Anito na nakatingin sa kina-cut niyang meat.
“Okay.” Aniya at bumalik sa ginagawa.
Ilang minuto lang ang lumipas at may pumasok na namang waiter.
“Chef Yanzee may problema po sa labas.”
Nilingon niya ang waiter na nagsalita. Namumutla ito.
“Asan ang manager? Problema niya yan. Hindi ko siya pinapa-sweldo para lang tumunganga at i-atang sa akin ang trabaho niya.” Galit niyang wika.
“Chef kasi— May nangugulong babae doon sa labas e. Mali daw ang order na ibinigay natin.”
Biglang nag-init ang ulo niya sa narinig. Busy na nga siya dito sa kusina, may problema pa sa labas. Naiinis na tinanggal niya ang apron at lumabas ng kusina.
“Nasaan ang babaeng ‘yon?” Tanung niya sa waiter.
“Iyon po Chef.” Itinuro nito ang babae na nakaharap na mukha ng clown sa sobrang kapal ng make-up.
Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng babae.
“Ma’am, anung problema sa order niyo?” Tanung ng waiter sa nanginginig na boses.
Nagtaas ng tingin ang babaeng clown. “Sino ka naman?”
“I’m a waiter at ito naman po ang chef at may-ari ng restaurant.” Anito ng waiter ng ituro siya.
Tinaasan siya nito ng kilay. “Oo. May mali sa order ko!” Itinapon nito sa kanya ang menu. “Ang order ko ay stew! At anong ibinigay niyo?” Iminuwestra nito ang stew na nasa harapan. “Ito!”
Pinigilan niyang sumabog sa sobrang galit ng makita ang stew nito.
“Clara, stop it. You don’t know what you’re talking about.” Ani ng isang boses lalaki na pamilyar sa kanya.
Binalingan niya ang nagsalita. Her lips parted when she saw Ramm.
“Chef, I’m sorry about this—” Nagtama ang mga mata nila ng tiningnan siya nito para humingi ng tawad. “Yanzee.”
Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa pangalan niya. Binaling niya ang atensiyon sa babaeng kasama nito.
“Miss, maybe you should check or tastes the stew before you over react. Baka mapahiya ka.” Kinuha niya ang stew at ibinigay sa waiter. “Ibalik mo yan sa kusina. Nakakahiya naman kay ma’am, bigyan mo siya ng sopas. Baka yon ang kilala niyang stew.”
“Wala kang karapatan—”
Yanzee raised her finger to stop her gibberish words. Wala na siyang pakialam sa kasabihang ‘costumer is always right’.
“First of all, stew ang ibinigay namin sayo. Problema mo na kung hindi mo kilala ang stew. Huwag ka kasing umorder ng hindi mo naman alam ang itsura at bago ka magreklamo, siguraduhin mo muna, baka mapahiya ka lang. Tulad ngayon. Good bye. I’ll send something to replace your order.”
Umalis siya at bumalik sa kusina. Peste! Ang taas ng dugo niya. Pati tenga niya nag-iinit sa sobrang galit.
And really? Si Ramm ang ka-date ng babaeng yon?!
Couldn’t he choose another? Akala ba niya hindi ito nagkakagusto sa plain looking. Hindi alam ni Yanzee na clown pala ang tipo ng binata.
PAGOD na lumabas ng restaurant si Yanzee. Halos hindi na siya maka-upo sa sobrang dami ng order. At gumugulo din sa isip niya si Ramm at ang naka-date nitong babaeng clown.
“So… you own the famous Yanzee Restaurant.”
Hindi niya pinansin ang nagsalita ang duro-deretsong naglakad patungo sa kotse niya.
“Yanzee!”
Nagpanggap siyang bingi at patuloy na naglakad.
“Yanzee, stop!” Pinigilan siya nito sa braso at ihinarap siya.
Ipiniksi niya ang braso. “Bakit ba?”
“I found you.” Anito na may pagmamalaki ang boses.
“So? Gusto mo magpa-party?” Mataray niyang tanung.
Matiim siya nitong tinitigan. “Anong problema mo?”
Tiningnan niya ito ng masama. “Ikaw ang problema ko. Bitawan mo nga ako. Bakit ka ba nandito?”
“I’m on a date.”
“Oh e ano naman ngayon? Gusto mo ng confetti para e-celebrate yang date mo?” Sarkastiko niyang wika at ipiniksi ang braso na hawak parin nito.
“Stop being sarcastic and talk to me.” Anito na lukot ang mukha.
“Ano ba ang pag-uusapan natin ha? Ramm, as far as I remember, pangalan lang ang alam natin sa isa’t isa. Hindi tayo close at mas lalong hindi tayo friends. At isa ipa, estranghero ka. Hindi porket kinulit-kulit kita sa Hawaii e magkakilala na tayo.”
“Yanzee, hindi lang pangalan ko ang alam mo. You know my blood type, height, weight and even my motto. Hindi mo pa rin ba ako kilala sa lagay na ‘yon?”
Tumawa siya ng pagak. “No, Ramm. Hindi kita kilala.” Iyon lang at malakas na iwinisik niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.
Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon palayo sa binata.
LINGGO at hindi pumasok si Yanzee sa restaurant.
Stress siya masyado sa trabaho at kay Ramm. Mula ng malaman nito na siya ng may-ari ng Yanzee restaurant palagi itong naroon. At ang nakakataas ng presyon niya, e ang mga babaeng palaging karay-kara nito na mukhang clown.
Hindi niya alam kung bakit naha-high blood siya sa tuwing nakikita niya itong may kasamang babae. Nabu-buwesit siya na hindi niya maintindihan.
Napatigil siya sa pagmumuni-muni ng marinig na tumunog ang door bell ng bahay niya. Hindi niya ugaling basta-basta nagbubukas ng pintuan dahil mag-isa lang siya sa bahay niya. Nabili niya ang bahay isang taon na ang nakakaraan. At doon na siya namalagi kahit labag yon sa kalooban ng mga magulang.
Maliit lang ang bahay niya. Bagay lang sa tulad niya na dalaga at wala pang balak na mag-asawa.
“Sino yan?” Tanung niya mula sa loob.
“Open up, Yanzee.”
Tumibok ng mabilis ang puso niya ng marinig ang boses ni Ramm.
Binuksan niya ang pintuan. “Paano mo nalaman ang address ko?”
“I ask your employees.” Anito at pumasok sa loob ng bahay niya kahit hindi naman pinapapasok.
“Get out of my house.” Aniya at tiningnan ito ng masama.
Hindi ang binata nagpa-apekto sa masama niyang tingin at umupo sa mahabang sofa.
“Nice house. Cozy.” Anito habang ipinapalibot ang paningin sa kabuunan ng bahay niya.
Inungusan niya ito. “Please lang, Ramm, umalis ka na. I need to rest because I’m freaking stress!”
He looked at her softly and then patted the space beside him. “Come here. Sit beside me.”
“At bakit naman ako tatabi sayo?” Sikmat niya pero natagpuan nalang niya ang sarili na naglalakad palapit dito.
Hinawakan ni Ramm ang kamay niya at hinatak paupo sa tabi nito ng tumayo lang siya saharap nito.
Inakbayan siya ni Ramm. “Rest, Yanzee. Halos hindi ka lumalabas sa kusina ng restaurant mo.”
Tinanggal niya ang braso na nasa balikat niya. “Paano mo naman nasabi yon?” Ang sarap din nitong sapakin e. Feeling close. At paano nito nalaman ‘yon? Diba dapat busy ito sa ka-date at hindi ang paglabas niya sa kusina?
“Well, palagi akong nasa restaurant mo at palagi din kitang hinahanap. At palagi kang busy.”
Iningusan niya ito. “What? Hinahanap mo ako? E diba palagi kang may date?”
Nakangiting pinisil nito ang ilong niya. “Selos ka naman.”
Tinabig niya ang kamay nito. “Bakit naman ako magseselos?”
“Kasi gusto mo ako. Ayaw mo lang aminin sa akin.”
Umusog siya palayo rito. “Sige, managinip ka pa habang gising. Wala akong gusto sayo.”
May pilyong ngiti na sumilay sa mga labi nito. “Okay. Huwag masyadong defensive, Yanzee. Baka mapagkamalan kang in-love sa akin.”
“Hindi ako in-love sayo. It doesn’t mean na kinulit-kulit kita e in love na kaagad ako sayo.”
Umingos siya pero sa kaloob-looban niya, para siyang nagha- hyperventilate na ewan. Ang lakas ng tibok ng puso niya.
Tumawa si Ramm ng mahina. “Okay. Don’t be defensive.”
“Whatever.” Umalis siya sa pagkakaupo at pumuntang kusina.
Naramdaman niyang sumundo sa kanya si Ramm.
“Puwede bang umalis ka na?” Aniya ng makarating sa kusina at hinarap ang binata.
He shook his head. “Nope. Wala naman akong gagawin so dito muna ako.”
Inirapan niya si Ramm. “Paki ko naman kung may gagawin ka o wala, basta umalis ka sa pamamahay ko.”
“Ayoko nga.” Umupo ito sa island counter niya at nginitian siya.
“Bakit ba ayaw mong umalis?” Kunot-nuong tanung niya.
Ramm shrugged. “Bakit mo tinatanung?” He wiggled his eyebrows. “Interested?”
“Eh di huwag mong sagutin.” Binuksan niya ang refrigerator. “Anong gusto mong kainin?”
“Ha?”
“Well, nandito ka lang naman at malapit ng mag-lunch, ipagluluto nalang kita.”
Tila natigilan ito sa sinabi niya.
“You will cook for me?” Parang hindi ito makapaniwala na ipagluluto niya ito.
“Yup. Don’t worry. Wala itong lason.” She smiled at him sweetly.
“Parang natatakot ako sa klase ng ngiti mo.”
Hindi niya ito sinagot at nag-concentrate sa paghihiwa ng karne na gagawing adobo.
Muntik na niyang mahiwa ang daliri ng may pumulupot na dalawang braso sa bewang niya.
“Ramm! Bitawan mo nga ako.” Aniya habang pinagpatuloy ang paghihiwa.
Sa halip na bitawan siya, inilagay nito ang baba sa balikat niya. Tumatama ang hininga nito sa leeg niya kaya naman nagsisitayuan ang balahibo niya.
“Bitiwan mo ako—”
“Can I hug you just for a while?”
Napatigil siya sa pagsasalita at parang may kung anong natunaw ang pagkainis niya dito sa klase ng boses nito.
“Ramm… ayos ka lang ba?” Ayaw niyang isipin nito na nag-aalala siya.
He sighed. “Para sayo, what’s the difference between like and love?”
“Ano?”
“Ano ang pinagkaiba ng like at love?”
“Tinagalog mo lang e.” Natatawang wika niya.
“Well?”
“Ahm, ang pinagkaiba nila? Like is physical I think. Gusto mo ang isang tao kasi ganyan at ganito siya. Pero yung love iba. Mahal mo ang isang tao kahit pa may mga katangian siya na hindi mo gusto. Tanggap mo ang pagkukulang niya at kahinaan dahil mahal mo siya.”
“Paano mo naman masasabi na mahal mo na ang isang tao at hindi na yun simpleng pagka-gusto lang?”
“Ahm…” Nilingon niya si Ramm at yun ang pagkakamali niya dahil dalawang dangkal nalang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa.
“Ahm.. k-kasi—h-hindi ko alam—”
Inilapit pa nito lalo ang mukha sa mukha niya.
“Sabi nila makikita daw yun sa mata.” Humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya. “Mabilis din daw ang tibok ng puso mo. Totoo ba ‘yon, Yanzee?”
Napalunok siya. Gusto na niyang mag-iwas ng tingin pero parang may magnet ang mga mata nito na hindi siya nakaiwas ng tingin.
“Hi-Hindi ko a-alam kung t-totoo yun.” Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso niya, nauutal na siya.
Gumalaw ang isang braso nito na nakapulupot sa bewang niya at hinawakan ang pisngi niya.
“Ang ganda mo. I can’t believe I called you plain looking.” Anito na puno ng paghanga.
Doon siya natauhan. Syet! Plain looking pala ha!
Binaklas niya ang braso nito na nasa bewang niya. “Anong sabi ko sayo? Hindi ba maganda ako?”
“Oo naman.”
“Huwag mo nga akong pinagbobobola! Hindi naman—” Napatigil siya sa pagsasalita ng may mag-ring mula sa bulsa ng pantalon nito.
Ibinalik niya ang atensiyon sa paghihiwa ng meat. “Sagutin mo na yan.”
“Excuse me.” Anito ay sinagot ang tawag. “Hello, Shay. Kumusta?... I’m good, don’t worry about me, babe.”
Napatigil siya sa paghiwa sa narinig. Babe? Siguro girlfriend. Bakit parang naninikip ang puso niya sa isiping may girlfriend ito? Peste! Kinakabahan siya kanina ngayon naman naninikip?
Anong klaseng nakakahawang sakit ba ang mayroon ang lalaking ‘to?
Tumawa ng malakas si Ramm na ikinataas ng kilay niya. “Yes, Shay. Nah, you know he’s still jealous of me. Baka masira ko lang ang bakasyon niyo. At sigurado ako na hindi ako imbetado…. No, I’ll be good I swear… Okay, Bye.” Tinapos nito ang tawag at bumaling sa kanya.
“That’s my—”
“Don’t explain.” Pigil niya sa iba pang sasabihin nito. “Hindi mo naman ako kaano-ano para mag-explain ka.”
Ibinalik niya ang atensiyon sa karne at inumpisahan ng lutuin ‘yon.
Nang tumunog ulit ang cell phone nito, itinirik niya ang mata. Hay! Ang dami kasing babae e!
“I have to go, Yanzee. Emergency.” Anito at nagmamadaling umalis ng bahay niya.
Tinitigan niya ang adobong baboy na malapit ng maluto.
“Anon ang gagawin ko dito? Niluto ko pa naman ‘to para sa kanya.”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ang pagluluto na mabigat ang damdamin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top