Chapter 3
CHAPTER 3
HANGGANG sa sumarang muling ang elevator, hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan niya si Yanzee.
Nagfa-flashback lahat nang sinabi niya dito. Ang mga tagalong niyang pamumuri dahil sa kaalamang hindi ito nakakaintindi ng salitang iyon. Nag-iinit ang mukha niya pati narin ang tenga niya sa sobrang pagkapahiya na nararamdaman.
She can’t believe that prick! Nakakaintindi pala ng tagalog hindi sinabi at nagpanggap pa na foreigner!
Kinalma niya ang sarili at pinilit na hamigin ang hiyang nararamdaman. Eh ano naman kung pinuri niya ito ng tagalong at naintindiha nito? Okay lang yon. Saka totoo naman ang mga sinbai niya.
Lumaki ang ulo at tenga ng estrangherong yon!
Ayos lang ‘yon.
Pero worth it ang pagkapahiya mo. Nalaman mo ang pangalan.
Napangiti siya sa isiping yon. Oo nga. Ramm Nicolas San Diego. Makabago na makaluma ang pangalan ng lalaki.
Nang bumukas ulit ang elevator, lumabas siya at hinanap kaagad ang lalaki. Nang hindi niya ito mahanap sa hotel lobby, lumabas siya papuntang beach. Nang hindi din makita doon, nakasimangot na nagpahinga siya sa ilalim ng mayabong na puno.
“Nasaan ba ang pesteng sinungaling na guwapong lalaking yon?” Tanung niya sa sarili.
“Hinahanap mo na naman ako?” Boses ng isang lalaki iyon.
Nilingon niya ang nagsalita at tiningnan niya ito ng masama.
“I can’t believe you lied to me!”
He smirked. “And I can’t believe you fall for that.”
Tinandyakan niya ang paa nito pero agad naman itong umiwas.
“Come on, Yanzee. Huwag ka ng magalit.” He leaned and pinch her cheek. “Cute ka naman habang pinupuri mo ako gamit ag mahal naying lengguwahe.”
Tinapik niya ang kamay nito. “Nakakainis ka. Sinungaling. And for your information, hindi totoo ang mga papering yon.”
He tsked while shaking his head. “Sino sa atin ngayon ang sinungaling?”
Inirapan niya ito. “Hindi ako nagsisinungaling.”
Tumabi ito ng upo sa kanya. Magkadikit ang mga balakang nila.
“Yanzee, tanggapin mo nalang kasi na guwapo ako at baliw na baliw ka sa akin.”
“Tanggapin mong mukha mo.”
“Matagal ko ng tanggap na guwapo talaga ang pagmumukha ko.”
Nang bumaling siya rito pata irapan ang lalaki, nakangisi ito sa kanya.
“Tigilan mo ako.” Aniya sa mahinang boses.
“Asus! Kanina lang e hinahanap mo ako. Ngayon naman tigilan kita, ano ba talaga?”
Hindi niya sinagot ito at tumayo. Akmang iiwan niya na ang lalaki ng hawakan nito ang pulsohan niya at hinatak siya pa upo sa hita nito.
Nagpumiglas siya ng pigilan siya nitong makatayong muli.
“Ay!Bitawan mo ako. Ano bang ginagawa mong sinungaling ka! Ano ba Ramm—” Napatigil siya sa pagpupumiglas ng may maramdaman sa inuupuan niya.
Her eyes are wide as she looked at Ramm. “What the hell is that?!”
They both look at the ‘thing’ poking her butt.
Malaki ang matang tinulak niya ang lalaki. “Oh my god!”
Gulat na nakatingin lang si Ramm sa nabubuhay na pagkalalaki nito. Tumingin ito sa kanya ng ilang minuto at tumawa ng malakas.
Binato niya ito gamit ang tsinelas niya. “Stop laughing!”
“Nakakatawa ang mukha mo!” He said between laughs. “Para kang nakakita ng ahas.”
Inungusan niya ang binata. “Ahas? I’m sure hindi yan kasing haba ng ahas.” Aniya habang nakatingin sa zipper ng pantalon nito.
Napatigil ito sa pag tawa at mabilis na binuksan ang butones ng pantalon.
“Halika dito at kipapakita ko sayo na mala sawa itong pag-aari ko.” Anito sa seryosong boses.
Mabilis na tumayo si Yanzee at kumaripas ng takbo palayo sa binata. Hindi niya ito nilingon. Basta tumakbo siya papuntang hotel.
Diyosmiyo! Ayaw niyang managinip ng ahas mamaya!
HUMIHINGAL pa rin si Yanzee ng makapasok siya sa kuwarto na inuukupa niya.
Ang lalaking yon! Bastos! At ipapakita pa talaga sa kanya ang ahas daw nito sa pantalon! God! Nag-iinit ang mukha niya. Paano nalang kaya kung nakita niya?
Ipinilig niya an ulo ng ma-imagine ang hugis non. OMG! Stop na brain! Maawa ka sa brain cells ko!
Ayoko silang matetano ng kamanyakan ng dumuhong yon!
Napalingon siya sa pintuan ng kuwarto ng mag nag doorbell. Pinagbuksan niya ang nasa labas. Mabilis niyang isinara ang pintuan ng makitang si Ramm yon.
“Ouch!” Anito ng iharang nito ang paa para hindi niya maisara ang pinto. “Open the damn door!”
“Ayoko. Bastos ka! Ahasin mo ang mukha mo.”
Mas lalo niyang inipit ang paa nito para masaktan ito lalo.
“Shit!” Nangigigil na tiningnan siya nito. “Nakabutones pong maigi ang pantalon ko. Kaya papasukin mo na ako.”
Nagdadalawang isip na binuksan ang pintuan.
“Ayokong makakita ng ahas kaya isara mo yan.” Aniya habang nakatingin sa pantalon nito.
Ngumisi si Ramm. “Don’t worry wala kang ahas na makikita.”
Inirapan niya ito. “Bakit ka ba nandito? Akala ko ba iniiwasan mo ako?”
Nawala ang ngisi ng binata at napalitan yon ng seryosong mukha.
“Gusto mo akong umalis?” Tanung nito.
Bumuka ang bibig niya pero walang salita na lumabas doon.
“Whatever. I’m leaving.” Anito at naglakad pabalik sa pintuan.
Bubuksan na iyon ng binata ng may mag-doorbell. Uunahan sana niya ito sa pagbubukas pero hindi nalang kasi alam niyang mabibigo lang siya. Ito ang malapit sa pintuan.
“Sino yon?” Tanung niya ng buksan nito ang pintuan.
Nilingon siya ni Ramm. “Nothing. May naligaw lang na room service.”
Kummunot ang nuo niya. “Naligaw na room service? Paano naman siya maliligaw?”
Ramm shrugged. “Malay ko. Sige, alis na ako.” Akmang lalabas na ito ng lingunin siya ulit na tila may naalala. “At, huwag mo na akong kulitin. Ngayong alam mo na ang pangalan ko, stop na. Ayoko sa makulit.”
Hindi pa siya nakakasagot sa kasungitan nito, umalis na ang binata.
“Ang sarap mong pilipiting lalaki ka.” Aniya sa sarili ng makaalis ang lalaki. “Pasalamat ka talaga e guwapo ka.”
Nagngingit-ngit ang kalooban na humiga siya sa kama.
Ayaw daw ng makulit. Hindi naman siya makulit ah! Mapilit lang naman siya kapag may gustong malaman.
At marami pa akong gustong malaman tungkol sayong sungit ka. Kaya humanda ka sa akin. Ilalaan ko ang nalalabi kong apat na araw sa pangungulit sayo!
PAGKAGISING ni Yanzee, agad niyang inayos ang sarili at tinungo ang kuwarto ni Ramm.
Umpisahan na natin!
Nag door bell siya at hinintay na pagbuksan siya nito. Nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin bumubukas ang pinto, nag door bell siya ulit.
Biglang bumukas ang pinto sa kalagitnaan ng pagdo-door bell niya. Iniluwa si Ramm na walang suot na pang-itaas.
“What?!” Sigaw nito sa kanya ng pagbuksan siya.
Napalunok siya habang nakatingin sa matipuno nitong dibdib.
Ramm tsked. “Ang aga-aga, iniisturbo mo na ako.”
“Hindi naman—”
“At maliban doon, ginagahasa din ako ng mga mata mo. Alam mo bang nakakainis ka?”
She poked his chest. “Ang tigas naman ng dibdib mo.” Nagtaas siya ng tingin sa mukha ni Ramm. “Nag-i-exercise ka ba?”
Tinabig ng binata ang daliri niya. “Tigilan mo nga yan! Ang aga-aga iniisturbo mo na ako, hindi lang ang tulog ko, pati na rin ang nanahimik kong parte ng katawan.”
“Huh?”
He shook his head. “Bakit ka ba nandito. Huwag mong sabihing mangungulit ka na naman kung anong pangalan ko kasi sinabi ko an sayo ang full name ko.”
Pumasok siya sa loob ng kuwarto nito. Wala naman pinagkaiba yon sa inuuka niyang silid. Maliban sa terrace na nakaharap sa dagat.
“Nandito ako kasi may itatanung ako sayo.” Aniya.
Pinulot ni Ramm ang t-shirt na nasa sahig at tumingin sa kanya. “Ano na naman yan? Bilis at ng masagot ko na.”
“Ilang taon ka na? May kapatid ka ba? Anung blood type mo? Height? Weight?—”
“Ano ito, slum book? Baka naman pati mottok o e gusto mong malaman?”
Yanzee smiled. “Puwede?”
He tsked and put his shirt on. “Ilang taon na ako? Twenty nine. May kapatid? Yes, may kakambal ko and no, hindi kami magkamukha. Blood type? AB negative. Height? 6’2. Weight? 65 kilogram. Motto? Don’t worry about tomorrow because tomorrow ain’t tonight.” Tinuro nito ang pintuan ng kuwarto. “Alis na. nasagot ko na ang tanung mo. Sige, alis.”
Sinimangutan niya ito. “Marami pa akong tanung. Tulad nalang ng, may trabaho ka ba—”
“Yes, I work in a hotel.”
“Ahm, anung pangalan ng best friend mo? Anong—”
“Shay.”
“Anong paborito mong kulay?”
“Black.”
“Anong favorite song mo?”
“Kahit anong basta hindi pangit.”
“Anong—”
“Paboritong pagkain? Wala. Pabortong hang out place? Strip club. Paboritong—”
“May girlfriend ka?”
Napatigil ang binata sa pagsasalita at tumingi sa mga mata niya.
“Ano?”
“I’m asking you if you have a girlfriend.”
“Why?”
She shrugged. “Just curious.”
“Curiosity always kills the cat, Yanzee.”
“Good thing I’m not a cat.”
Umupo ito sa sofa na nakaharap sa kanya. “Nope. I don’t do girlfriend. Sakit lang sila sa ulo.”
“Pero sabi mo hindi ka single.”
“Yeah. I’m not, kasi marami akong babae. Kaya hindi ako single.”
She gaped at him. “Wow! Hindi ka mukhang babaero.”
“Ano ba ang mukha ko?”
“Masungit ka at matalas ang dila.”
He smirked at her. “Babe, I’m only like that to you.”
“A-Ano?”
Tumayo ito at lumapit sa kanya. “I don’t know why you’re doing this, but I’m telling you now, you are not my type. Yes, you are beautiful but that’s all. Hindi ko tipo yang mukha at ugali mo. Ayoko sa plain lang ang ganda at makulit na ugali. So, please lang, umalis ka na sa kuwarto ko, bago ka pa magtapat sa nararamdaman mo para sa akin. Mapapahiya ka lang—”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ramm na ikinanganga nito.
“Hindi ko nga alam kung bakit ako interesado sayo. Nuong una, kasi ikaw na yata ang pinaka-guwapong lalaki na nakita ko kaya naman kinulit kita. Pero huwag kang mag-assume na may nararamdaman ako sayo kasi hindi ako magkakagusto sa isang babaero na pangit ang ugali at masyadong bilib sa sarili.”
Iniwan niya itong nakanganga pari. Nang buksan niya ang pinto nilingon niya ito.
“And FYI, hindi plain ang kagandahan ko.”
Malakas niyang isinara ang pintuan ng kuwarto nito at ipinikit ang mga mata na nag-uumpisa ng manubig.
Peste! Bakit ba siya naiiyak sa mga sinabi ng lalaking yon.
Pinilit niya ang sarili na hindi umiyak. He doesn’t deserve her tears.
Tinungo niya ang kuwarto at pinagpatuloy ang tulog na naudlot dahil sa gusto niyang maaga gumising para ma-great ng ‘good morning’ si Ramm.
NASA bar si Yanzee ng hotel at nagpapalipas ng oras. Bukas ay babalik na siya sa Pilipinas. Sa wakas!
Tinunga niya ang alak na nasa kopita. Peste namang buhay iyo oh! Minsan na nga lang siya magkagusto sa lalaki, masungit pa at masakit magsalita.
Hindi niya akalain na ganoon ang binata. Nasaktan siya sa sinabi nito. Kaya naman itinigil na niya ang paghabol-habol dito. Ayaw na niya. Kapag nakikita niya ito, siya na ang umiiwas.
“Hi.”
Nilingon niya ang nagsalita. Isang tingin palang alam niyang banyaga ito. Napakaganda ng kulay asul nitong mata at buhok nito na honey blonde ang kulay.
Ayaw niyang maging mataray kaya naman nginitian niya ito. “Hello.”
“I’m Hanford Collin.” Anito sabay lahad ng kamay.
Tinanggap niya ang pakikipaglamay nito. “I’m Yanzee Cordova.”
“I know.” Anito na ikinagulat niya.
“You know?”
“Yeah. I’m the owner of this hotel. Did you like the flower I gave you?”
Napatanga siya. “You were the one who gave those to me?” She smiled. “The Tulips are lovely.”
Umiling ito. “No. I gave you Roses not Tulips.”
So ito pala ang unang nagbigay sa kanya ng bulaklak na hindi daw expensive ika pa nga ni Ramm.
“Yes, the Roses are beautiful.” Ayaw niyang maging rude. Mabait naman ito sa kanya. “Thank you.”
“You’re very much welcome beautiful Yanzee.”
“Don’t call me beautiful.” Nahihiyang ani niya.
“You are beautiful. Believe me on that one.”
“Thank you.” Tumayo si Yanzee sa pagkakaupo sa stool ng bar. “I have to go, maaga pa kasi ang flight ko tomorrow.”
“That sad.” Anito sa malungkot na boses. “Have a safe flight. I would like to take you out on a date but you are leaving. ‘Till next time we see each other again.”
Tumango siya. “Yeah. Nice meeting you.”
“Same here, beautiful Yanzee.”
Nang tumalikod siya, nahagip niya ang pamilyar na bulto ni Ramm. Nakita ba siya nito?
NASA kalagitnaan ng pag-iimpaki si Yanzee ng may nag-boor bell sa kuwarto niya.
Iniwan niya ang pag-iimpaki at tinungo ang pintuan. Nang tingnan niya sa peek-hole kung sino iyon, kumunot ang nuo niya.
It was Ramm.
Ano naman ang ginagawa nito dito? Sa loob ng dalawang araw mula ng samplain niya ito, hindi na niya ito kinulit at hindi narin niya ito hinanap kahit kating-kati na siyang hanapin at makausap ang binata. Pinigilan niya ang sarili.
“Anong kailangan mo?” Tanung niya ng buksan ang pinto.
“Can I come in?”
“No. You can’t. Now, what are you doing here?”
“Yanzee, I’m sorry about what I said—”
“’Yon ang problema sa inyong mga lalaki e. Feeling ninyo, lahat madadaan sa sorry. Well, hindi ako kasama sa mga babae na nauuto ng sorry mo. Dahil kahit isang katirbang sorry pa ang lumabas diyan sa bibig mo, hinding-hindi ka patatawarin ng isang plain looking na kagaya ko.”
“Yanzee—”
“And don’t call me that. Hindi naman kita kilala e. You are a stranger to me.”
Pabalibag niyang isinara ang pinto at ipinagpatuloy ang pag-iimpaki.
NAKA-UPO si Yanzee at hinihintay ang flight niya pabalik ng Pilipinas ng may tumabi sa kanya.
“Uuwi ka na?” Boses iyon ni Ramm.
Hindi niya ito nilingon. “Oo.”
“Stay another week?”
“Ano naman ang gagawin ko dito? At saka, kailangan ko ng bumalik. My restaurant is waiting for my return.”
“You own a restaurant?” Tanung nito sa manghang boses.
“Sayonara.” Aniya ng marinig ng tinawag ang flight niya.
Iniwan niya ang binata at naglakad patungo sa kinalalagyan ng plane na sasakyan niya. Ilang metro nalang ang layo niya sa pasukan ng eroplano ng may brasong pumalibot sa bewang niya at pinigilan siyang makagalaw.
“Sino—”
“Hahayaan kitang umalis ngayon, Yanzee. Pero ipinapangako ko. Hahanapin kita kahit nasaang lupalop ka man ng Pilipinas para pagbayarin sa pangungulit mo sa akin.” Ani ni Ramm sa matigas na boses at binitawan siya.
Nagmamadaling pumasok si Yanzee sa eroplano ng walang lingong-likod.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa simpleng yakap na yon ni Ramm?
Sinapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya.
Stop beating so fast!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top