CHAPTER 7
LAINERRY POV
After the acquaintance party last night I decided to take my Yetti; my cutie dog to animal clinic because he's not feeling well when I came back last night. Nilalagnat ba siya o namiss niya lang ako dahil hating-gabi na ako umuwi kagabi. Nagtaxi na lang ako dahil naka off si Kuya Noel. Napuyat rin siya kaya hindi na muna pumasok ngayong araw at isa pa saturday naman. Kaya wala rin akong pasok sa school. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sumama ako lalaking iyon para magkape sa labas. Hindi ko mapigilan ang huwag kiligin.
Somehow, after that night I feel at ease. Parang napakagaan niyang kausap dahil nawawala unti-unti ang pait sa puso ko na parang kahapon lang ay nilulunod na ako. Sa rooftop naging okay rin ako noon ng mag-usap kami. Hindi siya mabigat sa pakiramdam kasama katulad nila Daddy na parang pasan ko ang mundo pag nakikita ko pa lang sila.
“I said. I'm Matthias,” biglang sabi niya.
“So?” pagtataka ko.
“Why you didn't mention it? I thought you forget,” nagtatampo siya kunwari. Naiilang lang ako tawagin siya.
“Never mind. Tagasaan ka?” sasabihin ko ba ang address ko? Pupuntahan niya ako?
“I'm from Laguna. But my Dad bought a house here in Marikina,” I answered a safest way. Sigurado akong hindi naman address ang tinatanong niya.
“Saan dito? Kaya pala hindi ka pamilyar sa akin. Dito na ako lumaki at pamilyar na sa akin lahat ng tao dito.”
“Malapit lang sa River Bank ang bahay namin. Sa Alveza Subdivision.”
“There. Tanaw lang pala mula sa rooftop na pinuntahan mo. Kaya pala alam mo ’yon. Ako medyo malayo ang sa amin. Cainta,” giit niya.
“Hindi ko alam saan iyon,” Saad ko. Totoo naman na hindi ko alam dahil hindi pa ako nakakapag-ikot sa mga lugar dito. Tanging park at abandonadong building pa lang ang nararating ko.
“I'll take you there sometime If you..” Then my heart jumps. Ano ito? May pang-apat pa bang pagkikita at may binabalak siya about tomorrow? Oh my! Can't take this kilig anymore. Anyway siguradong araw-araw ko siya makikita dahil same lang ang school namin at pati ang kurso na kinukuha.
“Hey, where you going?” gulat ako nang may humawak at humablot sa maliit na knapsack na bitbit ko pagkalabas ko sa clinic. Matagal ko siyang pinagmasdan. Akala ko magnanakaw. Si Matthias pala. Nakita niya na naman ba akong tulala?
“May bibilhin lang ako.” Sabay turo ko sa mall na kaharap ng clinic, naisipan kong maglakad-lakad muna sa mall dahil may nakapila pang ibang tuta for check-ups at pangalawang beses ko na dinadala doon si Yetti kaya kilala siya ng veterinarian kaya iniwan ko na lang.
“Oh my! ’Yong mask ko! Where's my mask.” Wala sa loob na sabi ko. Habang kinakapa sa bulsa at tote bag.
“Hingi ka sa clinic I'm sure mayroon sila.” Hinahalungkat ko ang tote bag at suhestiyon niya. Teka. Bakit ayaw pa umalis ng lalaking ito sa harapan ko. Oww meron pala! Sabay sabit ko sa tainga ko at lagay sa bibig ko. Tinalikuran ko siya at tumawid ako sa kalsada at pumasok sa mall.
Iniwanan ko siya na nagtataka at nakatulala habang nakatanaw sa akin. Bakit ba. Hindi naman kami close. Then I saw him na tumawid rin at pumasok rin ng mall, is he following me?
“Ano gagawin mo dito?” tanong niya nang maabutan ako pataas ng hagdan.
“Sa sitwasyon ngayon, maybe I'm the one who's capable to ask 'kung anong ginagawa mo rito?”
“Isn't it obvious? Sinusundan kita." Dali-dali na akong paakyat sa 2nd floor dahil may hinahanap ako.
“Anong hinahanap mo?” curious na tanong niya.
“Can you please shut up. Basta may hinahanap ako.” Umiiwas ako sa kanya dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. Binibilisan ko ang lakad ko pero naabutan niya pa rin ako.
“Baka ako? I'm already here. Hindi mo lang ako makita.” I saw his lips smiling a bit then I shrugged my shoulder, para alam niya na wala akong paki sa sinabi niya kahit kilig ako.
“Not you,” maikling saad ko. Kapal ng mukha ng lalaking ito talaga. Lakas ng tiwala sa sarili. Baka akala niya madadala niya ako porket sumama ako sa kanya na lumabas kagabi para magkape. “Bakit andaming tao. May concert ba dito?” I mumbling. Lahat ng sulok ng mall may mga teenager at ang iba kaedad namin na nakatambay at papunta sila sa cinema.
“Premier ngayon ng pelikula nila Daniel at Kathryn. Tara nood tayo! It's all on me.” Pinanlakihan ko siya ng mata. As if my tiket pa.
“Hindi tayo makakapasok d’yan! Mga V.I.P at may ticket ang p’wede.”
“Excuse me. I had.” Sabay bunot sa bulsa niya at iwinagayway malapit sa mukha ko. Paano siya nagkaroon ng ticket? Baka may girlfriend siya at hindi sumipot. Pero nagpuso ang mga mata ko nang makita ko ang tiket dahil idol na idol ko si DJ. ’Yon! Nakalimutan kong may hinahanap ako sa loob ng mall at si Yetti nasa clinic. Siguradong hinihintay ako.
“Tara!” Hinawakan niya ang wrist ko at hatak-hatak papasok sa cinema 3. Seryoso may ticket talaga siya?
“Just wait! Saan ba tayo pupunta?” Bumalik ang diwa ko. Pero alam kong ramdam niya na gusto ko ring manood.
“Ako na bahala.” Pumasok na kami sa loob ng cinema at nakipagsiksikan. Naghanap siya ng lugar na mauupuan namin. Crowded sa loob kaya sa may hagdan na lang kami naupo. But I never remove my face-mask dahil baka may makakilala sa akin.
“May ka-date ka dapat?” Lingon ko sa kanya habang inaabala ang sarili sa panonood ng mga taong nag-aayos sa unahan dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang panonoorin namin.
“Wala.” Hindi ko siya hinarap pero nakita kong sumilaw ang mga ngipin niya. The heck! Bakit ko ba naiisipan itanong.
“Kase may tiket ka at dalawa pa. Baka may ka-date ka, nakakahiya nakakaabala ako.” Gusto kong sabihin niya kung kanino galing ang tiket dahil VIP lang ang mayroon ng mga ganoon.
“Selos ka?"
“Hell no! Baka hinahanap ka na ng ka-date mo.”
“Wala akong ka-date. Kay Shaun galing ito. Binigay lang sa akin dahil marami siya nito. Coincidence lang na nakita kita sa tapat ng clinic. Si Kairos sana hinihintay ko pero mukhang hindi naman siya interesado,” paliwanag nito, hindi na lang ako umimik dahil parang totoo naman ang sinasabi niya.
“If ever. Ikaw lang ang nag-iisang magiging ka-date ko.” Natameme ako. Nabingi ako sa katahimikan ng mapagtanto ko kung ano ang sinasabi niya. May balak siya. Oh my God. I'm in trouble. May balak siya na i-date ako?! Sigaw nang maingay kong puso.
“You know what. I’m not supposed to be here. May bibilhin lang dapat ako. Why I ended with you here.” Nilingon ko siya, nakatitig pala sa akin kaya napangiti na lang. Kapag nalaman ito ni Papa baka palayasin ako sa bahay at wala akong mapupuntahan. Wala akong kakampi. Wala na si Kuya. I need to leave. Hahanapin ako nila Yaya Lucy.
“Because we’re meant to be. Destiny planned it, not me nor you,” he said sarcastically. Nagpapaligoy-ligoy pa, sana direktahin na lang ako. Nakalimutan ko tuloy na pauwi na ’ko.
“Papalusot ka pa e’ sinundan mo naman talaga ako. Ikaw ang gumawa ng tadhana. I am right?”
“No. It's not me. It's Him mine,” Matthias whispered.
“Don't ever call me that. It made me goosebumps,” bulong ko rin sa kanya. Buti busy lahat ng tao sa cinema walang nakakapansin sa amin.
“Because you are happy when you heard it. Feeling excitement ang tawag d’yan kaya tumindig ang balahibo mo at katabi mo pa ako.” Presko niya. Buti na lang guwapo siya dahil kung sakali iiwanan ko talaga. Buti masarap kausap.
“Ewan ko sayo. Mapapahamak ako sa ginagawa mo.” Pag-iba ko ng topic. Kase baka makita siya ng kanyang girlfriend, sabunutan ako. Baka may makakita sa akin at isumbong ako kay Papa. Malalagot ako.
“Kapag magkatabi tayo. You call it a love not a goosebumps,” he whispered again.
“Dami mo alam. Mas lalo tumatayo ang balahibo ko sa kakornihan mo.” And I'm about to stand to make my lazy exit. I need to do that because he might think na gusto ko ang mga ginagawa at sinasabi niya.
“Hey, saan ka pupunta? Sorry na. Hindi ko na sasabihin na gusto kita.”
“Huuh!?” Oh my God! I can't resist. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Akala ko magso-sorry lang siya tapos may kasunod pa pala. Ang init dito! Lakasan n’yo ang aircon. Hindi ako nakapag-react sa sinabi niya. Kaya gusto ko mag-walk-out dahil baka anong magawa ko sa patay na nunal sa may labi niya. I'm about to stand pero buti na lang nahawakan niya rin ang wrist ko dahil kung hindi gugulong ako pababa dahil sa isang malanding babae na nakikipagharutan sa jowa niya paakyat ng hagdan.
“Careful,” bulong niya.
Nanatili na lang ako sa kinatatyuan ko. Ayoko na mag-walk-out dahil maraming tao sa daraanan ko baka mabunggo pa ako, nanghihina pa naman ako dahil sa lalaking ito. Ilang minuto pa ang hinintay namin ay nagsimula na ang ingay at sigawan sa loob ng cinema. Biglang mas dumami ang mga tao kaya nagulat ako ng may tumulak ulit sa akin para umakyat ng hagdan. Buti na lang nahila ako ni Matthias dahil kung hindi, sigurado bulagta ako sa lapag.
Then here I am. My heart was about to jump. Matthias still holding my hand. I know it's for my safety baka may tumulak ulit sa akin. Pero hindi na mapakali ang puso ko. Nagwawala na sa loob. He held my hand so tight na nawala na ako sa wisyo ko. Kahit ang kagwapuhan ni Daniel Padilla ay hindi ko na napansin. Sobrang maingay sa loob dahil sa sigawan pero mas naririnig ko ang sigaw ng puso ko. Kung walang ibang tao lang dito 'naku Lainerry please calm your self.'
Oh my God. This is love? Isn't it? Kahit ang tiyan ko ay parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob na nakikiliti ako ng mga pakpak nila. This is a nice feeling but I'm curious. Ganito ba ang nararamdaman ng mga kaibigan ko with their love ones. I also felt it. I feel like I'm floating in the sky and allowing to take me anywhere by the ocean waves. I'm enjoying the moment when he whispered to me.
“Let's go. Tapos na ang pinapanood natin.” Huuuh? Ang bilis naman? Or sadyang mabagal lang ang oras habang kasama ko siya. Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Hinila niya na ako palabas ng cinema. Mamaya kase baka magtulakan ang mga tao kaya nagpatiuna na kaming lumabas.
“My hand,” sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng cinema. Hawak niya pa rin ng mahigpit ang kamay ko. Mukha yatang nakakarami na siya sa akin. Pero hindi niya pa rin binibitawan hanggang sa labas na kami ng cinema.
“Matthias,” I called his name kaya napansin niya ako at tumingin sa akin. Tiningnan ko rin ang kamay naming magkahawak para alam niya ang ibig kong ipahiwatig.
“Bakit?” tanong niya. Wow! Manhid niya.
“Bitawan mo ang kamay ko,” madiin kong saad. Nanlalamig na ang kamay ko ayaw niya pa rin bitiwan, wala na namang maraming tao dito para maitulak pa ako.
“Ayoko,” he disagree.
“Why?!” Nakakaloka. Tumaas tuloy ang boses ko.
“Because I'm comfortable and I'm courting you.” Napahinto ako sa paglakad, nakuha niya ang atensiyon ko.
“Nanliligaw ka? Kailan pa?” I smirked because I want to hide my smile and kilig.
“Tagal na ah. Sa rooftop pa nagsimula,” nagbibiro ba siya? Wala akong kaalam-alam.
“Sure ka Matthias?” natatawa ako sa kanya dahil ayaw niya pa rin bitawan ang kamay ko kahit hinihila ko na.
“Matt, na lang. If you called my real name again, you're dead.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top