CHAPTER 6





MATTHIAS POV

Lainerry. She is my first vices. She is my first religion. She is my fisrt happiness and first sadness because she is the very first woman who made my heart jump from the park into the rooftop. Her gaze intently into my eyes? Or mole? Or something in my face who got her attention was making my whole body froze in a moment.


This love at first sight. Hindi ko naramdaman sa ibang babae ang nararamdaman ko para sa kanya. The moment she caught my attention, I know and I’m sure that she’s the one for me. Simula ng makita ko siya sa park ay hindi na siya maalis sa isipan ko. Hanggang iyong encouter namin sa rooftop ay naging dahilan para mas lalo akong naging interisado sa buhay niya. Gusto ko siyang samahan sa tuwing nalulungkot siya, gusto kong ipahiram sa kanya ang balikat ko at gusto ko siyang makilala pang lubos kaya hindi ako tumigil hanggat sa hindi ko siya mahanap. Isang beses ko pa siyang nakitang pumunta sa park at sinundan ko ang sasakyan niya pauwi ngunit hindi ako pinapasok ng guard sa kanilang subdivision.


Nawalan na ako ng pag-asa dahil ilang linggo ko nang hindi nakikita ngunit nakapanig sa akin ang tadhana. Nakita ko siyang nag-enroll kasama ang Mommy niya kaya nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi ako nagmamadali ngunit nahahalata kong mailap siya sa mga tao. Umiiwas siya sa tuwing may lumalapit para makipagkilala at isa lang ang ibig sabihin. Gusto niyang mapag-isa.


“Wala. Wala kang pag-asa Matthias. Ni hindi ka man lang tingnan ng babaeng gusto mo,” Si Andrew na may patapik-tapik pa sa balikat ko. Paano e’ tatlong beses ko na sinubukan lumapit sa kanya pero bigo.


“Torpe mo. Lapitan mo na makikipagkilala ka lang naman,” panunukso na naman ni Kairos habang nakatanaw kami sa corridor na kung saan naglalakad siya kasabay ang dalawa niyang kaklase.


Magkaklase kaming tatlo nila Kairos at Andrew. Kaya Business Management rin ang kurso nila. Kaya silang dalawa lang ang lagi kong kasama at nakakakita ng kabiguan ko sa tuwing napapahiya ako. Pero hindi ako susuko, wala sa dictionary ko ang salitang iyan.


Sa acquaintance party. Hindi ako papayag na hindi ko pa makuha ang atensiyon niya. Naghintay akong tamang pagkakataon para mapansin niya ako, tinulungan rin ako ng mga kaibigan ko.


“Pare! She's here,” sambit ni Jeffrey na hinahabol ako. Kasunod naman ang tatlo ko pang kaibigan. Hindi ako umimik dahil akala ko ay ginugudtaym lang nila ko.


“Ayon siya.” Turo naman ni Kairos habang mabagal siyang naglalakad papasok sa venue, nakasuot ng black dress at mataas na sandals.


“Mukhang ngang mamahalin siya tol,” giit ni Shaun. “Tara na? Sundan na natin baka maunahan ka pa sa loob. Tumingin ka sa paligid halos nakadikit sa kanya ang mata ng mga estudyanteng lalaki,” dagdag pa.


“She's pretty,” sambit ni Andrew na hindi rin makapaniwala sa nakikita. Partida walang kolorite ang kanyang mukha, nakalugay lang ang wavy niyang buhok at hindi man lang siya nag-effort magpaganda pero litaw na litaw pa rin ang hugis puso niyang mukha at malulusog na labi.


'Wait for me because we're fated to each other.' I'm talking to my stupid self while I'm walking with Kairos and Shaun para sundan siya sa table nila. Hindi na sumama sila Andrew at Jeffrey dahil may iba rin silang lakad. Ilang hakbang na lang kami ay bigla na naman natameme ang puso ko kaya naghintay muna ako ng pagkakataon para magkaroon ng lakas ng loob.

‘This time. Sisiguraduhin kong titingin ka sa akin’.


“Finally, I got your name.” Naunahan ako ni Shaun. Pero okay lang dahil hindi ako makapagsalita sa harapan niya. I mesmerizing to her pretty face.

“You want to go out with me?” I ask her.


“Huuh?” gulat siya.

“I mean, gusto mo lumabas saglit? Ang ingay dito sa loob.” Mis-interpret. Paglilinaw ko at tumango naman siya. Natuwa ang puso ko dahil sa wakas! Makakasama ko na siya.


Nauna akong tumayo at aalalayan ko sana siya ngunit mabilis siyang naglakad pero bigla siyang matutumba, medyo nahilo sa ilang kopita ng alak, buti na lang nahawakan ang bewang niya pero mabilis din siyang umiwas dahil medyo nahiya sa nangyari.


“Sorry,” sambit ko. Ramdam niyang awkward rin ako.

“You like coffee? May alam akong shop malapit lang dito,” suhestiyon ko ngunit sinipat niya muna ang oras sa kanyang relo.


*Sure. Sige,” she agree. Pero mukhang mahihirapan siya sa high heels kong maglalakad lang kami. Ang taas pa naman.



“Laine?” tawag ko sa kanya dahil tulala siyang nakatitig sa akin. Hindi niya tuloy napansin ang humaharurot na motor. Kinabig ko siya para ilayo dahil muntikan na siyang mahagip. Ang layo ng kanyang iniisip.


“Ayos ka lang?” tanong ko agad habang nakahawak pa ako sa kanyang braso at likod para hindi siya matumba. Hindi agad siya nakasagot dahil sa posisyon namin. Pero nakita kong namula ang kanyang mukha. Tinamaan ba siya ng alak kanina? Mukhang wala siya sa kanyang sarili.


“Sorry,” sambit niya.

“Be careful,” sagot ko at tahimik na kaming naglakad patungo sa coffee shop.

“Sinabi ko na ’yan sa’yo noong unang pagkikita natin sa park. Hindi ko akalain na sa pangalawang pagkakataon ay sasabihin ko ulit.” Hindi ko makakalimutang ang unang tagpo naming iyon kaya medyo nagulat pa siya sa sinabi ko.

“You’re.. Uhhmm it looks like you want to bite me,” nasamid siya sa sinabi ko kahit hindi pa siya umiinom ng kape. Nakarating na kami sa coffee shop at hinihintay ang order. Umiwas siya ng tingin dahil nadadakip ko siyang nakatitig sa akin.

“Anong sinabi mo?” paglilinaw niya.

“I know you heard it kaya ka nagreact ng ganyan. Half an hour ka na kase nakatitig sa akin.” Ayoko sanang sabihin dahil baka anong isipin niya. Napatingin siya sa relo at napangiti. Gusto ko lang kunin ang kanyang atensiyon dahil malayo ang kanyang iniisip.

“You're belong to freshmen right?” Pag iiba ko ng topic. Naramdaman kong nahihiya na siya at hindi mapakali sa mga kilos.


“Oo,” she answered shortly.


“I'm sophomore. BM. How bout you?” saad ko.

“BM too.”

“Really? That was great. You like business?” Stage na kami nang 'getting-to-know-each-other? My mind shout.


“I do like sometimes. But I need to,” matamlay niyang sagot.


“Seems you just forcing yourself.”

“Akala ko hindi mo ako naalala.” She change the topic.

“Why? Nakilala naman kita agad kanina.” Ako pa talaga? Ang hindi siya makilala? “Ilang beses na rin kitang nakasalubong pero hindi mo ko nakikita. Lagpas hangang Cubao ang mga tingin mo.” Hindi ako nagtatampo pero totoo naman. Hindi niya ako pinapansin.


“Sorry something in my mind lang siguro,” saad niya at hindi ko na inungkat pa dahil lalampas na ako sa linya.

“Kumusta na pala?” I suddenly ask. Alam niya ang tinutukoy ko.


“I'm fine. Soon I'll be fine,” she answered. Good to know. Hopefully maging okay na rin talaga siya.


“Of course. Claim it. All problems are surmountable. You'll be fine Laine.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top