chapter 187 "Underground"


Drixon's Pov.

MALUTONG na napamura ako sa isip ko dahil sa pagtulak ni Panget sa akin. Muntik pang tumama sa bookshelves ang likod ko. Tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin pero nag-iwas lang ito ng tingin sa akin. It seems like she's shy with me. I secretly smirk before I sigh heavily.

Fuck it!

Nabitin ako.

"Why did you push me?" baritonong boses na tanong ko.

"Tsk! Baka mahuli pa tayo rito," nakatingin sa ibang deriksiyon na sagot nito.

"I don't fucking care. I just want to touch you right now." mariing sabi ko ng may lambing sa boses.

Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng halik sa labi bago pinakawalan ang labi nito.

"Nababaliw ka na ba?" salubong ang kilay na tanong niya.

Masuyong tinitigan ko siya sa mga mata at hinaplos ang pisngi niya.

"Matagal na. Simula ng una kitang makita, binaliw mo na ako. Pati buhay ko ginulo mo, love." masuyong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Kita kong namumula ang mga pisngi niya dahilan para ikinangiti ko.

She's blushing. Is she feel tingle with my words?

Oh fuck!

"You're blushing, love." nakangiting sabi ko at mabilis na hinalikan siya sa labi.

Nakakaadik ang labi niyang halikan. Parang hindi ako matatahimik kapag hindi ko nahalikan ang mga labi niya.

"Tsk! Kunin mo na nga 'yong libro mo." pasinghal na sabi nito at iniwan ako.

Natatawang inabot ko na lang ang libro bago sumunod sa kaniya. Kausap nito ang mga kaibigan naming bagong dating.

Napatingin pa ako kay Keith na mula pa kaninang umaga ay hindi maipenta ang mukha. Laging salubong ang mga kilay nito.

Tse!

Naupo na lang ako sa tabi ni Panget at sinimulang magsulat. Habang panay naman ang usap nilang lahat. Palibhasa ay tapos na sila sa mga activity at projects na lang ang kulang.

"Myloves, sa bahay tayo gagawa ng projects natin bukas. Wala sila Mommy at Daddy kaya huwag kang mailang doon." Rinig kong sabi ni Keart kay Kyla.

"Sure. Magdadala ako ng cupcakes bukas." nakangiting sagot ni Kyla.

Narinig ko pang excited na napa 'yes' si Keart kaya napapailing na lang ako.

Hinayaan ko na lang sila hanggang sa matapos na ako at naunang lumabas ang mga kaibigan namin.

"Let's go?" aya ni Panget.

Tumango ako at kinuha ang backpack ko pati na rin ang bag niya bago isinabit sa balikat ko. Magkahawak kamay kaming lumabas ng library at naglakad sa hallway.

Wala kaming klase buong maghapon dahil may important meeting ang mga guro para sa nalalapit na graduation.

"Love," rinig kong tawag ni Panget.

"Mmm?"

"What are you going to take after the graduation?" She asked.

Tumingin ako sa unahan bago nagsalita habang magkahawak kamay pa rin kaming dalawa.

"Well, I want to take the med as my major." I answered.

Napalingon siya sa akin.

"You want to be a doctor?"

"Mmm. But my dad tell me to take the business administration. He wants me to be the chief executive officer of our company." I said in a low tone.

Naramdaman kong pinisil nito ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"It's ok. Just follow what your heart tells you to choose for the future." nakangiting pagpapalambot nito sa puso ko.

Huminga ako ng malalim at nginitian din ito bago nagpatuloy sa paglalakad.

"But I don't want to disappoint my dad. I am the only one who can manage the company. My little sister said, she doesn't want to handle our company in the future. She has her own dreams." napapabuntong-hiningang wika ko.

Tumango-tango ito saka huminto sa paglalakad at hinarap ako ng may ngiti sa labi.

Shit!

Pakiramdam ko matutunaw ako sa titig at ngiti nito. Ang sarap halikan ng labi niya.

"It's easy, love." panimula niya. Ang sarap talaga sa feeling kapag tinatawag niya akong 'love'. "You can take what your dad wants you to take. After that, you can follow your dreams while you manage your dad's company." malambing ang boses na aniya.

Napaisip ako sa sinabi nito. She has a point. I can still continue to persue my dreams after I make my dad's wish.

My love is really so smart.

Mabilis na niyakap ko siya ng mahigpit bago binigyan ng halik sa labi ng may masayang ngiti sa labi.

"You have a point. You are really so smart, love." masuyong sabi ko sa kaniya.

"Asus! Binobola mo lang ako, eh." nakaiwas tinging sabi niya.

Natatawang ipinalibot ko ang isang braso ko sa beywang niya saka nagsimula na ulit kaming naglakad.

"I am saying the truth, love. You're too smart and great for me." masayang sabi ko pa.

Iningusan niya lang ako na ikinatawa ko. Hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nando'n na ang mga kaibigan namin dahil gusto nilang mag snacks na muna bago umuwi.

"Hey! Hali na kayong dalawa!" rinig kong sigaw ni Lyle ng makapasok kami sa loob.

Pinaghila ko ng upuan si Panget ng makalapit kami sa table namin.

"Ba't antagal niyo?" tanong ni Theresa.

"Oo nga naman. Baka may ginagawa pa kayong kababalaghan, ah?" nanunuksong tanong ni Mello.

Mahinang natawa na lang ako dahil hindi sila pinansin ni Panget.

"Ayay! Iyang ganiyan na tawa at ngiti ay halatang may laman." nakangising saad ni Keart.

Hindi ko na lang siya pinansin at akmang kakain na sana ng banana cake ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko na lang sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napabuntong-hininga ako ng makita ang pangalan sa screen.

"I excuse myself first," paalam ko sa kanila sabay tingin kay Panget. "I'll answer the call." mahinang sabi ko na ikinatango nito.

Agad na tumayo ako at naglakad palabas bago sinagot ang tawag ni Dwayne.

"[What?]" I asked.

"[Tsk! Saitama called me a while ago. He wants us to go to the meeting place at exactly 7:00 pm this evening.]" sagot nito sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga ako. Here we go again.

Tse!

"[But why?]" Tanong ko pa.

He sighed before he answer.

"[There's something they want to talk to us. That's what Saitama said when he called me.]" kalmadong sagot niya.

Napatango ako as if makikita nito.

"[Okay. Is that all?]"

"[No. Yamagata send me a message for the client that we work for,]" aniya na ikinatahimik ko.

Maya-maya ay nagsalita ako. "[Then?]" I asked. Tinutukoy ko ang laman ng mensahe.

"[It's written there that the client is now in a big trouble. He will call us for a move if ever he will need us to protect and follow the client's order.]" paliwanag nito.

Napabuga ako ng hangin. It's been a month since the client didn't asked for our help. Mula ng mangyari ang nangyari sa pag-ataki ng mga tauhan ni Mr. Ong sa mansion ng mga Ibañez.

Tse!

"[Okay. Back to your work.]" I calmly said before I end the call.

Ano naman kaya ang pag-uusapan namin kasama si Saitama? Ngayon lang naman siya tumawag ulit sa amin, ah.

Hayst!

Tumalikod na lang ako at akmang babalik na ako sa loob ng cafeteria ng makita ko si Kiana na may kausap sa cellphone habang nakaupo sa may bench sa 'di kalayuan nitong cafeteria.

Parang nag-aalala ito pero biglang napalitan ng galit ang mukha nito.

What happened to her?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya ng hindi nito namamalayan. Para siyang sasabog sa galit at inis.

"What?! No! I want to buried her alive!?" galit na sigaw nito sa kausap.

Napakunot ang noo ko. Sino naman ang kausap niya? At sino naman ang gusto niyang ilibing ng buhay?

"No! Freaking way! She don't have the rights to do it to my uncle! Fvck her to hell!?" nanggagalaita sa galit na sigaw niya bago tinapos ang tawag.

Natigilan pa ako ng makitang nanlilisik ang mga mata nito. This is the first time na makita ko siyang ganiyan.

Animo'y sasabog siya sa galit anumang oras.

"Bweset!? Mapapatay talaga kitang babae ka!? Walang hiya ka!?" inis na anas nito at sinipa ang batong inaapakan niya.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Parang nawala ang hindi makabasag pinggan niyang hitsura at napalitan ng galit na handang kakain ng tao.

Napapailing na lang ako bago nagsalita.

"Are you ok?" mahinahong tanong ko.

Nakita kong natigilan ito at dahan-dahang napalingon sa akin. Kita ko ang paglunok niya habang halatang kinakabahan.

"D-Drix?" gulat na bulalas pa nito.

"May nakakagulat ba?" tanong ko.

Mabilis na napatayo siya at nag-iwas ng tingin. Halatang pinapakalma nito ang sarili niya.

"A-ah, w-wala naman." nauutal na sagot pa nito. "K-kanina ka pa ba riyan?" nag-aalangang tanong niya.

Umiling ako at bumuntong-hininga.

"Not so. Nakita kitang parang galit na galit kaya lumapit ako." mahinahong sabi ko habang mariing nakatingin sa kaniya. "Sino ang kausap mo? At bakit ka galit na galit? Kailan ka pa ganiyan at gustong pumatay?" seryuso nang tanong ko.

Napalunok siya at nawalan ng kulay ang mukha niya habang hindi makatingin sa mga mata ko.

Is there something wrong with her?

Maya-maya ay bigla siyang nalungkot na animo'y may pinagdadaanan ito.

"Hey! Are you alright?" may pang-aalalang tanong ko at lumapit sa kaniya.

Bigla siyang humikbi na ikinakunot ng noo ko. Inalalayan ko siyang maupo ulit bago ako naupo sa tabi niya.

"M-may gusto kasing p-pumatay sa akin. T-tapos dinamay pa si tito." humihikbing sabi nito.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. May gustong pumatay sa kaniya? Who?

"What? But why? And who wants to kill you?" salubong ang kilay na tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at biglang yumakap sa akin na ikinatigil ko.

"I d-don't know. Sa pagkakaalam ko lang ay babae ito." sumisinghot na sagot niya.

Ano? Babae?

"Are you sure?" paninigurado ko pa.

"Oo. Sabi ni tito babae siya. Wala siyang kaluluwa. Buti na lang nakaligtas kaming dalawa ni tito." humihikbing paliwanag niya.

Hinagod ko na lang ang likod niya habang napapaisip. Minsan na siyang nagsabi sa akin dati na may laging nakasunod sa kaniya. Pero iyon yung mga lalaking naka ingkwentro namin sa parking lot dati.

"Drix... natatakot ako." Natatakot na saad nito.

"Shhh... don't be afraid. I'm here." pag-alo ko sa kaniya.

Bigla siyang nag-angat ng tingin at nakangiti na siya. Tinuyo ko ang pisngi nito.

"Really? You'll protect me?" masayang tanong nito.

Natigilan ako sa tanong niya lalo na ng maalala ko ang sinabi ni Panget na layuan ko siya.

Napapikit na lang ako sabay tango. Nagulat pa ako ng yakapin niya ako nang mahigpit at isinubsob sa dibdib ko ang mukha nito.

"Thank you, Drix." mahinang pasalamat nito.

"Don't mention it." mahinahong sagot ko.

Kahit papaano ay nag-aalala ako sa kaniya. Baka kung ano ang mganyari sa kaniya. Hindi pa naman siya marunong ipagtanggol ang sarili pag nagkataon.



***********************************

Third person's Pov.

KANINA pa hinihintay ni Ashi si Drix na makabalik dahil may tumatawag sa cellphone nito. Natapis na lang silan lahat na kumain ay hindi pa iyo bumabalik sa loob ng cafeteria. Huminga na lang siya ng malalim at tumingin sa pinto ng cafeteria. Pero wala pa rin ito.

"Wait, antagal ata ni Drix," rinig niyang sabi ni Bella.

"Yeah, kanina pa yun, eh." sabi naman ni Stella.

"Baka natagalan lang sa kausap. Buti pa lumabas na lang tayo at hintayin na lang natin sa parking lot." Saad pa ni Keith na kanina pa salubong ang kilay.

Lagi kasi siyang iniirapan ni Xandra tuwing magtatagpo ang mga mata bilang dalawa.

"Buti pa nga," sang-ayon ni Lyle at naunang tumayo.

Tumayo na lang din ako at gano'n din ang iba. Kinuha ko ang coffee at cupcakes ni Bisugo para ibigay na lang sa kaniya mamaya.

Naunang lumabas si Xandra na sinadyang binungho ang balikat ni Keith. Mahinang napamura pa si Keith dahil sa ginawa ng pinsan ko.

Napapailing na lang ako habang nakapamulsa ang isang kamay ko na lumabas ng cafeteria.

"Mauna na muna kayo sa parking lot. Hahanapin ko lang si Bisugo," sabi ko sa kanila.

"Okay. Sunod agad kayo, ah!" bilin pa ni Kyla.

Tinanguan ko na lang siya bago sila umalis. Tumingin na lang ako sa paligid habang naglalakad.

Saan naman kaya ang lalaking yun?

Tsk!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang hinahanap si Bisugo----napatigil ako ng may mamataan ako sa 'di kalayun kung saan may dalawang taong magkayakap habang nakaupo sa bench.

Napakunot ang noo ko habang nanliliit ang mga matang tinitigan ang dalawa.

Is that Drix and Kiana?

Dahan-dahan akong naglakad palapit ng hindi nila namamalayan at naging blanko ang mukha ko ng mapagtanto na sila nga.

Shit!

Parang sandaling tumigil ang mundo ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakasubsob ang mukha ni Kiana sa dibdib ni Bisugo habang nakayakap sa binata.

Fuck!?

Napakuyom ang kamao kong nasa bulsa ko habang halos malukot na ang lalagyan ng kape na hawak ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

Did I told him to stay away from Kiana? Pero hindi siya nakinig.

Walang kabuhay-buhay na tiningnan ko silang dalawa. Nakita kong nag-angat ng tingin si Kiana kay Bisugo ng may ngiti sa mga labi.

What does it mean?

"I don't know what to do without you, Drix." malambing at inosente ang boses na aniya ng babae.

Halos bumaon na ang kuko ni Ashi sa palad nito dahil sa pagkuyom ng mahigpit.

Tingnan mo nga naman, ang taong maitim ang budhi ay napaka galing magpanggap na inosente at hindi makabasag pinggan.

Mapaklang sabi ni Ashi sa isip nito habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa dalawa.

"It's ok. Just take care of yourself. I'll go ahead, Ashi is waiting for me-----"

Napatigil si Drix sa pagsasalita dahil sa hindi inaasahang ginawa ni Kiana na ikinatigil din ni Ashi na nasa likod lang nila.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ashi dahil sa nakita niya. Ang kaninang nalukot na lalagyan ng kape ay tuluyan ng nasayang na halos lukumusin na nito. Pakiramdam niya ay piniga ang puso niya dahil sa nakita. Parang tinaksilan ng buong mundo ang pagkatao niya.

"Why did you kiss me?" gulat na tanong ni Drix kay Kiana.

"It's my way to say thank you." malambing ang boses na sagot ni Kiana.

Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Drix kay Kiana. Nilukob ng matinding kaba ang dibdib ni Drix na baka may nakakita sa ginawang paghalik ni Kiana sa kaniya at magsumbong kay Ashi.

Wala sa sariling naitulak ni Drix si Kiana palayo sa kaniya at mabilis na tumayo.

"Don't ever do it again!" pigil ang inis na sabi ni Drix.

Mabilis na tinalikuran nito si Kiana ngunit napatigil siya ng makitang may taong nakatayo sa harapan niya. Malutong na napamura si Drix sa isip nito ng makita kung sino ang babaeng nakatayo.

"Love..." Halos pabulong na bulalas ni Drix habang nakatingin sa blankong mukha ni Ashi.

Tiningnan siya ng walang kabuhay-buhay ni Ashi bago lumapit at binalingan si Kiana na ngayon ay masamang nakatingin kay Ashi.

Ikaw pa may ganang magalit malandi ka!

Galit na sabi ni Ashi sa isip nito at matamang tiningnan si Kiana. Animo'y sinusuri ito ni Ashi sa uri ng tingin nito sa babae.

Habang si Drix ay hindi mapakali habang nakatingin kay Ashi na tahimik na sinusuri si Kiana. Pakiramdam ni Drix ay sinaksak ang puso niya sa blanko at walang kabuhay-buhay na mukha ng kasintahan.

"Masarap ba?" malamig na tanong ni Ashi sabay lingon kay Drix.

Natigilan ito habang dinadabog ng kaba ang dibdib niya. Nakaramdam pa siya ng kilabot dahil sa lamig ng boses ni Ashi.

"A-ano?" mahinang tanong ni Drix.

"Sabi ko, masarap ba?" Blankong ulit nito.

Napakurap-kurap si Drix. "A-ang alin?" kinakabahang tanong niya.

Mapaklang natawa ng mahina si Ashi na agad din namang naging seryuso ulit.

"Damn! Masarap ba siyang humalik kesa sa akin?" pigil ang inis na tanong ulit ni Ashi.

Hindi nakapagsalita si Drix. Pakiramdam niya ay may nakabara sa lalamunan nito. Napatango-tango si Ashi na animo'y nasagot ang tanong nito sa katahimikan ni Drix.

"I think, I know the answer." malamig na sabi nito at muling binalingan si Kiana na lihim na nakangisi habang nakatingin kay Ashi.

Serves you bitch

Sabi ni Kiana sa isip at matalim na tiningnan si Ashi na walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mga mata nito.

I shouldn't let you ruin me. I shouldn't let you take Drix away from me. And I won't let you to hurt those important love ones of mine.

Mariing anas ni Kiana sa isip nito ng hindi inaalis ang tingin kay Ashi na kanina pa kinikilatis ang babae.

"Tingnan mo nga naman," biglang sabi ni Ashi habang mariing nakatingin sa balikat ni Kiana, "What a small world." Dagdag pa ni Ashi na ikinakunot ng noo ni Kiana at Drix.

"Love." tawag ni Drix sa kasintahan pero hindi siya pinansin nito.

"Kahit anong pilit na pagtatago ng katauhan kung sa bawat kilos at tingin lang naman pala mahuhuli." makahulugang saad ni Ashi habang nakatingin kay Kiana.

Hindi nakapagsalita si Kiana habang halatang hindi naintindihan ang ibig sabihin ni Ashi.

"Love, what are you trying to say?" naguguluhang tanong ni Drix.

"What I'm trying to say?" baling ni Ashi kay Drix na ikinalunok ng lalaki. "I think we should stop-----"

"No!" mabilis na pigil ni Drix sa kaniya at walang pasabing niyakap niya si Ashi.

"Let me go." malamig ang boses na utos ni Ashi sa lalaki pero hindi ito nakinig.

"Don't, please. I'll explain it to you, just don't break with me. Please. I love you very much, Ash." basag ang boses na pakiusap ng lalaki.

Natigilan si Ashi habang nakatingin kay Drix na mahigpit na nakayakap sa kaniya at halatang humihikbi ito.

What the fuck!?

Mura niya sa isip. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga ng maluwag.

"Let me go, Bisugo." pilit pinapalamig ang boses na sabi ni Ashi pero umiling lang si Drix.

"No. I won't if you don't promise that you will not going to broke up with me." halos mapaos ang boses na saad ng binata.

Muling napamura si Ashi sa isip niya ng maramdamang basa na ang balikat nito.

"Did I told you to cry?" salubong ang kilay na tanong ng kasintahan.

"N-no. But please listen to me. Don't broke up with me please." pagmamakaawa ni Drix at hinawakan ang mukha nito.

Parang hinaplos ang puso ni Ashi ng makita ang mukha ni Drix na basang- basa sa luha nito. Kita niya ang takot sa mga mata ng binata.

"May sinabi ba akong makipaghiwalay sa 'yo?" mas lalong nagsalubong ang kilay na tanong ulit nito.

Natigilan si Drix at biglang lumambot ang mga mata nito.

"You mean... you're not going to break up with me?" puno ng kabang tanong niya.

"Pag-iisipan ko pa," walang ganang sagot ni Ashi at akmang tatalikod na siya ng balingan niya si Kiana na halos patayin na siya sa sama ng tingin nito.

Lihim na natawa ng sarkastiko sa isip si Ashi at nakipagtagisan ng titig kay Kiana.

"Don't look to me like that. I'm not a child to feel scared with your death glare." malalimig na bulong ni Ashi sa kaniya.

Sumama lalo ang mukha ni Kiana bago napatingin kay Drix. Napalitan ng maamong mukha ang mukha nito ng makitang nakatingin si Drix sa kaniya.

"I don't care bitch." bulong ni Kiana at muling nakipagtagisan ng tingin kay Ashi.

Nang-uuyam na tumawa ng mahina si Ashi.

"You're just referring to yourself. I'm afraid that you'll become more of it." nakangising bulong ni Ashi at sinadyang tinapik sabay pisil sa balikat ni Kiana dahilan para mapadaing ito sa sobrang sakit.

"Damn you!" impit ang galit na mura ni Kiana sa kaniya.

Inosenteng tumingin si Ashi sa kaniya. "Oh, sorry bitch. I didn't know that you have a 'wound' on your shoulder." malalimig at makahulugang sabi ni Ashi bago ito tinalikuran at blankong naglakad palabas ng campus.

Hindi na nito nilingon si Drix na panay ang tawag sa kaniya. Hanggang sa makarating ito sa parking lot.

Napapantastikuhang napatingin sa kaniya ang mga kaibigan ng makitang blanko at walang kabuhay-buhay ang mukha nito.

"Ash, what happened?" takang tanong ni Lyle.

Hindi nagsalita si Ashi at deretsong lumapit lang ito sa Ducati niyang motor at walang pasabing sumampa ito bago pinaharurot paalis ang motor.

Napanganga silang lahat habang nakatingin kay Ashi na papalayo na. Para silang tanga habang nagkakatinginan sa isa't isa.

Napatingin si Xandra sa gate ng makitang nagmamadaling lumabas si Drix habang kasunod nito si Kiana na panay ang tawag sa kaniya.

Oh, shit!

Napamura si Xandra sa isip nito ng maintindihan niya kung bakit biglang gano'n umakto ang pinsan niya kanina.

"I think, I know the reason." rinig kong sabi ni Lyle na sinundan pa ng malutong na mura ni Keart at Keith.

"Hey! Anong nangyari sa inyo ni Ashi?" salubong ang kilay na tanong ni Bella sa pinsan niya.

Napatigil si Drix at kita nilang lahat ang kaba, sakit at lungkot sa mga mata nito.

"She saw how Kiana kiss me." nanghihinang sagot nito.

"Oh, fuck!?"

"Damn man!"

"You're dead!"

"Shit"

"What!?"

"Ano!?"

"Patay!"

Sari-saring reaksiyon ng mga ito habang gulat at matalim na nakatingin kay Kiana na nasa likod lang ni Drix.

Animo'y wala lang kay Kiana ang ginawa nitong paghalik kay Drix kung umakto ang babae.

Biglang umahon ang inis at kamalditahan ni Xandra at walang pasabing nilapitan nito si Kiana at malakas na sinampal ang huli.

Halos mapasinghap silang lahat dahil sa ginawa ni Xandra. Pati si Kiana ay hindi inaasahang sasampalin siya ni Xandra.

"Para 'yan sa ginawa mo." blankong sabi ni Xandra at muling sinampal si Kiana sa kabilang pisngi na ikinatabingi ng mukha ni Kiana. "Para 'yan sa panlalandi mo sa lalaking alam mo namang pag-aari ng pinsan ko." malditang sabi ni Xandra bago sinadyang nag flip-hair dahilan para tumama sa gulat na mukha ni Kiana saka parang walang nangyari na tinalikuran niya ang huli bago sumampa sa motor nito.

Lahat sila nakanganga pati na rin si Drix habang gulat na gulat pa ring nakatingin kay Xandra.

"Serves you bitch!" nakangising sabi ni Stella nang makabawi ito sa gulat.

"Yeah. Malandi kasi," segunda naman ni Theresa.

"Gosh! Ang kapal talaga ng moks!" nakairap na sigaw ni Mello.

"Next time, huwag kang manghalik ng may girlfriend kung ayaw mong ako ang kakalbo sa 'yo." pigil ang inis na sabi ni Bella habang masamang nakatingin kay Kiana na ngayon ay masama na rin ang tingin sa kanila.

Napapailing na lang sila Keith at tiningnan si Drix na parang pinagsakluban na ng langit.

"Huwag kang tatayo-tayo lang diyan, dre. Habulin mo at kausapin," mahinahong sabi ni Lyle sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Naku! Kayo pa naman ang partner sa projects niyo, dre. Lagot ka," pananakot ni Keart sa kaniya.

Mabilis naman na binatukan ni Keith ang pinsan at napabuntong-hiningang bumaling kay Drix.

"Kausapin mo siya ng maayos para magka-ayos kayo agad. Aalis na ako." sabi nito bago sila tinalikuran at pumasok sa kotse nito.

Nagpaalam na rin ang iba at naunang umalis. Akmang aalis na si Drix ng pigilan siya ni Kiana.

"Drix, I'm sorry. Hindi ko naman alam na nando'n pala----"

"Kahit na! Hindi mo na sana ginawa yun. Alam mo namang may girlfriend na ako, Kiana. Please lang, huwag mo ng ulitin pa yun." malamig na sabi ni Drix bago tuluyang lumapit sa kotse nito at pinaharurot paalis.

Mariing nakatingin lang si Kiana sa palalayong kotse ni Drix habang nakangisi ng may pagmamalaki.

"I swear, I won't make you both happy while I'm suffering in pain." seryusong bulong nito bago umalis ng parking lot.



TAHIMIK na tinahak ni Ashi ang daan patungo KJMAX resto bar habang ilang beses na napapamurasa isip nito. Pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang manuntok at gusto niyang makipagbasag-ulo para mawala ang nararamdaman niyang inis at tampo sa kasintahan niya.

"Damnit!" malutong na mura nito hanggang sa makarating sa tapat ng bar.

Agad niyang ipinarada ang ducati nito sa gilid at pumasok sa loob ng bar. Kahit maaga pa ay bukas na ang bar at may iilang customer sa loob na umiinom.

Lumapit siya sa table na malapit lang sa dulo ng bar bago naupo at pumikit. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya pero hindi talaga niya mapigilang maalala ang nakita niya kanina.

Parang kinain siya ng selos dahil sa paghalik ni Kiana sa nobyo niya.

"Tanginis! Gusto kong uminom." murang sabi nito.

Sakto namang pagmulat niya ng mata ay lumapit si Billy sa kaniya. Ngayon lang niya ulit nakita ang binata dahil ngayon lang siya nakabalik ulit sa resto.

"Hey! Why are you here? At bakit ganiyan ang mukha mo?" takang tanong ng binata sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago pinagsaklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.

"I want something to drink. Give me two bottles of whiskey." sabi ni Ashi at hindi sinagot ang tanong nito.

Napapailing na lang si Billy bago tumayo at kinuha ang order nito. Sinalihan na rin niya ng pulutan na laging order ni Ashi pagkatapos ay hinatid sa table nito.

"Here," sabi ni Billy sabay lapag ng dala nito sa harap ni Ashi bago naupo sa kaharap na upuan.

"Ano bang nangyari sa 'yo? Nag-away ba kayo ng nobyo mo?" pangungulit ng binata.

Binuksan ni Ashi ang bote ng whiskey at walang pasabing tinungga ito bago nagsalita.

"Nahuli ko siyang hinalikan ng ex niya." mapait na sabi nito at muling tinungga ang alak.

"Ano?! Gago pala siya, eh!" galit na sigaw ni Billy. "Nasaan ba siya? Gusto mo puntahan ko at bugbugin?" seryusong sabi nito.

Tiningnan siya ng masama ni Ashi na ikinaiwas nito ng tingin.

"Huwag mo siyang bugbugin baka ikaw ang bugbugin ko." blankong sabi ni Ashi na ikinailing ng binata.

Napabuntong-hininga pa ito at tinitigan si Ashi. "Mahal mo talaga siya, ano?" kapagkuwan ay tanong nito.

Nagkibit-balikat si Ashi at tahimik na umiinom. Pinagmamasdan lang nito ang dalaga habang tinutungga ang bote ng whiskey.

"Kamusta na pala sila, Tita?" kapagkuwan ay tanong ni Ashi sa binata.

"Ayos naman. Nagtrabaho si Mama ngayon dito pero nasa kainan siya ngayon." sagot nito.

Napatango si Ashi at muling nagtanong.

"Eh 'yong mga makukulit na bata?" baling nito sa kaniya.

"Nasa bahay at nag-aaral. Hinahanap ka nga ng mga kapatid kong 'yon. Hindi ka na raw pumunta ulit do'n." mahinahong sagot nito.

"Tsk! I'll come there if I have a free time. How about you? Hindi ka na ba sumasama sa mga gang?" deretsong tanong ni Ashi sa kaniya.

Natahimik ito at umiling. Alam ni Ashi na mga gang ang kaibigan ng binata dati. Minsan a niya itong nakitang kasama ng mga ito. Kaya nga ito ang kinuha niya kapalit nilang tatlo nila Xandra para magtrabaho sa resto bar.

"Hindi na. Gusto kong magtrabaho at nang makaipon para sa susunod na pasukan. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko." aniya niya.

Tinanguan lang siya nito at hinayaang uminom ang dalaga bago bumalik sa trabaho nito.

SA KABILANG banda ay kanina pa si Drix sa labas ng mansion habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Ashi upang palabasin ito para mag-usap silang dalawa. Hindi niya alam na wala si Ashi sa loob at halos nabaliw na siya dahil hindi niya pa rin makontak ang nobya niya.

Hanggang sa nag-text ang kaibigan nito para pupunta na sila sa dapat pupuntahan nila. Napamura na lang ng mahina si Drix bago tumingin sa malaking gate.

"I will talk to you tomorrow." bulong nito bago mabilis ma pumasok sa kotse at pumunta sa tambayan nilang magkakaibigan na nagsilbing HQ nila.

*******

SA KABILANG banda, busy sila Xandra sa HQ ng mga ito dahil may natanggap silang text na may gaganaping pagpupulong-pulong sa UG (underground) kung saan isa rin sila sa mahahalagang mga taong dapat na naroon. Pasado alas-singko kanina noong nakarating sila sa mansion ng mga Ibañez galing sa school nila ng matanggap ang text.

Hinahanap pa nila si Ashi ng malamang hindi umuwi ng mansion ang kaibigan nila.

"Aish! Nasaan na ba si Ashi? Paniguradong hahanapin siya mamaya ng mga high rank." niinis na sabi ni Lyka habang kahaarap nito ang kapatid.

"Ewan kung saan nagpunta ang babaeng yun. May LQ sila ni Drix kanina," aniya ng kapatid.

Napangiwi na lang si Lyka dahil sa sinabi ni Kyla.

"Iba nga naman ang nagagawa ng pag-ibig." tanging sabi ni Lyka.

Si Clark naman ay nakaharap na naman sa laptop habang may kung ano-anong ginagawa. Si Xandra na nagpapalit ng damit para sa lakad nila.

"Tawagan niyo na lang siya." suhestiyon ni Clark.

"Duhh! Hindi ko na mabilang kung ilang beses na tinawagan ang babaeng yun pero cannot be reach pa rin." nakairap na wika ni Lyka.

Napapailing na lang si Kyla dahil sa kapatid niya. Umandar na naman ang pagkamaldita at pagkamainipin nito.

"Wait, I'll track her." sabi ni Clark.

Maya-maya ay na track na ni Clark kung nasaan ang kaibigan nila.

"Nasa KJMAX resto bar siya." sabi nito.

Nagkatinginan ang mgkapatid at sabay na napabuntong-hininga. Alam nilang kaya nandon'n si Ashi dahil umiinom ito.

"Pupuntahan ko na lang siya. Anong oras na oh-----"

"No need. Mukhang paalis na siya sa resto bar." pigil ni Clark kay Lyka. "Try to call her now." Pautos na dagdag pa ni Clark.

Mabilis na kumilos si Kyla at tinawagan ang kaibigan. Napahinga siya ng maluwag ng makontak na ito.

"[What?"] Masungit na sagot nito sa kabilang linya.

"[Dumeretso ka sa HQ ngayon na, may lakad tayo.]" saad ni Kyla bago pinatay ang tawag.

Nag-thumbs up si Kyla at inayos na rin ang sarili. Nagsuot lang sila ng puro kulay itim na damit, leather jacket, leather boots at kulay gold tiger design na mask.

Kailangan nilang magsuot niyon dahil iyon ang tanda at pass code nila para makapasok sa UG.

Sakto namang natapos na silang lahat ay bumukas ang pinto at pumasok ang hinihintay nila na blanko ang mukha pero halatang nakainom.

"Magbihis ka na, sa UG tayo dediretso ngayon." mahinahong sabi ni Xandra sa pinsan.

"Okay." Maikling sagot nito at pumasok sa private room nito.

Naghintay lang sila ng limang minuto at natapos na ito. Sabay-sabay silang lumabas ng HQ at kaniya-kaniya ng sakay sa mga motor nilang ducati na magkaiba ang kulay.

Nauna pa si Ashi sa kanila na ikinailing nila at sumunod ang mga ito.

PAGDATING nila sa malaking entrada ng UG ay agad silang pinapasok ng mga naglalakihang mga bantay sa malaking gate na yari sa ginto. Walang basta-basta ang makakapasok sa loob kapag may mga nagtatangka.

Masyadong matataas ang mga bakod na may mga matutulis na desenyo sa tuktok ng bawat bakod. May mga nagkakalat na iba't ibang kakaibang mga CCTV camera sa bawat sulok sa loob at labas ng UG.

Mabilis at astig na ipinarada ng lima ang kanilang mga naglalakihang mga motor at halos sabay pang nagtanggal ng mga helmet dahilan para mapapatingin sa kanila ang ibang naroon.

Kita sa mga mata ng mga naroon ang paghanga para sa lima. Masyado silang astig at nakakatakot tingnan sa mga aura nilang hindi mo basta-basta mabasa kung wala kang abilibad sa pagbabasa ng isip.

"Wew." sipol ni Lyka nang tuluyan nang makababa sa motor nila at naglakad papunta sa malaking gintong pinto para makapasok sa UG kung saan nahati sa tatlong parti.

Ang AB (Arena Battle) kung saan nakikipaglaban para sukatin kung hanggang saan ang kaya mo at ang pangalawa ay ang WG (working Ground) kung saan naroon ang lahat ng mga detectives, agents, FBI, hacker, bomb maker, computer operator, codes master at iba pang may naatasang trabaho araw-araw sa loob ng WG at ang pangatlo ay KG (Kings Ground) kung saan naroon lahat ng mga kataas-taasan ng organisasyon. Pati na rin ang mga may ranggo tulad ng king, queen, emperor, impress, judge, president, gods of Mafia, prince, princess, masters and grandmaster at iba pang matataas na position.

Pinapasok sila Ashi sa loob at pinagtitinginan sila ng mga nadaanan nila. Blanko lang ang makikita mo sa kanilang mata habang nakapamulsang naglalakad.

Hanggang sa madaana nila ang AB at ang WG ay tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad papasok hanggang sa makarating sila sa tapat ng malaking pinto ng KG.

"Japanese code name?" tanong ng bantay.

Lumapit si Ashi at sumunod naman ang apat.

"Ritsuko Rin Sachiyo," malamig na pakilala ni Ashi.

Means, child of the law, cold, happy generation.

"Risuka Saiko Riye," blankong pakilala ni Xandra.

Means good law, serene child, blessed with logic.

"Sachi Rieko Reina," pakilala ni Kyla.

Means colorful wisdom, child bless with logic, pure and clean.

"Sachiko Riyeko Saeko," pakilala naman ni Lyka.

Means child of happiness, child blessed with logic, serene child.

"Tomio Shunichi," blankong pakilala ni Clark.

Means treasured man, first born son of shun.

Mabilis na binuksan ng bantay ang malaking gintong pinto at yumuko sa harapan namin bago iminuwestra ang kamay nito tandan na makakapasok na sila sa loob.

"Please get inside. The highest are waiting." sabi ng magandang babae na sumalubong sa kanila.

Tinanguan lang nila ito at dumeretso sa malaking bulwagan ng hall kung saan naroon ang lahat.

Napatingin sa kanila ang mga nasa loob lalo na ang mga nasa itaas na mga hari at reyna ng kanilang organisasyon.

Napatingin pa si Ashi sa katabi ni Hiroshima ang gods of mafia. It was her lolo who blankly stare at her. Animo'y sinusuri ng matanda ang kilos nito. Hindi pinahalata ni Ashi na nakainom siya habang walang emosyon ang mukhang dumeretso sa pwesto nila. Nakita niya rin ang ama niyang nakaupo sa tabi ng lolo niya.

Napatigil pa sila at napatingin sa grupo ng mga lalaking nakaupo malapit lang sa pwesto nila. Nakatingin din ang mga ito sa kanila kahit pa nakamaskara ng red dragon ang mga ito ay nararamdaman nila ang mga aura ng mga ito.

It was the Red Dragon group. The second rank gang.

Napatuon ang tingin ni Ashi sa leader ng mga ito. Parang may spark ng magtama ang mga mata nilang dalawa.

Why I always feel that I know him?

Bulong ni Ashi sa isip nito habang hindi inaalis ang tingin sa leader ng red dragon.

Nilagpasan na lang nila ang mga ito at dumeretso sa kanilang puwesto. Tahimik na naupo sila at tumingin sa gitna ng hall. Pa round ang mga upuan at pabilog silang lahat tingnan.

Hanggang sa magsimula ang pagpupulong-pulong ng lahat. Nakinig lang sila sa bawat salitang labas sa bibig ng mga kataas-taasan.

Habang nakikinig ay nararamdam ni Ashi na may nakatingin sa kaniya. Palihim na tumingin siya sa paligid at namataan niya ang leader ng red dragon na nakatitig sa kaniya.

Anong problema ng lintik na ito at kanina pa nakatitig sa akin?

Tanong nito sa isip habang blankong nakatingin sa lalaki na parang kinikilatis siya nito.

Tsk!

Tinaliman lang ito ng tingin ni Ashi bago ulit nakinig sa nagsasalita. Halos umabot ng isang oras ang pagpupulong-pulong nilang lahat hanggang sa natapos at nagsilabasan na ang iba.

Akmang tatayo na rin sila pati na rin ang red dragon group ng biglang may lumapit sa kanila at nagsalita.

"The emperor wants you two to follow him on his office." pormal na sabi ng babae na tinuro si Ashi at ang leader ng red dragon.

Napakunot ang noo ni Ashi sabay tingin sa lalaking tumayo at lumapit sa kaniya habang nakapamulsa. Nakaitim lahat ng damit ang lalaki maliban sa red dragon mask nito.

"I'm Red, the leader of red dragon rank two." pakilala nito sa baritonong boses.

"Tsk! Alam ko. I'm Black, the leader of Black Phantom," Blankong sabi ni Ashi at hindi inabot ang kamay nito.

"Ang sungit naman ng leader niyo." Bulong ng isa sa kasamahan nila dahilan para pandilatan ito ng mata ni Lyka.

It was Twilight.

"Shut up if you don't want to be killed right now." banta ni Lyka na ikinangiwi ng lalaki.

"Hey!" halos sabay silang sampu na napatingin sa bagong dating.

It was Stone, the prince. Son of the king and queen who are closed friend of Ashi.

"Stone." Banggit ni Ashi sa pangalan nito.

Nakangiting lumapit ito sa kaniya sabay yakap.

"Yes, I am." nakangiting sabi nito habang ang mga mata ay kakaiba.

"Mmm... long time no see." mahinahong sabi ni Ashi.

Mahinang natawa ang prinsipe at inakbayan siya bago nagsalita.

"It's not long time no see, Black. I always meet you outside." nakangiti at makahulugang sabi ni Stone.

Pinaningkitan siya ng mata ni Ashi na ikinatawa lalo nito. Walang naalala si Ashi na nakita nita ito sa labas. Lalabas lang naman ang isang 'to ng nakamaskara kaya alam niyang mapapansin kaagad niya ang lalaki kapag nagkita sila.

"Nah! I already meet you without my mask. It's me and my real face." natatawang sabi nito.

Natigilan si Ashi dahil sa sinabi nito.

Real face? Lintik! Ni minsan ay hindi niya nakita ang mukha ng binata dahil lagi itong naka-mask tuwing mag-uusap o magkikita sila sa loob at labas ng underground.

Sabi nito sa isip habang matamang nakatingin kay Stone.

"Nagbibiro ka ata, Stone." napapiling na sabi ni Xandra.

"Nope. I'm not. It's just that, you guys didn't recognize me. Ashi even threatened me the last time we meet." Nakangising sabi nito.

Napapiling na lang si Ashi. Wala talaga siyang maalala na nagkita silang dalawa.

"Are we going to the emperor or not?" halatang naiinip na sabat ni Red habang nakapamulsang nakatingin kay Ashi.

Sumenyas si Ashi sa mga kasama pati na rin kay Stone bago tiningnan ang kasama niyang pupunta sa office ng emperor at naunang naglakad.

This is hell.




A/N: Hayan! Ngayon alam niyo kung sino sila Ashi? Kung bakit master at grandmaster ang tawag nila sa Dad niya at lolo nila. They are belong to an organization.

|•MysteriousBlueee•| R.C

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top