F (Oneshot)
A/N: I'm in the middle of doing or rather re-writing my Geometry project pero di ko na kaya sa sobrang haba kaya I am secretly typing this on my phone. I will edit this some time later. Patay ako pag nahuli ako ng magulang ko. Haha. I don't want to let this idea slip off my mind eh.
This is quite short (I guess?) so please deal with it. Hope you like it guys! Advanced Happy New Year!
Dedicated to pilosopotasya. Siya lang naman nagbibigay ng inspirasyon sa akin eh. :( Hahaha. Loveyou ulan!
Sorry for my long Author's Note.
-
F
by towaitforeternity
Book cover: Xuan loc Xuan
-
Paano nga ba nagsisimula ang isang storya? Gigising ang bidang babae? Papasok sa paaralan nang nagmamadali dahil sa late na siya? Makakabangga ang isang poging poging lalaki dahil sa pagmamadali? Mag-aaway sa umpisa pero sa huli magkaka-inlove-an?
Cut it off.
Eh bakit ako sa gitna ng klase magsisimula? Nasaan ang lalaking makakabangga ko sa loob ng classroom habang nagkaklase?
Talagang pinwesto pa ako sa tabi ng bintana. Nakatadhana ba talaga akong maging isang badass? Gusto ko naman talagang mag-aral mabuti eh. Sadyang ayaw ko lang.
Oo, ganun yun.
Lumingon nalang ako sa labas ng bintana. Nakita ko dun yung pinakamamahal kong bestfriend. Si Fahren. Free time ata nila. Naglalaro kasi sila ng volleyball sa grounds.
Paano mo nagagawa 'to sa akin, Fahren?
"Who can prove this?"
Paano mo nagagawang magsaya habang ang bestfriend mo eh nandito sa classroom, dumudugo ang utak dahil sa Geometry?
"Ms. Silverio, can you please prove that triangle ABC is similar to triangle XYZ?"
Paano mo nagagawang maging ganyan ka manhid, Fahren? I hate you.
"Ms. Silverio wherever your mind is flying right now, can you please have your attention in here!"
Oh man.
"I'm sorry ma'am?"
"I don't know what I'll do to you, Ms. Silverio." She sighed deeply while shaking her head. "Now, can you please prove it?"
Prove what? Shocks. Make a lucky guess, Kollin!
"Through ASA Similarity Postulate?" I smiled awkwardly.
"Then prove it." She turned her back on me.
I hate you, Fahrenheit Tolentino. I don't fvcking know why I love you even though I hate you.
-
Lunch Break na. Buti naman. Hindi ko na kasi talaga kinakaya ang Geometry!
"Kollin! Sabay ka samin mag-lunch?"
Ngumiti ako.
"Hindi muna sa ngayon, Faith. Sasabay ako kay Fahren." Tumango naman sila. Parang kulang ata? "Absent parin ba si Isabela?"
"Ah, oo. Ang bruha kasi nasa Vietnam." Ako naman ang tumango this time. Umalis naman na sila.
Napabuntong hininga ako.
Bakit ba kasi hindi ako kasing talino ni Isabela sa Geometry? Come to think of it, magaling naman ako sa English pero sa Math? Thanks, but no thanks. Hindi rin naman ako mahirap pero bakit hindi ako kasing yaman ni Isabela? Kita niyo naman, pa-Vietnam Vietnam nalang sa gitna ng school year.
Bakit ganun, Lord? Bakit ginawa mo lang akong maganda?
Well that's a joke of course.
Isabela Monreal is your typical 'girl next door' type. She has natural long brown hair na laging may ribbon. Mapaheadband, ponytail or clip, laging may ribbon. She has this angelic face na kahit magsinungaling siya, paniniwalaan parin ng lahat. She is quite tall. She has a whiter skin complexion than mine. Her skirt is shorter than the usual. Binabagayan ang mahaba niyang legs.
I, Kollin Silverio, am nothing compared to her. May buhok naman ako. Itim nga lang at walang style kaya lagi kong tinatali. Ako yung funny type of a person kasi katawa tawa ang muka ko. Not in a bad way, pero ang sinasabi ko lang eh hindi ito angelic. 156cm lang ang height ko kahit third year highschool na ako. Maputi ako pero mas maputi sa akin si Isabela. To sum all of it, walang espesyal sa akin.
Napakamot nalang ako sa ulo ko.
Bakit ko kinukumpara ko ang sarili ko sa kanya? Isa lang naman ang dahilan.
"Uy, Kollin ang pangit mo! Tara kain na tayo!" Sigaw ni Fahren mula sa pinto ng classroom. Ang kapal ng muka.
Lumabas na ako dala yung wallet ko.
"Pumasok na ba si Isabela?" Oo, ito ang rason. Tss.
"Hindi pa." Ba't ka ba tanung ng tanong?
"Sayang."
Napairap nalang ako.
Kasi ganito yan. Hindi ko naman talaga kakilala si Isabela. Section 2 kasi ako dati (section nila Fahren) at natransfer sa Section 1 this school year dahil sa academic performance ko. Dalawang linggo na mula nang nagsimula ang school year at di pa siya pumapasok. Sa picture at sa kwento lang ng mga kaklase ko siya tunay na nakikilala.
Na kesyo ganito raw siya, kesyo ganyan.
Medyo nakakasawa na. Tapos itong si Fahrenheit, panay Isabela narin. Ang sarap hambalusin at itakin.
Nang makabili naman kami ng pagkain, sa bench kami sa garden umupo. Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos akong kumain. Pagkalingon ko sa kanya, tapos na pala siya. Ang pagkabusy nalang sa pagtetext ang tatapusin niya.
Natitiis mo akong ganito Fahren?
Sisigawan ko na sana siya nang nakita kong napangiti siya habang nagbabasa ng text. Yung abot tenga. Yung nakakabwisit. Yung nakakasakit.
"Hoy Fahrenheit kanina ka pa ha! Yayayain mo nalang ako maglunch, hindi mo pa ako kakausapin!"
Nagulat siya sa biglang pagsigaw ko at parang natauhan. Yung para bang, 'Hala Kollin, nandito ka papala?' Damn you, Fahren.
Inirapan ko siya at kinuha ang pinagkainan ko paalis na sana ako nang hablutin niya yung bewang ko at niyakap yon.
Muntikan pa kong matapunan ng sauce.
"Nagtampo naman 'tong si Kollinpot! Sorry naaaaaa."
Alam ko dapat galit ako. Pero bakit ako kinikilig? Nakakainis talagang maging babae.
Kumalas rin siya at hinarap ako sa kanya. Ngumiti siya kaya ngumiti narin ako.
"Sino ba ang katext mo?" tanong ko.
"Babalik na si Isabela bukas."
Nawala yung ngiti ko at napakunot noo. Oh talaga? Balita ko wala yun sa tanong ko ah?
"Oh ano ngayon?" Inis kong tanong.
"Wala lang." Humalakhak siya.
I faked a smile though. Kahit gustong gusto kong umiyak. OA na kung OA.
-
Isabela did return the next day after that. One week na rin mula noon. Sa isang linggo na yun, hindi pa kami nag-uusap ni Isabela. Akala ko photogenic lang siya pero maganda pala talaga. Nakakaintimidate. Sobrang bait pa. Ano namang panama ko dun?
Isang linggo ko narin siyang kahati sa atensyon ni Fahren. Sa break time sa umaga at hapon si Isabela, pag lunch break ako. Ewan ko lang ha. Pero kailan ba sila naging close?
Minsan pa, nakita kong nakaakbay si Fahren kay Isabela sa bench. Ayoko maging selfish pero hindi ko mapigilan. Hindi naman ako nagpapakaselfish dahil gusto kong ako lang ang kaibigan niya eh.
Ang gusto ko kasi mas higit pa doon.
"Ano ba talagang relasyon nila?" tanong ni Faith sa isa naming kaklase habang nakasilip rin sila sa bintana.
"Hala hindi mo alam?"
"Meron ba talaga?"
"Oo naman! Sus! Tingin mo ang ganyan kaclose walang relasyon? Sinabi sa akin ni Isabela."
"Ano nga bang relasyon nila?"
"Ang totoo niyan-"
Umalis na ako. Kasi kahit ayaw kong marinig, alam kong maririnig ko. Pumunta ako sa CR at dun umiyak. Patapos na ang lunch. Wala akong pakialam kung magkaroon ako ng cuts. Hindi ko na kasi kayang maging malakas.
Nakakapagod na.
Ang kumplikado namang mainlove sa bestfriend ko. Masyado kong iniintindi yung pagkakaibigan namin eh. Okay lang ba 'to kahit nasasaktan na ako?
Kasi...di ko na kaya.
Halos dalawang oras rin akong ganun. Sobrang nangalay nga rin ako. Nahirapan pa akong tumayo dahil namamanhid na yung paa ko. Pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyunan kong gawin na 'to. Ma-risk na kung ma-risk. Selfish na kung selfish. Hindi ko na kasi talaga kayang magpanggap.
Alam kong English nila ngayon at wala si Ma'am kaya free time sila.
Inayos ko muna nag pagmumuka ko bago lumabas ng classroom. Alam ko namang wasted na ako at lalo pang magiging wasted pero ugh. Kailangan ko na 'tong gawin.
Dumaan ako sa classroom nila para tignan kung nandun siya. Pero wala. Kaya bumaba ako papunta sa grounds at nakita ko siya dun kasama ng mga lalaking kaklase niya.
Ugh! Malapit na mag-bell! Ayokong abutan kami ng maraming studyante. Tiyak kasi na pag-uusapan nila kami-or ako rather.
Lumapit ako sa kanila at humupa yung tawa niya kaya tumigil narin sa pagtawa yung mga kasama niya.
"Uy Kollin! May klase kayo ngayon dib-WAIT. Umiyak ka ba?!" Mahinahon siya nung una pero bigla siyang napasigaw. Napansin yata yung namumugto kong mga mata.
"Ah, hindi! Teka lang. Pwede ka bang makausap?" Tumango siya. "Uhm...mag-isa."
Nagsitayuan naman yung mga kaklase niya. May tumapik pa sa balikat niya. "Ge, pre. Una na kami ah? Malapit narin kasi magbreaktime." Tumango ulit siya.
Lumingon siya sa akin nang may pag-aalala sa mga mata.
Punyeta.
"Kollin, may problema ba?"
"Oo."
"Ano yun?"
Tumahimik ako nang ilang segundo.
"Ikaw."
"Ha?! Ako? Bakit ako?"
Shit. Naiiyak ako.
"Hala Kollin! Ano bang nangyayari sa'yo? Kung ano mang nagawa ko, sorry na! Huwag ka naman umiyak. Kollin!"
Nagbell na damn it. I have to tell this.
"Fahrenheit, manhid ka ba?" Nakita kong napalunok siya. "Kung hindi, bulag ka ba? O tanga? Ay hindi. Ako pala yung tanga dito!"
I faked a laugh.
"Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pwedeng mahalin ikaw pa! Ewan ko rin ba sa sarili ko eh. Ang tanga tanga ko! Alam kong mali. Alam kong may possibility na hindi na tayo bumalik bilang ganito...bilang magbestfriends. Ugh! Ang sakit! Bestfriends Fahren. Hanggang dun lang ba talaga? Sorry kung dahil dito, eh ma-awkward tayo. Sorry kung dahil dito, baka hindi na tayo bumalik bilang dati. Matatanggap ko kung iiwasan mo ako pero isa lang ang sasabihin ko. Hindi ako magsisisi sa ginagawa kong ito. Kasi nasasaktan na ako.
"Alam kong nagtataka ka kung bakit ako biglang gumaganito. Baka sabihin mo nag-iinarte lang ako. Pero siguro nga, oo. Selfish ako, Fahren. Gusto ko ako lang. Ayoko ng may kahati ako sa oras mo. Pero siguro hindi lang yun, siguro kasi ayoko na hanggang dito lang tayo, na hanggang magbestfriends lang. Shocks hindi ko alam ang mukang ihaharap ko sa'yo pagkatapos nito pero wala. Eto yung totoo, gusto ko lang ilabas lahat."
Nakita kong dumadami na yung tao. May tumitingin, pero mas maraming walang pakialam.
"Ano?" Ngumiti siya.
Walanghiya.
"Putik yan, Fahren! Mahal kita! Hindi mo ba naiintindihan? Sinasabi ko lang naman na g-Bakit ka ngumingisi diyan?!"
Bigla kasi siyang ngumisi. Nakakainis. Ang sarap sarap hagisan ng itak!
"Hoy, siraulo ka ba? Ang dami dami kong sinab-"
Pero halos manlumo ako nang may narinig akong magsalita.
"Uy Fahren!"
Isang malaanghel na boses na alam ko na kung kanino-kay Isabela. Kaya pala panay ang ngisi! Hindi pala sa akin nakatingin ang mokong! Sa likod ko pala kung nasaan si Isabela nakatuon ang atensyon niya!
Sa inis ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nawala ang ngiti niya. Pinunasan ko yung mga luha kong halos patuyo na. Ngumisi siya ulit na para bang may naisip na kung ano. Nabubwisit na ako sa muka niya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap kay Isabela. Shit lang? Ganito muka ko tas ihaharap mo ako sa dyosang 'to? Nang-iinis ka ba o nananakit?
"Oh, hey. We're in the same class right?" Labag man sa loob ko, eh tumango ako nang nakasimangot. Alright, she has nothing to do with this unrequited love of mine. Ang bitch ko talaga. "So...you are?"
Wait-what? Isang linggo na kaming magkaklase hindi niya ako kilala? Oh well. Sige na.
Magsasalita na ako nang may sumabat.
"Si Kollin nga pala Isabela. Dati ko 'tong BFF eh. Ngayon F nalang." Humalakhak siya.
Pwede paisa lang? Isa lang talaga promise.
Tangina.
Mula bestfriends may balak pa siyang kaibiganin ako? Ang sakit.
"F, as in friends?" Ngumisi rin si Isabela na para bang nagkakaintindihan sila.
Oo na! Ikaw na! Ikaw na ang maganda Isabela. Iwawagayway ko na ang puting watawat.
"Hindi. F, as in forever." He smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top