CHAPTER 9
CHAPTER 9
Drie's POV
"Nandito ngayon ang kapatid mo? Mabuti yan. May kasama ka na sa bahay," masayang sabi ko kay Freyja. Matagal na kasi siya mag-isa.
"Yeah," walang ganang tugon niya.
"Bakit parang hindi ka masaya?"
"Masaya ako na nandito siya pero... nevermind."
"Drie, Freyja, pwede na daw kayo umuwi."
"Okay," tugon namin sa kasamahan namin. Nag-ayos na kami at saka nagpaalam.
"Dito na ako. May pupuntahan pa ako. Ingat ka," paalam ni Freyja sa akin bago humiwalay ng daan.
Okay. Mag-isa nanaman ako. Tulog na kaya ang baby ko?
"Drie!"
"Aykabayo! Sky naman. Aatakihin yata ako ng puso sayo. Akala ko kung sino na humawak sa balikat ko," reklamo ko kay Sky. Bigla pa naman ako hawakan sa balikat habang nasa mag-isa ako sa madilim na daan. Sino hindi matatakot?
"Sorry. Nakita kita mag-isa. Hatid na kita sa bahay mo," aniya sa akin.
"Okay. Saan ka galing?"
"Inaabangan ko yung kapatid ko. Hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi. Sigurado may ginagawa nanamang kalokohan. Kakalabas lang niya sa rehab, hindi nanaman siya mapakali."
"May kapatid ka pala?"
"Oo. Hindi mo alam? Mga kasing edad niyo lang siya ni Freyja. Doon siya ngayon sa apartment ko nakatira."
"Masaya siguro kung may kapatid din ako. Pareho kayo ni Freyja. Dumating kahapon ang kapatid niya. Doon na daw titira sa bahay niya."
"Masaya at masakit sa ulo kapag may kapatid ka. Lalo na kung panganay ka."
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Okay na ako dito. Salamat sa paghatid," sambit ko pagkarating namin sa pangalawang bahay bago ang tinitirahan ko.
"Sige. Ingat ka," aniya saka ako iniwanan. Ako dapat magsabi sa kanya na mag-ingat siya dahil hahanapin pa niya ang kapatid niya.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa tinititahan ko. Ngayon paano ako papasok? Naiwan ko ang susi ko. Ito ang dahilan kaya pinauna ko na si Sky. Ayokong malaman niyang wala akong susi. Tumayo ako sa tapat ng gate habang nag-iisip kung ano gagawin ko. Ayokong makaabala sa mga nakatira dahil lang sa naiwan ko ang susi ko. Pero kailangan ko na makapasok. Baka mamaya magpakita ang yung multong humahabol sa akin. O kaya killer?
"Aaahhhh! " sigaw ko nang may humawak bigla sa balikat ko.
"Drie, ako ito."
Natauhan ako bigla at napatingin sa likod ko.
"Kael, wag mo naman ako tinatakot. Akala ko kung sino na humawak sa akin," napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba kasi ginagawa niya dito labas.
"Sorry. Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong niya.
"Naiwan ko susi ko. Nahihiya ako magtawag. Saka ayoko makaistorbo sa natutulog dahil sa kababayaan ko."
"Ah! Pwede mo ko tawag. Gising pa ako ng mga ganitong oras kaya ayos lang sa akin."
Binuksan na niya ang gate para makapasok kami. Hindi naman pwedeng tumambay na lang kami dito.
"Ano nga pala ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?"
"May binili lang ako."
Ano binili niya? Wala naman siya dala. Hindi naman siguro candy? Nanahimik na lang ako kahit curious ako sa binili niya. Napatingin ako bigla sa kamay niya nang may mapansin akong kulay pula pagkahawak niya sa pinto.
"Dugo ba yan?" tanong ko sa kanya sabay hila ng kamay niya para tignan. Tuyo na ito senyales na kanina pa iyon.
"Mind your own business," aniya sabay tapik ng kamay ko at pasok sa loob. Natulala ako dahil sa sinabi niya. Masyado ba ako pakilamera? Hindu naman sa nangingialam ako. Hindi lang ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman ang totoo. Paano kung may malalang sugat siya?
"Sandali!" habol ko sa kanya. Papasok na siya kwarto niya nang maabutan ko siya. Ang bilis niya maglakad. Pagkahawak ko sa braso niya bigla siya napamura ng mahina. May nahawakan ako parang basa.
"Sorry. Hindi ko sinasadya," sabi ko agad bago pa siya magalit. Alam ko na yung sugat niya mismo ang nahawakan ko. .
"Ayos lang. May kailangan ka pa?"
"Ahh! Dalian mo pumasok ka na sa loob. Kailangan nagamot agad sugat mo. Baka infection ba yan."
Tinulak ko siya papasok ng kwarto niya dahil nandoon na din naman kami. Mabuti na lang meron siyang gamit sa kwarto niya. Normal na lang yata sa kanya ang nasusugatan dahil kumpleto yung panggamot niya. Aakalain mong doctor siya.
"Ano pa hinihintay mo? Tanggalin mo na suot mo para matignan ko ang sugat mo," sabi ko sa kanya. May suot kasi siyang jacket kaya hindi ko alam kung gaano ba kalala sugat niya.
"Kaya ko gamutin ang sarili ko."
Tinignan ko siya ng masama.
"Tatanggalin mo o ako mismo magtatanggal ng jacket mo? Mahirap kung magsasarili ka. Ako na maggagamot. Nandito na din naman ako."
Hindi naman sa mapilit ako. Pero mas mabuti na ibang tao ang manggamot kaysa sarili. Mahirap kaya kapag mag-isa ka lang.
"Sigurado ka ba diyan?"
Tinanguan ko siya bilang tugon. Bumuntong hininga muna siya bago niya ako sinunod. Pagkita ko sa sugat niya nanlaki ang mata ko. Hindi basta sugat ang nasa braso niya. Mukhang malalim ito.
"Tama ba ng baril yan?" tanong ko.
"Yeah. Kaya mo tanggalin yung bala?" tanong niya ng diretso. Napalunok ako bigla dahil never ko pa nagagawa yun. Hindi ko naman inaasahan malala pala sugat niya. Kung titignan kasi siya parang wala na lang sa kanya. Kaya siguro kumpleto ang medical kit niya dahil normal na lang sa kanya ito. Kung iisipin, hindi ko pa siya masyado kilala.
"Sorry. Hindi ko alam kung paano magtanggal ng bala," nahihiyang sabi ko.
"Alam ko. Ako na gagawa," aniya sabay agaw sa akin ng gamit.
"Turuan mo na lang ako kung papaano. Ako na gagawa."
"Sigurado ka?"
"Oo. Ano gagawin ko?" tanong ko. Sinabi niya ang mga gagawin ko. Kailangan ko daw muna kunin yung balang bumaon bago ko gamutin. At dahil first time ko medyo nanginginig pa ako. Hinawakan ni Kael ang kamay ko.
"Kung hindi mo kaya, ako na lang gagawa."
"Kaya ko. Kinabahan lang ako."
Huminga ako ng malalim at saka inumpisahan ang panggagamot sa sugat niya.
"Tapos na," masayang sabi ko nang malagyan ko ito ng benda. Pagkaangat ko ng ulo ko nagkataon na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Napatingin ako sa eye patch niya at tinanggal ito. Gusto ko makita ulit yung isang mata niya.
"Ano ginagawa mo?" inis na sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Habang ang isang kamay niya pinangtakip sa mata niya.
"Sorry. Gusto ko makita ulit ang isang mata mo."
"Kung ayaw mo mamatay wag mo na uulitin yun.'
"Why? Nakita ko na naman yan. Ayos naman ako. Ah! Alam ko na. Para parehas tayo, ipapakita ko din sayo ang mata ko."
"Ha?"
"Hindi lang ikaw ang may kakaibang mata," sambit ko sabay tanggal ng isang contact lens ko. Kumpara sa mata niya mas nakakatakot ung sa akin dahil kulay pula ito. Mahahalintulad sa mata ng demonyo yung sa akin. Minsan nga mas gusto ko pa yung kay Freyja na may kakaibang mata din.
"Red eyes?"
Ningitian ko siya bilang tugon. Inalis na niya ang kamay niya at saka tumingin ng diretso sa akin. Doon ko lang nasilayan ang isang nilalang sa likod niya.
"Grimreaper..."
Tinitigan ko ito. Nakatayo sa likod ni Kael habang may hawak na scythe. Sabi nila once na makakita ka ng grimreaper ibig sabihin nun sinusundo ka na. Pero hindi naman ito ang unang beses na makita ko ito. Hindi ko lang akalain na konektado siya kay Kael.
"Grimreaper?" tumingin si Kael sa likod niya. Mukhang ako lang ang nakakakita nito.
"Binabalaan kita. Kung ayaw mo mamatay wag mo kong pakikialam," pananakot nito sa akin saka ito nawala.
**********
Third Person's POV
"Boring. Wala akong mahanap na magandang babae dito," sabi ng isang lalaki habang naglalakad ito. Sinipa nito ang isang bato sa harapan niya.
"Aww! Sino nambato sa akin?" galit na sigaw ng babaeng napadaan nang matamaan ito. Napatingin ito sa binata.
"Freyja?" tanong ng lalaki.
"Hindi a--" bago pa niya matapos ang sasabihin niya sinakal siya ng lalaki.
"Nakita din kita. Dahil sayo nahuli ako," galit na sabi ng lalaki. Napaubo ang dalaga dahil sa pagkakasakal sa kanya. Sinubukan niya tanggalin ang kamay nito, ngunit masyado ito mahigpit. Mabuti na lang binitawan siya nito bago mawalan ng hininga.
"Hindi muna kita tatapusin. Maswerte ka na nakatakas ka sa akin noon. Ngayon wala ka na takas," sambit nito sabay hila sa dalaga.
"Bitawan mo ko! Saan mo ko dadalhin?!" sigaw ng dalaga habang pilit itong kumakawala sa pagkakahawak sa kanya. Nang mainis ito sinubukan niya ito kagatin hanggang sa mabitawan siya. Dali-dali siyang tumakbo palayo dito.
Napamura ang lalaki ang hawak-hawak nito ang kamay niya. Galit na tinignan ang dalaga.
"Siyet! Hindi ka makakatakas sa akin!" habol nito sa dalaga.
Samantala, hindi maalis kay Freyja ang kaba habang hinahanap nito ang kapatid niya.
"Nasaan na ba ang babaeng yun? Paano kung may masamang nangyari sa kanya?" nag-aalalang sabi nito habang sinusubukan niya itong tawagan. Nakakalimang tawag na siya bago ito sumagot.
"Ate tulungan mo ko!" umiiyak na sabi nito habang nagtatago ito.
"Ano nangyari sayo? Nasaan ka?"
"May humahabol sa akin na lalaki. Tinawag niya akong Freyja. Kilala mo ba siya ate? Parang galit na galit siya sayo."
Natahimik saglit si Freyja. Isang tao lang ang nasa isip niya.
"Rei, wag na wag ka magpapahuli sa kanya. Delikado ang lalaking yan! Nasaan ka? Pupuntahan kita."
"Nasa kabilang kanto ako. Pauwi na ko nung masalubong ko siya," sagot niyo.
"Okay. Malapit lang ako. Papunta na a--"
"Huli ka!" sambit ng lalaki.
"Aaaahhhhhhh!" sigaw ni Rei bago matakpan ang bibig nito. Nabitawan nito ang hawak na cellphone.
"Rei!" tawag sa kanya ni Freyja. Lalo itong kinabahan nang walang sumagot. Dali-dali niyang pinuntahan ang kapatid niya Subalit cellphone lang nito ang kanyang nakita.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top