CHAPTER 8

CHAPTER 8

Kael's POV

"Ano kailangan mo?" tanong ko sa multo na kanina pa nakasunod sa akin. Sa pagkakaalam ko si Drie ang sinusundan niya, ngayon naman ako?

"Death... you and her..." sagot niya.

"Ha? Death?" naguguluhang tanong ko. Tinignan ko siya mabuti, kapansin-pansin na napapalibutan siya ng negative energy.

"Body..." sambit niya sabay takbo sa akin. Akala ko sasaniban niya ako, ngunit tumagos lang ito at sumanib sa isang lalaki na nasa likod ko.

Naging pula bigla mata ng lalaki at saka ako ningisian. Napatakbo na lang ako bigla dahil pakiramdam ko kailangan ko siya layuan.

"Die! Die! Die! Die! Die!" sigaw niya habang hinahabol ako. Kahit isang salita lang ang gamit niya, malinaw sa akin ang ibig niyang sabihin.

Gusto niya ako patayin.

Habang tumatakbo ako, nagkataon na nadaanan ko ang bahay ni Freyja. Nagulat siya nang makita ako pagkalabas niya ng bahay.

"Run!" sigaw ko sabay hila sa kanya papasok ng bahay niya. Sinara ko agad ang pinto at nilock. Isang malakas na katok ang tumama sa pintuan.

"May galit ka ba sa akin? Bakit nagdala ka ng masamang ispirito sa bahay ko?" tanong niya sa akin.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. Nagkataon na napadaan ako dito at nakita kita. Ang alam ko protekdo itong bahay mo sa masamang isipito," sagot ko.

"Totoong protektado ang bahay ko sa ispirito. Pero iba ang usapa kapag ang ispirito sumanib sa katawan ng tao."

Napaatras kaming dalawa nang biglang masira ang pintuan. Bumungad sa amin ang isang lalaki na masamang nakatingin sa amin. Tumama ito ng malakas na katulad sa isang demonyo.

"Eh? Parang nakita ko na ang mukha niya. Pamilyar sa akin," sambit ni Freyja. Kalmado lang ito na nakatingin sa lalaking nasa harapan namin.

"Hindi ito ang oras para isipin yan."

"Tama! Mas mabuti na siguro ito kaysa si Drie ang atakihin niya. Good job!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya. May punto naman siya. Kung iisipin, dalawa kami ni Drie na target niya.

"Bakit kaya biglang ako ang inatake niya?" tanong ko sa aking sarili. Nagkataon na narinig ito ni Freyja kaya napatingin siya sa akin saka sinagot ang tanong ko.

"Dahil hindi niya malapitan si Drie. Bakit hindi mo subukan ang mata mo sa kanya?"

"Susubukan ko."

Inalis ko ang eyepatch ko saka tinitigan ang lalaki sa harapan ko. Bigla ito natigilan at napalitan ng takot na expression ang mukha niya.

"Aaahhh! W-wag ka lalapit sa akin. Hindi ako sasama sayo kahit ano gawin mo," aniya sabay alis sa katawang sinaniban niya at takbo.

"Hindi ko inaasahan na effective yung isang mata mo," komento ni Freyja. Nilapitan niya ang lalaking sinaniban. Nawalan ito ng malay pagkatapos gamitin ang katawan niya.

"Kung alam ko na pwede gamitin itong mata ko, kanina ko pa sana ginamit."

Itong ang unang beses na napakinabangan ko ang special na mata ko.

"Bago ka umalis, tulungan mo ko ihiga siya sa sofa," pakiusap sa akin ni Freyja. Hindi naman ako umangal dahil ako ang may kasalanan sa nangyari. Inayos ko na din ang nasira niyang pintuan bago magpaalam.

"Ayos lang ba talaga na iwanan ko siya sa bahay mo? Paano kung masamang tao pala siya? Madali lang siya nasaniban ng masamang ispirito, ibig sabihin may negative energy na bumabalot sa kanya."

"Wag ka mag-aalala, ayos lang ako. Salamat sa pag-ayos ng pintuan. Mag-iingat ka," paalam sa akin ni Freyja. Hindi na ako umangal at umuwi.

"Hindi naman siguro mamatay yung lalaking sinaniban?" nag-aalalang sabi ko habang naglalakad.

"Siya yung tinutukoy ko! Siya ang huling nakasama ng girlfriend ko bago magpakamatay!" sigaw ng isang lalaki sabay turo sa akin. May kausap itong pulis.

"Siyet!" sambit ko sabay takbo. Nakalimutan ko na pinaghahanap ako ng pulis.

Mabilis ako tumakas. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito kaya sanay na ako. Kung tutuusin wala naman ako dapat ikatakot. Wala ako kasalanan. Ang problema, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang tungkol sa mata ko. Sigurado hindi sila maniniwala sa akin. Hindi sila katulad ni Freyja na mukhang sanay sa supernatural event.

Umakyat ako sa bakod na nadaanan ko at doon nagtago. Nalaman ko ang lugar na ito kagabi habang hinahabol din ng pulis. Sa pangalawang pagkakataon, natakasan ko sila dahil dito.

******

Freyja's POV

"Ayos lang ba talaga na manatili siya dito?" tanong sa akin ni Black. Black ang tawag ko sa kanya sa dahil kulay black ang suot niya.

"Ayos lang. Kapag nagising siya pauuwin ko siya agad," sagot ko sabay tingin sa phone ko na biglang umilaw. Nang mabasa ko ang pangalan ng tumatawag, agad ko ito sinagot.

"Hello Ma?" sagot ko dito.

"Freyja, pwede ba tayo magkita ngayon? Papunta kami ngayon sa isang restaurant. May importante ako sasabihin sayo."

"Sige Ma. Text mo na lang po yung address ng restaurant. Magbibihis na ako."

Pinatay ko agad ang tawag dahil ayaw na ayaw ko makipag-usap sa cellphone.

"Black, kailangan ko umalis. Gusto makipagkita ni Mama," sabi ko sa kanya sabay takbo sa kwarto. Hindi ako pwede makita ni Mama sa ganitong ayos.

"Okay," sagot niya.

Naligo ako agad. Nagsuot ako ng dress at naglagay ng lipstick. Inayos ko din ang buhok. Tinaas ko ang bangs ko saka nilagyan ng hairpin para hindi tumakip sa mukha ko.

"Matagal-tagal na din noong huling nag-ayos ako. Bakit kaya biglang gusto makipagkita ni Mama? Kailan siya bumalik ng Pilipinas?" sambit ko habang nakatingin sa salamin.

8 years ago lumipat sa America ang pamilya ko. Doon kasi nagtatrabaho si Papa noong bata pa ako. Kaya naman noong nagkaroon siya ng pagkakataon na kunin kami para doon na tumira, pumayag agad si Mama.

Sa kagustuhan ko makasama si Drie, nagpaiwan ako dito. Masaya ako sa naging desisyon ko dahil malaya ko nagagawa ang gusto ko.

"Beautiful," napatingin ako kay Black. Medyo nahiya pa ako dahil ngayon niya lang ako pinuri.

"Salamat," namumulang sabi ko. Magkasama kaming nagtunggo sa sala.

"Eh? Nasaan na yung lalaki?" tanong ko kay Black.

"Patakbo siyang lumabas pagkagising," sagot niya.

"Okay," nilock ko na lang pinto saka umalis.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Ayoko sa lahat yung pinagtitinginan ako kaya mas gusto ko ang normal kong ayos. Kapag nakababa bangs ko hindi nila ako pinapansin dahil sa takot.

"Ma," lumapit ako agad kay Mama pagkakita ko sa kanya.

"Totoo nga na magkamukha tayo," sabi ng isang babae. Natulala na lang ako sa kanya dahil kamukha ko siya.

"Rei, ikaw na ba yan? Ang laki mo na!" sabi ko sa nakakabatang kapatid ko. Hindi ko inaasahan na lalaki siya na kamukha ko.

"Oo ate! At mula ngayon titira na ako dito," masayang sabi niya.

"Ha? Titira ka dito?"

"Gusto ng kapatid mo na dito maghigh school. Mula ngayon titira na siya sa tinutuluyan mo," paliwanag ni Mama.

"Gusto kita makasama ate. Saka kung hindi lang ako bata noon nagpaiwan din ako," sabi sa akin ni Rei.

"Kaya pala may maleta ka. Kailan kayo dumating?" tanong ko.

"Kahapon lang. Babalik din ako agad mamaya sa America. Walang mag-aalaga sa nakakabatang kapatid niyo kaya hindi ako pwede magtagal."

Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman wala ako magagawa kung hindi pumayag. Kailangan ko ayusin ang bahay.

"Okay Ma. Ako na bahala kay Rei. Basta dagdagan niyo allowance ko," sagot ko.

"Yehey!" masayang sabi ni Rei.

"Nagdeposit na si Papa sa account mo. Tignan mo na lang mamaya."

Pagkatapos namin kumain nagpaalam na si Mama.

"Bakit gusto mo dito mag-aral?" tanong ko sa kapatid ko.

"Gusto ko makasama ulit ang mga kaibigan ko dito," sagot nito agad.

"Bakit? Wala ka bang kaibigan doon? Hindi ka sigurado kung makikita mo sila."

May nasabi ba akong masama? Bakit nalungkot siya bigla?

"May nang-aaway ba sayo doon?" tanong ko.

"No. Ayoko lang sa mga taong nandoon. Mga plastik sila. Kunwari kaibigan mo sila pero kapag nakatalikod ka, kung ano-ano sinasabing masama."

"Ah! Okay."

"Ano klase reaction yan?"

"Akala ko naman na-bully ka. Ikaw bahala kung gusto mo tumira dito."

"Totoo ba na nakatira ka sa hunted house?"

"Hunted house? Sinabi ba sayo yan ni kuya?"

"Oo. May multo daw sa bahay mo"

"Walang multo sa bahay. Creepy lang ito pero hindi iyon hunted house. Kung natatakot ka bumalik ka na lang sa America."

"Hindi ako natatakot. Ang totoo niyan hinahangaan kita ate sa katapangan mo."

"Okay."

Tinanggal ko ang hairpin sa bangs ko at inayos ito.

"Eh? Ano ginagawa mo?"

"Tapos na ako makipagkita  kay Mama. Hindi ko kailangan panatalihin pa ang ayos ko. Ganito ayos ko palagi. Masanay ka na."

"Natatakpan ang mata mo. Hindi ka ba madadapa diyan?"

"Sanay na ako."

"Eh? Hindi ka naman ganyan dati."

"Iba na ako ngayon."

"Para kang si sadako."

Ningitian ko na lang siya.

"Creepy nga. Wala ba talaga multo dito?" tanong niya pagkakita ng bahay.

"Wala. Takot sila sa bahay. May nakabantay sa atin. Hindi mo lang siya nakikita."

Sumigla na ulit siya at patakbong pumasok sa loob. Sumunod na lang ako sa kanya at dumiretso sa kwarto niya para ilagay ang mga gamit niya. Mabuti na lang nalinis ko na yung ibang kwarto. Para dapat kay Drie iyon pero tinanggihan niya. Sino mag-aakalang kapatid ko pa ang gagamit niyon?




Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top