CHAPTER 7
CHAPTER 7
Drielle's POV
"P305.50 po lahat," sabi ko sa lalaking bumili sa convenient store na pinagtatrabuhan ko. Nagbayad ito ng P500 na agad ko naman sinuklian.
"Thank You Sir," sambit ko pagkaabot ng sukli.
"Alam mo hanga na talaga ako sayo. Sa dami ng problema mo nagagawa mo pa rin ngumiti. Para kang walang problema," pansin sa akin ng kasamahan ko sa trabaho. Inaayos nito ang nakadisplay na item sa harap ko.
"Walang mangyayari sa akin kung sisimangot ako palagi. Saka para makasagap ako ng good vibes kailangan positive lang palagi!" tugon ko.
"Sabagay! Kumpara kay Freyja mas mabuti na yang ginagawa mo," pagsang-ayon niya sa akin pero hindi ko nagustuhan yung pagkumpara niya sa amin ni Freyja.
"May problema ka ba sa akin?" bulong ni Freyja sa kanya habang nakatayo sa likod. Natawa na lang ako ng mapansin kong namutla ito. Takot kasi sila kay Freyja dahil para daw itong multo na nasulpot bigla tapos hindi laging seryoso.
"W-wala! May gagawin pa pala ako doon," aniya sabay alis agad.
"Nakakatakot kasi aura mo. Kaya sila natatakot sayo. Try mo kaya akong gayahin?" payo ko kay Freyja.
"Ganito lang talaga ako. Hindi lang halata pero masaya din ako," aniya sabay ngiti sa akin.
"Marunong ka pala ngumiti," singit ng isang lalaki. Sabay kami napalingon dito.
"Kael," sambit ko. Lumapit ito sa akin at ibinigay ang binili niyang cup noodles.
"Oo naman. Hindi ako katulad mo," bulong ni Freyja sa tabi niya bago kami iwasan.
"Noodles nanaman? Wag mo sabihin ngayon ka pa lang maghahapunan tapos ito lang kakainin mo?" komento ko. Hindi ito umimik kaya tinignan ko siya.
"Sino tinitignan mo sa labas? May kasama ka ba?" tanong ko.
"Wala," binayaran na niya ang binili niya. Sakto ang perang binigay niya kaya hindi ko na siya kailangan pang suklian.
"Thank you," pagpapasalamat ko pagkahuha ko ng pera. Sinundan ko siya ng tingin. Kung hindi lang ako abala sa trabaho ipagluluto ko siya ng hapunan. Madalas ko siya yayain kapag nasa bahay ko.
Dalawang buwan na din pala ang nakalipas. Sa hindi malamang dahilan hindi sa akin nagpaparamdam yung multong humahabol sa akin kapag kasama ko si Kael o kaya si Freyja. Pero kapag mag-isa ako, bigla na lang siya susulpot. Tulad noong nangyari sa akin kahapon. Mag-isa ako sa elevator nang magpatay sindi ang ilaw nito. May naramdaman akong nakatayo sa likod ko. Pagtingin ko nakita ko itong nasa likod ko. Akala ko katapusan ko na mabuti na lang may nagbukas ng elevator kaya nakatakbo ako. Dahil doon takot na ako sumakay ng elevator kapag mag-isa ako.
"Drie, uwi na tayo."
Natigil ako sa pagbabalik tanaw nang tawagin ako ni Freyja. Tapos na pala oras ng trabaho namin. Hindi na ako nagsayang ng oras pa. Inayos ko agad ang gamit ko at nagpaalam na uuwi na kami.
"May sumusunod yata sa atin," bulong ni Freyja. Titingin na sana ako sa likod pero pinigilan niya ako.
"Wag mo lingunin. Paano kung holdaper pala yan? O kaya yung killer na humahabol sayo. Bilisan natin ang lakad," aniya kaya binilisan namin ang lakad. Naramdaman ko na may sumusunod nga sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.
"Takbo na kaya tayo?" suhestiyon ko. Tinanguan ako ni Freyja kaya sabay kaming tumakbo. Nakita kong hinabol kami ng sumusunod sa amin.
"Sinusundan niya tayo!" sigaw ko. Biglang may humila sa akin mula sa kalyeng nadaanan ko. Sisigaw na sana ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"Ako ito," bulong sa akin ni Kael. Kumalma naman ako. Umakyat kami sa likod ng truck na nakaparada para doon magtago.
"Paano si Freyja?" tanong ko pero sa halip na sagutin niya ako tinulak niya ako pahiga sa truck sa ka siya dumapa sa akin. Sumenyas siya na wag ako maingay.
"Nasaan na yun?" rinig kong sabi ng isang lalaki.
Ako ang hinahabol niya hindi si Freyja. Bakit? Gusto ko tignan kung sino ba yung humahabol sa akin. Subalit hindi ako hinayaang gumalaw ni Kael.
"Miss, alam ko nandito ka lang nagtatago. Lumabas ka na bago pa kita mahanap," aniya at base sa lakas ng boses niya nasa tabi ng siya ng truck. Kapag sumilip siya sa taas sigurado makikita niya kami. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa takot.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong may kamay na humawak doon sa truck. Senyales na may umaakyat dito. Mabilis na inalis ni Kael ang eyepatch sa mata niya.
"Ano kailangan mo?" tanong niya sa lalaking umakyat sa truck. Nanlaki ang mata nito at biglang napabitaw sa truck bago pa ito tuluyang makasakay.
"W-wag maawa ka sa akin. Napag-utusan lang ako," takot na sabi nito. Sinilip ko siya at nakita ko itong nakaupo sa daan habang takot na nakatingin kay Kael.
"Sino nag-utos sayo?" tanong ni Kael subalit sumigaw lang ito at tumakbo paalis.
"Ano nangyari sa kanya? Bakit natakot siya bigla?" tanong ko kay Kael.
"Dahil sa isang mata ko. Hindi ko alam kung ano nakikita nila sa mata."
"Bakit? Ano ba meron sa mata mo?"
Pinigilan ko siyang ilagay ang eyepatch niya at saka siya tinitigan. Sinubukan niyang uniwas ng tingin pero hinawakan ko siya sa mukha. Napilitan siyang tignan din ako.
"Hindi ko talaga maintindihan. Wala naman nakakatakot sa mata mo," naguguluhang sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ng seryoso. Nilapit niya ulo niya sa akin. Aatras na sana ako, subalit hinawakan niya ako sa bewang. Habang ang isa niyang kamay hinawak niya sa mukha ko.
"Kung hindi ka titigil sa kakatitig sa akin baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka," bulong niya sa akin. Tinulak ko siya agad at tumayo. Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko.
"Ehem. Salamat sa tulong," pagpapasalamat ko. Nauna na akong bumababa at maglakad. Nakasunod lang siya sa akin sa likod.
"Hindi ka pa rin kumakain?" tanong ko nang mapansin ko ang dalang plastic ni Kael pagkapasok namin sa tinutuluyan namin.
Hinintay pa niya ako kanina? Alam ba niya may nag-aabang sa akin?
Tinanguan niya ako bilang tugon. Nagtunggo siya sa may kusina upang mag-init ng tubig.
"Gusto mo?" tanong niya.
"Baka kulang pa yan sayo. Una na ako sayo," paalam ko bago pumasok ng kwarto. Nagbihis ako agad at tumabi sa anak ko. Niyakap ko siya at natulog.
"Bakit? Bakit hindi mo ko nakikita? Bakit?" sambit ng isang malalim na tinig na aakalain mo nagmula sa pinakailalim na lupa.
Nagpanggap akong tulog. Baka mamaya multo na pala ang naririnig ko. Mas gugustuhin ko pang hindi ito makita.
"Bakit hindi ka tinatablan ng sumpa? Dapat patay ka na simula noong tumingin ka sa mata niya. Ikaw at ang kaibigan mo matagal na dapat patay," sabi pa nito.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya habang nakapikit. Hindi ito sumagot pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Baka idamay pa niya ang anak ko, hindi ako makakapayag. Kahit natatakot ako unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.
May kamay akong nakita sa gilid ng ulo ko. Nasa ibabaw ko siya. Buong tapang ko siya hinarap at sa unang pagkakataon nakita ko ang isang nilalang na hindi dapat makita dahil isa siyang grimreaper. May suot itong itim na hood at kitang-kita ko na wala itong balat tulad sa tao. Tanging bungo lamang ito subalit kapansin-pansin ang mga mata niya katulad kay Kael. Magkabakiktad lamang ang kulay nito.
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilin ang aking sarili na sumigaw. Ayoko magising ang anak ko at mas lalong ayoko maabala ang mga nakatira dito.
"No!! Wag ka tumingin sa akin! Waaahhhh!" sigaw niya bigla na ikinataka ko. Umalis siya sa ibabaw ko at tinakpan ang mga mata niya. Sinundan ko siya ng tingin.
"Sino ka? Pinadala ka pa nila dito para pigilan ako? Hindi ako makakapayag. Kailangan mo mamatay!" sigaw niya sabay kuha ng scythe. Nang iangat niya ito itinutok sa akin napapikit na lang ako sa takot.
*********
Third Person's POV
Hindi alam ni Drie na bukod sa kanya ay may isa pang naninirahan sa katawan niya. Dahil sa tangkang pagpatay sa kanya ay nagising ito at mabilis kumilos.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong nito pagkatapos pigilan ang scythe gamit ang kamay nito. Sa gulat ng grimreaper hindi ito agad nakakilos. Nakatingin lang ito sa babaeng nakaharap niya.
"S-sino ka?" tanong nito ngunit malamig lang siyang tinignan ng babae.
"Umalis ka na sa harapan ko bago pa kita tuluyang burahin sa mundong ito. Oras na gampalain mo ang pagtulog ko, hindi ako magdadalawang isip na tapusin ka," banta nito sabay tingin ng masama sa grimreaper. Wala ito balak makipag-usap pa ng matagal. Ang nais lamang niya at umalis ito upang makabalik na siya sa pagtulog.
Naglaho na lamang bigla ang grimreaper sa harap nito. Bumalik na muli ito sa pagtulog at kinabukasan pagkagising ni Drie, wala na ito maalala sa nangyari. Bago ito lumabas nilagay muna niya ang contact lens na palagi niyang ginagamit upang matakpan mismo ang tunay na kulay ng mata niya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top