Chapter 5
Pagdungaw ko sa aking bintana ay mayroong Porsche CarreraS na nakatambad sa aking paningin.
Napakunot ako ng ulo dahil doon pa iyon nakapark sa mismong tabi ng kotse ko. Hindi ko lubos na maisip kung kanino iyon. Wala naman akong mga kaibigan na ganoon ang sasakyan saka hindi nila ugali nagpapark sa mismong tabi ng kotse ko.
Maya maya ay nagring yung doorbell ko. Sumilip ako sa may peephole kung sino iyon. Baka naman mamaya ay mga gangster na pagala-gala sa tabi, na mahilig manggulo.
Pero laking gulat ko na lang na siya ang nakita ko, Si Nikko...
Bakit naman siya napadpad dito, ano ba ang kailangan niya sa akin at pinuntahan pa niya ako dito? I don't even invite him and I will never!
Baka naman iniisip niya na magpapakamatay pa ako. Hay nako! Ayoko na! Nakakatamad, lalo pa at alam mo tila kabute na sumusulpot yung pumipigil sa akin.
Agad akong nairita dahil pangiti-ngiti na naman siya habang lumilinga-linga sa palagid. I bet, wala siyang nginingitian doon.Para talaga siyang baliw-- ay hindi baliw talaga itong lalaking ito na naayusan lang talaga.
Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang pagbuksan o hindi. Baka bwisitin lang ako niyan, at mas lalo pa niyang sirain ang araw ko.
Patalikod na ko nang biglang tumunog yung doorbell ko.
Riiiiiiing
No way! Hindi ko bubuksan, manigas siya roon. Sabi ko sa sarili habang tuluyan na akong tumalikod sa pintuan.
Riiiiiiing
Kanina pa ako nakahiga sa aking higaan at pinipilit pa rin na matulog. Kanina pa kasi ring nang ring yung doorbell ko.
I guess I should open, makulit ang tao na ito, sigurado ako na hindi niya tatantanan pagpindot ng doorbell ko hanggang hindi ko siya nilalabas. Baka masira pa.
"Bakit ka nandito? Paano mo nalaman ang address ko?" Agad kong bungad sa kanya pagkabukas ko ng pinto sa kanya.
"In your ID's remember." Tss. So, Stalker pala itong lalaking ito. Nga pala, Pagkalabas ko ng ospital ay agad kong tinignan ang wallet ko, kumpleto pa naman at mukhang nagdagdagan pa.
At kung sakali man na may nawalang laman doon sa wallet ko, sisiguraduhin ko na baseball bat agad ang sasalubong sa kanya.
Yun na nga ang mayroon sa akin kukunin pa niya.
"Hindi mo ba ako papapasukin." Tinignan ko siya ng masama at nanatili na nakaharang sa pintuan.
"Edi pumasok ka." I just said, baka kulitin pa niya ako. tss.
"Can you please stop smiling." I said, kanina pa talaga siya ngiti nang ngiti, ano bang meron? Mukha ba akong katawa-tawa sa kanya?
"Nu-uh"
"Tsss baliw." Bulong ko.
("Baliw sayo.")
May binulong din siya na hindi ko naman maintindihan
Napansin ko na may dala siyang chocolates saka red roses. Tss. I hate roses, specially red. Mas naalala ko kasi si Lukas, madalas niya kasi akong bigyan ng ganoon.
Agad akong tumungo sa kusina at ipaghahain siya ng sandwich, iyon na lang kasi ang mayroon sa ref ko.
Kahit naman naiinis ako sa kanya, I still have my manners kahit papaano.
Paglabas ko ay nakatingin lang siya doon sa sketchpad ko, kung saan doon ako nagdedesign ng damit kapag wala akong magawa.
Ibinaba ko lang yung juice saka yung sandwich na ginawa ko, saka tinignan ko lang siya.
"Kalungkot naman ng mga designs mo. Panay red, black, white..." Aniya habang nagbubuklat pa sa sketchbook ko.
"I prefer to use those colors, saka teka lang..sinabi ko ba na pakialaman mo ang mga iyan." Sagot ko at kinuha at ang sketchbook sa kanyang mga kamay.
"Ito sandwich!" Agad ko itong nilapag sa table.
"Wow! Salamat ha, tamang tama ito hindi pa ako nag-aalmusal." Tuwang tuwa pa siya habang nilalantakan yung ginawa ko.
"So naisipan mo na puntahan ako dito ng di ka kumakain."
"Makikikain kasi ako kaya nagpunta ako dito." napakamot pa siya sa batok.
"Wala bang pagkain sa bahay mo?"
"Wala hehe." This guy impossible! Konting-konti na lang at mapupuno na ako sa kanya.
"Leche" bulong ko.
"Grabe ka naman Eris, makikikain lang ako e, masama ba?" Nanlaki pa ang mga mata ko. Aba! Narinig niya pa iyon.
So ano naman! Atleast alam niya na nabubwisit ka sa kanya.
"Sayo,oo!" Sabay talikod ko sa kanya. Hay nako kay aga aga umiinit kaagad yung ulo ko sa kanya.
............
Maya maya ay nilibot niya ang kanyang sarili sa buong bahay. Lahat tinitignan niya, napakapakialamero na nilalang. Ultimo mga abubot ko doon ay may tanong siya tungkol doon.
"This is my house is not a museum!"
"Alam ko, masisisi mo ba ako kung pang-museum ang mga decors mo."
Tss.. Nakuha pang mambola.
Maya maya ay dumeretso pa siya sa kitchen ko.
"Nikko pati pa naman diyan! Wala ka ng makikita diyan!"
"Eh ano naman? Saka di naman ako nanggugulo a?" Talaga lang ha! Kanina pa ako ayos ng ayos ng mga ginugulo mo.
"Nikko!" Pagpigil ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy sa loob. Bwisit naman oo!
"Oo nga wala akong makikita, wala man lang naman ang ref mo Eris." Aniya habang nakatingin sa nakabukas kong ref.
"So ano naman sayo." Sabay irap ko sa kanya. Kanina ko paiyon ginagawa sa kanya, pero ni hindi man lang siya naiinis, tuwang tuwa pa ang baliw na'to
"We should go to the grocery then."
"Wala akong pera." I lied, ayoko lang kasi siya kasama. Baka di ko kayanin ang saltik niya sa utak, mahawa pa ako.
"Ok, sagot ko."
"Yun naman pala may pera ka, sumugod ka pa dito para makikain." Madiin kong sabi, nakakainis na talaga siya.
"Ano naman ang masama? Saka ayaw mo ba akong kasama?" Talaga!
"Hindi ba obvious." O baka kailangan ko pang ipagsigawan sa kanya.
"Ows? Lagi ka ngang mag-isa diyan. Alam kong naghahanap ka rin ng makakausap, makakaramay. So ano na, tara na? My treat." Hinarap ko ang mokong.
"Magkaroon pa ako ng utang na loob sayo." Bakit ba kasi ang kulit kulit mong lalaki ka! kailangan ba talaga na ipamukha ko na ayaw kitang kasama.
"I don't mind." Tss.. bahala ka. Leche!
...............
Nahuli akong lumabas ng bahay. I agree to go at the grocery with him.. besides wala rin naman akong gagawin sa bahay. Wala rin akong magagawa sa kakulitan niya.
At gusto kong inisin ang lalaking ito, para di na niya ako gustuhin na makasama pa.
"Can I have a drive?" I ask him habang sinisipat-sipat yung kotse niya. I really find his car cool, and I like those cars.
Buti pa kotse niya cool, siya hindi...mahangin lang.
"Sure, but one thing." Aniya at hinarap niya ako, pero di ko siya nilingon, patuloy pa rin ako sa patingin sa CarreraS niya.
"Kung may balak kang magpakamatay uli, siguraduhin mo lang na matutuluyan ka na talaga." Napatingin lamang ako sa kanya. Para bang nanghahamon ang kanyang boses. Tss. pinipigilan niya ako diba? Parang gusto niya ako matuluyan in case man na mangyari iyon.
At wala sa plano ko ang kitlin ang sariling buhay. Baka bigla pa siyang sumulpot..nakakawalang gana lang.
"At bakit?"
"Dahil sisiguraduhin ko na mabibigyan kita ng dahilan para mabuhay." Peke akong tumawa sa sinabi niya. Paano niya ako bibigyan ng dahilan.Sino ba siya? He is just a stranger to me,kahit mawala pa siya sa mundo ay wala akong pakialam.
"Oh, How sure you are? Kitang naiinis ako sayo." Sabi ko sa mapanhamon kong boses.
" Dahil bubuntisin kita Eris, kapag hindi ka natuluyan. Remember that!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top