Chapter 3

Nakapikit lamang ako habang inaalala ang lahat ng mga iyon.

Tanging sa panaginip ko na lang mangyayari ang lahat ng mga iyon. Yung masaya kami na magkasama ni Lukas. Yung ako pa yung taong tinitibok ng kanyang puso.

Ito na ang realidad ngayon, wala na siya, hindi na ako ang babaeng mahal niya. Ako na muli na mag-isa, bitbit ang sakit sa dibdib na matagal ko nang iniinda.

I missed his hugs and kisses. How he make love to me every night.

Yung ipinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako.

Hindi na muli mangyayari iyon...

Drawing na lang ang mga iyon....

Napapikit muli ako.

Now, I'm lifeless. I'm fucked up with this sorrow. I want to get lost, I can't bear the stinging pain in my heart anymore. I want to die because there no reason to be alive if my life is already gone.

Hindi na siya babalik at hinding hindi sa siya mapapasaakin pa. That is a bitter truth that I need to accept, kahit na masakit.

I already gave up my love for him, dahil iyon ang tama at para may nagawa naman akong tama sa mundo ito. Kahit masakit ginawa ko iyon, dahil gusto kong maging masaya si Lukas. Kitang kita ko ang ngiti niya noong ikasal sila ni Anikka. I've never seen him smile like that noong kami pa.

Kapag mahal mo ang isang tao, hahayaan mo siya na maging masaya. Anikka is his hapiness. Kahit nasa piling na siya ng iba, kailangan kong tanggapin iyon para sa kanya.

Masaya ako na masaya siya ngayon. Pero ang sakit sakit pa rin, dahil mahal ko siya at hindi ko na siya magagawang akin. The pain is still there, hindi maalis-alis. Hindi ko na kakayanin ang sakit na tumutusok sa aking dibdib. Lagi na lang ganito, ayoko na.

I am alone with this bottle of wine and I want to get out with this shit. Hindi ko na kaya, sawa na ako na masaktan nang masaktan.

I will never be happy, dahil hindi na mapapasaakin ang mahal ko. Si Lukas lang ang mamahalin ko, kahit na may iba na siyang mahal.

As I stand up in the roof deck, putting my one foot on the railing and the other. Wala na namang nagmamahal sa akin, para saan pa kung mabubuhay pa ako sa mundong ito.

Pakitmata kong inilagay ang isa kong paa sa deck..

Ayoko na! Gusto ko ng mawala. Sawang sawa na akong masaktan. This pain is so unbearable, lagi ko na lang nararamdaman na may tumatarak sa akin.

Durog na durog na ako, at hindi ko na alam kung mabubuo pa ako. Kaya dapat mawala na ako.

"Magpapakamatay ka?" I looked to that someone behind.

Isang lalaking may chinitong mga mata at may matikas na pangangatawan ang kaharap ko.

"Who the heck are you?" Sinamaan ko siya ng tingin, wala siyang karapatan para pigilan ako. I am wasted, dapat na akong mawala.

"I'm Nikko Sarmiento."

Agad ko naman siyang hinarap, wala akong pakialam kung sino pa siya,kahit na kamag-anak pa niya ng kataas-taasan. Dahil wala siyang karapatan na pigilan ako at wala siyang alam sa nararamdaman ko.

Sa itsura niya, mukhang hindi pa siya nakakaranas ng lungkot, dahil nakangiti lamang siya sa akin.

"Ngayon? Hindi mo ko mapipigilan." I said in my sarcastic tone. Kahit pa magkamag-anak pa sila ng presidente, he can't stop me.

"I can." He said it with confidence. Paano niya nasabi. I am desperate to end my life right now. Pero agad naman sumingit itong lalaking ito. Nandito na ko, kaya di ako papapigil sa kanya.

"Pwede ba?! Umalis ka na! Ano bang pakialam mo sa akin at nandito ka pa! Leave!"

Sigaw ko. Masyado na akong naiirita sa kanya. May pangisi-ngisi pa siyang nalalaman! Anong akala niya mapipigilan niya ako?! No way!

Wala akong pakialam sa kanya, kahit sa harap pa niya ay tatalon pa rin ako.

"No." He just said at hindi pa rin mawala-wala yung ngiti niya. Ano bang meron at pangingiti siya? Walang nakakatawa! Walang nakakatawa sa sitwasyon ko! Ang sarap niyang tirisin! Nakagago siya e.

Sinamaan ko pa lalo siya ng tingin, ngumiti lang siya.

Isama pa ang nakakabwisit niyang ngiti.

"At bakit?!" Sabi ko habang nakataas ang aking kilay

"Anong gusto mo hayaan kitang tumalon at mamatay diyan ha, gagambalain pa ako ng kunsensya ko kung namatay ka. Baka mamaya isipin nila na itinulak kita diyan. "He said. Bakit? Sinabi ko ba sa kunsensya niya na pananagutan niya kung mamatay man ako? It's my choice, gusto ko nang mawala. Gusto ko ng tapusin lahat!

Ang dami niyang satsat!

"Oo! Mas matutuwa ako kung hahayaan mo na lang ako. Pwede?! Sigaw ko at agad ng tunalikod sa kanya at ipinokus ang tingin sa ibaba, doon sa may kalsadang babagsakan ko.

Pero saglit siyang nanahimik, wala ba siyang masabi? Buti nga sayo! Saka wala siyang alam sa nararamdaman ko, wala siyang karapatan na pigilan ako. Mas maganda, umalis na rin siya dito.

Nagulat ako nang may nagsalita muli sa likuran ko.

"Sige, kung hindi talaga kita mapipigilan at magpapakamatay ka talaga, samahan na kita. Agad siyang umakyat doon sa may deck, tapos ay tinapatan niya pa ako.

"Tara na. Sabay na tayong tumalon." Sabi niya habang nakangiti pa sa akin. Siya itong pumipigil sa akin tapos ngayon, ako pa aayain na magpakamatay.

Isa siyang baliw!

Sinamaan ko siya ng tingin, at siya at pangiti-ngiti pa rin.

May topak talaga itong tao na ito, baliw talaga! Bwisit pa.

Nasasaktan na nga ang tao, iinisin pa niya.

Damn him, just damn!

Including that devlish smile!

"You're so insane!"

"Oo nababaliw ako sayo" His gaze met mine, napakaseryoso niyang tumitig. His very black eyes make more expressive, para bang nakakatunaw.

"What?" Mahina kong sabi dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Ano bang pinagsasasabi niya ngayon. Baliw talaga.

I am losing my balance, mas lalo pa akong nahihilo, para akong matutumba.

Mabuti kung ganun at sana bumagsak ako dito sa roofdeck, to end everything.

Until all turns to black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top