Chapter 26
This is it! Hahaha.
Dedicated po ito sa inyong lahat 😄😄
....................
That guy is so persistent, lagi siyang nasa labas ng bahay ko, kaya hindi ako makalabas. Minsan sa kung kailangan na kailangan kong lumabas ay sa backdoor na ko lalabas, para di niya ako makita. Daig pa niya yung guard kung makabantay sa bahay, kinikilabutan na nga ako e.
Alam ko na wala siyang gagawin na masama sa akin. Alam ko naman na gusto niya lang kami mag-usap, gaya ng lagi na lang niya sinasabi.Pero ako, hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin.After that night? Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
That night was so epic.
Tumakbo ako nun sa kanya. Gusto kong takpan ang mukha ko sa sobrang kahihiyan, bakit ko ba nasabi iyon sa kanya. I was really really unconscious.
Kung pagbibigyan lang ako ng pagkakataon na baguhin ang oras, iyon ang unang una kong babaguhin. O di kaya may pagkakataon na may alisin na alaala sa utak ko, aba uunahin ko yung mga kasama ko si Nikko.
Dahil ayoko na siyang isipin pa.
This man making me crazy
Gusto kong pukpukin yung ulo ko, baka sakaling magka-amnesia ako at makalimutan siya.
Pero hindi, mas pasasakitin ko pa ulo ko.
Palala na ako ng palala. I cry and cry every night having him in my thoughts. How can I suppose to fall in love with this guy. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay siya pa. Bakit siya pa? Yung kinaiinisan ko pa.
Sinubukan ko naman utuon ang atensyon ko sa ibang bagay, pero siya at siya pa rin yung naiisip ko.
Ganito na ba talaga kalala ang epekto niya sa akin. Grabe, para siyang virus, ang bilis kumalat, ang bilis lumala.
I sighed.
Nasa kusina ako ngayon, magluluto sana ako kaso wala na akong stock. Napahilot ako sa sintido ko.
Kinakailangan ko na namang lumabas.
Sumilip ako sa bintana, nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nakita yung kotse niya, o kahit ano pang bakas niya.
Sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag.
Nag-ayos ako ng sarili, masayang masaya ako dahil makakalabas ako sa bahay ng maayos. I choose this grey longsleeve and a denim pants saka boots, then I grabbed my coat. Medyo malamig kasi ngayon.
Sumilip muna ako sa bintana para makasigurado.
Yes! Wala pa rin siya doon. Pero teka bakit kaya?
Tsk! Bahala siya sa buhay niya, baka nagsawa na. Pero there is still a part of me na tila hinahanap siya
I smiled when I opened the main door. My smile faded when I saw his face right after I open it.
Agad ko itong sinira pero dahil mas malakas siya sa akin ay nakontra niya ito at nakapasok sa loob.
I just keep my head down, alam kong nakangiti pa rin siya sa akin, pero hindi ko siya matignan. Kung pwede lang talaga takpan yung mukha ko sa sobrang kahihiyan ay gagawin ko.
"Eris." Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero agad din ako umiwas.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo, I said I need a little space hindi mo ba maibigay sa akin iyon?" Sabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Eris, sinabi mo sa akin na may nararamdaman ka sa akin, sa tingin mo papalampasin ko iyon. Ayoko na magpakatorpe Eris." Napakunot ang ulo ko siya sa kanya. Nagpapakatorpe? He's too obvious. Hinigpitan niya ang hawak sa aking mga kamay.
"Eris mahal kita naiintindihan mo ba, at bawat pagkakataon na pwedeng maging akin ka ay susunggaban ko, kahit walang kasiguraduhan na mamahalin mo ako pabalik." Huminga muna siya ng malalim. Nakatingin lamang ako sa kanya, tila may bara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita, hindi rin naman ako makahanap ng tamang salita na sasabihin sa kanya.
"Dahil sisiguraduhin ko pa rin na magiging akin ka at ako na ang mamahalin mo, gagawin ko ang lahat Eris. Hindi ko ito papalampasin." Nakangit pa rin siya sa akin. Ang lalalim ng hininga niya, para siyang a-asthmahin.
"Pero Nikko."
Narinig ang kanyang mga malalalim na hininga.
"Ok Eris, but please kahit ngayon lang." huminto siya at hinawakan niya ang kamay ko. "Kahit ngayon lang, kung wala pa rin." Napabuntong hininga siya.
"Hindi na kita kukulitin pa." I can see his sad eyes, para akong natutunaw doon. Tila ba nakukunsensya ako sa pag-iwas ko sa kanya. He just wanted to talk pero todo iwas naman ako. I'm just getting paranoid on what will happened na baka hindi ko kayanin ang epekto niya sa akin, baka bumigay ako bigla kahit hindi pa ko handa.
Dahil natatakot ako sa maaring mangyari, ayoko nang magpakalunod sa sobrang kalungkutan. Mahirap, nakakamatay.
Namalayan ko na lang ang sarili na nagpatianod na ako sa kanya. Tila kusa akong tumango sa kanya.
Tahimik lang kaming dalawa. Kung nakakamatay lang ang silence namatay na ko. I dont want to have a conversation with him, wala rin naman akong sasabihin.
Maya-maya ay nakarating na rin kami. Hinila niya ako doon sa isa sa mga skycrapers ng Rockfeller Center
May nakahanda doon pang-picnic. Ganun kasi lagi yung set-up namin kapag nag-iistargazing kaming dalawa. Meron pang telescope na malapit.
"I've been waiting for this so long, sa wakas nandito na tayo." He said then he smiled at me.
Nakatingala na naman siya sa mga bituin, siguro naghahanap na naman ng wishing star. I wonder kung may Iiwish siya.
Tumingin siya sa akin.
"Look at the stars, napakakikislap nila no. Pero di mo alam na matagal na sila nageexist, because they took light years just to reach us. Malalaman mo lang na nandyan sila, when you see them clearly, gaya ng pagkislap nila."
Tumango lamang ako. "Ganun ba iyon." Ngiti lang ang sinagot niya sa akin at ibinalik ang tingin sa mga bituin.
Nakangiti lamang siya, napakaganda ng ngiti niya, parang ang saya-saya niya, parang hindi man lang iyon nababahiran ng lungkot.
O Sadyang pangkiller smile yata ang lalaking ito.
"Mahal na mahal kita Eris. Dahil parang kislap ng mga bituin ay gusto kong maging malinaw sa iyo yun.
"Ni--"
"Ok lang, hayaan mo na lang na ipadama ko sa'yo kung gaano kita kamahal."
"Nikko pwede ba?"
"Kung no lang ang sasabihin mo huwag ka nang magsalita."
"Pero Nikko."
"Please Eris, kahit ngayon lang, huwag mo naman ipadama ang rejection sa akin."
Hindi ko talaga lubos maintindihan ang sarili ko dahil ito ang lumalabas sa puso't damdamin ko, na kung saan ayokong humantong dito.
Lumungkot na naman ang mga mata niya. Nakatingin lamang ako sa kanya, habang nagsasalita siya, inaalala ko yung mga memories namin.
Simula nung nakilala ko siya, he tried my best to save me, kahit ako itong nagpupumilit na kitlin ang sarili kong buhay, kahit di niya ako kilala, hindi naging alintana iyon sa kanya.
He did not leave me alone, sa panahong kailangan ko ang karamay. Well kahit gusto kong mapag-isa noon. kahit itinataboy ko siya hindi pa rin siya umaalis.
Hinanap niya ako sa may gubat noong naligaw ako, hindi alintana sa kanya kahit delikado iyon para sa kanya.
Hindi niya ako binitawan noong nadulas ako doon sa may puno, tandang tanda ko pa ang higpit ng hawak niya sa akin.
Araw araw niya akong pinupuntahan tuwing umaga, gusto niya kasi may kasabay akong kumain.
He saved my life again noong pinasok ako ng mga goons sa apartment ko, I was so scared noong mga oras na iyon, pero nandoon niya pinawi ang takot ko.
Yung tila hindi niya pag-alis sa bahay ko dahil nagbabakasakali siya na kauspin ko siya. Ang tiyaga niya sa akin.
Ang dami dami niyang nagawa sa akin just to prove his love for me, na hindi ko maintindihan kung bakit niya ako nagustuhan. Noong nasa rooftop lang kami nagkakilala, ano iyon? love at first sight?
Grabe, Isa siyang dakila
Bakit ba kasi tanga tanga ako para hindi ko aminin na mahal ko siya, at ideny ang mga nararamdaman ko. Bakit ba naisipan ko na ireject kapag sasabihin niya iyon sa akin. Bakit ko ba pinagkakait sa kanya iyon? He did not hurt me? Ginawa niya lahat para sa akin. He deserve to be loved, kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako deserving sa isang tulad niya, I will try my best.
He's a good lover, hindi ko rin iyon papalampasin.
Tama si Taylor, hindi dapat ako maduwag. Kung masaktan muli ako, edi masaktan, susugal ako.
Huminga ako ng malalim.
"I think I love you too Nikko." I look at him eye to eye. Gusto kong patunayan na sincere ako.
After saying those words ay sinunggaban niya ako ng halik, his kisses are different. He did it very slow, tila pinanamnam pa sa kin ang mga iyon.
It is so passionate, full of love. Hindi ito yung first kiss ko, pero pakiramdam ko parang first kiss ko. Tila slow motion ang lahat, parang may magic na nakapalibot sa amin, may fireworks, isama na rin ang mga nagwawalang paro-paro sa tiyan ko.
Ang sarap sarap pala sa pakiramdam, ngayon ko lang muli naramdaman ito.
He really make this special huh.
I moan when I feel his hand over my breast, but when he realize it he stop kissing me.
"No, we should not do this." Lumayo siya ng kaunti sa akin.
"It's ok."seryoso siyang tumingin sa akin. I also want to make love to him, damn his kisses.
"Gusto ko munang pakasalan ka Eris."
Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ako.
"Also, Gusto ko na sigurado ka na mahal mo ako. Dahil simula ngayon, sisiguraduhin ko na ako lang ang mamahalin mo.".
He was about to kiss me but we heard a police officer shouting on us.
"What are you doing here! This is a restricted place!"
We both giggled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top