Chapter 23
9:30 am
Napabuntong hininga ako. Masyado na akong tinanghali ng gising.
Sadness has been already invading me, knowing that there is no one who's waking me up. Maaga akong nagigising dahil sa kanya, araw araw niya akong ginigising, ni hindi man lang siya nauubusan ng pasensya dahil mahirap akong gisingin.
Also, there is no one who's saying rise and shine. He always motivate me since the first day we met that to live my life and live it, he is so patient during my miserable times.
Kahit na sinusungitan ko siya, he is still there..
And now.. I am getting him out of my life. Masyado na akong nakakagulo sa kanya. Hindi ko na kaya..
Kahit ako naguguluhan na rin.
Baka hindi ko na rin kayanin kapag nagtagal ako sa kanya.
I just need space, and to live normal, even without him. Kaya ko naman na ang sarili ko. Hindi ko na iisipin na magpakamatay even if I am still hurting because of Lukas.
He is right, I must live my life on my own.
Kahit din na wala si Nikko, kaya ko ito.
I can feel a lot changes again. I am alone again.
The worst thing is,I am missing him. I dont know why. I want to see him, gusto kong bumalik kahit minsan lang.
But I should not.
I sighed
Masyado ko naman kasi sinanay ang sarili sa kanya, yan tuloy.
Masanay na dapat ako, dahil ako na ulit yung Eris na mag-isa at walang kaagapay.
Napabuntong hininga ako.
I looked at my stuffs out there, I just focus on fixing them and have a new life again. Mas ok pa iyon than to think and think of him, wala naman ako mapapala doon.
I sighed again.
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga.
Another day loneliness I should spend on.
Kaya mo ito Eris masasanay ka muli.
Napatingin ako doon sa mga sa mga magugulo kong gamit. I better fix them para naman may pantuunan ako ng pansin, hindi yung lagi na lang siya naiisip ko.
Hay nako. What has he done to me.
Napapikit ako nang mayroon pumasok sa alaala ko.
Nakatingin kami sa mga bituin habang kumakain kami. Sinikap ko na pasensyahan ang mga kakulitan niya, pati na rin ang mga kabaliwan na ginagawa niya.
I just want to spent my last day with him na masaya, kahit na hindi maganda yung pagkakakilala naming dalawa, our ending of being friends ay magiging masaya.
"Eris look may falling star na naman magwish ka." Then he suddenly close his eyes, exposing his long lashes. Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha niya
Kahit baliw itong mokong na ito, he has the looks that every woman wished for. To his pointed nose, down to his kissable lips, it was thin and red.
I remembered when he kissed me...
"Eris nagwish ka na."
Napailing ako.
Leche! Leche! Nababaliw na yata ako. Huwag mong pagnasaan yan Eris! Malandi ka! Sigaw ng kunsensya ko.
"Hindi ka nagwish."
"No, I mean yes nagwish ako, wala naman masama diba?"
Tumango lamang siya, at nakitingin sa akin.
Fuck that butterflies in my stomach, they are getting to rumble again.Urgh! I need space.
Eris, maghanap ka ng pwedeng lusutan, alis ka muna.
Tila nagningning yung isang platong walang laman. Yes!
"Nikko, gawa lang ako ng sandwich."
He just nod, at binalik ang tingin sa mga bituin.
Whew!
Binagalan ko ang paggawa ng sandwich dahil kailangan kong ibriefing ang sarili ko. Bakit ba masyado akong naiilang sa kanya, bakit kung ano ano na ang naiisip ko tungkol sa labi niya.
Naloloka na ako sa kakaisip!
Halos mabitawan ko ang kutsilyo dahil agad ako nakaramdam nang kuryente mula sa nakayakap na bisig mula sa aking likuran.
"Eris."
"Anong ginagawa mo?"
"I love you Eris, Ayokong nang malayo sa'yo, dito ka na lang please."
Napailing ako. Thinking of him will just ruin my day.
Aksidenteng napalingon ako sa bintana.
Speaking of him. Hindi ako maaring magkamali, tinding pa lang ay alam ko na kung sino ito, sa kanyang mga ngiti ay hindi na ako maaring magduda.
Ano ang ginagawa niya rito? Paano niya ako natunton dito kung hindi ko naman sinabi na lilipat ako at kung saan ako lilipat.
I suddenly heard my heart beating so fast, yung para bang may hinahabol.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung lalabasin ko ba siya o hindi na lang papansinin?
Pero tila may sariling utak ang aking mga paa dahil naglalakad ako papalapit sa kanya.
"Eris!" Umaliwalas ang kanyang mukha nang mapansin niya akong papalapit sa kanya.
Nakatulala lang ako. Kanina I'm just thinking if him ngayon at nasa harapan ko na siya. I dont know what to do. Para akong nadikit sa kinakatayuan ko.
Papalapit siya nang papalapit at sakin, papalakas din ng papalas yung tibok ng puso ko.
What the hell is happening to me.
Will please the drummer of my heart stop. Masyado na.
"N-ni-nikko." Leche Eris kailan ka pa nautal sa lalaking iyan. Ang OA mo na. Umayos ka!
"Hi! Good morning." O iyan na Eris, yung hinahanap mong babati sayo ng good morning.
"G-gu-good morning." Stop stammerning Eris!
"Namiss ko na yung taga-gawa ko ng sandwich." Nakangiti niyang sabi.
Hindi ako makatingin ng diretso. Why does he need to smile. Kitang kita ko yung mapuputi niyang ngipin, maganda pa rin ito kahit may sungki sa gilid. Talaga asset niya iyon a?
I just smile.
I dont know what to say. Bakit ba nangyayari sa akin ito.
Later on ay pinapasok ko siya sa loob, nahihiya nga ako kasi ang gulo-gulo pa sa loob. Ni hindi pa ako nakakapag-ayos.
Inalis ko yung bag doon sa may upuan at pinaupo siya.
"Diyan ka muna, igagawa kita ng sandwich." Sabi ko at tumalikod. Salamat Eris at hindi ka nautal. Whoo!
Mabuti na rin na lumayo muna sa kanya, kailangan ko ng bwelo. Kailangan.
Bakit kasi hindi siya nagsabi na pupunta siya. Hindi ako handa!.
Nilabas ko
"Eris let's talk."
Napatingin ako sa itaas. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya, baka kasi mas magwala ang mga lintik na paru-paro ko sa tiyan. Baka hindi ko kayanin.
"Ano ba kasi ang pag-uusapan natin?" Sabi ko na hindi tumitingin sa kaniya. Mas itinuon ko na lang ang atensyon sa paggawa ng sandwich niya. Para maisulpak ko na sa bibig niya at hindi na makapagsalita pa.
"Eris, bakit ka umalis?"
Tumingin ako sa kanya. Oo nga pala, kahapon, umalis kaagad ako habang natutulog siya. Sinadya ko talaga iyon dahil alam ko na sobra na akong nakakagulo sa kanya. Nag-away sila ng mama niya dahil sa akin. At pati ako, hindi na maganda ang mga nararamdaman ko sa kanya, yung mga bagay na dapat hindi ko maramdaman, at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan iyon mangyari sa akin.
Kaya gusto kong lumayo, kung kinakailangan kong putulin ang ugnayan sa kanya gagawin ko, pero paano kung nandito naman siya sa harap ko.
Kahit na magtago ako ay matutunton pa rin niya ako.
Natapos ko nang gawin yung sandwich niya. Pagharap ko...
Nasa mismong harap ko siya, with his evil grin.
A/N:
Sorry dahil super tagal kong mag-ud. Since bakasyon na namin, babawi ako sa inyo sa abot ng aking makakaya.
I hope you like this chapter.
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top