Chapter 17
Nagising na lang ako na mayroong kumalabog, agad ko itong tinignan. Letseng Nikko na iyon! Lumalala na! May balak pa siyang manira rito sa pamamahay ko.
Can he just stay away, Bakit niya pa ako ginugulo pa! Or kahit huwag muna siyang magpakita sa akin. Sariwa pa kasi ang lahat sa akin, gusto niya ba talaga akong laging iniinis?
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Naiinis na ako sa kanya, kung kinakailangan na itulak ko siya palayo gagawin ko. Basta layuan lang niya ako, para naman mapag-isip isip niya na ayoko sa kanya.
"Nikko, pwede ba!" Sigaw ko, pero imbis na si Nikko ang humarap sa akin ay apat na lalaki ang tumambad sa akin, na parang may hinahalungkat sila sa loob. Nagsisi ako sa paglabas ko, sa pagsigaw ko dahil nakuha ko ang mga atensyon ng mga ito. Nakangisi pa sila, ramdam na ramdam ko na mayroon pa talaga silang gagawin na hindi maganda.
"Dude we hit the jackpot! There is a beautiful lady over there."
"Yeah.. You know what are we supposed to do when we are seeing a this beautiful." Ani nung isa at ang lagkit pa ng titig sa akin.
Nakaramdam ako ng pangingilabot kaya dali dali akong tumakbo papasok ng kwarto ko bago pa nila ako mahuli tapos ay agad na nilock iyon.
Agad ko rin hinanap yung cellphone ko, pero malas ko lang dahil naiwan pa sa labas ang cellphone ko. I decided to go out pero wala rin akong lalabasan dahil may rehas ang mga ito, hinding-hindi ako magkakasya.
Nagpanic ako nang makarinig ako ng kalampag sa pintuan. Dammit! How can I get out on this place. Lumapit ako sa aparador na malapit sa pinto at pilit na itinutulak iyon.
Eris kaya mo iyan, malapit na. Ito ang pag-asa mo para makaligtas sa kanila.
Mas lalong kumakabog ang aking dibdib na papalapit na sila sa akin. I wanted to shout for help, pero tila wala ng lumalabas na boses sa akin dahil agad nilang binusalan ang bibig ko.
Agad din nilang tinali ang magkabila kong mga kamay.
No please, no.
Tanging paghagulgol na lang ang magagawa ko.
"Can't you just be quiet! You will enjoy this." Pinunit niya ang pangtaas ko, iyak ako ng iyak habang hinahawakan niya ang katawan ko, wala akong magawa, hindi ako makasigaw, ni hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko sa kanila.
Mas lalo akong humagulgol nang bumaba ang kaniyang mga kamay sa puson ko. Napapikit na lang ako, dahil hindi ko kayang tignan ang sarili ko na wala man lang kalaban-laban sa kanila.
Tila nabuhayan ako nang may narinig akong boses.
"Dont you dare to touch her." Nakita ko na lang na nakabulagta na yung apat na lalaki. Habang si Nikko ay kalmado na nakaharap sa akin.
Agad siyang lumapit sa akin,tinakpan ng kumot yung katawan ko saka ako pinakawalan sa pagkakatali.
Agad ko siyang niyakap. Wala akong pakialam kung halos wala na akong saplot at kumot na lang ang distansya namin sa isa't isa. Hindi ko mapigilan na mapaiyak, dahilang saya saya ko, akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin, mabuti at dumating siya. Ligtas na ako, mas lalo ko pang naramdaman na ligtas na ako dahil ako ay nasa mga bisig niya.
"Thank you. Thank you very much." Mas lalo ko siyang niyakap. Wala na akong pakialam na galit ako sa kanya noon, naiinis ako. This man save my life twice at ngayon na kung saan ko pinakailangan ng tulong, dumating siya. Kahit na ba pinagtatabuyan ko siya, sinusungitan, siya pa rin itong naglalayo sa akin sa kapahamakan.
I realized hindi niya ako pinababayaan. He is always there for me. Kahit na may kabaliwan din siyang taglay.
"Nikko." Agad kong tinawag ang pangalan niya nang makita ko na bumabangon yung isa.
"Huwag ka na matakot, everything is fine now, nandito lang ako." He assured me, pero natatakot pa rin ako, lalo pa at may hawak na itong patalim.
"Nikko!" Sigaw ko ng makalapit sa amin yung lalaki, haharapin niya sana iyon pero huli na. I saw blood at his back.
Napadaing siya sa sakit, ang dami dami na ring dugo na lumalabas mula sa kanya. Yung mga masasamang loob naman ay agad na nagsitakbuhan. Wala na rin ako pakialam sa mga iyon, basta maisugod ko si Nikko sa ospital, mas mahalaga na ligtas siya. Kaya tinulungan ko siya sa abot ng makakaya ko.
Napamura ako nang mawala na yung kotse ko. Mga walanghiyang iyon.
"I'll drive." Sabi ba niya.
"Hindi mo kaya, akin na ang susi."
"Tsk. Ito na." Agad naman niya itong binigay sa akin.
"Huwag kang mag-alala iingatan ko yung porsche mo." Sabi ko na lang at inalalayan siya patungo sa loob ng kotse.
"Nikko huwag kang matutulog ha, labanan mo." Sabi ko sa kanya ng maalalayan ko na siya na punasok sa passenger's seat.
"Ano ka ba Eris, daplis lang ito." Tinignan ko siya ng masama.
"Anong daplis! Tumigil ka nga, isusugod na kita na ospital."
Hindi na siya nagsalita pa at dali-dali kong pina-andar ang pinakamamahal niyang porsche.
Agad din naman kami nakarating sa ospital. Kahit bigat na bigat na ako sa kanya, inalalayan ko pa rin siyang pumasok. Maliit lang na bagay ito, kumpara naman sa niligtas niya ang buhay ko.
"Doc this is an emergency." Dali dali naman siyang ipinasok doon at iniwan nila ako sa labas.
"Be safe Nikko."
..............................
"Doc how is he?"
"The patient is fine, you should be thankful because there is no internal organs affected but he still need a rest and a regular change of bandage to prevent infection."
"Thank you."
Tinignan ko siya uli, payapa na siyang natutulog.Mabuti at nasa mabuti siyang kalagayan. I can't bear that knowing he is in danger because he saves me.
Hindi muna ako aalis dito, babantayan ko siya, dahil utang ko lahat sa kanya. Kung hindi siya dumating ay malamang binababoy na ako ng mga walanghiyang iyon.
Dito lang sa simpleng pagbantay ko, gusto kong makabawi sa kanya. Maliit lang na bagay ito.
Magdamag lang akong nakatitig sa kanya buong gabi, wala rin naman akong magawa dahil naiwan lahat ng mga gamit ko sa bahay. Gusto ko man bumalik doon, pero natatakot ako, baka tambangan ako ng mga lalaki kanina.
Maya-maya ay dinalaw na rin ako ng antok, at dahan dahan na dumukdok sa tabi niya.
Kinabukasan paggising ko, agad kong nakita ang nakangiti niyang mukha na parang walang nangyaring masama sa amin kagabi.
Nakangiti lang siya na parang sira at namalayan ko na lang ang sarili na unti-unting ngumingiti na sa kanya pabalik.
..............................
Happy valentines po uli :) haha sinipag nag-update ang inyong lingkod.. Pambawi :)
Salamat po:) enjoy! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top