Chapter 13
Dedicated to soulstitch21 . Damdamin ko raw yung sinusulat ko. Salamat sa payo bru. 😄
........................
What teka, paanong magreresign yan? May contrata tayo a."Agad na sabi ni Michael. Tila walang boses na lumalabas sa bibig ko dahil sa gulat. Nakaramdam ako ng kaba nang bumaling sa akin si Michael. Alam kong wala na akong lusot dito. Malamang sa alam na nila na nagsisinungaling lang ako kanina.
"May problema ba Erisha? Ok naman kayo diba?" I knew it he was saying it sarcastically to me. Hindi ko siya kinibo at humarap kay Rina.
"Bakit daw nagresign si Mr. Sarmiento?" Ani pa niya.
"He said to the board that you have problems we him, na ayaw niyo po sa kanya. Kaya nga po pinapatawag po nila kayo ngayon."
Napahilot ako sa aking sentido. So ako pa ang napasama ngayon? Ako pa talaga ang naging masama ngayon?It is so childish to say na siya ang nauna, at gumanti lang ako. Pero mas masakit pa rin ang ginawa niya sa akin at hindi ko masisisi ang sarili ko na mapalampas iyon.
Though wala dapat akong karapatang magalit diba? I hurt him too before? May karapatan talaga siyang magalit o gantihan ako.
But it's been years at I am willing to ask for his forgiveness but not in this way. Ayoko nang madawit sa anumang gulo. Kung kailan naayos ko na yung buhay ko? Kung kailan malapit ko nang maabot yung pangarap ko. Hindi lang naman siya ang nasaktan, hindi lang naman siya naghirap. Ang sarap nanumbat sa kanya, pero alam mo naman sa sarili mo na wala kang karapatang gawin ang bagay na iyon.
Siguro marahil ay hindi pa ito yung tamang panahon na magharap kami. Siguro din ay dapat na rin siyang mawala sa landas ko.
Dali-dali akong pumunta ng conference room, alam kong maraming katanungan sila Taylor at Michael sa akin, pero hindi ko na pinansin ang mga iyon.
Pagpasok sa loob ay halos lahat ng mga tao doon ay nagbubulungan. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.
"I assure all of you can find more models ok. There are a lot of better models better than him. We can hire even a professional model. Hindi siya kawalan. Kung ayaw niya, edi huwag! Huwag natin pilitin kung ayaw na niya. " At ayoko na rin siya makita pa, If he is going to be mad at me, then be it.
"But Mr. Sarmiento has a big impact to us. As you can see our sales in this month, halos naging doble na ito since we have him as a Model." Ani ni Mr. Cruz habang ipinapakita yung presentation ng line graph ng mga sales namin for this month.
"He has a potential too. Kaya niya makipagsabayan sa mga professional models and he is even better than them." Pagsang-ayon ni Ms. Vera.
"In short we want Mr. Sarmiento as one of the faces of Amaya male. If have personal issues with Mr. Sarmiento, please settle it." Said Mr. Cruz.
"We need him to comeback for tomorrow if not. We will withdraw all our shares here." Pambabanta nila sa akin. Alam kong hindi nila gagawin iyon sa akin, they have learned a lot in this clothing line and I never leave them disappointed.
"You can't do that! I swear I can find a better one." Matigas kong sabi, I'm the real boss here, dapat alam nila kung sino ang susundin, and I dont want him back anymore.
"We want Nikko as a model, siya na yung mukha natin ngayon. Alangan bawiin pa natin diba?"
"We can at nagkasundo na kami doon. You have no choice Ms. Magdayo. Do anything it takes to take him back."
Ako ang majority rito. I own 40% of the shares pero tila ako pa ang hawak nila ngayon sa leeg, and he signed a contract.
Pag-angat ko nang tingin ay nag-sisialisan na yung mga board members. Sa ngayon ay wala na kong panahon na magalit sa kanila. Kailangan kong humanap ng paraan.
Dali-dali akong nagpunta sa office, I signed Rina na marami kaming gagawin ngayon. I will prove to them hindi namin kailangan si Nikko.
"Michael please open an audition now. We need to search a new model." Paglingon ko sa kanya ay nakatayo pa rin siya doon at parang walang narinig na salita mula sa akin.
"Now." Matigas kong sabi.
"But the board want him Eris, saka nairelease na sa mga advertising agencies na siya yung bagong model natin. Erisha hindi natin pwedeng bawiin iyon."
"They even commanded us na huwag mag-open ng audition." Napahilot ako sa aking sentido, Parang hindi na ako ang majority dito? Sumusobra na ito!"
"Ako ang...." Hindi na ko natapos nang biglang sumagot si Michael.
"Pero hawak nila ang 60 percent Erisha. Gusto mo bang mawala iyon." Nanghihina akong umupo sa upuan ko. So wala na talaga akong choice, ang pagkausap na lang kay Nikko ang tangin option ko ganun? Napatingin ako kay Michael nang umupo siya sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin.
"Kailangan mong intindihin sila Eris, Malaki ang hatak sa atin ni Nikko simula nang dumating siya dito. Siya lang ang nagpatriple ng sales natin dito and dahil sa kanya at maraming nagka-interes sa runway show natin. Kahit ako ay hindi ko gugustuhin na mawala sa pagkakataon na iyon." Hindi ko siya kinibo at seryoso lang na nakatingin sa kanya.
"Alam ko na may problema sa pagitan ninyong dalawa, at alam ko na hindi ka rin handa na sabihin iyon sa amin. Nauunawaan namin iyon Eris." Aniya at inabot niya yung isa kong kamay.
"Pero alang-alang sa Amaya, sa pangarap natin. Kailangan mong lunukin ang pride mo. This is the break that we are waiting for. Alam kong hinihintay mo rin ito after all this years."
"But he is not the Nikko that I know anymore. Iba na siya." Mapait lang siyang napangiti sa akin.
"We'll you have to be strong, huwag mong hahayaan ang sarili mong na magpakababa sa kanya."
....................
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng Golden State. Tama nga sila, I nees to set aside my personal problems, hindi ko sila pupwede na idamay rito. Itong Amaya na yung pinag-uusapan dito, hindi yung kung anoman ang namagitan sa aming dalawa.
"Sir Nicholas has his full load schedule for today." Nanlumo ako sa sinabi ng receptionist niyang iyon. Pero hindi dapat akong magpatinag.
"Kindly check it miss. Baka naman meron. I need to talk to him right now."
"Sorry Miss but."
"I need to talk him right now. Maghihintay ako please."
"Ok mam, I I'll settle it with Mr. Sarmiento." Tumango lang ako sa kanya at humarap na rin siya kaagad sa akin.
"Just wait for him at the lobby of his office."
"Thank you." I smiled to the receptionist as I leaved the place.
............
Agad kong binuksan ang laptop ko pagkaupo roon sa lobby. Dinala ko na rito yung trabaho ko. Atleast I can use my time very well while waiting.
Maghapon akong naghintay pero wala pa rin siya. Ni hindi man lang siya lumalabas ng opisina niya. I guess the receptionist really telling the truth.
Hay.. Ang tapang tapang ko sa kanya kahapon at halos ipamukha na hindi ko siya kailangan, and now? Ako pa yung parang asong naghihintay dito. Ako pa yung humahabol.
How can I face him with that thought?
Eris, alang-alang sa Amaya, alang-alang sa pangarap mo.
Ganoon ko na ba kakailangan na kapalan ang pagmumukha ko sa kanya?
............
"Sorry Miss Magdayo but, I will not go back. I will not gonna be your model again."
"But, please... We need you. Sorry na sa lahat ng mga nagawa ko. I am willing to do anything, basta bumalik ka lang." Malakas niyang nahawi yung kamay ko, naging sanhi ng pagkabagsak ko sa sahig.
"Sorry but you are not enough to please me."
"Miss.. Miss magsasara na po kami."
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, gabi na pala at kami na lang yung tao dito sa building.
Teka nasaan si Nikko? Kausap ko lang siya a.
Siguro ay nanaginip lang ako, para kasing totoo sa akin ang mga nangyari.
"Nandyan pa ba si Mr. Sarmiento?"
..............................
Napabuntong hininga muna ako bago ako pinidot yung doorbell. Mabuti na lang at binigay nila sa akin yung condo unit ni Nikko, hindi raw kasi ito tumutuloy sa mansion nila.
Ilang minuto ang nakalipas nang may nakita akong babae na lumabas sa condo niya at nakasunod siya doon.
"Ikaw talaga." Ani nung babae at malambing na hinampas niya ito sa dibdib. Nagkwentuhan pa sila, at napangiwi ako sa nakikita ko ngayon. Tila ang sweet sweet nila at parang may namamagitan sa kanila. Paano nagagawa ngayon ni Nikko ang mga ganitong bagay?
Napatikhim ako at nakuha ko yung atensyon ng babae.
"Siya yata yung nagdoorbell kanina." Sabay turo niya sa akin at bumaling uli kay Nikko saka bumaling ulit sa akin.
"Pasensya ka na girl ha, Si Nikko kasi ang kulit. Nakakahiya sa--" Napahinto siya at napatitig sa akin.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, at ang seryoso niyang nakatingin sa akin.
Muli siyang lumapit kay Nikko at may binulong dito. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi at tinapik ito sa braso.
Nakatanaw siya doon sa babae hanggang sa makasakay siya sa elevator.
"Alam mo ba na ayaw ko sa lahat ng mga taong tutulog-tulog. If you are my employee I will fire you at that moment." Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita sa likod ko.
"Kaso hindi, at hindi mo man lang ako ginising?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Sabi ng secretary ko hindi ka raw niya nagising kanina."
Kailangan kong magpigil. Kailangan ko muna isantabi ang inis ko sa kanya. Kailangan kong lunukin ang pride ko. Alang-alang sa Amaya, alang alang sa pangarap ko.
"Nikko."
"Anong kailangan mo?"
Magsasalita sana ako nang bigla siyang nagsalita ulit.
"Wait as I remember you dont need anything from me right?"
"But."
"You've throw the
"Then beg for it. Beg me to come back."
"Nikko please we need you. Ayan aaminin ko na. I need you, we need you. Please bumalik ka na." Mas lalo siyang lumapit sa akin.
"Is that the proper way to beg? Kneel for it Miss Magdayo."
Dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya.
Umupo siya sa harap ko para pumantay sa akin.
"In one condition. Miss Magdayo." Napasinghap ako nang dahan-dahan niyang inaalis ang mga ilang butones ng polo niya at lumapit sa akin.
"Sleep with me, be my bedwarmer, Eris." He said huskily. Tila para akong naestatwa sa sinabi niyang iyon.
Natauhan na lang ako nang sensual niyang hinaplos ang aking pisngi, pababa sa aking labi. Hindi pupwedeng mangyari ito, hindi dapat, kasal siyang tao, at hindi dapat ako pumayag sa ganito.
"No." Napangisi siya sa sagot kong iyon.
"Ok, madali lang naman akong kausap. I won't come back, not just that. I will do anything to ruin Amaya." Seryoso niyang sabi, bitbit ang matatalim niyang mga titig. Pero kailangan kong magmatapang sa sitwasyon na kung saan nilalamon na naman ako ng takot para sa kanya.
"No, hindi mo gagawin yan. Ako pa nga ang may karapatang magdemanda sayo, you signed a contract to me. Hindi dapat ako nandito."
"Sorry but you are here, you dont have any idea how powerful Iam. My attorney can defend me, baka ikaw pa ang mapasama."
"Ako pa talaga ang mapapasama Mr. Sarmiento." He just grinned. Napakuyom ako ng kamao, parang gusto kong ibato yung malapit na vase sa kanya.
"If you will not agree, sinasabi ko sayo Erisha, mapapabagsak ko yang Amaya." Umiling-iling lang ako sa kanya.
"I think you are aware na mataas ang sales niyo dahil sa akin." Aniya at mas nilapit niya pa yung mukha niya sa akin, halos ramdam ko na ang mainit niyang hininga.
"So what do you think Eris" He said huskily, muntik na niya ako mahalikan nang itulak ko siya palayo. Tumalim ang tingin niya sa akin.
"Ok Ms. Magdayo." Aniya habang inaayos niya yung polo niya. "Please be prepared sa pagbagsak mo simula bukas." Pagpatuloy niya, saka tumalikod sa akin at papasok na sa loob ng unit niya. No, hindi pwede, pupwedeng mangyari ito. It may be possible, na kaya niya akong pabagsakin at hindi ko alam kung makakalaban pa ako.
"Wait Mr. Sarmiento." Pikit mata kong sabi.
Before I could say an answer he kissed me hungrily in my lips.
...............
Promote! Promote hahaha!
Please like my page (if you like to) here's the link: https://www.facebook.com/Weirdongbabae-609239779264260/ or just search Weirdongbabae with an anime girl profile pic,(same as my wattpad's dp) and a reading girl in its cover. Be the first likers. TY very much
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top