Chapter 11

"Erisha, kayo na ba ulit?"Pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina iyon ang ibinungad sa akin ni Michael.

Si Michael kasi yung nakakita sa amin kagabi, mabuti na lang at maagap si Nikko at niyakap niya ko para matakpan ako. I am almost naked last night, then I see Taylor grinning at me. I guess naikwento na ni Michael ito sa kanya.

I sighed.

"So are back in each others arms E?"!

"No." Parehong kumunot ang noo nilang dalawa.

"So ano yung nakita ko kagabi? Trip niyo lang ganun?"

"I guess they are playing."

"Stop that both of you." Pero tila hindi nagpapigil ang dalawa at nakangisi pa rin. Binalingan ko kaagad si Michael.

"Bakit kasi hindi ka man lang magpasabi na pupunta ko, o magdoorbell ka man lang."

" Nawawala nga kasi yung susi ko nun kaya pinuntahan kita. To ask you if you have a spare key. Saka walang akong load." Napailing lang ako. Meron namang duplicate si Taylor, di wari bumili na lang ng susi na katulad nun. Kahit kailan talaga napakakuripot ng lalaking ito. Oo nanlibre siya noon, pero once in a blue moon lang dahil alam niyang may kasalanan siya sa akin, labag pa nga sa loob niyang binayaran yung kinain ni Taylor.

"Laking gulat ko dahil hindi nakalock yung pinto ng apartment mo. Erisha naman alangan naman magdoorbell pa ako haller! Saka siyempre nag-alala ako sayo,baka mamaya sinugod ka na nung Mark retokado na iyon!."

"Kahit na Michael." Hindi niya dapat nakita iyong nangyari. Sobrang nakakahiya, ok lang sana if nakita niya lang kami na nag-uusap lang, but no! I am almost naked at huling huli pa niya kami sa akto.

"Siguro kinuha mo iyon sa akin yung susi no? Kasi may pinaplano kayo ni Nikko? Hay nako Erisha mauu--"

"Would yoy please stop it!"Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ni hindi man lang tumalab ang masama kong tingin bagkus ay ngumisi pa lalo ang dalawa sa akin.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin Eris, nakakatampo ka." Ani ni Michael.

"It is ok if you could tell us so Michael wont disturb. We will understand it. Alam mo naman support ka namin kay Nikko." Singit naman ni Taylor.

"Very correct Taylor! Team Fafa Nikko kami noh."

"Kaso may asawa na." Sabay pa nilang sabi at nagtawanan pa lang silang dalawa. Hindi talaga sila makuha sa tingin. Dahil sa inis ay wala sa loob kong naibalibag yung hawak kong folder sa kanila. Biglang umayos ng upo yung dalawa.

"Ikaw naman Eris, di ka naman mabiro. Kwento mo naman kasi sa amin. Ganyan ka naman e!"

"I did not get any keys from you ok? Hindi ko nga alam kung bakit siya nakapasok sa loob e. Akala ko pa nga ikaw yun pumasok." Doon ako biglang naliwanagan, that  explains why Nikko, baka kinuha niya ang susi kay Michael, hindi naman imposible na mangyari iyon dahil napakaburara ng Michael sa mga bagay bagay.

Tumango-tango lang silang dalawa.

"Please believe me guys."

"Ok!" Sabay pa nilang sabi.

"Seriously E, you two should talk about it." Seryosong sabi ni Taylor. Tama siya, kahit mahirap sa part ko, kailangan kong mag-ipon ng lakas ng loob para kausapin siya. Hindi dapat nangyari yung kagabi, maling mali dahil may asawa siyang tao.

"Hay nako Erisha! Kailangan ka niyang panagutan, hindi pwede yang ganyan!" Nakapamewang pang sabi bi Michael. Napailing lang ako.

"Handa ka na ba maging kabit Eris!" Dagdag pa nito.

"Oh my you will becoming a mistress Eris. But that's fine, agawin mo siya sa Lauren freckles na yun. Since inagaw naman niya si Nikko sa yo noon."

Lauren.. His wife...

Bigla akong nakaramdam ng pangungunsensya. I think she is waiting him all night, tapos nandoon siya sa akin at muntikan pang nay mangyari sa amin kung hindi lang biglang sumulpot si Michael.

"Weh? Totoo ba Taylor."

"Yes! I'll tell you later the whole story."

Napailing na lang ako sa dalawang ito. Magkasundo nga sila ngayon, kaso ako naman itong pinagkaisahan nila.

Wala naman akong itensyon na maging kabit, gaya nga ng sabi ko, sapat na sa akin yung magkaayos kami. Higit sa lahat  manira ng relasyon at lalo pa't alam kong may anak na silang dalawa. Saka tanggap ko naman na hindi na kami pwede.

Masaya rin ako dahil baka sakali na magkaayos na rin kami ni Nikko, though kahit hindi na namin talaga maibabalik yung dating kami. Iyon naman na ang mahalaga sa akin, and also I would have a chance to apologize what I've done to him, baka sakali mapatawad na niya ako.

"Good morning Miss Eris, Sorry po at nalate ako, traffic po kasi e." Nakahinga ako ng maluwag nang dumating siya dahil hindi na ako aasarin ng mga ito. Ayoko kasi malaman ng ibang tao ang tungkol sa nakaraan ko, lalong-lalo na kung patungkol kay Nikko. Mabuti na lang at nakikisama ang dalawang ito.

"It's ok. Any updates for today." Agad niyang kinuha yung planner sa bag niya at binasa niya iyon.

"You will be having a lunch meeting with Mark Ejercito."

"Oh tell him that it is cancelled." Agad na sagot ni Michael. Talagang ang listo niya pagkarinig ng pangalan ni Mark.
Pinandilatan ko ng mata si Michael. Oo nga pala kakausapin ko itong dalawang ito to have an apology for him.

"Diba may photoshoot ulit tayo ng 1 o'clock sa tagaytay. Babyahe pa tayo Eris." Ani pa ni Michael. Agad naman tinignan ni Rina yung planner."

"I'm so sorry Miss Eris. Tama po si Sir Michael may photoshoot po ulit tayo sa Tagaytay with Mr. Sarmiento. Si Mark po kasi ang naglagay, di bale kakau--"

"Huwag mo nang kausapin yung tukmol na iyon. Hayaan mo siyang maghintay at mabulok doon. At Rina, for how many times call me Miss Micha."

"Sorry po Si- Miss Micha." Niyuko pa ni Rina yung ulo niya.

"It's ok, atleast.."

"Please tell Mr. Ejercito na hindi  kamo matutuloy ang lunch meeting." Agad kong sabi para hindi maituloy ni Michael ang anumang sasabihin niya. Then, Michael groaned like a child.

"Hey Michael, that's ok. Atleast tuloy tayo kay Nikko." Bigla namang umaliwalas yung mukha ni Michael.

"Ay! Oo. Promise Erisha we will not disturb you." Tuwang-tuwa pang sabi ni Michael.

"Hay nako tigil-tigil niyo ako." Sabi ko at lumabas ng office. Rina called me from the intercom na may bago na naman kaming client.  Mabuti na lang at umalis si Rina nung nang-asar na naman sila kundi yung lampshade na ng office ko yung ihahagis ko sa kanila.

....................

Medyo mahangin doon sa may location. I was so happy dahil nakita ko siya agad doon. Gusto ko man siyang kausapin but It seems he is busy there. Siguro mamaya na lang kapag kaunti na lang yung tao.

Mabuti na lang at hindi ko siyang nakikita na nakatingin sa akin, it seems that nakapokus na talaga siya sa photoshoot. Mas nakakahinga pa ako ng maluwag, dahil kung titigan niya pa rin ako? Siguro ako hihilingin ko na lumubog na lang sana ako sa lupa.

Nabigla ako nang maramdaman na nagvibrate yung phone ko, agad ko naman tinignan kung sino ang caller and it is Mark.

Nabigla naman yung dalawa sa pag-alis ko, pinigilan pa nga nila ako dahil dapat naming panoorin si Nikko. Sinabi ko na lang na naiihi ako. Sasamahan pa nga sana ako ni Taylor pero tumanggi na ako.

When I said na tumatawag si Mark, sigurado ako na aagawin ng dalawa yung cellphone ko at hahayaan nilang mag-ring iyon.

Nang makalayo ay agad kong sinagot yung caller.

"Yes? Sorry natagalan akong sagutin."

"It's fine."

"Sorry I was not able--" Agad niyang pinutol yung sinasabi ko.

"It's ok I understand, pinaliwanang naman sa akin ni Rina lahat kanina. Ako lang naman yung nagpumilit." Mapait akong napangiti. Kahit kailan napaka-understanding ni Mark. Kung pwede sana siya na lang, I am trying to open my heart to him, because he is almost perfect, kaso parang may pumipigil sa akin, parang ayoko pa.

"Gusto mo resched natin, how about tomorrow. I think maluwag naman ako bukas."

"Oh sure Eris, I am glad to hear that my lady."

"Ok then Eris."

Nanlaki yung mga mata ko nang may umagaw ng phone ko.

"Nikko." Hindi siya kumibo tinignan lang niya yung phone ko at itinapat niya iyon sa tainga niya.

"My lady, are you still there?"

Maaliwalas yung mukha niya nung nakita ko siya pero tila napalitan iyon ng galit. Walang sabi sabi ay inihagis niya yung phone ko.

"Nikko!" I said in shock nandoon lang ako at nakatingin sa phone ko. Dahil sa lakas ng pakakahagis niya, halos nagkahiwa-hiwalay na yung mga parts noon. Bigla akong nakaramdam ng inis, nandoon lahat ng contacts ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, pero tila wala lang iyon sa kanya, bagkus ang ginantihan pa niya ako ng matatalim niyang mga titig.

Hindi na ako nag-atubiling pulutin yung phone ko at hinabol si Nikko. It was destroyed already bakit ko pa pag-tuunan ng pansin, and besides we need to talk.

"Nikko!" Sigaw ko nang nakalapit na ako.

"It's Nicholas." Humarap siya sa akin. There will go again, his emotionless face.

"Bakit mo ginawa iyon? Alam mo bang--"

"So? I can buy you a new one." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"May pambili ako Mr. Sarmiento."

"Ok then." He is supposed to walk away pero tinawag ko siya. We must talk about last night, samantalahin ko na habang nandito siya.

"Ok Nicholas, about last night."

"Don't mind it." 

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niyang iyon. What does he said? Dont mind it. How can I suppose na hindi pansinin yung ganoong bagay. Hindi dapat nangyari iyon dahil kasal na siya sa iba. Big deal and bagay na iyon, and we must settle some things.

"Pero sabi mo." I remember the way he said how he missed me. Ramdam na ramdam ko iyon mula sa kanya.

"Umaasa ka na totoo iyon Ms. Magdayo." Aniya at lumapit sa akin, halos isang ruler na yata ang layo namin sa isa't isa. Kahit naiinis ako sa kanya, ramdam ko pa rin ang pagkabog ng dibdib ko.

Suddenly I feel there's stinging pain at my heart. Ayokong maniwala, alam kong totoo ang sinasabi niyang iyon.

Oo kahit papaano umaasa ako. I can feel it he is sincere. My heart can feel it.

"Ms. Magdayo hindi lahat ng naririnig mo ay totoo." He said coldy, napatingin ako sa mga mata niya, then I saw anger in his eyes. Hanggang ngayon pa ba galit pa rin siya sa akin.

"I'm just horny last night and I want to get laid and I dont have any bed warmer. Ikaw ang naisip ko." Pagpatuloy pa niya.

Gusto kong magsalita, gusto ko siyang sigawan, pero tila ba walang boses na lumalabas sa bibig ko, at para na akong iiyak, pero pinipigilan ko. Ayokong magmukhang mahina sa harap niya.

"Besides you seems that you are sexually deprived my dear." Aniya at isinabit niya sa tainga ko yung mga ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko.

"I guess boy does not pleasure you well. " Pagpatuloy pa niya.

Itinulak ko siya palayo.

"Guilty Miss Magdayo." Yes I admit I want him because I am longing for him, pero walang namamagitan sa amin na Mark. Anong tingin niya sa akin? A slut? A whore?

I am supposed to slap him ng nasapo niya yung kamay ko.

"Sige subukan mo Miss Magdayo. No one get away with it kapag sinubukan mo." Alam kong galit siya sa boses na iyon. Ako dapat ang may karapatang magalit dito, hindi siya! Sinira niya yung phone ko, ininsulto niya ako.

Agad kong hinila yung kamay ko sa kanya.

"Oh good, now you are scared my dear." Aniya at hinaplos yung pisngi ko. Agad kong iniwas yung mukha ko sa kanya.

He just grinned and he walked away.
Nanlaki ang mga mata ko nang bumalik siya.

"Sorry Ms. Magdayo." Hindi ko napigilan na napangiti. Is he sorry in what he did. Ayokong isipin na dapat lang, agad na pumasok sa isip ko na siya pa rin yung Nikko na minahal ko noon. I really want to jump in hapiness and hug him tight and say, you're back.

But suddenly...

"I disturbed your conversation with Atayde. It seems that you are enjoying that time. It wont be happen again." Then he walked away.

Bigla na lang pumatak ang nga luha sa pisngi ko.

Akala ko tanggap ko na pero bakit umaasa pa rin ako.

The Nikko that I know right now, is really a stranger.
.................

I hope you enjoyed spending your halloween.

Kaway kaway sa may pasok diyan, karamay niyo ako. 😂😂😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top