Chapter 1


I was fifteen that time when I first time saw her. Bibili sana ako ng ballpen, dahil naiwala ko na naman yung ballpen na kabibili ko lang kahapon.

I was walking at the corridor nung may nakasalubong akong babaeng nagmamadaling tumakbo. Mukhang bago lang siya rito.

At sa tingin ko ay naliligaw siya rito, dahil gulo-gulo na rin yung ayos niya. Medyo malaki rin naman kasi yung campus namin, kahit nung first day ko nun ay naligaw rin ako.

Gusto ko siyang tulungan nung lumapit siya sa akin, kaso nilagpasan lang niya ako at tila natulala ako sa kinatatayuan

That angelic face, kahit mukha siyang haggard sa mga oras na iyon ay ang ganda ganda pa rin niya. Hindi tulad ng mga ibang babae, na kung mag-lagay ng kolorete sa mukha ay nagmumukha ng clown.

Hindi ko rin siya nagawang sundan dahil saglit lang naman yung paalam ko kay sir na bibili ng ballpen.

Makikita rin kita.

Napangiti ako sa naisip habang naglalakad ako pabalik ng classroom namin.

.............

May inutos sa akin noon si Sir, Gusto kong magtatatalon sa tuwa, dahil nakita ko na naman siya. Pero nakangiti lang ako nun, halos mapunit na yata yung bibig ko sa sobrang ngiti. Sana ay mapansin naman ako, kaso tumalikod din naman siya sa akin. Tinagalan ko pa yung pakikipag-usap sa adviser nila, pero nakatalikod pa rin siya sa akin. Tsk. Sayang.

Pero ok na rin yun, atleast nakita ko na rin siya at alam ko na yung section niya. Buti na lang at inutusan akong ibigay yung mga forms saka adviser ng III-St. Claire. Isa rin kasi akong Student Assistant, hay nako buti na lang at sana lagi akong utusan na pumunta sa section nila. Alam ko makikita niya rin ako, kapag lagi na ako nakakapunta sa section nila.

Pagdating sa faculty room agad kong tinignan yung forms na binigay nung adviser nila. Talagang tinignan ko iyon, sinamantala ko na rin habang wala pang teacher dito sa faculty, baka kasi mapagalitan ako. Hanggang sa nakita ko yung pangalan niya.

Erisha Magdayo

Her name is kinda unique, sana siya rin. Pero di bale, magkakakilala rin kami.

Sana... Sana...

Sana utusan ako lagi na pumunta doon sa section nila, para lagi ko siyang nakikita.

Kaso sa kasamaang palad iyon na yung huling utos sa akin na pumunta sa section nila, lagi kasi akong inuutusan doon sa may second year, ang layo pa run sa section nila. Di bale makikita ko pa rin siya.

Nagdaan ang ilang araw, hindi siya mawala sa isip ko. Halos di na ako makatulog sa gabi kung

Eris.. Eris.. Ano ba yung ginawa mo sa akin. Bakit ako nagkakaganito sayo

Hanggang sa mapagtanto ko na.

Gusto ko siya, pero mapapansin niya ba ako. Gusto ko siyang ligawan, pero magugustuhan niya ba ako.

Simula nun ay lagi ko na siyang tinitignan palihim. Masaya na ko na makita siyang nakangiti. Madalas kasi siyang mabully. Kung ipagtatanggol ko naman kasi siya lagi naman ako nauunahan ni Lukas. Kaya hanggang tanaw na lang ako, sana naman ay magawa ko rin siyang ipagtanggol, tulad ng ginagawa niya.

Lagi ko siyang sinusundan noon, sounds creepy right? Pero wala naman akong masamang intensyon, gusto ko lang siyang bantayan. I think she is too fragile so she needs a more care. Saka minsan may lungkot din akong nakikita sa mga mata niya. Sana naman magawa ko rin siya pasiyahin, kahit saglit lang. Ok na yun.

May oras na ginabi siya ng uwi noon. Gusto ko man siyang tulungan doon sa may bulletin board na inaayos niya, kung hindi lang kami busy dito faculty. Basta na lang siya iniwan doon, halos siya na yata yung gumagawa doon.

Kaya minamadali ko na itong ginagawa ko. Pero maya-maya ay wala na siya doon, tapos na pala niya yung ginagawa niya doon.

Sa wakas ay natapos na rin namin yung mga ginagawa namin. Nagpaalam na ako kila sir na uuwi na, sabi nila ay ihahatid nila ako sa bahay, pero tumanggi ako. Baka sakali kasi na maabutan ko si Eris.

Hanggang sa nakita ko siyang naglalakad sa isang madilim na eskinita. Wala ba yung sundo niya? Dali dali ko rin naman siyang sinundan. Baka mapaano siya doon.

Maya-maya ay napaligiran na siya ng 3 lalaki. Dali dali akong tumakbo para ipagtanggol siya, kahit na delikado iyon sa akin, basta maprotektahan ko siya.

"Huwag kang makikialam dito." Ani nung isa at bigla akong pinukpok sa ulo.

Pilit kong nilalabanan yung pagkahilo, pero mismong katawan ko na yung bumibigay. May kailangan pa akong protektahan.

......

"Bro I will take care of Eris ok." Ani ni Lukas sa akin. Sabi ko ay dalhin siya sa ospital at gusto ko, ako mismo ang mag-aalaga sa kanya, hinatid naman niya ako sa bahay namin.

Nakatanaw lang ako sa papaalis na sasakyan. Alam kong aalagaan mo si Eris, huwag mo siyang pabayaan.

Tapos nung JS prom namin. Nag-ayos talaga ako rito, I removed my braces and my glasses at pumili ako ng pinakamagandang suit na meron ako. Maraming classmates ko na babae na gustong isayaw ko sila pero tinanggihan ko. Si Eris lang kasi yung gusto kong isayaw. Actually I want her to be my first and last dance. Kaso napangungunahan na naman ako ng hiya. Paano kapag tanggihan niya ako. Hindi naman siguro.

Lalapitan ko sana siya ng unahan na naman ako ng Lukas na iyon. Naisayaw niya nun si Eris, sobra silang magkadikit, halos magkayakap na nga sila.

Siguro nagseselos nga ako.

Kaya umalis na lang ako dahil hindi ko na kaya yung nakikita ko. Nawalan na rin ako ng gana. They look lovers when they are dancing. Naiinis ako kasi pakiramdam ko wala akong kalaban-laban sa Lukas na iyon. Ano nga ba laban ko? May ginawa rin ba ako. Wala.

Bakit kasi ang bagal bagal ko! Lagi naman kasi akong pinanghihinaan. Iyan tuloy!

Tuwing kakausapin ko siya. Lagi akong napanghihinaan ng loob. Lagi niya kasing kasama yung Lukas na iyon. Si Lukas Pakiramdam ko ay gusto kong mawalan ng pag-asa

Pero dapat hindi.

Hanggang sa isang araw, palihim akong tumingin sa notebook niya. Nakatitig lang siya room sa may triangle.

Ito na Nikko.

"You better use Phytagorean theorem." Halos pikit mata kong sabi. Hindi ko alam kung napansin niya ba iyon o hindi, dahil medyo mahina rin kasi yung pagkakasabi ko.

Nagulat ako nang lumingon siya sa akin, nakangiti pa!

"Salamat." Totoo ba ito, kinakausap na niya ako. Parang gusto kong isipin na panaginip lang ito, pero hindi. Hindi ito panaginip, totoo na ito.

Nikko magsalita ka, magsalita ka!

"G-gusto mo turuan kita." Ngumiti ako sa kanya, para naman hindi mahalata na nahihiya ako. Ganito pala yung pakiramdam kapag nakakausap ko na siya. Parang umuurong yung dila ko.

Hay nako Nikko! Para kang babae!

"Sure." Ngumiti siya muli sa akin.

Hay nako Nikko, samantalahin mo na ito, pagkakataon mo na'to. Pero medyo nahihiya pa rin ako, ngayon pa lang ako nakalapit sa kanya ng ganito.

"Uy huwag ka nang mahiya pwede ka namang umupo. Di naman kita aanuhin diyan. Saka schoolmates tayo, di ka dapat mahiya sa akin." Dahan dahan na akong umupo sa tabi. Kung sinuswerte nga talaga ako. Sana di na matapos ito.

Hindi ko maiwasan na titigan yung mukha niya. Sobrang ganda niya talaga, siya yata yung pinakamagandang babae na nakita ko. Ang corny ko na.

"Mas maganda ka pala pag malapitan." Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Gusto kong takpan yung bibig ko, bakit ko ba naman kasi nasabi yun. Kung narinig ka? Tapos ka na. Ibinaling ko na lang sa mga libro niya yung atensyon ko.

Pero sumisilip pa rin ako sa kanya. Nakita kong kumunot yung ulo niya, patay narinig niya yata.

"Anong sabi mo."

"Wala." Buti na lang hindi niya ako narinig. Sana hindi nga talaga.

Hindi ko alam kung ano yung hahawakan ko. Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanya. Ok lang kaya sa kanya ito?

Kinuha ko na lang yung papel at yung ballpen na nakalapag doon. Tapos ay medyo lumapit ako sa kanya, para mas maturuan ko siya ng maayos. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Basta! Kaya ko ito.

"Ganito kasi iyan." Sinimulan kong ituro sa kanya yung pythagorean theorem.

"Salamat a." Nakangiti niyang sabi pagkatapos naming sagutan yung mga problems. Buti na rin at nasanay ako sa presence niya kaya di na ako ganun na nauutal.

"Wala yun."

"Una na ako a." Aniya dahil nagring na rin kasi yung bell namin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Nginitian niya ako pabalik. Magandang simula na ito, sana maging mas close pa kami.

Sana hindi ako nananaginip.

...............

Ito na yung tamang panahon para maglakas ako ng loob sa kanya. Maaga akong pumasok ngayon, para walang makakita sa akin, alam kong maaga rin siyang pumapasok. Hawak ko yung love letter at tulips.

Tulips kasi, uso yung slumbook sa amin, at napasagot ng classmate ko si Eris doon sa may slumbook niya at napag-alaman kong tulips yung favorite flower niya. Alam kong lumang style na itong love letter, kasi naman, kung hindi ko kayang sabihin lahat sa harap niya, isulat ko na lang.

Walang katao-tao doon sa classroom nila nang ilagay ko yung mga ito sa upuan niya. Sana naman ay magustuhan niya itong nakayanan ko.

Nakaupo lang ako doon sa may bench sa tapat ng classroom nila. Mukhang hindi siya maagang papasok ngayon dahil marami na yung nag-sisidatingan. Binabantayan ko rin yung letter ko, baka di mapunta sa kanya, mabuti na lang ay walang nangialam doon.

Hanggang sa dumating na siya. Para na akong tanga na sumisilip-silip doon sa classroom nila.

Napangiti ako Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa dahil mukhang nagustuhan niya iyon. Lumabas na naman yung mga ngiti niya sa labi.

Hanggang sa tumingin na siya roon sa may pinto.Ito na yun Nikko, ito na yung hinahintay mo.

Tumayo na ako papalapit sa room nila. Tahimik akong nagdadasal na sana huwag niya akong ireject, sana magustuhan niya ako kahit ganito lang ako. Kahit hindi ako ganun kaastig at maporma ni Lukas.

Kaso biglang pumasok si Lukas sa loob.

"Lukas ano ito? Mahal mo ako?"

"Oo."

Gusto ko siyang suntukin nun at bawiin niya dapat yung sinabi niya kay Eris. Ako yun. Ako!

Nakita kong agad siyang niyakap ni Eris. Si Lukas nga yung gusto niya. Bakit pa ako nagbakasakali

That was my first heartbreak nung naging sila. Hindi na rin ako sumisilay sa kanya, dahil alam kong kasama niya si Lukas. Kapag inutusan ako ni Sir sa section nila ay tinatanggihan ko. Ayokong makita silang magkasama nasasaktan ako.

"Kuya ok ka lang ba?" Agad kong pinunasan yung mga luha ko. Nakita na naman ako ni Lauren na umiiyak.

"Kuya nakita ko iyon." Aniya at inabutan pa niya ako ng panyo.

"Salamat."

"Si Eris na naman." Hindi ko na lang siya kinibo. Alam ko naman na alam din naman niya na si Eris din iyon. Lagi ko kasi siya kinukwento kay Lauren.

"Sabi ko naman sayo, sasaktan ka lang nun. Ang dami daming babae diyan o." Lagi naman niya yun sinasabi sa akin. Pero may mali, kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon.

"Hay nako alam ko ang sasabihin mo, Si Eris lang ang gusto mo." Nakapamewang pa siya sa akin. Binato ko na lang siya ng unan. Open kasi ako kay Lauren, bestfriend ko kasi siya at para ko na rin kasi siyang kapatid. Magiging magkapatid na rin pala kami, sa papel nga lang.

"Hay nako, Nikko huwag kang magmukmok diyan. Mag-aral ka nalang muna kasi, bago landi!" Aniya pa at hinagis sa akin yung mga libro ko. Kahit papaano ay napapasaya niya rin ako sa kabila ng lahat.

Kaya mas itinuon ko na lang ang sarili sa pag-aaral. Ayokong mag-mukmok dahil sa kanya, mas lalong walang mangyayari sa akin kapag nagpakalungkot pa ako.

Saka inisip ko na lang na kung kami, kami. Kahit maging sila pa ni Lukas. Hindi na rin ako ganoon na nagbakasakali, masasaktan lang din ako.

That was our graduation when I became a Sarmiento. Binihisan nila ako, at malayong-malayo na ako sa dating ako. I hope this will be better. Sana nga, at sa pagkakataon na ito, sana ay makita ako ni Eris.

Kahit ganoon ang nangyari, mahal ko pa rin siya, kahit nakatanaw lang lagi ako sa malayo. Masaya na ako run. Hindi ko rin naman kasi natiis.

I went to college in New York same as hers. Lagi pa rin ako nakatingin sa kanya at lagi kong sinsabi sa sarili ko na:

Makikita niya rin ako.

I know she's been doing great in her college, kaya naging inspirasyon ko yun, dapat ganoon din ako.

I just managed to graduate with honors.

Nerissa Sarmiento passed the CEO position to me after that. They let me managed their company, na sa akin naman na rin daw, pero hindi ko itinuturing na sa akin. Kasi alam kong dapat kay Lauren iyon dahil siya yung tunay na anak, at hindi ako. Bilang pagtanaw ng utang na loob, I make sure that I can manage their company well. When I earned enough, I build my own, yung the Golden State.

Pero kahit na ganoon na ako kabusy sa trabaho ko. Hindi pa rin ako nawawalan ng balita kay Eris. I always look at her from afar. Sinsabi ko sa sarili ko, bakit hindi ko siya lapitan. Pero alam kong hindi ko pa dapat yun gawin. Wala pa siguro akong lakas ng loob na harapin siya, kahit ang tagal-tagal na kong nagkakaganito sa kanya. Gusto ko kapag haharap na ako sa kanya, yung handa na talaga ako. Yung di na ako mauutal.

Nawalan na ako ng balita sa kanya nung pumunta siya sa Pilipinas. Hindi ko na rin kasi nahaharap, dahil nagkaroon ng problema doon sa company nila Mama.

Nalaman ko rin na naghiwalay sila ni Lukas, at masyado iyong dinamdam ni Eris. She always got drunk and waste herself.

Kaya sobra akong naiinis kay Lukas, anong ginawa niya kay Eris? Dapat ay hindi ko hinayaan na tuluyan siyang mapunta sa lalaking iyon, sasaktan lang pala niya si Eris!

And that day came, nung nakita ko siya sa rooftop. Nabahala ako nang makita ko siyang umaakyat sa hallway.

"Pwede ba?! Umalis ka na! Ano bang pakialam mo sa akin at nandito ka pa! Leave!"

Hindi ako aalis, dahil siya pwedeng mawala, lalo pa at handa na akong harapin siya. She really looks lost and miserable. Pinilit kong tatagan ang sarili ko, mas gusto ko siyang yakapin at sabihin na magiging ok din ang lahat. Pero ayoko munang gawin yun.

Hanggang sa nawalan siya ng malay, butina lang at naging maagap ako dahil nasalo ko rin siya kaagad. Muntik na siyang mahulog doon.

Hanggang sa ospital ay wala pa rin siyang malay. Payapang-payapa yung mukha niya kanina, malayo doon sa itsura niya kanina.

Hindi talaga ako mag-sasawa na titigan siya.

Ngayong nandito na ako, sisiguraduhin ko na hindi na siya masasaktan pa muli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top