Chapter 4
" Ayon, tinanong niya saakin 'yon. " pagtatapos ko ng kwento kila Kyler.
" Baka may sakit sa puso? " wika naman ni Lyra dahilan para makatanggap siya ng malakas na kotong kay Farrah.
" Gaga, ibigsabihin non gusto n'ya si Klarissa! Pusta ko pa lovelife ko! "
" Lakas pumusta, palibhasa wala ka non. " sagot naman ni Kyler kaya nakatanggap siya ng sabunot mula kay Farrah.
" Di mo sure. Balik na nga lang tayo sa'yo Issa, anong sinagot mo? "
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tinanong ni Farrah. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang isinagot ko, ayoko naman makatanggap ng kotong sa mga ito.
" Hoy, ano nga. "
" Ano-kailangan n'yo pa ba talagang malaman? " tanong ko sa mga ito, sabay-sabay naman silang tumango.
" Ang sabi ko magpacheck-up siya. " sagot ko sa mga ito, tumabi naman ang mga ito saakin at mahina akong tinapik sa balikat.
" Ngayon alam ko na kung bakit wala kang lovelife. " wika ni Kyler.
" Nung nagpaulan ng kalandian masyado kang naitago sa bahay. " sambit ni Farrah habang pinupunasan ang pekeng luha niya.
" Kaawa-awang nilalang. May puso na namang nawasak dahil kawalan ng experience sa landian. " dagdag ni Lyra.
Tinulak ko naman sila palayo saakin. " Puro kayo kalokohan. Tsaka imposible 'yang sinasabi mo Farrah, kita mo si Tiffany? Wala akong laban don. "
" Wag mong minamaliit ang sarili mo! Totoo 'tong hinaharap mo! " sigaw niya saakin at hinawakan ang dede ko.
" Ponyeta ka! "
" Uy una na ako. " paalam ni Lyra saamin at tumayo, nagkatinginan kaming tatlo.
" Saan pupunta 'yon? " tanong ko habang tinatanaw si Lyra na nagmamadalig tumakbo.
" Baka kay Krist. Balik na nga tayo sa'yo, so anong reaksyon niya? "
" Tinawanan ako tapos ginulo buhok ko. Pagkatapos non sinamahan n'ya akong daanan yung pinaihaw ni tita tapos hinatid niya ako sa bahay. " mahaba kong paliwanag.
" See? Hindi 'yan gawain ng kaibigan lang! Sa tagal-tagal ko ng lumandi! Hindi gawain ng kaibigan na samahan ka tapos ihatid ka pa, nako kung si Logan o Calix 'yan baka hindi ka na hinintay. " sagot ni Farrah.
" Tsaka si Marcus, sinamahan ka sa ihawan e ayaw nga non sa mausok. Nako, pusta ko bangs ni Kyler, gusto ka ni Marcus. "
" Gago ka, bakit bangs ko! "
" Masyado ka naman kasing bored! Paayos mo 'yan sa salon, mayaman ka naman. Mukha kang dora na pinagsakluban ng langit at lupa. " pang-aasar ni Farrah.
" May play tayo pala ngayon, gaganapin dahil malapit na ang anniversary ng school. Foundation day, mataas daw grade pag sumali sa play. " pag-iiba ko ng usapan.
" Sasali ka? " tanong ni Farrah kay Kyler.
" Hindi, baka tumulong na lang ako sa booth. "
" Sali tayo, Issa. " pagpilit ni Farrah, umiling naman ako.
" Ayoko nga, sasama na lang ako kay Kyler. Bahala ka dyan. " sambit ko dito.
l
" Sumali na tayo, kahit props lang. " pagyaya nito saamin, nagkatinginan kami ni Kyler bago walang nagawa kundi tumango.
" Wag na tayo sumali, ang dami pala oh. Ano sasabihin lang natin sasali po kami for props. Parang tanga. " wika ko.
" Look who's here. " sabay-sabay kaming napalingon kay Tiffany.
" Wag niyo sabihing mag-aaudution kayo? Nagpapatawa ba kayo? Ang mga katulad niyo? No way. " maarte wika nito.
" Sino bang may sabing mag-aaudition kami. Advance ka masyado. " sagot ni Kyler dito dahilan para mainis ito.
" Alam niyo, since elementary. I really hate your squad. May annoying na mga cheap, mga mayayaman na ugaling cheap. Kung hindi lang dahil kay Marcus, baka nahila ko na ang mga buhok niyo. " wika nito.
" Under ka pala kay Marcus. " natatawang pang-aasar ni Farrah dito.
" I'm not under, I just don't want to ruin what we have. " sambit nito at iniwan kami.
" Gago, ano daw? " tanong ni Farrah saakin.
" We have lang narinig ko, tara na nga, asan na ba yung kakilala mo? " tanong ko dito.
" Ayon! Jax! " pagtawag niya sa isang lalaki.
" Wow, ang pogi ah. " mahinang bulong ni Kyler, tumango naman ako.
" Buti nakarating ka, don't worry nakausap ko na yung mag-hahandle ng props sa play, kasali na kayo. Basta wag niyo kalimutang umattend ng meetings. " wika nito saamin.
" Thank you Jax, s'ya nga pala. Si Kyler and Klarissa, my bestfriends. " pakilala nito saamin, inabot nito ang kamay niya saamin, agad naman 'yong kinuha ni Kyler.
" Saan kayo nagkakilala ni Farrah? May gusto ka ba sa kaniya? May balak ka bang pormahan siya? Kung oo, bakit? " sunod-sunod na tanong ni Kyler, dahilan para mapakamot ako sa ulo at makatanggap siya ng siko kay Farrah.
Binawi ko naman ang kamay ni Kyler at ako ang kumamay dito. " Nice to meet you, thank you nga pala sa pagpasok mo saamin dito. I never see you around? Mind telling me what's your section? " tanong ko dito.
" Actually, I'm from section B, kaka-transfer ko lang. " sagot nito.
" Nandito lang pala kayo. " napalingon kami kila Logan, Lyra at Calix na bigla na lang sumulpot kung saan.
" Nasan si Marcus? " tanong ni Kyler, nginuso naman nila kung nasaan ang lugar ni Marcus.
" Hindi man lang lumapit saatin. " mahina kong wika.
" Ano, may sinasabi ka? " natatawang sambit ni Calix kaya tinarayan ko siya.
" Sabi ko maglinis ka ng tenga mo, mukhang nabibingi ka. "
" Marcus pre! Miss ka na daw ni-" agad ko namang tinakpan ang bunganga nito.
" Tangina mo Calix, papatayin kita. " pagbabanta ko dito pero tinawanan lang ako nito at tinaas ang mga kamay para sumuko.
Napaupo na lang ng lobby habang hinihintay sila Farrah na kakaalis lang para bumili ng tubig. Hindi na ako sumama dahil ang sakit na ng paa ko.
Napalingon ako sa likod ko nang may malamig na dumikit sa pisngi ko. Paglingon ko ay bumungad saakin ang nakangiting si Marcus.
" Sorry, hindi ako nakalapit kanina sa inyo. Nahila na kasi ako ni Tiffany. " wika nito saakin.
" Okay lang no. Tsaka girlfriend mo si Tiffany, dapat s'ya talaga ang lapitan mo. "
" Nililigawan ko pa lang. "
" Doon na rin papunta 'yon. Tsaka kita ko namang gusto ka nung tao. " sagot ko dito at binuksan ang binigay niyang tubig saakin.
" Pero ikaw, gusto mo bang maging kami? " tanong nito saakin kaya natigilan ako.
Kung ako lang ang tatanungin, ayoko.
" Hindi naman mahalaga opinyon ko. " sagot ko dito, " Bumalik ka na don, baka hinahanap ka n'ya. Salamat pala dito. " sambit ko at nginitian ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top