Chapter 40

ISABELA

MANILA, PHILIPPINES

TWO YEARS LATER

"HELLO, HONEY! DID you miss me?" Ang lapad ng ngiti ko habang may ka-video call sa cellphone.

"Where are you now? I was waiting for your call!"

I chuckled. "Sorry I wasn't able to call you right away. I'm already back here in the Philippines. Look!" Pinakita ko sa kanya ang paligid paglabas ko ng airport. "It's beautiful, isn't it?"

"Hmm...not as beautiful as Sydney. When are you coming back here? I already miss you!"

Natawa na lang ulit ako. "Silly. But I miss you, too. I'll be back there before you know it."

"Promise?"

"Of course, honey. I promise. Take a rest now. I'll call you again later, okay? I love you."

"Okay. I love you!" Hinalikan niya pa ang screen niya bago binaba ang video call.

Natatawa na lang talaga ako. He's really the sweetest.

Pinasok ko na muna ang phone ko sa bag, tapos ay muling pinagmasdan ang paligid.

It's been two years, and I'm finally back in my favorite place.

Akala ko hindi ko na ulit magagawang makatungtong sa Pilipinas dahil sa dami ng mga pinagdaanan ko. But look at me now. I'm here again—healed, happy, and feeling so alive.

Nilasap ko ang sariwang hangin bago ako tumuloy sa paglalakad papunta sa naghihintay sa 'king kotse.

Arthur was the one who took care of my short stay here in the Philippines. Two weeks lang naman ako rito. Dadalawin ko lang si Amanda at sila daddy kasi hindi ko pa sila nadalaw mula noong sumama ako kila Arthur papuntang Australia. And speaking of Arthur, hindi ko pa pala siya nasasabihan na nandito na ako sa Pinas. Nauna ko pang tawagan ang anak niya.

Pagkasakay ko sa kotse, sinabihan ko lang muna ang driver na dumiretso sa museleo namin, tapos ay kinuha ko ulit ang cellphone ko.

As expected, tinadtad na naman ako ni Toby ng mga stickers at GIFs sa chat. Sinabihan ko na 'yon na magpahinga eh, pero ang tigas talaga ng ulo.

Si Toby nga pala ang ka-video call ko kanina paglabas ng airport.

That young man became really close to me after Amanda passed away. Ang kulit-kulit, palagi akong hinahanap. Katulad na lang kanina, ang bossy pa dahil hindi ko agad siya natawagan. Ayaw pa nga nung pumayag na magbakasyon ako sa Pilipinas, eh. Akala niya yata hindi na ako babalik.

Perhaps he's still traumatized when his mother left him. Naiintindihan ko naman 'yon, kaya nga halos lahat ng oras ko, binubuhos ko sa kanya. Kinailangan niya ng nanay, kaya ako na muna ang tumayong Mama niya at pumuno ng puwang na iniwan ng kapatid ko.

Toby helped me heal, too, though. Silang dalawa ni Arthur, actually. Kung hindi dahil sa kanila, matagal na rin siguro akong nawala sa mundo. Matagal na siguro akong sumunod kila Amanda. Noong mga unang buwan ko kasi sa Syndey, sobrang depressed ako. I attempted to take my own life many times. Si Arthur ang palaging nagliligtas sa akin.

Pagkatapos no'n, naging over-protective na siya. Alam na alam niya kasi kung paano talaga ako naghirap na halos labas-pasok na rin ako ng ospital. Nangako pa siya sa akin na kahit na anong mangyari, hindi na niya ulit ako hahayaan na masaktan. Him and his son Toby are my angels.

I just left Arthur a message now to inform him that I'm already here in Manila.

Nireplyan ko lang din ang mga cute messages sa 'kin ni Toby, tapos binalik ko na ulit ang phone ko sa bag at tumingin na lang sa bintana ng kotse.

Nakaka-miss ang Pilipinas.

Kahit na ang dami kong masasakit na pinagdaanan dito, iba pa rin talaga ang epekto ng lugar na 'to sa 'kin. This is the only place where I feel like I'm home. 'Yong bang kapag bumabalik ako rito, ang sarap-sarap ng pakiramdam ko? Para bang kumpleto na ulit ako.

Ngayon kasi, kahit na alam kong naghilom na lahat ng mga sugat, parang may kulang pa rin sa 'kin.

But don't get me wrong. I'm happy now. Way, way happier than before. Hindi ko nga naisip na kakayanin kong lagpasan ang mga pagsubok ko sa buhay. Tama nga ang kasabihan, 'you never know how strong you are until being strong is the only choice you have'.

Sabi ko nga kanina, sobrang hirap noong first several months matapos mawala ng kapatid ko. Wala akong ibang ginawa kung 'di ang umiyak. I felt so empty. Hindi ko alam kung papaano ako babangon, kung papaano ko magagawang mabuhay ulit.

Pero may isang bagay akong natutunan na nagpalakas sa akin: acceptance.

Acceptance na kahit ubusin ko pa lahat ng luha ko sa katawan, hindi na talaga babalik si Amanda.

Acceptance na wala na sa akin lahat ng mga taong pinaka-mamahal ko.

Acceptance na ito na talaga ang buhay ko ngayon.

Noong tinanggap ko lahat, do'n na nagsimulang mawala ang nararamdaman kong lungkot. Bigla akong nagkaroon ng ibang perspective sa buhay. Bagong mindset. Na-realize ko na walang mangyayari sa 'kin kung palagi na lang akong ganito. Oo, pwede akong malungkot, pero hindi ibig sabihin no'n na kailangan ko na ring tumigil mabuhay. I only have one life, I don't want to put it to waste. Gusto kong ipakita kay Amanda na magiging masaya ako kasi alam kong 'yon lang ang tangi niyang hiling para sa akin.

And now, I can say that I am genuinely happy. Nakatulong din talaga ang pagtira ko sa Australia. Nahanap ko ang sarili ko ro'n. I have a wonderful career and a second family that also loves me wholeheartedly.

Napangiti ako at pumikit nang mariin.

I can't wait to visit Amanda and tell her all the good stories I have. Sigurado akong magiging masaya siya.

• • •

I ARRIVED AT our museleo around ten in the morning.

Naglinis lang muna ako saglit sa loob, tsaka ko inayos ang binili kong bulaklak at lumuhod sa tapat.

"Hello, Amanda. Hello, kuya, mommy and daddy. I miss you all every day." Uminit kaagad ang sulok ng mga mata ko.

Tumingala na lang ako para pigilan ang sarili ko na maiyak. Tapos ay hinaplos ko ang litrato ni Amanda. "You're so beautiful, ate. I miss seeing your face. Sorry ha? Ngayon ko lang kayo nadalaw. Masyado kasi akong naging abala sa Sydney. You know what, ang dami kong baong kwento para sa 'yo."

Tuluyan kong kinuha ang litrato niya at excited akong umupo sa sahig para rito siya kausapin. "I'm living my dream life in Sydney. Tinuloy ko ang pagpipinta at ngayon nakikilala na ang mga paintings ko. Sayang lang, wala ka na para makita sila. But I've improved so much! Hindi na ako masyadong nahihiya at proud na proud na ako sa bawat painting na natatapos ko. Ang laki ng tinaas ng confidence ko. Minsan kapag may nakakarinig ng pangalan ko, sinasabi agad nila, 'Oh, Isabela Santiaguel, the brilliant painter'. Kinikilig ako sa tuwing may gano'n. Recently, I had a huge art exhibit. Ang dami na naman tuloy kumontak sa 'kin for commissions and collabs. Ang galing, 'di ba? Sunod-sunod ang mga projects ko. Hindi ako nauubusan ng kliyente. And I've found some friends, too! 'Yong iba sa kanila, Pilipino rin. Ang saya-saya nilang kasama at hindi nila ako pinababayaan."

Muli kong hinaplos ang litrato niya. "How I wish you were here beside me to see all my achievements. I'm sure you'll be so proud of me because I've become the person I wished to become."

"Tsaka alam mo pala," dagdag ko, "bukod sa pagpi-paint, tinutulungan ko rin si Arthur sa mga businesses natin. Sa wakas 'di ba, nagkaroon na rin talaga ako ng interes sa negosyo. Wala na ang mga Reverente. Nakulong na sila kaya stable na ang mga businesses natin. Nalulungkot nga lang ako sa tuwing naiisip ko na kinailangan mo pang mawala para lang maging tahimik ang buhay natin. Pero sana, kung ano man ang nangyayari sa 'min dito ngayon, sana masaya ka. May peace of mind na tayong lahat."

Binalik ko na ang litrato niya sa pinaglalagyan nito, pero nanatili akong nakaupo sa sahig. "Miss na miss na kita, Amanda. At miss ka na rin nila Toby at Arthur . . ."

". . . Don't worry about your son and your husband, I'm taking good care of them. At inaalagaan din nila ako. Alam mo, nito ko lang naisip na sobrang swerte mo sa pamilya. Arthur's parents were the best. Kinupkop nila ako at tinuring na para nilang tunay na anak. Kaya rin siguro napabilis ang paggaling ko. Kahit isang beses, hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako. At hanggang ngayon na may maganda na akong career, hindi pa rin nila ako pinababayaan. They are so proud of me, as if they're my real parents. Si Arthur, mabait din sa 'kin. Pero sobrang higpit, parang tatay! Kaya hindi na tuloy ako lalo nagkaroon ng bagong boyfriend, eh." Natawa ako mag-isa habang nagki-kwento.

"I'm just kidding. I know Arthur is just really protective of me," dagdag ko na lang. "Naa-appreciate ko naman. Alam kong nilalayo niya lang ako sa mga bagay na pwedeng mag-trigger at makasakit sa 'kin. 'Yon nga lang, hindi niya ako nailayo sa anak niyo na sobrang sakit sa ulo." Natawa na naman ako nang mag-isa. Natatawa na naiiyak kasi naaalala ko ulit kung paano ko binangon ang sarili ko.

"Toby is a really naughty little boy, but he makes me happy," patuloy ko sa pagkikiwento kay Amanda. "Naalala mo noon, hindi niya ako masyadong pinapansin? Gusto niya sa inyo lang ni Arthur. Pero ngayon palagi na niya akong hinahanap, lalo na kapag busy ako sa pagpe-paint. I thank you for bringing Toby to this world. Mahal na mahal ko siya kasi alam kong sa 'yo siya galing. Kung alam ko lang na masaya pala kapag may bata sa buhay, sana pinilit kita dati na bigyan ng maraming kapatid si Toby. Bakit ba kasi tinamad na kayong gumawa ni Arthur?" I chuckled again, then took a deep sigh.

"Amanda, baka matagalan na ulit ako sa pagbalik dito, ha? Settled na kasi ako sa Sydney. And besides, wala naman na talaga akong ibang pupuntahan dito sa Pilipinas. Wala na ang totoong binabalikan ko rito—kinasal na. Just continue to guide me, okay? And I will keep doing my best to make you and myself proud. I love you so much, Amanda. Kayong lahat nila daddy."

Nagtagal pa ako rito sa museleo namin. Ang dami ko pang kinwento kay Amanda. Halos lahat ng nangyari at ginagawa ko sa Sydney, kinwento ko. Ngayon ko lang kasi ito nagawa. I wasn't that open to her before.

Tanghali na ng mapag-pasyahan kong umuwi na. Dadalaw na lang ulit ako rito bago ako bumalik sa Sydney.

"Ihahatid na ho ba kita sa bahay, Miss Isabela?" tanong sa 'kin ng driver pagkabalik ko sa kotse.

Hindi ko agad siya nasagot.

To be honest, may gusto pa talaga sana akong puntahan, pero kanina pa ako nagdadalawang-isip.

I just realized now that this might be my last chance. Hindi ko kasi alam kung makakabalik pa ulit ako ng Pilipinas. Kaya mas mabuti siguro kung hindi ko na 'to palagpasin.

Hinanap ko sa bag ko kung nadala ko ba ang susi. And luckily, nandito nga.

Nilabas ko at tsaka ko sinagot ang driver. "Kuya, pwede ba tayong pumunta sa Tagaytay?"

"Sige ho." Pinaandar na niya ang sasakyan pagkatapos.

Sumandal naman ako sa upuan at muling tumingin sa bintana.

Yes, I wanted to go to the hideout.

It's been two years. Ngayon ko na lang ulit 'yon madadalaw. Kumusta na kaya ang lugar na 'yon? At kumusta na kaya si Arkhe?

Hindi na kasi ako nagkaroon ng kahit na anong balita sa kanya simula noong huling beses kaming nag-usap. I'm sure kinasal na sila ni Patrice, pero hindi ako naka-attend kasi hindi ko pa kaya that time.

Noong pinaplano ko ang pagbabakasyon dito sa Pilipinas, naisip ko na talagang puntahan ang dati naming hideout ni Ark. Alam kong wala na akong karapatan na pumunta pa sa lugar na 'yon dahil may asawa na siya. Pero gusto ko lang dumalaw ulit. Besides, he gave me permission before when he handed me a duplicate of the key.

Kahit na hindi ko inakala na makakabalik pa ako rito, tinago ko pa rin ang susi. Siguro may parte pa rin talaga sa utak ko na nagsasabing makakadalaw pa ulit ako sa hideout.

• • •

MABILIS ANG BYAHE. We arrived in Tagaytay in just a few hours.

Sinabihan ko muna ang driver ko na mamasyal o kumain muna at balikan na lang ako. Hindi ko pa kasi sigurado kung gaano ako katagal magse-stay sa hideout. Parang gusto ko munang magpahinga.

Pagkarating ko sa tapat, nabigla na lang naman ako kasi ang laki ng inimprove ng labas. Ang daming bulaklak! Parang nagkaroon ng garden sa paligid. Puro rose ang mga tanim, iba-ibang kulay.

I smiled to myself. Si Patrice na ba ang nagme-maintain nitong bahay? I knew how much she loves flowers. Ang ganda-ganda na nitong hideout.

Tumuloy ako sa pagpasok gamit ang dala kong susi.

Walang tao, pero ang linis-linis sa loob. Katulad lang ng dati noong huling beses akong pumunta rito. I feel like they are still maintaining this place.

Ni-lock ko muna ang pinto bago ako dumiretso sa itaas.

Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos iyon. Clean sheets.

Sa tuwing pumipwesto talaga ako rito, ang dami kong naaalala. I'm living a wonderful life in Sydney now, pero syempre, hindi ko pa rin maiwasan na hindi maisip si Arkhe. He's still my greatest love even though we didn't end up together.

Alam ko na masasakit ang mga pinagdaanan namin, pero sa tuwing naiisip ko, mas marami at mas matimbang pa rin pala ang happy moments naming dalawa.

I will never forget when he organized an art exhibit for me. Isa talaga siya sa mga taong sumuporta sa passion ko. Sayang nga, hindi ko na masasabi sa kanya kung gaano na ako ka-successful ngayon. Hindi ko rin makakalimutan ang pinakilala niya ako sa pamilya at relatives niya sa Batangas. His mom's barbeque party was the best party I've ever attended. Nami-miss ko tuloy ang pinsan niyang si Unice.

And of course, one of my best memories with Ark—yung talagang sinamahan niya ako sa New York noong inoperahan ang brain tumor ko.

Kahit na may negosyo siyang maiiwan dito sa Pilipinas at walang kasiguraduhan kung anong magiging resulta ng operasyon, pinili niya pa ring sumama sa akin. At noong nawalan ako ng alaala, inalagaan niya pa rin ako at binalikan kahit na sobrang nasasaktan ko siya. Arkhe poured a lot of effort and sacrifices, and I will be forever grateful for those.

Humiga na muna ako rito sa kama at niyakap ang mga tuhod ko.

To be honest, I've never truly loved again since Arkhe and I parted ways.

Marami namang mababait at gwapong lalaki sa Sydney. I actually have a few admirers. Pero wala talaga akong interes. Hindi lang dahil sa busy ako sa career at ang higpit pa ni Arthur pagdating sa mga lalaki, pero wala lang talaga akong gana.

Wala akong naging balita tungkol kay Arkhe kasi sinabihan ko rin si Arthur na ayoko ng kahit na anong koneksyon sa Pilipinas. Ang huli niya lang sinabi sa akin, na nailipat na ulit ang ownership ng Third Base kay Arkhe. That was a few months after we left for Australia. Pagkatapos no'n, wala na ulit akong narinig tungkol kay Ark.

But I'm sure he's happy now. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? He got married to a wonderful woman. Siguro nga may anak na sila ni Patrice. Ano kayang itsura ng anak nila? Saan na kaya sila nakatira ngayon? Nakabalik na kaya ulit sa pagiging DJ si Arkhe? I hope they're both okay and living their best life.

I closed my eyes to rest for a moment.

Pero nagulat na lang ako nang marinig na may biglang nagbubukas ng pinto sa ibaba.

Taranta akong napabangon at napaupo sa gilid ng kama. Napahawak agad ako sa kumakabog kong dibdib. Oh my God! May iba na bang nakatira rito sa hideout?

Tuluyan nang bumukas ang pinto. Tuluyan na rin akong napatayo mula sa kama. Pakiramdam ko mahihimatay na lang ako sa sobrang kaba ko ngayon. I hurriedly grabbed my bag and walked down the stairs. Pero halos tumigil na lang ang pagtibok ng puso ko nang makita ko na kung sino ang dumating.

Si Arkhe!

Agad siyang natigilan nang makita ako. His eyes went huge and he couldn't move an inch.

Hindi na rin naman ako makagalaw. Ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o totoong kaharap ko talaga siya ngayon. I didn't expect to see him here! At alam kong hindi niya rin ako inaasahan. Parehas tuloy kaming naninigas sa kinatatayuan namin, wala sa amin ang may kayang magsalita.

Laking gulat ko na lang nang bigla niya akong lapitan at yakapin nang mahigpit!

My world stopped for a second.

Hindi ako nakapag-react kasi hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Nanlalaki lang ang mga mata ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko na halos naririnig ko na. Why is he hugging me like this?

Napatingin ako sa pintuan kasi iniisip ko na darating din si Patrice. Pero wala na siyang kasunod.

"A-Arkhe?" 'Yon lang ang nagawa kong sabihin.

Hinigpitan niya naman ang pagkakayakap niya at siniksik pa ang mukha niya sa leeg ko. "Sa wakas, tapos na ang paghihintay. Nandito ka na ulit."

And then I felt him crying on my neck.

Nataranta ako. Nilayo ko muna siya mula sa akin at tinitigan nang diretso sa mga mata. His eyes were drenched in tears. I really don't get it. I know it's been two years since we last saw each other, but I couldn't understand why he's acting this way.

Inabot ko ang mga kamay niya para tingnan kung may suot ba siyang singsing. Pero lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita kong wala. He's not wearing a wedding ring.

Takang-taka kong binalik ang tingin ko sa kanya.

Nakangiti na siya nang mapait sa 'kin ngayon. "Hindi ako kinasal sa iba. Hinintay kitang bumalik."

Bumagsak kaagad ang mga balikat ko.

Hindi ko alam kung totoo pa ba 'tong nangyayari. Am I dreaming? This feels too good to be true! All this time, I thought he's already married to Patrice.

He pulled away from our hug and held my face with both his hands. Ang tamis-tamis ng ngiti niya sa 'kin kahit pa may luha sa gilid ng mga mata niya. "Hindi ako makapaniwalang kaharap na kita ngayon. Akala ko hindi ka na babalik. Dalawang taon, Sab. Palagi kitang hinihintay dito sa hideout natin kasi umaasa ako na balang-araw, babalik ka. Makikita ulit kita at kapag nangyari 'yon, hindi na ulit kita pakakawalan."

I shut my eyes tight. "Wait. What happened? I don't understand, where's Patrice?"

Huminga siya nang malalim. "Naghiwalay kami."

"Why? I thought you're happy and ready to marry her?"

"Nung umuwi ako galing sa museleo niyo dati nung nawala si Amanda, inamin ko na kay Patrice ang tungkol sa 'yo. Nakipaghiwalay siya sa 'kin at sinabihang bumalik ako sa 'yo."

Hindi na ako nakasagot.

He then gave me a warm smile. "Kahit na ano pa talagang masakit ang pagdaanan nating dalawa, sa 'yo pa rin ako babalik. Kaso, mapait ang tadhana sa 'kin. Kasi nung pinuntahan ka na namin ni Patrice, nalaman naming umalis ka na pala ng bansa."

I placed my hand on my beating chest. Pinuntahan niya pa pala ulit ako no'n? He waited for me for two years? Bakit hindi ko man lang naramdaman?

Napaupo na muna ako sa kalapit na sofa. Sobrang blangko ng utak ko ngayon. I'm happy, but I have tons of questions running in my head.

Sumunod naman sa 'kin si Ark. Tumabi siya at hinawakan ang mga kamay ko.

I gazed at him. "Is this even real?"

"Hindi rin ako makapaniwala. Pero ang tagal kong pinagdasal na sana dumating ang araw na makita kita ulit."

Napapikit ako. "Why didn't you contact me? Bakit umabot pa ng dalawang taon na hindi ko man lang naramdaman na hindi ka pala kinasal?"

"Hindi ba talaga sinabi sa 'yo ni Arthur?"

"W-what?"

Bumuntonghininga siya sabay hilot sa noo. "Ayaw kang ipakausap sa 'kin ni Arthur. Ilang beses kitang sinubukang kontakin. Ewan ko kung binlock niya ba ako o ano. Pinuntahan pa nga kita sa Sydney."

"WHAT?" Bigla akong napatuwid ng upo. "Y-you went there? You really did that? Hindi ko alam!"

"Pumunta ako ro'n. Nagkita kami ni Arthur, pero ayaw ka niyang ilabas sa 'kin. Nagmakaawa ako sa kanya, pero ang sabi niya, wag na raw kitang guluhin kasi maayos na ang buhay mo. May binigay siya sa 'king address. Doon ka na raw nakatira kasi matagal ka ng bumukod. Padalhan na lang daw kita ng sulat. Halos kada buwan nagpapadala ako ng sulat sa 'yo, pero wala akong natanggap na sagot."

"Wait, what address?"

Nilabas niya ang cellphone niya at pinakita sa 'kin ang address sa Notes.

Napabagsak na lang ako ng mga balikat. "That's not our address. Tsaka hindi naman ako bumukod. I'm still living with Arthur's family."

Malungkot siyang napayuko. "Kaya pala hindi ka sumasagot. Tinago ka talaga sa 'kin ni Arthur."

"My God, that man." Napasapo na lang ako sa noo ko. Ewan ko kung matatawa ba ako o maiinis kay Arthur. "I'm sorry. Ako ang nagsabi sa kanya na ayoko ng kahit na anong koneksyon sa Pilipinas, pero parang sumobra yata talaga siya. Please don't get mad at him."

"Hindi naman ako galit. Pero grabeng higpit ni Arthur. Para kaming walang pinagsamahan. Samantalang dati, sa 'kin siya nagpatulong nung ayaw mong umuwi sa bahay kasi nawala si Amanda."

Natawa ako. "I'm really sorry. Arthur just became so overprotective. Ang dami kasing nangyari sa 'kin nung first few months ko sa Sydney kaya natakot lang talaga siya. Tsaka siguro ayaw niya lang din talagang magulo ang focus ko sa current career ko."

"Naiintindihan ko naman."

"Pero pinuntahan mo ba talaga ako sa Sydney?"

Tumango siya. "Hindi man lang nga kita nakita kahit saglit."

Mapait akong napangiti. "I appreciate your effort. Kung alam ko lang na nando'n ka at hindi ka pa kasal, nakipagkita sana ako sa 'yo. Sayang."

"Ayos lang. Kasi nandito ka naman na ulit. Masaya na ako." He held my face again and rested his forehead on mine. "Sab . . . ayoko nang magpaligoy-ligoy kasi ang tagal kong hinintay 'tong araw na 'to. Pwede ba ulit kitang ligawan?"

I chuckled. "What?" I know this is a serious moment, pero hindi ko napigilang matawa. Siguro dahil punong-puno ng saya ang puso ko ngayon.

Binitiwan niya ang mukha ko, at nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod!

"H-hey, what are you doing?" Napatayo ako para pigilan siya, pero ayaw niyang makinig.

"Sab, hayaan mo sana ako na ligawan ka ulit. Alam kong marami akong kasalanan. Nasaktan kita. Hindi ko inintindi na may sakit ka noon. Nawala ako sa tabi mo nung mga panahon na ako dapat ang kasama mo. Hindi pa kita naipaglaban at nagawa ko pang magmahal ng iba. Gusto kong bumawi. Patutunayan ko sa 'yo na hindi na ako katulad ng dating Arkhe na mabilis sumuko. Buong-buo na ulit ako ngayon at handang-handa na muling ibigay sa 'yo ang mundo ko. Pagbigyan mo lang ako, Sab."

Lumuhod din ako sa tapat niya at malambing siyang hinaplos sa pisngi. "You don't have to do this. There's nothing wrong with the old you. Nasaktan ka lang din dahil sa mga bagay na ako naman talaga ang may kasalanan. Kasalanan ko. And whatever you did to forget, that's completely acceptable."

Tumingin siya sa 'kin. "Pwede pa ba akong bumawi?" Naiiyak na naman ang mga mata niya. "Pwede pa ba ulit akong bumalik sa buhay mo?"

I smiled from ear to ear. "When it comes to you, it's always a yes."

Ang dali-dali naman kasi ng tanong niya.

Napangiti rin siya nang malapad, tapos ay bigla ulit akong niyakap. Ngayon ko na naramdaman ang sarap at init ng yakap niya kasi kanina, gulong-gulo pa ako.

I finally hugged him back. Hinigpitan ko para mabawi ko ang dalawang taon na hindi kami nagkita at inakala kong kinasal na siya sa iba.

Tumingala ako sa itaas pagkatapos para magdasal at magpasalamat dahil binigay niya 'tong mga sandaling ito sa akin. I thought I would never feel this kind of happiness again. Hindi ko na tuloy napigilan ang emosyon ko.

I buried my face on Arkhe's chest because my tears started to flow. Pero ang iyak ko ngayon, hindi na dahil sa sakit. I'm shedding tears of joy and contentment.

Sinong mag-aakala na ang simpleng pagbabakasyon ko rito sa Pilipinas, ganito pa pala ang mangyayari?

Hindi ko inakalang makikita at mayayakap ko pa ulit si Arkhe nang ganito. May paluhod-luhod pa siyang nalalaman para suyuin ako, pero hindi niya naman na talaga kailangang gawin 'yon. Ayoko ng magpa-habol at pahirapan pa ang mga sarili namin kasi sobra-sobra na ang mga pinagdaanan naming dalawa. Ayoko na rin ng paligoy-ligoy. If he wants us to be together again, then we'll do it. Love should never be difficult.

Matagal pa kaming nagyakapan, bago ako kumalas.

"Where's Patrice?" I asked him. "Can we go to her? Gusto ko sana siyang makausap."

"Sige. Nandito lang din siya sa flower shop nila sa Tagaytay. Puntahan natin."

Nauna siyang tumayo at naglabas ng susi ng sasakyan, tapos ay hinawakan niya ang kamay ko para sabay na kaming lumabas ng hideout.

Inalalayan niya ako pasakay sa kotse. Umikot agad siya para sumakay sa kabilang pinto at kinabitan ako ng seatbelt.

"Is this your new car?" tanong ko habang pinagmamasdan ang loob.

"Oo, nakabili na ako ng bago. Bumalik na kasi ako sa pagdi-DJ. 'Yong Third Base, napalago ko na. Binili ko ang bakanteng lote sa likod kaya malaki na siya ngayon. Tsaka nagbukas din ako ng panibagong club sa ibang lugar."

"R-really?" Wow! Hindi rin biro ang mga achievements niya nung wala ako.

Tumango naman siya sabay ngiti sa 'kin. "Inalagaan ko talaga ang Third Base kasi bigay mo 'yon sa 'kin."

Napangiti rin ako. "Hindi ko naman 'yon binigay sa 'yo. That's originally yours."

"Pero nabili mo na 'yon kaya sa 'yo na. Binigay mo lang ulit sa 'kin. Naalala mo dati, sabi mo bibigyan mo ako mg club? Natupad mo pa rin pala."

Lumapad ang ngiti sa mga labi ko. Yeah, I remember that. Hindi niya pala nakalimutan 'yon.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos siya sa pisngi. "I miss you, Ark. I miss your smile and the spark on your face when you're happy. Na-miss ko kung paano ka mag-kwento. Sobrang proud ako sa kung ano ng narating mo ngayon."

Hinawakan niya naman ang kamay ko na nasa pisngi niya at hinalikan. "Namiss ko rin ang dating ako. Inayos ko talaga ang sarili ko para sa 'yo, Sab, para matanggap mo ako kapag bumalik ka na. Alam kong masaya na ang buhay mo sa Sydney. Ilang beses ngang sumagi sa isip ko na baka hindi mo na ako magustuhan kung sakaling magkita na tayo ulit. Baka nakalimutan mo na ako at may mahal ka ng iba. Pero binuo ko pa rin ang sarili ko para pumantay ako sa 'yo. Mas gagalingan ko pa, Sab. Ang dami kong pangarap para sa 'tin."

Pakiramdam ko maiiyak na naman ako. I just bit my lower lip to suppress my feelings. "You're making me feel overjoyed right now, Arkhe. Please tell me we won't lose each other again."

"Hindi na. Pangako ko 'yon sa 'yo." He held my face and kissed me on the forehead.

Why does this day have to be so perfect?

Para akong nasa langit sa sobrang saya at gaan ng pakiramdam ko. Sana lang talaga hindi na ito matapos. Ito ang hinahanap ko, eh. Kahit na successful na ako sa Sydney at natanggap ko na ang pagkawala ni Amanda, alam kong may kulang pa rin. At siya 'yon. Arkhe is the missing piece in my puzzle. Now, I am complete.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan pagkatapos, at tuluyan na kaming umalis papunta kay Patrice.

Buong byahe, nagkwentuhan lang kami ni Ark.

Kinwento ko sa kanya lahat ng mga ginawa ko at mga achievements ko sa Sydney. Kinwento niya rin naman ang mga pinagkaabalahan niya rito sa Pilipinas habang wala ako.

Dinetalye niya rin kung anong nangyari sa kanila ni Patrice. He said they have decided to be friends. Mas pumabor pa nga raw sa kanila ang ganoong setup dahil mas nag-grow sila. Nakapag-focus si Patrice sa pagta-trabaho at pag-aalaga kay Jasmine, at siya naman, sa pagpapalago sa mga clubs niya.

Listening to him, I knew he had truly become a better version of himself. Although wala naman akong problema sa dating siya. I still believe he's perfect back then. Pero ramdam ko ang laki ng pagbabago niya ngayon. Malinaw na sa kanya ang mga plano niya sa buhay. May gusto talaga siyang maabot hindi lang para sa sarili niya, kung 'di para sa amin.

And of course, he looked even more dashing now. Hindi ko maipaliwanag, pero mas lumakas ang dating niya ngayon. Siguro dahil mas lumapad ang katawan niya at nag-mature ang mukha niya?

Nung huli kasing pagkikita namin, parang stressed siya at hindi nakakatulog. Nakabawi talaga siya. Na-miss ko ang masayahin niyang mukha at chill personality na naging dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya noon. I just miss everything about him.

• • •

MAGDI-DILIM NA NANG makarating kami ni Arkhe sa flower shop ni Patrice. Kumain pa kasi kami saglit.

Nabanggit din pala sa 'kin ni Ark na sinara na ni Patrice ang flower shop nito sa Manila at nag-focus na lang ulit sa Tagaytay. Kaya pala parang hindi ko napansin na bukas ang shop nito noong dumaan ako papuntang museleo.

Huminga muna ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok dito sa shop. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Patrice. Sabi ni Arkhe, hindi naman daw galit sa akin si Patrice, pero parang ang hirap paniwalaan. Hindi na sumama sa akin si Ark sa loob kasi gusto niyang makapag-usap kami ni Patrice nang maayos. Naghintay lang siya sa labas ng shop.

Pagkapasok ko, hindi ako napansin ni Patrice kasi nakatalikod siya at may kausap na customer.

Yumuko na lang ako sabay dumiretso sa pagtingin ng mga bulaklak.

Mayamaya, umalis na ang kausap ni Patrice at alam kong nakatingin na siya sa direksyon ko. "Good afternoon!" bati niya. "Flowers for what event, ma'am?"

I finally looked up at her and smiled sweetly.

Agad siyang natigilan. "R-Rose?"

"Hi. I'm looking for an old friend, Patrice."

"Oh my God!" She hurriedly approached me and hugged me tight. "Rose! You're back! Oh, wait!" Bigla-bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakp at dapat babalik doon sa table. "Tatawagan ko si Arkhe. Matagal ka ng hinihintay no'n."

Hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan siya. "Patrice, n-no need. I'm already with him." Sabay turo ko kay Arkhe na nasa labas ng flower shop.

Tumingin siya roon.

Kinawayan siya ni Ark.

Kinawayan niya rin ito bago niya binalik ang tingin niya sa 'kin. She's smiling from ear to ear. "Finally. Masaya ako na makitang magkasama na ulit kayong dalawa."

Bigla akong nahiya kaya napayuko na lang muna ako. "Patrice, ang dami kong gustong sabihin. Can we talk?"

"Hmm, alam ko na 'yan. Pero sige." Hinawakan niya ang kamay ko at umupo kami sa couch sa loob ng shop.

"How are you?" she asked. "Kailan ka pa nakabalik?"

"Just today. Nagpunta ako sa bahay ni Arkhe dito sa Tagaytay para dumalaw saglit habang naka-bakasyon ako. Hindi ko inasahan na pupunta rin pala siya roon kaya nagkita kaming dalawa."

"Sounds like destiny."

Napangiti lang ako.

"Alam mo bang pinuntahan ka namin ni Arkhe dati sa bahay niyo? Pero wala ka na pala. He waited for you."

"Nai-kwento niya nga sa 'kin." Bumuntong-hininga ako sabay hinawakan nang mahigpit ang mga kamay niya. My eyes were starting to well up again. "Patrice, I'm so sorry for everything. Hindi na kita nagawang puntahan dati para personal na makahingi ng tawad kasi sobrang down na down ako those times. Hindi ko kaya. But I really wanted to talk to you."

"Naiintindihan ko. Arkhe told me about what happened to your sister. I'm so sorry, Rose. I hope you're feeling better now. At ang mga nangyari dati, wala na 'yon. Hiningi ka na ng tawad sa akin ni Arkhe, pero hindi naman talaga ako nagalit sa 'yo. Dapat nga ako pa ang nagso-sorry kasi nasasaktan na pala kita noon nang hindi ko nalalaman. Hindi ka naman kasi nagsasalita na ex mo pala si Arkhe."

"Nahiya na kasi ako, eh. Ayokong isipin mo na ginugulo ko kayo, kaya nagkusa na lang akong umiwas." Huminga ulit ako nang malalim. "I'm really sorry, Patrice. I know everything that happened to the three of us wasn't easy to forget. Nasaktan kita. But please know that I love you and I really treated you as my friend."

"Alam ko naman. Hello! Ikaw lang ang kaisa-isang tao na sumugod sa akin sa ospital noong nabangga ako, 'di ba?"

"Espesyal ka kasi talaga sa akin. Tanggap ko nga kayo ni Arkhe. Akala ko kinasal na kayong dalawa."

"Wala, eh. Mahal ka talaga nung unggoy na 'yon."

Parang biglang umurong ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

She just chuckled, though. "Teka, baka naririnig niya pala ako." Sumilip pa siya sa labas para masigurong hindi nakatingin dito si Arkhe. "Joke lang 'yon, ah?" She then said. "Matagal na akong naka-move on. But I wanted to be honest with you. Minahal ko talaga si Arkhe. Akala ko nga, siya na."

Napayuko ako. "I know. I'm sorry."

"Okay na 'yon. Maswerte pa rin naman ako kasi na-experience ko kung paano siya magmahal. That once upon a time, I was his safe place."

Hindi ako nakapagsalita kasi naramdaman ko ang lalim ng sinabi niya.

"You know what, noong sinabi sa akin ni Arkhe ang tungkol sa 'yo, alam ko na agad kung saan ako lulugar. Obvious na obvious kung sino talaga ang laman ng puso niya. Kaya nakipaghiwalay na ako at pinilit siyang bumalik sa 'yo. Ayaw niya pa nga nung una. Hindi raw kasi natin deserve ang katulad niya at mas pipiliin niya na lang na maging mag-isa sa buhay kaysa makasakit siya ulit. Pinilit ko lang talaga siyang bumalik sa 'yo. At nung pumayag na siya, I was very happy. Kasi hindi niya ako niloko, at hindi niya na rin niloko ang sarili niya. 'Yon nga lang, na-late siya kasi umalis ka na pala ng Pilipinas. Kitang-kita ko noon kung paano halos gumuho ang mundo niya nung nalamang hindi ka na niya makikita ulit. Hinintay ka niya, Rose. Araw-araw ka niyang hinihintay."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. I wiped them right away and just smiled at her. "You are so kind, Patrice. I also wish you genuine happiness."

"Masaya naman ako ngayon, so don't worry. I have my daughter, remember?" Kumindat pa siya.

Napangiti na lang ulit ako.

My heart is flowing with so much happiness. Hindi ko naisip na makakausap ko pa ulit siya nang ganito ka-gaan, na parang walang nangyari. I thought she hated me for what happened. Pero napakabuti niya talagang tao.

"O, sige na." Hinaplos niya ang braso ko. "Na-appreciate ko na pinuntahan mo pa talaga ako rito sa shop. Pero ayokong masyadong kunin ang oras mo kay Arkhe. Dapat nag-eenjoy kayong dalawa ngayon."

Hindi ko na siya sinagot sa sinabi niya. Basta ko na lang siyang niyakap. Hinigpitan ko para maramdaman niya na sobrang espesyal pa rin siya sa akin sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari. "Thank you for the friendship, Patrice. Thank you for everything."

"Of course."

Pagkatapos no'n, hinatid na niya ako kay Arkhe sa labas ng shop.

"Oh ano, masaya ka na ngayon?" Biro niya pa kay Arkhe.

Napangiti na lang si Ark. "Salamat, Patrice. Alam mo na 'yon kung bakit."

I saw her roll her eyes. "Hay, ano pa nga ba."

Natawa ako. Parang wala man lang ilangan sa kanilang dalawa.

Niyakap ko lang ulit si Patrice at nagpaalam, tapos tuluyan na kaming umalis ni Arkhe.

• • •

IT'S 8 O'CLOCK in the evening.

Arkhe and I grabbed some groceries earlier before heading back to the hideout. Naisip ko kasi na sa hideout na lang ako magse-stay sa buong two weeks na bakasyon ko rito sa Pilipinas. Para rin matagal kong makasama si Ark. Sinabihan ko na lang ang driver na naghatid sa akin kanina.

Nandito lang kami ni Arkhe sa tapat ng bahay.

Gumawa kami ng bonfire dahil sobrang lamig sa Tagaytay ngayong gabi, tapos nag-iihaw din kami ng hotdogs at marshmallows. Everything was cozy and warm, lalo na ang pwesto ko ngayon. Nakaupo kasi kami ni Ark sa lupa na nilatagan namin ng blanket. Nakatapat kami sa bonfire at nakayap siya sa akin mula sa likuran. It feels like we're in a romantic movie.

"Babalik ka pa ba sa Australia?" Biglang tanong sa akin ni Ark habang hinihipan niya ang marshmallow na inihaw niya para sa akin.

Tumango ako. "I have to. I still have some art projects lined up. Tsaka kailangan ko ring magpaalam kina Arthur at Toby. Alam mo naman si Toby. Pero saglit lang naman 'yon, babalik din agad ako rito sa 'yo. Why?"

Binigay niya sa 'kin ang marshmallow ko, tapos niyakap niya ulit ako bago siya sumagot. "Parang hindi ko kaya na mawawala ka ulit sa paningin ko kahit na saglit lang."

Napangiti ako nang mapait. Gano'n din ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko nang mahiwalay sa kanya. "Do you want to come with me to Sydney? Para makasiguro ka na uuwi talaga ako rito?"

"Pwede ba akong sumama?"

"Of course. I'd love to. Ipakikilala kita sa mga kaibigan ko ro'n tsaka dadalhin kita sa mga exhibits kung saan naka-feature ang mga paintings ko."

"Sige. Kahit saan ka magpunta, sasama ako sa 'yo."

I smiled sweetly at him then rested my back on his chest while I'm eating my roasted marshmallow. "Arkhe, you know what, I still couldn't believe I'm with you again. Salamat at binuo mo ulit ako. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong klase ng saya. You're the only one who can make me feel this way."

"Ako nga ang dapat magpasalamat. Kasi kahit na ang bigat ng mga kasalanan ko sa 'yo, tinanggap mo pa rin ako."

"Wala ka namang kasalanan. Sadyang 'yon lang talaga ang naging reaksyon mo sa mga pagkakamaling ginawa ko." Huminga ako nang malalim sabay lumingon sa kanya. "I don't want to remember those painful memories anymore. Pwede bang kalimutan na natin ang mga 'yon? Gusto kong mag-umpisa ulit tayo, Ark."

"Ayoko sanang mag-umpisa tayo ulit. Gusto ko, itutuloy lang natin kung saan tayo tumigil. Kasi naniniwala ako na lahat ng nangyari sa 'tin dati, nakatulong para maging ganito tayo ngayon. 'Yon ang kwento natin."

Muli akong napangiti. "You're right. They really did help. Naisip ko nga, kung sakaling naabutan mo ako dati bago ako pumunta ng Australia, I don't think magagawa kitang balikan. I was at the lowest point of my life because of what happened to Amanda. Naubos ako at wala akong maibibigay sa 'yo. Baka masaktan lang ulit kita. Moving to a new place was the right decision for me that time. I got to know myself better."

"Naiintindihan ko. Ako rin, kahit na gustong-gusto na ulit kitang makasama noong mga panahong 'yon, alam ko na kailangan ko rin munang ayusin ang sarili ko. At 'yon naman nga talaga ang ginawa ko bago kita pinuntahan sa Sydney. Kaso tangina talaga ni Arthur. Akala ko pa naman tropa kaming dalawa."

I chuckled. "Silly. I missed you talking like that. Kauusapin ko nga 'yon si Arthur pagbalik ko. That man has a lot of explaining to do." Sumandal na ulit ako sa kanya.

Siya naman, muli akong niyakap nang mahigpit mula sa likuran. Hinalikan niya pa ako sa pisngi. "Mahal na mahal kita, Sab. Wala akong kasing saya ngayon. Makakatulog na rin ako nang maayos, kasi alam mo ba dati, hirap na hirap ako ko nung wala ka rito. Itutulog ko na lang, tapos iisipin ko na siguro pagkagising ko, nandito ka na ulit. Kaso hindi nangyari. Ang lungkot kapag gigising ako na wala ka pa rin. Dalawang taon akong gano'n."

"I'm sorry. That won't happen again, hmm? Ngayon, katabi mo na ako sa tuwing gigising ka araw-araw. Ako ang unang taong makikita mo sa umaga. I love you so much, Ark. You're the only man in my heart, and I'm very happy to be with you again. Hindi na tayo pwedeng maghiwalay ulit, ha?"

"Hindi na talaga. Araw-araw kitang pipiliin at mamahalin, Sab." Bahagya niya akong pinaharap sa kanya, tapos ay hinawakan ang magkabila kong mga pisngi. And for the first time after a long time, I felt his warm lips on mine again.

Hindi ko napigilang hindi mapangiti habang magkadikit ang mga labi namin.

The fact that my one true love is kissing me in front of the beautiful bonfire, under the twinkling stars, and at the place very special to us makes my heart so full. Akala ko noong una, mapait ang tadhana sa amin ni Arkhe. Pero mukhang kami pa nga ang paborito dahil palagi kami nitong binabalik sa piling ng isa't isa.

Arkhe will always be my home, my rest, my everything. We'll give our love another shot, but this time, we will make it last forever.

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top