Chapter 24
ISABELA
HINDI NA AKO nakakain. Nakatulala na lang ako sa kawalan habang ramdam pa rin ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko.
I don't want to conclude. Ang hirap talagang paniwalaan na si Arkhe ang tinutukoy ni Patrice all this time. Pero sa dami ng 'what ifs' at scenarios na pumapasok sa isip ko ngayon, sobrang natatakot ako. What if it's true?
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kung sakaling totoo nga. Kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay nahanap ko na si Arkhe, o malulungkot dahil may bagong babae na sa buhay niya, at si Patrice pa na tinuturing kong kaibigan.
"Rose! Sorry, ang tagal ko ba?" Bumalik na si Patrice sa table namin.
Hindi ko siya nasagot. I just looked up at her.
Bigla namang nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God, are you okay? Sobrang putla mo!" Taranta siyang tumabi sa akin at hinaplos ako sa buhok. "May nakain ka ba, ha? Hindi ba masarap ang food? Namumutla ka."
Umiwas na lang ako ng tingin at pinilit ngumiti. "I-I'm okay. May bigla lang akong naalala," pagsisinungaling ko.
"Are you sure? Here, drink first." Binigay niya sa 'kin ang baso ng red tea.
Nahihiya ako na nag-aalala siya nang ganito sa 'kin, pero hindi ko talaga magawang itago ang nararamdaman ko. Uminom na lang din muna ako ng tea, kaso hindi rin nakatulong. Nanunuyo pa rin ang lalamunan ko.
Bumalik na siya sa katapat na upuan. "Ano bang naalala mo at namutla ka ng ganyan? Is it traumatic?"
I forced myself to smile again. "N-no. I'm sorry for making you worry. Wala 'yon."
"Sure ka, ha? O sige na, kumain ka na para umayos ang pakiramdam mo."
Kinuha ko na ulit ang chopsticks, pero hindi ko na talaga magawang sumubo. Wala na ako sa sarili. Pasimple ko na lang pinagmasdan si Patrice habang kumakain.
I have a lot of questions in my head right now, but I'm scared to know the answers. Kaso mukhang kailangan kong tatagan ang loob ko. Alam ko nang masasaktan ako, pero mas lalo yata akong hindi mapapanatag kung wala akong makukuhang sagot.
"P-Patrice?"
Napahinto siya sa pagsubo para tumingin sa 'kin. "Hmm?"
"How was your boyfriend? I-is he okay?"
"Ah, oo, okay naman. Nag-alala lang siya kaya siya tumawag. Nakalimutan ko pala kasi siyang i-text na nasa mall na ako at magkasama na tayo. He just got worried."
"I see." Pinilit kong humigop ng sabaw ng noodles kahit na nanginginig ang kamay ko. "Matagal na ba kayong nagsasama?"
"Hindi naman, actually bago pa lang talaga kami. I think around 8 or 9 months?"
Lalong nanginig ang kamay ko kaya tumigil na muna ako sa pag kain. Nag-uumpisa nang magtugma-tugma lahat. Gano'n na rin kasi katagal na hindi ko nakikita si Arkhe.
"Medyo iba nga ang setup namin," dagdag niya. "We don't act like a typical couple. And you won't believe how we met."
"Bakit, paano kayo nagkakilala?"
Uminom muna siya ng tea, tapos ay sumandal sa upuan at tumingin sa malayo. "I saved him. As in literal, niligtas ko siya." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "He got into an accident. Car crash."
Tuluyan ko nang nabitawan ang kapit kong kutsara. Napatitig ako sa kanya at naramdaman ko na lang ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. "C-car crash?"
I still wanted to be in denial, maybe it was just a coincidence. Pero hindi, eh. Gano'n din mismo ang sinabi sa 'kin ni Amanda tungkol sa nangyari kay Arkhe.
Malungkot namang tumango si Patrice. "Nagkataon na nasa area rin ako that time kaya ako ang unang nakakita sa kanya. He's a complete stranger, but I helped him and rushed him to the hospital. Takot na takot ako no'n kasi kritikal ang lagay niya at baka mapagbintangan pa ako. That moment, my plan was to just leave him in the hospital. Kumbaga, I've done my part, tumulong na ako . . .
. . . Pero ewan ko ba, parang may bumulong sa 'kin na hintayin ko na lang din siyang magising. Hindi rin naman kinaya ng utak ko kung iiwan ko na lang siya ro'n, so I waited for him to regain consciousness. Nung bigla siyang nagkamalay, saktong ako lang ang nasa tabi niya. I told him what happened even though I didn't know if he could already understand. Tapos nagulat ako sa pakiusap niya sa 'kin. Gusto niyang ilayo ko siya ro'n sa ospital. At gulat na gulat din naman ako sa sarili ko kasi ginawa ko. I brought him to my place and took care of him. Hindi na niya ako iniwan simula no'n."
Tumulo na ang luha ko. Umiwas agad ako ng tingin at pasimpleng pinunasan bag o niya pa mahalata.
Ang sakit na ng lalamunan ko dahil pinipigilan kong umiyak. Gusto ko pa ring isipin na hindi ito totoo, na imposibleng si Arkhe talaga ang tinutukoy ni Patrice. But it was too obvious. Siya ang nagligtas at nag-alaga kay Arkhe, at nagpapasalamat ako sa kanya na ginawa niya 'yon. Pero bakit sobrang nasasaktan ako?
"Rose!" Bigla niya namang tawag sa 'kin. "Oh my, are you still okay? Mas lalo kang pumutla!"
Hindi ko na magawang tumingin sa kanya kasi nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi ngayon. Ang hirap umaktong okay lang ako at hindi ako naaapektuhan, pero ayoko siyang mapahiya. Ayokong mas lalo siyang mag-alala sa 'kin.
Lumipat na naman siya rito sa tabi ko at hinaplos ako sa buhok. "May naalala ka na naman ba o nagulat ka lang sa kwento namin?"
Umiling ako sabay umiwas ng tingin. "A-alam mo ba kung bakit siya naaksidente?"
"I think he doesn't want to talk about it. Or maybe he isn't ready yet. Nirerespeto ko na lang. Arkhe is a really quiet guy."
My lips trembled as I looked at her. "Arkhe?"
"Yes, that's my boyfriend's name. Arkhe Alvarez."
I feel like my heart has been ripped out of my chest. That's it. Wala na akong iba pang kailangang malaman. Napatingin na lang ako sa taas para pigilan ang muling pagtulo ng luha ko.
"Rose?" Hinaplos niya ulit ako sa buhok. "Anong nararamdaman mo, ha?"
Pinilit ko siyang ngitian nang matamis kahit na nanginginig pa rin ang mga labi ko. "N-nothing. Napakabait mo, kasi niligtas mo siya kahit hindi mo siya kilala. You...you are his angel."
She just smiled at me. "'Yan nga rin ang tingin niya sa 'kin. Pero wait, okay ka lang ba talaga? Parang naiiyak ka."
"I'm okay." Ngumiti lang din ulit ako. "You're right, nagulat lang ako sa kwento niyong dalawa. Ganyan na ganyan din kasi ang nangyari sa paborito kong romance novel," pagsisinungaling ko na lang.
She heaved a sigh of relief. "My goodness, akala ko naman kung ano nang nangyari sa 'yo. Masyado mo akong pinag-alala."
I smiled sweetly again. "Sorry. S-sige na, kumain ka na ulit."
"Ikaw rin, kumain ka na. Lumamig na 'yang noodles mo." Bumalik na ulit siya sa upuan niya pagkatapos.
"So, you love reading novels?" she then asked. "Kanina, may binili ka ring bagong libro sa bookstore. Anong mga binabasa mo? Mag-recommend ka naman sa 'kin."
Buong hapunan, nakipagkwentuhan pa sa akin si Patrice, pero hindi ko na maibigay ang buong atensyon ko sa kanya.
Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko. I am trying my best to act like I am fine because I don't want her to feel bad. Wala siyang kasalanan dito. Hindi niya alam kung sino ako sa buhay ni Arkhe, at ayokong malaman niya pa 'yon kasi masasaktan ko lang siya nang hindi ko sinasadya. Sa laki ng tinulong niya para mabuhay si Arkhe, wala akong karapatan para saktan siya.
Natapos ang dinner namin nang hindi ko man lang naintindihan ang mga kwento ni Patrice. I felt so guilty for not paying attention to her. Kahit na anong pilit kong pakinggan siya, tanging si Arkhe na lang ulit ang tumatakbo sa isip ko. Alam ko na kung nasaan siya.
"Dito na ako, Rose," sabi sa 'kin ni Patrice nang makarating na kami sa parking area ng mall. "Salamat ulit dito sa cookies, ha? Ingat ka pauwi."
Hindi na ako sumagot. Bigla ko na lang siyang niyakap. I hugged her so tight because I know this is the last time that I will see her.
Niyakap niya rin ako pabalik sabay hagod pa sa likod ko. "Ba-bye. Let's meet again. Magbe-bake tayo sa bahay niyo, 'di ba?"
I pulled back slightly from our hug and just waved goodbye at her. Tapos ay tumalikod na agad ako para pumunta sa kotse. Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Kaso ramdam kong nakasunod pa ng tingin sa 'kin si Patrice kaya pinahid ko muna ulit at patakbo na akong naglakad papunta sa sasakyan.
My tears immediately burst out as I closed the car door.
Binuhos ko lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan, at tsaka ko kinausap ang driver ko at tinuro ang sasakyan ni Patrice na kaaalis lang. "Please follow that car."
Alam kong mali itong gagawin ko, pero gusto kong makita si Arkhe. I want to know if he's really fine.
• • •
ANG LAYO NG tinitirhan ni Patrice mula sa mall kung saan kami nagkita. We followed her all the way to this small subdivision.
Nang lumiko siya sa isang street ay pinahinto ko na muna ang driver ko sa tabi. Hindi pwedeng malaman ni Patrice na may sasakyang sumunod sa kanya. I got out of the car and secretly headed near the house where Patrice stopped.
Nagtago ako sa isang poste at dito ko siya palihim na pinagmasdan.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang takot. Hindi ko sigurado kung makikita ko si Arkhe, pero sana. Kahit saglit lang, kahit mula sa malayo.
Bumaba na si Patrice mula sa kotse, at kasabay no'n ay ang pagbukas ng gate ng bahay. May lumabas na lalaki para salubungin siya.
I gasped and covered my mouth the moment I recognized him. Nanginginig pa ang kamay ko habang titig na titig sa lalaking lumabas. It's Arkhe.
Kusang tumulo ang mga luha ko. It's really him! Sinalubong niya ng yakap si Patrice at hinalikan pa ito sa pisngi. Pakiramdam ko piniga ang puso ko sa sobrang sakit.
Namanhid ang buo kong katawan at nanlabo na ang mga mata ko dahil sa kapal ng luha, pero pinilit ko pa rin siyang pagmasdan mula sa malayo. Kitang-kita ko kung paano niya nilambing si Patrice at inakbayan habang papasok sa bahay.
He looks happier with her.
Napangiti na lang ako kahit na patuloy pa rin sa pagluha. Tapos ay tumalikod na at hinang-hina na bumalik sa kotse.
Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad at dumidilim na rin ang paningin ko. I feel like I'm just going to collapse anytime soon.
Wala itong kasing sakit, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakita ko na si Arkhe na nasa mabuting kalagayan. Bagay na bagay sila ni Patrice. Masaya ako para sa kanilang dalawa.
• • •
I ARRIVED HOME emotionally damaged and falling apart. Gusto ko na lang uling magkulong sa kwarto at huwag nang lumabas.
Dire-diretso ako papunta sa hagdan habang panay ang pagpahid sa mga luha ko. Nadaanan ko pa si Amanda sa kusina.
"Isabela!" Masayang tawag niya pa sa 'kin, tapos ay sinundan ako. "How was your dinner? Nagustuhan ba ni Patrice ang cookies na binake mo?"
Hindi ko siya sinagot. Nagmadali akong umakyat kasi ayokong makita niya ako sa ganitong estado.
Sinundan niya pa rin naman ako at bigla akong hinawakan paharap sa kanya.
Her shoulders immediately dropped when she saw me drenched in tears and sobbing. "W-what happened?"
Hindi pa rin ako sumagot at basta ko na lang siyang niyakap. Humagulgol ako sa leeg niya. Sa kanya ko nilabas lahat ng bigat at sakit na nararamdaman ko. "Amanda..."
"Bakit, anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Patrice?"
Umiling-iling ako habang patuloy sa pag-iyak. "I...I found him."
She slightly pulled away to look at me in the eyes. "Nahanap mo na si Arkhe? Saan?"
"Kay Patrice. He is her boyfriend."
Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko nang sabihin ang mga salitang 'yon. Bumagsak ako ng upo sa hagdan at umiyak nang umiyak.
Umupo naman agad si Amanda sa tabi ko. "But how did that happen? Paano sila nagkakilala?"
"Patrice saved him. Siya ang nagligtas at nag-alaga kay Arkhe mula sa aksidente."
Muli niya na lang akong niyakap at pinilit akong pakalmahin. "Isabela..."
Ngumiti ako. Para akong baliw na nakangiti nang malapad pero tuloy-tuloy naman sa pag-iyak. "I-I'm okay."
"No, you are not." Kumalas siya sa pagkakayakap at madaling pinunasan ang magkabila kong mga pisngi.
I just closed my eyes again and forced a smile. "Gusto kong maging okay, pero sobrang sakit, Amanda. Naihanda ko naman ang sarili ko, eh, kasi alam kong posibleng may iba na si Arkhe. Pero ang sakit-sakit kasi si Patrice pa. She's special to me and I don't want our friendship to end. Ito ba ang dahilan kung bakit nag-krus ang mga landas namin ni Patrice? Kasi nasa kanya si Arkhe?"
Pinahid niya lang ulit ang mga luha ko.
Pumikit ako nang mariin. "I have no right to feel this way, but it hurts so much. Dalawang tao ang nawala sa 'kin. Mahal ko si Arkhe at si Patrice, at ang sakit-sakit na parehas ko na silang hindi makakasama. Na parehas ko silang kailangang layuan. Siguro ito ang parusa sa lahat ng kasalanang nagawa ko."
"Don't say that." Muli niya akong niyakap nang mahigpit. "Don't say that, okay? Hindi ka pinarurusahan."
Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at mas lalo akong umiyak. "Masaya ako para sa kanila ni Patrice."
"Isabela..."
"I mean it. I'm really happy for them. Hindi ako maghahabol kay Arkhe, hindi ako manggugulo. Because I know he deserves the happiness I wasn't able to give him when he was still mine."
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top