Chapter 23
ISABELA
DUMALAS ANG PAGKIKITA namin ni Patrice. Kapag kaya kong lumabas at humarap sa ibang tao, nagkikita kami. I really found a friend in her.
Posible pala ang gano'n, ano? 'Yung kumportable ka na agad sa isang tao kahit na hindi pa kayo ganoon katagal na magkakilala.
Mamayang gabi nga, lalabas ulit kami. Hinatid niya raw kasi si Jasmine sa parents niya sa Tagaytay kaya libre siya pagkatapos ng trabaho niya sa flower shop.
Mabuti na lang niyaya niya ako, kasi nilamon na naman ako ng lungkot simula noong nahanap ni Amanda ang singsing na binigay sa akin ni Ark. Ilang araw tuloy akong naka-kulong lang sa kwarto. Ayaw ko ng kausap. Kung hindi pa nga ako tinawagan ni Patrice, hindi pa ako gagalaw. I really felt like she's my savior from all this sadness. Palagi kasing sakto ang pagpaparamdam niya sa 'kin.
Naisip ko pala siyang ipag-bake ng cookies. Amanda promised to help me. Mag-a-undertime raw siya sa trabaho.
Pinipilit kong maging productive at ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko para hindi ako atakihin ng depression. Okay na rin naman, kasi nakakabalik na ako sa mga dati kong hilig. Besides baking, I'm now slowly returning to my first love: painting.
Ito nga ang pinagka-kaabalahan ko ngayon habang hinihintay si Amanda na makauwi. Dumating na kasi ang mga painting materials ko at napalinis ko na rin ang art room. I'm trying to paint portraits again. And I have the perfect subject: my one true love, Arkhe.
Kumuha ako ng mga pictures niya galing sa envelope para may basis ako. But honestly, even without pictures, I know I could still paint him. Memoryado ko lahat ng mga features niya, lalo na ang masayahin niyang mga mata. How I miss those and the way he stares at me. Lahat sa kanya, nami-miss ko. Walang araw na hindi ko siya inisip. Every night, I pray to God to keep him safe. Hinihiling ko na sana naka-recover na siya sa aksidente at nasa mabuti siyang kalagayan.
Itong pagpipinta ko sa kanya ngayon, ito ang paraan ko para kahit papaano ay maramdaman kong kasama ko siya. Na nandito lang siya sa 'kin.
"Isabela?" Kinatok na ako ni Amanda sa art room.
"That's open, come on in."
Tumuloy siya sa pagpasok. "Sabi ko na nga ba, nandito ka lang."
"I'm just working on this. Kanina ka pa ba nakauwi?"
"Hindi naman, ngayon-ngayon lang din." Lumapit siya sa akin at pinanood ako sa ginagawa ko. "Wow! That is so nice. You're getting better at painting again."
Napangiti ako nang mapait. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang sinasabi niya o pinagagaan niya lang ang loob ko. I don't think I'm getting better. Pakiramdam ko nga nangangalawang na ako. Ang tagal ko na kasing walang practice.
"Ibibigay mo ba 'yan kay Arkhe kapag nagkita na ulit kayo?"
"Siguradong hindi niya naman ito tatanggapin. I'll just display it in my room again."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ano ka ba, always stay positive. So, will you finish that first or are we going to bake now? Hapon na. Baka ma-late ka sa dinner niyo ni Patrice."
I glanced at the wall clock. "Ah, yes. Mauna ka na sa baba. Magliligpit lang ako."
"Okay, I'll wait for you."
Tinigil ko na muna ang pagpe-paint. Tinabi ko ang mga gamit ko at saglit na naglinis ng sarili bago sumunod sa baba.
"NILABAS KO NA lahat ng kailangan mo," sabi sa 'kin ni Amanda pagkarating ko sa kitchen.
"Okay. Thank you."
Nandito rin sa kusina ang anak niyang si Toby, naglalaro sa tablet.
Nilapitan ko muna at ginugulo ang buhok. "Hey, little guy. Mommy and Tita Isabela are going to bake. You want to help us?"
Hindi naman ako pinansin.
Natawa na lang tuloy si Amanda. "Busy 'yan sa paglalaro. Ngayon ko lang kasi pinayagang mag-tablet."
Natawa na lang din ako, tapos ay kumuha na ng apron at sinuot.
I'm happy that Amanda and I get to bond like this. Hindi namin ito nagagawa dati kasi madalas kaming magkahiwalay at palagi siyang busy sa trabaho.
Pumwesto na ako sa counter at inayos ang mga ingredients.
"Bakit mo pala naisip na ipag-bake si Patrice?" tanong niya sa 'kin. "You don't usually do this to someone. Best friends na kayo?"
Napangiti ako. "She's special. This is like my thank-you gift because she's so kind to me."
"Dapat pala sarapan natin," sabi niya habang hinahanda na ang stand mixer.
"Alam mo pala, hindi alam ni Patrice na Isabela ang ginagamit kong pangalan," kwento ko. "Rose ang tawag niya sa 'kin."
"Rose?"
"Nakita niya kasi ang bigay mong kwintas. Akala niya, Rose ang first name ko kaya 'yon ang tinatawag niya sa 'kin hanggang ngayon."
She chuckled. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"
"Nahiya na akong i-correct, eh. And I'm starting to like the name 'Rose', anyway. I feel like I'm a different person."
Natawa na lang ulit siya.
Ako naman, nag-umpisa nang haluin ang mga ingredients. "Na-miss kong mag-bake. Sana masarap pa rin ang gawa ko. Dati, pinagbe-bake ko rin si Ark."
"Talaga? Anu-ano nang binake mo para sa kanya?"
"Cupcakes, cakes, cookies. I even gave his Mom my baked cookies for her birthday."
"Did she like it?"
"Mm-hmm. Akala nga ng Mama niya, trabaho ko talaga ang pagbe-bake kasi ang sarap daw. Parang professional."
"Then why do you seem sad? Nagustuhan naman pala."
Huminga ako nang malalim. "Kasi naalala ko na naman kung gaano kabait sa 'kin ang pamilya niya, tapos binastos ko lang. Wala pa rin talaga akong mukhang maihaharap kahit na gustong-gusto ko nang pumunta sa Nasugbu para alamin kung nandoon siya."
"Time heals all wounds, Isabela. Hindi mo naman ginusto na mangyari 'yon. Please don't be too hard on yourself. I'm sure they'll understand your condition. Basta wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa talaga handang magpakita sa kanila. And once you're ready, I'll just be here by your side."
Nginitian ko siya nang mapait. "Thank you." Tapos ay bumuntong-hininga ulit ako. "I just really wish Arkhe is there. Sana kasama niya lang ang pamilya niya. Mapapanatag na ang loob ko kung sakali. Pero kung wala pa rin siya roon, sobrang matatakot na ako kasi hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin."
"If we don't see him there, I'll hire some people again to help us. Hindi rin tayo titigil sa paghahanap sa kanya. Don't worry too much, okay? Malakas ang kutob kong nasa ligtas siyang lugar."
"Sana nga."
Nagpatuloy na kami sa pagbe-bake.
At around 5 P.M, we're finally done with everything. Nailagay ko na sa box para presentable. Tapos ay nag-ayos na agad ako ng sarili para hindi ako ma-late sa pagkikita namin ni Patrice. We're going to meet at the mall where we first met.
"HELLO, ROSE? WHERE are you?" tanong agad ni Patrice pagkasagot ko sa tawag niya.
"I'm here at the bookstore," I replied. "Nandito ka na ba sa mall? Nasaan ka, pupuntahan kita."
"Ay, wag na, okay lang. Ako na lang ang pupunta sa 'yo. Just wait for me there, hmm?"
"Okay." Binaba ko na ang tawag, tapos ay tumuloy na muna sa pagtitingan ng mga romance books sa shelf.
Hindi nga ako na-late sa meetup namin ni Patrice, kaso sobrang napaaga naman ako. Pero okay lang. Naaliw naman akong maglibot-libot.
Ilang sandali lang ay dumating na rin si Patrice sa bookstore.
"Rose!" Lumapit agad siya sa 'kin at nakipagbeso.
"Hi!" bati ko rin sa kanya. "Buti nakita mo ako agad."
"Sa ganda niyan, hindi ba kita makikita agad?" She's referring to my casual maxi dress.
I just chuckled. "Simple lang naman 'to. Ikaw nga ang maganda ang suot diyan."
"My god, nag-bolahan pa talaga tayo. Uy! Sorry pala, late ako ngayon."
"No, it's okay. Napaaga lang din ang dating ko."
"Dapat talaga didiretso na ako rito pagkagaling sa flower shop. Kaso tinawagan ako ng boyfriend ko. Sumama kasi ang pakiramdam niya."
"Oh no! Is he okay?"
"Yes, he's fine now. It's nothing serious and he can actually take care of himself. Kaso minsan kasi, hinahanap niya ako."
"I hope he gets well soon. Sana pala sinabi mo sa 'kin, pwede naman tayong magkita sa ibang araw."
"Honestly, dapat talaga tatawagan na kita to postpone. Kaso siya na rin kasi ang pumilit sa 'kin na tumuloy ako sa lakad ko. Tsaka nahihiya ako sa 'yo, kaya tinuloy ko na talaga ang pagpunta."
"Thank you, I appreciate that. But next time, if you have an emergency, please let me know. Okay lang naman sa akin."
"Sige. Baka umuwi na lang siguro agad ako mamaya after dinner. Okay lang ba?"
"Oh yes, sure. That's not a problem." Tsaka ko na naalala ang dala kong cookies. "Oo nga pala, para sa 'yo ito." Binigay ko ang paper bag.
"Wow, ano 'to?" Sinilip niya agad.
"Cookies. I baked those."
Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Nagbe-bake ka?"
"Sometimes. Sana magustuhan mo."
"Oo naman! Thank you, Rose!" Sabay yakap niya sa akin. "Buti na lang pala nakapunta ako ngayon, kung hindi wala akong cookies," biro niya.
Natawa na lang ako.
"Naku, nakakahiya tuloy," she added. "Wala akong dala para sa 'yo. Pumunta ka na kasi sa shop para mabigyan na kita ng free flowers."
"Okay, I promise, pupunta na ako. I'll take my sister with me."
"Sige ha, hihintayin kita roon."
Tumango ako, tapos ay kinuha na ang libro na plano kong bilhin. "I'll just buy this book, then let's have dinner."
SA ISANG JAPANESE restaurant namin napiling kumain.
Patrice was craving sashimi. Hindi ako kumakain ng gano'n, kaya ramen na lang ang inorder ko.
Habang hinihintay ang orders namin, biglang nilabas ni Patrice ang binigay kong cookies mula sa paper bag.
Napatuwid ako ng upo. "Kakainin mo na agad?"
"Titikman ko lang. Hindi na ako makapaghintay, eh."
"Wag na rito, nahihiya ako. Sa bahay mo na lang tikman."
Natawa siya sa 'kin. "Ano ka ba, sa 'kin ka pa nahiya. Tsaka mukha namang masarap, itsura pa lang." Kumuha na siya ng isang cookie at tinikman.
Her eyes quickly went huge. "Huy, ang sarap!"
"T-talaga?"
"Oo!" Kumagat siya ulit. "Did you really bake this? Baka mamaya binili mo lang 'to, ha."
Natawa ako. "No. I really baked that."
"Ang sarap, Rose!"
"Thank you. Masaya ako na nagustuhan mo."
Tinuloy-tuloy na niya ang pag kain sa isang cookie, tapos ay sinara na niya ang box at binalik sa paper bag. "Teka, baka maubos ko agad lahat. Iuuwi ko sa bahay, ipatitikim ko rin sa boyfriend ko. I'm sure he'll love it, too."
"Sige. Gagawan ulit kita sa susunod. Cupcakes naman."
"Grabe, ang talented mo, ano? Ang ganda mo na, ang dami mo pang alam gawin. Hopefully I can learn how to bake, too. Kaso wala na akong time sa gano'n. Dalawa kasi ang inaalagan ko eh, si Jasmine at ang boyfriend ko."
I just smiled again. Pinupuri niya ako, pero sa totoo lang, siya ang mas nakakabilib. Ang responsable niya kaya.
"Gusto mo, kapag may free time ka, punta ka sa bahay," sabi ko. "Let's bake together."
"Uy, gusto ko 'yan! Sige, kapag may libre akong oras."
Maya-maya lang naman ay dumating na rin ang orders namin.
Gutom si Patrice kaya kumain na siya agad. Ako, bigla na rin akong nagutom dahil sa amoy ng ramen.
Habang kumakain, nagkwentuhan lang ulit kami. There's really never a dull moment with this lady. Ang dami naming napag-uusapan, hanggang sa nakarating kami sa topic tungkol sa papa ni Jasmine.
"Bakit kayo naghiwalay?" I asked her. I'm a little curious about it but too shy to ask. "It's okay if you're not comfortable answering."
"Naku, okay lang. Sanay na ako sa ganyang tanong." Uminom muna siya ng red tea bago nagpatuloy. "Wala, eh. Things didn't work out. Totoo talaga ang sabi nila na mas makikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo na ito sa iisang bahay. I thought I already knew him well, but I was wrong. Hindi na kami nagkakasundo, palagi na kaming nag-aaway. Pinilit naming tiisin lahat at lumaban para lang kay Jasmine, pero wala talaga. Alam mo 'yon, wala na ang spark. So, we decided to just part ways. Nagkikita pa rin naman kami ngayon paminsan-minsan, pero dahil na lang sa anak namin. He supports Jasmine financially, so okay na rin kahit papaano."
I was speechless.
Hindi ko kasi inexpect na ikikwento niya talaga nang detalyado sa akin. I know she's trying to make it light, pero ramdam ko ang bigat sa pagki-kwento niya.
"Na-shock ba kita?" tanong niya naman. "Sorry ah, baka hindi ka sanay sa mga gano'ng kwento. But yeah, that's my failed love story."
Tipid na lang akong napangiti. "I hope you're feeling and doing okay now."
"Oo naman, okay na okay na ako. Malungkot noong una, syempre. Kasi akala mo siya na, 'di ba? I've already invested a lot of time and feelings. Nakakapanghinayang, pero tinanggap ko na lang din. May mga bagay kasi talaga na hindi natin kontrolado. Let's not worry and stress over things we cannot change. Ayoko rin naman na pinipilit ang hindi para sa akin. If that's our fate then so be it."
"Namamangha ako na ganyan ka mag-isip."
"Kailangang i-adjust ang mindset para maka-move on at mag-grow. Honestly, wala na nga rin dapat akong plano na pumasok ulit sa isang relasyon. Kasi sa totoo lang, kuntento na ako kay Jasmine. Sa kanya ko na pinaiikot ang mundo ko. But one guy came into my life unexpectedly."
My lips curved into a smile. "Your boyfriend."
Tumango siya, sabay kumain muna ng sashimi bago nagsalita ulit. "Bago pa lang naman kaming nagsasama, but so far so good. Masaya ako sa kanya, at ang pinaka-importante ay tanggap niya si Jasmine. Tinuturing niya nga na parang tunay niyang anak."
"That's wonderful to hear. You are very lucky to have met a man like him."
"Yes, I feel really lucky, too." Sakto naman, biglang nag-ring ang phone niya. Kinuha niya agad mula sa bag. "Oh, speaking of him."
"Boyfriend mo 'yang tumatawag?"
"Oo. Baka may kailangan. Wait lang ha, I'll just answer it outside."
"Oh sure, go ahead."
Agad na siyang tumayo at sinagot ang tawag. "Hello? Arkhe?"
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Ang bilis nag-sink in sa utak ko ang pangalang binanggit niya.
Arkhe?
Sinundan ko agad ng tingin si Patrice, pero tuluyan na siyang nakalabas ng restaurant.
My heart then started pounding. Bumigat ang pakiramdam ko na para bang may mangyayaring hindi maganda.
No . . . it can't be. Napaka-imposible ng naiisip ko ngayon. Imposibleng si Arkhe ang boyfriend ni Patrice.
• • •
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top