ENTRY#37
It's just friendship. Wala naman sa rule na kailangan ko siya replayan lagi or dapat kami magkita.
Sabi nila wag ko daw lagyan ng masyadong pressure ang friendship. Importante padin ang boundaries and this is my boundaries with him!
"I have a job interview. Wag mo ako tawagan"
Mabilis kong binaba ang telepono. He's been messaging me none stop since we established our friendhip again.
"Ms. Laxamana?"
Inayos ko ang suot na coat bago pumasok sa interview room. It's my 5th interview. The rest is I'm rejected or tatawagan nalang daw nila ako pero di naman ako pwedeng maghintay sa wala.
Naging magaan ang interview na 'to. Medyo joker kasi ang engineer na nag interview sa akin.
But like any other interviews. Tatawagan nalang daw ako. I thought it would be different dahil nagbibiruan na kami bandang huli.
"Hello."
Parang may telepathy si miggy because right after the interview. Hindi pa ako nakakalabas sa building ay tumawag na siya ulit.
"Ano ba?"
Nanghihina ako kaya walang gana kong sinagot ang tawag. Palagi nalang kasi ganito ang nangyayari.
Nasasagot ko naman ang mga tanong. Maganda naman ang grades ko, kilalang semiconductor company din ako nag OJT. Pasado sa technical interview pero at the end kahit sabihin nila na tatawagan nalang ako, wala naman natawag.
[It doesn't end well?]
"What do you want miggy?"
[Friends bond, do they not? Kailan tayo mag bonding?]
"Update nalang kita"
[Sabado. Your choice basta magkita tayo sa sabado.]
He did not press charges pero araw-araw naman niya ako kinukulit. But unlike before, bihira na siya pumunta sa bahay. Medyo busy na siguro, hindi ko lang alam kung ano.
I'm just curious. I don't really care ano ginagawa niya sa buhay.
"So ano kayo?" may akusasyon ang tingin ni regine sa akin.
"Friends"
They side eyed me, maliban kay carmela dahil sa harapan ko siya nakaupo.
Nasa mcdo kami. Hindi ko ito libre, kay kezia.
"Walang benefits?"
"No! Friends lang. I told you pinagbuntungan kasi siya ng sama ng loob ni kuya kaya wala akong nagaw--"
"Oo na, alam na naman ang kwento." kezia dismissed me.
"Parang gusto ko ng burger" singit ni regine.
"Tara" sagot ni kezia.
Umalis sila para umorder ulit. Kanina pa tahimik si carmela. Kumakain lang siya ng fries at nakikinig sa amin.
"Are you mad?"
Tumaas ang dalawang kilay niya. "Huh?"
"Galit ka ba kasi nagkikita kami ulit."
"No, why would i be mad? Decision mo naman iyan."
Tumuloy na siya ng kain. Kinabahan ako sa asal niya. Hindi siya normal these days pero ako ang topic today at ganyan ang reaction niya.
"But i would be worried"
"You don't have to. Friends lang naman kami"
"I know that. Just worried."
"You think it's the wrong decision."
Hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Matamlay kasi siya.
"It's the wrong decision if you're not going to enjoy it. You know what I always say? Make it count. Besides, it's important that you know what you want, and if anything happens, you know how to be accountable. Pain is normal. it's part of life, so if you're not going to enjoy it, Drop it."
"Friends lang kami." Pinal kong sabi.
Bumalik na iyong dalawa. Bumili din sila ng sunday. Nakangiti kong tinanggap iyon mula kay regine.
I noticed every time they want to comfort me they will buy me an ice cream. Sometimes, even if I'm not telling them something is wrong, they will know, and they will buy me an ice cream.
"Baka sign na iyan ni lord. Sign na iyan para mag board exam muna."
"Oo nga! Tara tas isang dorm lang tayo ulit!"
That's a nice idea.
I will wait for two weeks. That's the ultimatum for myself. if, wala talaga then maybe God is really giving me a sign na mag board.
Life as a professional tambay with a degree is so boring. Bahay lang walang ginagawa.
Pagkasabado ay lumabas nga kami ni miggy. Mommy was smiling when Miggy came to collect me.
Sa mall lang kami pumunta. Mag movie nalang kami after kumain.
This is not a date. It's a bonding experience between two friends.
"Anong gusto mo kainin?"
May nakita akong pares kanina sa labas ng mall, natakam ako. Kaya lang baka hindi magustuhan ni miggy. Last time I remembered, he doesn't like street food because he always thinks it's unsanitary.
Ganoon din naman ako before but since naging magkaibigan kami ni carmela. Naturuan niya ako sumuri ng mga vendor. Syempre piliin ko naman daw ang bibilhan ko. Besides, street food is the best!
"Kahit ano. Ikaw bahala."
Natawa siya na pinagtaka ko.
"Di ka parin nagbabago."
Nag-init agad ang ulo ko sa sinabi niya. No, miggy. Something about me has changed since you left me.
"Actually gusto ko ng pares."
"Pares?"
"Oo, sa labas."
Kumunot ang noo nito. "You don't eat that food, angel."
"I do now."
"But.."
"See? Sabi sayo ikaw na bahala e"
"S-sige, let's eat that."
Dama ko ang pagdadalawang isip niya habang naglalakad kami palabas ng mall. Mabagal ang bawat hakbang nito. Lihim nalang akong natatawa sa pagka-ilang niya.
"Kuya dalawang overload na pares "
pasimple akong natawa dahil mukhang nandiri si miggy sa pares. Meron iyon laman loob.
"H-how... Why... Since when?"
"Hindi ganito ang pares sa dorm pero isa ito sa bumubay sa amin magkakasama. Buti nga naligaw si kuya dito, sa batangas lang ako nakakain ng ganito pares."
"Sino kasama mo?"
"Sino pa ba? edi sila!"
Tinitignan si miggy noong ibang kumakain. Hindi dahil naka longslevee at slacks, kundi nakataas ang ring finger at pinky finger nito sa kutsara.
Ang hirap niya panuorin kumain.
"Did you pass the board?"
I opened the topic dahil mukhang ang nais ng Lord mag board exam ako. Bigla ko siya naalala tanungin.
"I shift to business course."
Nilagay niya sa mangkok ko ang mga laman loob. Ubos na kasi ang akin.
"You wanted to be an architect. Pwede mo naman hawakan ang business niyo kahit architect ka na 'di ba?"
Iyon ang pagkakaalam mo na usapan nila ng daddy niya.
"It's much better kapag napag-aralan mo talaga."
His sad smile saddens me. I know his eagerness to draw a building that can mesmerize its viewers. We grew up with that fascination. He loves to create such a magnificent building.
"Did you learn to like your course?" tanong niya.
"Yeah."
Naawa na ako kay miggy kaya inaya ko siya na kumain sa fast food. Normally nakaka 2 cups ako ng rice sa pares pero ang sakit talaga sa mata tignan ni miggy habang nasubo.
Nag take out na din kami ng pagkain para sa movie. I choose a romance movie, he didn't seem to like it.
Somehow it gives me satisfaction every time he is annoyed. But then, ayuko naman maging selfish na ako lagi nasusunod. Na guilty ako ng mabilis.
"Bye" simple kong sabi bago bumaba ng sasakyan niya.
Hinatid niya ako after namin manuod ng sine. Tahimik lang ako habang nasa byahe kahit panay siya kwento.
"Angel"
Lumingon ako.
"Can we bond again next week?"
Pinanliitan ko siya ng mata.
"As a friend, of course."
Tumango lang ako at pumasok na ako sa loob.
The next day, sinabi ko kay mommy na mag board exam ako. Laking tuwa niya dahil iyon daw talaga ang gusto niya para sa akin.
Si kezia ang naghanap ng bahay na titirhan namin habang nasa review. Stable naman ang income ni mommy ngayon kaya hindi ko prinoblema ang pambayad.
every saturday nagkikita kami ni miggy. Like always sa mall and movie.
"Can I meet them?"
"No" mabilis kong sagot bago sumubo ulit ng nachos.
"Why?"
"It's awkward"
"Dahil awkward ka sa akin?"
"Kailan ako naging awkward sa iyo?"
"No but.. I feel like.. ang layo-layo mo na"
I stopped eating. annoyed again at his last sentence.
"You want us to be friends. We are. You want us to go out. We did. Ano pa ba?"
"You're only doing this so I won't press charges against your kuya."
Hindi ako nakaimik.
"Hindi na maga ang mukha ko. Wala rin akong record, wala akong evidence . You can stop pretending to me."
"I honor my words. May isang salita ako."
"Can I visit you habang nasa nag review?"
"No. I'll be destructed."
"Can I text you?"
"Bahala ka, pero baka hindi ako maka reply."
"That's fine."
"Can I give you gifts? Deliver to your dorm? "
"Why would you do that? Magkaibigan lang tayo"
"For support. It's my way of support."
I guess that's fine.
Naging masunurin naman si miggy sa usapan namin. He always text me pero hindi siya nangungulit. Nagpapadala siya ng pagkain, pero never siyang pumunta sa dorm.
Miggy:
3 months lang naman iyan 'di ba? Can we bond again after your exam?"
To miggy:
Sige.
Ganoon lang ka simple ang exchange namin ng message. I make it short.
Before the day of exam pinadalhan niya ako ng kung ano-anong pagkain na pwede kong dalhin sa exam room.
Kabadong-kabado ako those days na nag exam kami. It's the most curial 2 days examination of my life.
After a very long review magkakaalaman na ano ang magiging kapalaran ng pinaghirapan namin.
Nasa mall kaming apat ng lumabas ang result. Naka-upo kami sa food court at nag milk tea. Nanginginig ang kamay ko habang nag scroll sa page.
Napatayo si regine at kezia. Magkasabay silang sumisigaw. Pumasa ang dalawa. Halos maiyak-iyak ako sa kaba, kasabay pa na medyo naduduling ako sa screen kakahanap ng pangalan ko.
Naluha ako ng mabasa ang pangalan ko. Pumasa ako! Pumasa ako!
Ready na akong sumigaw sa tuwa. Wala kaming pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga dumadaan.
Pero bago pa ako maghihihiyaw sa tuwa nawala ang ngiti ko.
Tahimik na umiiyak si carmela habang paulit-ulit na nag scroll sa page.
Nagkatinginan kaming tatlo. Maging sila ay nawala na ang saya sa mukha. Biglang naglaho.
Nag scroll din ako ulit sa list of passers. Letter A... Abades... Wala.
"Congratulations guys. Engineer na kayo."
Nakangiti sa amin si carmela pero masagana ang agos ng luha niya.
I don't know what to do for a moment. She always comforts me but I don't know how to comfort her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top