ENTRY#36

Nakatulala ako sa emergency room habang ginagamot ng doctor si miggy. Mukha siyang pinapak ng bubuyog sa pamamaga ng mukha niya.

Kung hindi dumating si mommy ay baka mas malala ang nagawa ni kuya. Sa sobrang takot ko kanina ay hindi ako halos makagalaw. Si mommy din ang tumawag ng ambulansya at ako ang pinasama niya habang pinapagalitan niya ang kuya ko.

Wala padin malay si miggy at nakatulala parin ako. Hindi niya talaga sinalag ng kahit isang beses ang suntok ni kuya. 

Naawa ako sa mukha niya ngayon. putok ang labi at malaki ang hiwa sa gilid ng mata sanhi ng singsing na suot ng kuya ko.

After linisan ang sugat niya binigyan ako ng reseta. Antibiotics at pain killer. Hintayin nalang daw namin magising si miggy at obserbahan kung kailangan pa ma-scan ang ulo niya. Sabi ng nurse, mukha naman external lang pero hintayin parin daw namin magising.

"why are you crying?"

"miggy!"

Lumapit ako para masiguro na gising na talaga siya. Medyo sumingkit kasi ang mukha niya. 

Gising na talaga siya! tatawag sana ako ng nurse pero hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

"why are you crying?" 

I touch my face. I am crying. since when? I didn't notice it.

"are you worried"

Suminghot ako at pinunasan ang pisngi ko, "no."

After some final checks, they said he was fine to go. Tahimik at nakayuko kami pareho habang nasa byahe.

Dahil wala siyang dalang sasakyan ay nag jeep kami. Pinagtitinginan kami ng mga kasabay namin.

"Ate binugbog mo boyfriend mo?"

Mabilis akong umiling sa bata. Sinaway siya ng kasama niya na sa tingin ko ay kuya niya.

Kada may sasakay ay parang nagdadalawang isip kapag napapatingin kay miggy. Nasa pinakadulo kasi kami nakaupo kaya si miggy unang nalilingon.

Sobrang awkward habang naglalakad kami sa subdivision nila. Iba na ang mga guards, hindi na iyong mga naging close ko.

"Nakakahiya naman. Hinatid mo pa ako pauwi."

Binuksan ni miggy ng malaki ang gate ng bahay.

"Kesa pauwiin kita mag-isa ng ganyan ang itsura."

Nakatayo lang siya sa gilid ng gate. Naghihintay.

"Pumasok ka muna."

I get feeling uneasy every time I look at the house. Nilingon ko ang gutter kung saan palagi akong nakaupo noon.

What a sad view.

Umatras ako. Humakbang si miggy palapit sa akin pero umiling ako at umatras ulit.

Matagal ko ng tanggap na hindi na ako ulit makakapasok sa bahay na ito. Binitiwan ko na lahat ng emosyon ko noon. Ayukong pulutin ang mga emosyon na iyon kung saan ko iniwan. I'm done.

"Uuwi na ako."

"Ihahatid na kita"

"No need. Tsaka kailangan mo kumain para makainom ng gamot. Magpa-deliver ka nalang"

Tumalikod na ako. Katulad ng ilang ulit ko ng ginagawa noon. Pamilyar ang bawat hakbang na ito pero hindi tulad dati na lilingon pa ako pabalik.

This time diretso lang ang lakad ko.

Dumating ako sa bahay na patay na ang nga ilaw. Hindi ko pa nakakausap si kuya sana hindi pa siya umalis.

Mukhang tulog na si mommy. Pasado alas onse nadin kasi ng gabi at sigurado na pagod din siya.

Pinakinggan ko kung bukas ba ang aircon ng kwarto ni kuya. Kahit hindi siya umuuwi dito ay may nilaan padin kwarto si mommy sa kanya.

"Gising pa ako"

Binuksan ko ang pinto. Lamp shade lang ang ilaw ng kwarto niya. Naka higa siya sa kama at naka patong ang braso sa mata.

"Kamusta si miggy?"

Lumalit ako at umupo sa gilid ng kama. Huli kaming nagkita ni kuya ay 4th year pa ako. Busy siya sa pag review para sa Bar examination. Palagi silang nag-aaway ni daddy ngayon kaya mainitin ang ulo niya.

He failed twice and now trying for third time. I know mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon.

Our dad has a high expectations on him. I never realized that until I left home, he was the one expected to take the same path as his.

I know madami siyang iniisip. Alam ko nababaliw na siya sa pressure na ito na ang last chance niya. If hindi pa siya pumasa back to zero ulit ang laban niya. From the start ulit. 

"Okay naman siya."

"Will he press charges?"

Hindi ko naisip ang bagay na iyon.

"Hindi ko alam. Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Hindi ka naman bayolenteng tao, kuya."

"His mistress is pregnant"

Hindi ako nag react. Nilingon ko ang bukas na pinto ng kwarto. I hope Mom is really asleep.

"He wants to see you. That's why pinapunta niya ako dito para alamin kung kailan ka free."

"Anak pa pala niya ako?"

We both sarcastically laugh.

"Maybe he thinks I'm a failure, so he's shifting to her youngest child."

"Kuya, your not a failure."

"I can't passed the bar bunso. Nagkasagutan lang kami ng konti ni daddy kanina bago ako pumunta dito. When I saw miggy lalong nag-init ang ulo ko. Naalala ko ang ginawa niya sa'yo"

"I will talk to him about not pressing charges."

"You don't have to do that. You have your own problems to handle."

I hold his hand. Tinanggal niya ang braso na nakatakip sa mata. I already know why he's hiding his eyes.

He's silently crying.

Even if hindi na kami laging nag-usap I still salute him as my brother. Sinalo niya lahat para may laya akong magawa ang gusto ko.

He was also suffocated in our house he mentioned that before that's why nag dorm siya.

But he still continues to live there with our father and his mistress, so he's funded. So whatever I want, he can give me.

The pressure might be to much this time.

"Naalala mo ba anong laging sinasabi ni lola before siya pagbawalan ni daddy pumunta sa bahay?"

Our lola in my mom's side always nags dads. That's why lagi silang nag-aaway. Siya ang may tanim na gulay sa tabi ng kwarto ko, namatay nalang ang mga halaman niya dahil hindi na siya bumalik sa bahay.

"Dalawa lang kayong magkapatid. Alagaan niyo ang isa't isa" I reminded him.

"He's an asshole, you know. He suddenly left you, and now he's back. Anong gusto niya? Makipagbalikan sa'yo?"

"Gusto lang niya makipag-usap."

Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ni miggy. Maybe he's guilty of what he did.

"Babalikan mo?"

"No!" Mabilis kong tanggi.

"Asus! E bakit wala kang sinagot sa mga nanligaw sa'yo dati? May classmate pa ako noon na pumoporma sa iyo!"

"Busy ako. Study first."

"Iyan din sinabi ng nililigawan ko noon. Iyon pala mahal pa ex niya."

"Kuya!"

At least he stop crying now dahil inaasar niya ako.

Kinabukasan, sabay-sabay kaming nag almusal. Pinapagalitan parin ni mommy si kuya.

"Ano bang pumasok sa isip mo! Di ka na naawa sa tao."

"Mom, ikaw ba di naawa kay angela? Biglang iniwanan ng lalaking iyon ang bunso mo tas papatuluyin mo pa dito?"

Natahimik si mommy. Sumusubo lang ako ng itlog habang nag-usap sila.

"Anyway, dad wants to see you."

"Buntis ang kabit niya" bigay balita ko kay mommy.

"Okay. Buhay nila iyon."

Ang pinagtataka ko lang. If he doesn't love her anymore bakit hindi pa sila nag file ng annulment?

"Mom."

"Yes bunso?"

"Penge akong number ni miggy"

Halos mabali ang leeg ni kuya sa biglang lingon sa akin. Kahit si mommy ay natulala.

What? I have a purpose.

"I need to speak to him."

"Bakit need mo ng number ? Lagi naman iyon nasulpot dito."

"Because..."

Because?

"Kailangan nga daw makausap." Ngumiti si mommy.

Inabot niya ang cellphone niya at nasa screen na agad ang number ni miggy.

Ang laki ng mata ni kuya habang tinitignan kami. "Shipper ka nila mommy?"

Nag text agad ako ng 'can we talk' bago pa ako mawalan ng lakas ng loob. I press send without thinking.

Hindi ako umalis ng bahay. Humapon nalang pero wala padin reply si miggy.

Is he mad? Will he really press charges?

I decided na pumunta nalang sa kanila. At first nagdalawang isip ako but like I said. Gagawin ko na ngayon bago pa mawala ang lakas ng loob ko.

Nag door bell ako agad pero walang sumasagot. Walang tao? Umalis siya? Saan naman siya pupunta e mukha siyang naputakte ng bubuyog?

"Tao po!"

Bukas ilaw niya sa sala. Kinapa ko ang gate at wala iyon lock.

Omg! Hindi kaya napasok ng magnanakaw si miggy!? Katulad ng mga napapanuod ko sa t.v! Baka gising siya at naabutan niya tapos may weapon yung magnanakaw at napahamak siya!

Pumasok ako agad. Nilibot ko ang tingin sa buong bahay. Mukha wala naman nawawala.

Umakyat ako sa kwarto niya matapos kunin ang isang vase sa ibaba. For safety reason lang.

Inikot ko ang door knob at hindi iyon naka-lock! Palagi nag lock si miggy ng pinto!

Binuksan ko lang kaunti ang pinto at bigla kong sinipa. Para kung may tao man sa loob ay magulat.

At nagulat nga... si miggy. May yakap pa itong unan na biglang napa-upo sa kamay. Medyo singkit parin ang mata.

"Angel?"

Bigla akong nahiya. Nasobrahan ata ako ng mga psychological, mystery and murder theme na kdrama.

"Bakit ka may dalang vase?"

Humiga siya ulit at halatang antok pa.

Tumikhim ako at binaba ang vase sa unang patungan na nakita. Lumapit ako sa tabi ng kama niya para kalabitin siya.

"Tulog ka pa?"

"After ko uminom ng gamot, inantok ako."

I don't know, but I sigh with relief. He's not ignoring me. He's just sleepy.

"Will you press charges?" 

"Masyado ka namang straight forward. Di mo ba ako tatanungin kung anong masakit?"

"Nakainom ka na ng gamot"

Bumangon siya at nagsuot ng tsinelas.

"Saan ka pupunta?"

"Mag cr, sama ka?"

Hindi ko na siya sinundan. Umupo ako sa kama at hinintay siya. Hindi naman siya nagtagal. Nakatitig ito sa akin paglabas.

"Will you press charges?" tanong ko agad dahil iyon naman ang pinunta ko dito.

"Do you remember the last time we were here, in my room?"

"I don't want to remember."

But I do remember. clearly.

"I remember it every single time"

"Don't!" banta ko.

"Why not? It's a pleasant memory. Then I remembered I didn't use a protection."

"I.said.don't. remembered.it!"

He's being playful. Hindi ko alam bakit nagbago ang pakikitungo niya kesa noon nakaraan.

I don't like this version of him.

"Nothing happened to you after that?"

"Oh something happened to me!"

Mabilis na nagbago ang mapaglaro niyang ngiti.

"I mourned."

Sumeryoso ang mukha nito.

"Naalala mo bakit?"

"Angel."

"Will you press charges?"

"Actually hindi ko naisip iyon but since you mention... "

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Kinilabutan ako sa tingin niya. May halong malisya. Gustuhin ko man tumakbo ay hindi ko magawa.

Nanigas ako sa kaba ng nakatayo na siya sa harap ko. Nakatingala ako at nakatitig sa mukha niya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Masyadp siyang malapit halos nakadikit na sa akin.

"I won't press charges in one condition "

"A-and w-what is that?"

Gusto niya makipagbalikan? Napalunok ako.

"Let's be friends."

I'm actually disappointed about that, maybe because it's not my expectation.

"Let's start being friends again."

"That's it?"

Ngumiti na naman siya. Masyado na siyang nagiging masaya. If that's what it takes, then so be it.

"Fine, friends."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top